"I finally met you!" sarkastiko nitong turan at parang nag-uuyam ang kaniyang boses.
Hindi alam ni Priya kung bakit umaakto ito ng kakaiba sa kaniya.
Talagang kinain ni si Alken ng galit at poot. Wala na siyang ibang iniisip kundi ang pahirapan si Priya gaya ng hirap na nararamdaman niya.
Gusto niya na makapag higanti ng sa ganoon ay kahit papaano ay mabawasan man lang ang bigat at pait na nararamdaman niya sa kaniyang puso.
Alam niya sa sarili niya na hindi niya ito ikakaligaya pero at least sa isip niya ay dalawa silang nagdurusa.
Kung gaano man siya ka miserable sa buhay niya ngayon ay mas gusto niya pang higitan ang pagpapahirap niya sa dalaga ng maramdaman nito kung ano ang nararamdaman niya.
Wala siyang pakialam kahit sabihin sa kaniya ng buong mundo na siya ay walang awa at walang puso.
Matagal na siyang wala no'n. At hindi importante sa kaniya kung ano ang sasabihin ng iba.
Kahit sabihin sa kaniya ng mga tao na siya ay makasarili pero hindi pa rin siya maapektuhan. Ganoon siya katigas.
Para kay Alken ay nagmahal lamang siya at iyon ang dahilan kung bakit siya ngayon nagkakaganito.
Maging siya ay hindi na rin maintindihan ang kaniyang sarili.
Hindi na nito magawang purihin ang magagandang mga bagay na nangyayari sa buhay niya.
At iyon ay dahil kay Priya, sinisisi niya lahat sa babaeng kaharap niya ngayon ang kasalanan ng pagkawala ng asawa niya.
Sa tuwing tinitingnan niya ang mukha nito ay kumukulo ang dugo niya sa galit.
Dahil ang babaeng pinaka-importanteng tao sa niya ay nawala dahil sa kagagawan ng babaeng nasa harap niya ngayon.
Ang babaeng tanging nagparamdam sa kaniya ng kaligayahan at pagpapahalaga ay tuluyan ng nawala.
Kahit matagal ng patay ang asawa niya ay hindi niya pa rin magawang kalimutan at bitawan ito sa kasalukuyan.
Ang asawa niya lang ang kinakapitan niya sa lahat ng mga nararanasan niyang pagsubok pero pati iyon ay nawala rin sa kaniya.
Umabot na rin siya sa punto na gusto na niyang paniwalaan ang sarili na siya ay may sumpa dahil sa daming kamalasan na naranasan niya sa buhay.
Magaling lamang siya at swerte sa larangan ng negosyo pero bukod doon ay wala ng iba.
Ayaw niyang tanggapin at hindi niya matanggap sa sarili hanggang ngayon na wala na ang asawa niya.
Ang akala lang ng iba na siya ay nakaraos na sa guni-guni na naranasan niya sa buhay.
Pero nagkamali ang mga ito dahil kahit na matigas siyang tingnan sa panlabas niyang anyo, pagdating naman sa asawa niya ay para siyang pusong mamon.
Alam niya sa sarili niya na hindi niya talaga kaya. Pero napipilitan siyang kayanin dahil wala na siyang magawa at mapagpipilian pa.
Sa tuwing naaalala niya ang mga magagandang alaala nila ng asawa niya ay bigla na lang siyang naluluha imbes na maging masaya.
Biglaan ang kanyang pagkamatay at hindi nito akalain na roon na matatapos ang pagsasama nilang dalawa.
"It took me a long time to convince myself to let you go. But now that I have you in my own hands, I can't just let you go!" dagdag nitong wika na siyang ikinakunot ng noo ni Priya. "Inisip ko dati na wala naman akong mapapala sa 'yo. Pero ngayon meron na! Hindi ako papayag na ako lang ang nagdurusa… Priya Mill," patuloy nitong sabi at sinadya pang idiin ang pagkakabigkas ng pangalan niya.
Kinabahan ng husto si Priya dahil parang kusa na lang sumagi sa isip niya ang na ang lalaking kaharap niya ay ang kinamumuhian siya.
Nagkaroon na kaagad siya ng clue kahit man ito nagpapakilala.
Unti-unti na niyang naiintindihan ngayon kung bakit ito nagkakaganito.
Sa umpisa ay parang nahihiwagaan si Priya sa binata.
Ayaw nitong magpakilala na para bang gusto na lang siya nitong gulatin na isang rebelasy.
Puwis ngayon ay nagwagi ang binata dahil nagulat nga siya ng husto.
Mayaman ito at gaya nga nang sinabi sa kaniya ngayon ng binata ay wala itong mapapala sa kaniya.
Ngunit pinagdugtong-dugtong ni Priya ngayon ang lahat ng mga iniisip niya na kakaiba sa mga kinikilos ng binata at ang pagdala nito sa bahay niya.
Iyon ang unang araw na na nakalaya siya sa kulungan.
Ang tagal niyang nakulong at pagkatapos ay makukulong din pala siya ulit.
Sobrang nanlaki na lang ang mga mata niya sa gulat at napatabon ito sa kaniyang bibig gamit ang kaliwa nitong kamay.
Hindi niya alam kung ano ang itsura niya ngayon. Hindi niya alam kung ano'ng reaksyon niya ngayon ang ipapakita niya sa binata.
Naghalu-halo na ang lahat ng nararamdaman niya ngayon na parang hindi na maintindihan ang sarili.
Nawalan na siya ng kumpiyansa dahil ang lahat ng iyon ay tinangay na sa kaniya ng binata at ang tanging sigurado lang siya ngayon ay ang nararamdaman niyang kaba at takot.
"Ibig mo bang sabihin… ikaw si—" hindi makapaniwala niyang tanong at hindi rin nito magawang banggitin ang pangalan ng lalaking bumihag ngayon sa kaniya.
Takot na takot siya na baka patayin siya nito ng wala pa siyang ano mang nagagawang hakbang upang linisin ang kaniyang pangalan.
"Ikaw… ikaw ba si—" paulit-ulit niyang anas habang nanginginig ang mga kamay.
"Alken Fortiche!" putol ng binata sa kaniyang pagsasalita at hindi na pinatapos si Priya.
Pagkatapos nitong magpakilala ay parang matutumba si Priya sa narinig niya na para bang wala siyang kain dahil nahihilo siya sa gutom.
Hindi siya makapaniwala na makakaharap niya ang lalaking ito.
Pinagpapawisan siya ngayon ng malamig dahil ito mismo ang nagpakilala sa kaniya.
Ni minsan ay hindi niya pa ito nakita at hindi rin ito kailanman nagpakilala sa kaniya.
Hindi alam ni Priya kung ano ang nangyayari at bakit bigla na lang itong sumulpot sa buhay niya.
Ngayon ba niya ako paghihigantihan?
Mapait na napangiti si Priya Mill dahil wala naman siyang dapat na ipag-alala.
Nawala na ang lahat sa kaniya, career, kaibigan, at pamilya.
Kaya dapat ay hindi na siya natatakot. Nasa isip niya na tatanggapin na lang niya ang kapalaran niya kung siya ay mamatay sa kamay ng isang Alken Fortiche.
Sa lugar ng Fortiche City si Alken ang batas. Kaya alam niya na wala siyang kawala.
Pagod na magpaliwanag si Priya nang paulit-ulit sa binaga na wala siyang kasalanan.
Pero hindi ito nakinig sa dalaga. Kung sabagay kahit nga ang pamilya niya ay ayaw maniwala sa kaniya.