CHAPTER 36

1823 Words
Nauna nang lumabas ng opisina si Leo sinundan naman siya ni Trina na masama ang loob. May mga sinasabi pa ito kay Leo ngunit hindi pinakikinggan ng una. Ngayon ko naiisip kung ano nga ba ang nangyari sa loob ng limang taon? Anong ibig sabihin ng aking mga narinig kanina? "Tigilan mo na ang paninisi mo sa iba! Kahit nandito pa ang annullment papers na 'yon hindi ko pipirmahan 'yon!" "At tama na rin ang paggawa mo ng kung ano anong kwento! Tama ng pinaniwala n'yo ako noon!" Akala ko ba ay mahal na mahal n'ya si Trina? Nagawa nga niya kaming iwan noon para sa babaeng 'yon. Bakit ngayon iyon ang naririnig ko sa mga bibig niya? "Hindi ko pipirmahan 'yon!" "Hindi ko pipirmahan 'yon!" Mga salitang paulit ulit na nagsusumigaw sa aking isipan. Ano ang ibig niyang sabihin? Ano nga ba talaga ang nangyari sa kanila noon? "Anak," Napatingin ako kay mama nang marahan niyang haplusin ang braso ko. Sa lalim ng iniisip ko nakalimutan kong narito pa pala ako sa opisina ni papa. "I am really sorry for what I did, Cindy. Nagkakagulo na naman kayo at dahil sa ginawa ko iyon noon. Dahil sa pakikialam ko," umiiyak na paliwanag ni mama. Niyakap ni papa si mama para patahanin. "Pwede pa namang ituwid ang mga pagkakamali hindi ba?" alo pa niya dito. "Ano pong ibig n'yong sabihin, papa?" nalilitong tanong ko. "Anak, kasal pa rin kayo ni Leo," ani papa. "Iba na po ang sitwasyon ngayon papa. May mga isip na po ang mga bata at tiyak na masasaktan sila," turan ko. "Wala rin po akong balak na habulin si Leo. Hayaan n'yo na po sila ni Trina na magpakasal, sila naman po talaga ang nagmamahalan," dagdag ko pa. "Pero-" "Papa," awat ko sa mga sasabihin pa niya. "Masaya na po ako sa buhay na meron ako ngayon. Ayaw kong gawin sa pamilya ni Trina ang ginawa n'ya sa pamilya ko noon. Hindi naman po isang bagay si Leo na pwedeng pagpasa pasahan. Hayaan na po natin sila, pwede po ba 'yon?" Imbes na dumiretso sa kwarto paglabas ko ng opisina ni papa ay nagtungo na lang muna ako sa pool side para magpahangin. Gusto kong lumanghap ng sariwang hangin para kahit paano ay gumaan ang dibdib ko. "Bakit nandito ka pa sa labas? Gabi na, ah." Napalingon ako kay Leo nang magsalita ito. Naglakad siya palapit sa akin, may hawak siyang baso ng alak. "Akala ko umuwi na kayo," sabi ko at umayos sa pagkakatayo. "Umuwi na si Trina. Ayaw umuwi ni Lianne kaya dito na muna kami matutulog ngayong gabi," aniya saka sumimsim sa basong hawak. "Baka awayin na naman ako ng asawa mo n'yan. Baka mapagbintangan na naman akong mang aagaw," napapabuntong hiningang sabi ko. "Asawa? Ikaw pa rin naman ang asawa ko," sagot niyang nakipagsukatan pa ng tingin sa akin. "Sa mata ng mga tao si Trina na ang asawa mo-" "Pero sa mata ng Diyos ikaw pa rin. Kaya rin nagpaiwan ako dito dahil gusto kitang kausapin. Gusto kong pag usapan ang mga nangyari noon." "Para saan pa? Tapos na 'yon," saad ko. "Alam kong galit ka sa akin Cindy. Maraming nangyari na hindi mo alam-" "Malinaw naman sa akin ang lahat, Leo. Mahal mo s'ya kaya iniwan mo kami!" may hinanakit na wika ko. "Iyon ba talaga ang pinaniniwalaan mo hanggang ngayon? Na mahal ko pa rin s'ya? Naipit ako ng mga sitwasyon noon, Cindy. Hindi ko kayang makitang nasasaktan ka kaya ayaw kong sabihin sa 'yo ang totoo." "Pero sinaktan mo na 'ko! Durog na durog na ako noon! Dinurog mo pa ako ng pinung pino! Ano pa ba ang dapat kong malaman? Sabihin mo na para matapos na ang kung anong meron sa atin!" "Mahal pa rin kita!" biglang sabi niya. "Naririnig mo ba 'ko! Ikaw pa rin ang mahal ko!" sigaw niya. Saglit akong natigilan ngunit agad ring natawa sa aking narinig. "Mahal? Kung mahal mo ako hindi mo sana ako sinaktan ng gano'n, Leo!" "May sakit si Trina, Cindy! May taning na ang buhay n'ya at ng mga panahong 'yon ako lang ang masasandalan n'ya." "Bakit ikaw? Bakit hindi sina mama at papa ang nilapitan n'ya?" Hindi nakasagot si Leo sa tanong kong iyon. "Ang sabihin mo ginusto mo rin s'yang makasama dahil mas mahal mo s'ya kaysa sa akin! Kaysa sa amin!" "Oo! Aaminin ko! Akala ko mahal ko pa s'ya! Pero nagkamali ako. Inamin ko sa kanyang ikaw talaga ang mahal ko. Nakiusap s'ya sa akin-" "Pwede ba, Leo! Tama na ang kasinungalingan mo! Ilang kasinungalingan pa ba ang sasabihin mo?!" "Hindi ako nagsisinungaling! Huli na rin ng malaman ko na wala talaga siyang sakit! Na ginawa n'ya lang 'yon para bumalik ako sa kanya!" Iyon ba ang kasinungalingang isinumbat ni Leo kay Trina kanina? Ganoon talaga ka-desperada ang babaeng 'yon para makuha lang ulit si Leo. "Pwes tanga ka!" sigaw ko sa kanya. Tanga s'ya dahil nagpauto s'ya! Tanga s'ya dahil nagpa-bulag s'ya! "Tanga na kung tanga! At pinagsisihan ko na ang katangahang iyon!" "Nakita ng dalawang mata ko na magkatabi kayo sa iisang kama noon! May anak kayo! Magsisinungaling ka pa ba kahit may ebidensya na?!" "Isang beses lang may nangyari sa amin at lasing ako. Pero pinagsisihan ko 'yon ng sobra sobra, Cindy. Wala akong balak na iwan ka pero naging suicidal si Trina nang makapanganak s'ya. Gustung gusto kong bumalik sa 'yo pero itinulak mo ako palayo! Mas pinili mong iwan ako! Hinanap kita, pero wala ka na. Wala na kayo ni Charity." "Ano bang sinasabi mo?" kunut noong tanong ko. "Hinanap? Talaga ba, Leo?!" Gusto ko ulit matawa sa mga sinasabi niya. "Hinintay kita! Ikaw ang hindi bumalik! Ikaw ang nang iwan!" Garalgal na ang boses na sumbat ko sa kanya. Hindi ko mapigilang hindi umiyak sa tuwing maaalala ko ang mga nangyari noon sa amin ni Charity. Sariwa pa rin iyon sa isipan ko hanggang ngayon. "Bumalik ako, Cindy! Binalikan ko kayo pero wala! Wala na kayo," nanghihinang ani Leo. "May iniwan kang sulat sa akin noon. Ipinagpalit mo ako sa pera, Cindy. Marami akong naging pagkakamali sa 'yo noon pero kaya kong itama lahat ng 'yon kung binigyan mo lang ako ng pagkakataon. Limang milyon, Cindy! Iyon lang ba ang halaga ko sa 'yo?" Kinurot ang puso ko nang makita kong umiyak si Leo sa harapan ko. Kitang kita ko sa mga mata niya ang sakit. "Hindi ako makapaniwalang limang milyon lang pala ako sa 'yo! Mas pinili mo ang pera kaysa sa akin! Hindi mo lang alam kung gaano ko ka-gustong bigyan ka ng buhay na masaya. Lagi kong sinasabi sa 'yo na ayaw kong maranasan ng mga magiging anak natin ang buhay na wala ang isang parte ng pamilya. Kaya nga lumayo tayo 'di ba? Nangako ako sa 'yo na hindi ko sasayangin ang second chance na ibinigay mo!" "At ikaw mismo ang sumayang no'n!" "Rason ba 'yon para iwan mo 'ko ng walang paalam?! Kaya kitang ipaglaban pero ang dali mo akong sinukuan!" "Kung ipinagpalit man kita sa pera para 'yon sa buhay at kaligtasan ng anak ko! Akala mo ba madali sa akin na magdesisyon! Nasa bingit ng kamatayan ang buhay ng anak ko. Wala akong makapitan! Dahil ang taong inaasahan ko wala sa tabi ko! Nasaan s'ya? Kasama lang naman ang babaeng mahal n'ya!" nanggigigil na saad ko sa kanya. "Kung hindi ko tinanggap ang perang 'yon wala na rin sana akong anak ngayon!" luhaang sumbat ko sa kanya. "At isa pa wala akong alam sa sulat na sinasabi mo!" Natigilan si Leo at napatingin sa akin. "Pero sa 'yo galing ang sulat na 'yon. Iniwan mo raw iyon para sa akin sabi ng gwardya noon," giit niya. "At naniwala ka naman?! Sabi mo nga nagsinungaling si Trina sa 'yo tungkol sa sakit n'ya. Bakit kaya hindi mo rin s'ya tanungin sa sulat na sinasabi mo! Baka galing rin 'yon sa kanya!" Kitang kita ko ang pagtatagis ng mga bagang ni Leo. Parang ngayon lang niya napagtanto na si Trina na naman ang may kagagawan noon. "Sabagay, kahit gawin mo 'yon hindi mo na maibabalik pa ang panahon. Nangyari na ang lahat at wala ka ng magagawa pa-" "Meron!" Putol niya sa akin. "Itatama ko ang mga maling nangyari noon. Itatama ko ang mga maling nagawa ko," diterminadong turan niya sa akin. "Paano? Sige nga!" mapanghamong tanong ko. "Iiwanan mo si Trina? Babalikan mo ako? Akala mo gano'n kadali 'yon, ha, Leo?!" Hindi siya nakasagot. "Hindi kita tatanggapin kahit bumalik ka pa! Ayaw kong matulad kay Cherry at kay Charity si Lianne. Hindi ko man gusto si Trina, ayaw ko pa ring maranasan n'ya ang naranasan ko noon nang iwan mo ako ng walang paalam. Ayaw kong maranasan n'ya ang hirap ng mag isa. 'Yong pakiramdam na mahal mo pa pero may iba na! 'Yong alam mong kayang kaya mong ipaglaban pero bumibitaw na dahil hindi na ikaw 'yong mahal!" "Pero mahal kita! Minahal kita, Cindy! Naging gago ako sa parte na nagpadala ako sa pagpapaawa n'ya. Pero na-realized ko pa rin na ikaw! Ikaw 'yong nandito!" Sabay turo niya sa kanyang dibdib. "Pero huli na," umiiyak na ani ko. "Ilaan mo na lang 'yang pagmamahal mo sa pamilyang meron ka ngayon. Sinabi ko na kay papa na gusto ko ng annullment para maging malaya ka na. Pinirmahan ko iyon noon na napipilitan, pero ngayon hindi na. Buong loob kong pipirmahan ulit ang papel na 'yon para sa ikatatahimik ng mga buhay nating lahat. 'Wag kang mag alala tungkol kay Charity, ikaw pa rin naman ang kikilalaning ama n'ya. Bigyan mo lang ako ng panahon para mas maipaliwanag sa kanya ang lahat. Hindi ko s'ya ipagdadamot sa 'yo," paliwanag ko. "May iba na ba?" punung puno ng sakit ang naging tanong niya. "Naranasan ko ng masaktan. Naranasan ko ng maiwan. Kukuha pa ba ako ng batong ipupukpok ko sa ulo ko?" "Kung gano'n bigyan mo ulit ako ng pagkakataon." "Masaya na ako, Leo. Alagaan mo na lang ang pamilya mo. Hahayaan kitang pumasok ulit sa buhay ko hindi para sa chance na hinihingi mo kundi para kay Charity. At hindi na tayo kagaya ng dati, may mga bata ng involve ngayon. Malalaki na sila, tingnan mo na lang ang nangyari kanina. Ituon mo na lang ang oras at pagmamahal mo sa bago mong pamilya." Pagkatapos kong sabihin iyon ay iniwan ko na siya, hindi ko kayang makita siyang nasasaktan. Habang palayo ako nang palayo ay wala ring patid ang pag agos ng mga luha ko. Masakit... Iyon ang nararamdaman ko ngayon. Dahil kahit paulit ulit ko mang itanggi sa isipan ko, nagsusumigaw naman ang puso ko na siya pa rin. Wala akong ibang minahal ng gano'n kundi siya lang. Inubos ko lahat sa kanya ang pagmamahal ko na kahit sarili ko ay hindi ko tinirahan. Sinasabi ng mga labi ko na pinapalaya ko na s'ya ngunit taliwas ang nararamdaman ng puso ko. Ang sakit! Sobrang sakit!

Read on the App

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD