"Wala talaga akong kasalanan, isang malaking pagkakamali ang binintang sa akin" nanginginig ang boses ni Priya habang nagsasalita.
Hindi niya alam kung ilang beses na niya iyong binigkas.
Gusto niyang ipaalam sa binatang Fortiche na siya ay inosente kahit alam niyang hindi ito naniniwala sa kaniya.
At sa huling pagkakataon gusto niyang kumbinsihin ang binata na malinis siya dahil iyon naman talaga ang totoo.
Pero napa-aray na lamang siya dahil sa higpit ng kapit ng lalaki sa kaniyang braso.
Nasasaktan siya ngunit hindi niya kayang magreklamo.
Kaya tiniis niya ang sakit at sinalubong ang matatalim nitong titig.
Parang kinain siya ng takot dahil sa matapang na mukha ni Alken Fortiche.
Ngayon lamang siya nakakita ng lalaking ganito kagalit sa harap niya.
"Sino ang niloko mo!" galit na sigaw ni Alken kay Priya dahilan upang mapapikit siya ng mga mata niya dahil sa takot at gulat.
Ang lapit-lapit pa ng mukha ni Alken nang sumigaw ito nang malakas.
Nang hindi pa makuntento si Alken ay sinakal kaagad niya ang leeg ni Priya sa galit.
Konting-konti na lang ay malalagutan na ito ng hininga.
Pakiramdam ni Priya ay bumalik siya dati sa nakaraan noong mga panahon na wala siyang magawa kundi hayaan lang ang mga taong saktan siya.
Nagsusumikap siya na matanggal ang kamay ng binata ngunit mas nilakasan pa nito lalo ang pagkakasakal at hindi siya binigyan ng pagkakataon na makahinga.
Sinandal siya ni Alken sa dingding at ang tingin nito sa dalaga ay parang dragon na nanglalamon ng buhay na tao.
"How dare you! There are many witnesses who will prove that you are guilty!" nanggagalaiti na anas ng binata sa dalaga. Bawat kataga ay sinasadya niyang diinan.
Umiling si Priya dahil ayaw niyang aminin na siya ang may kagagawan ng pagkamatay ng asawa nito.
At bawat ilong ng kaniyang ulo ay mas lalo lang na ikinagalit ni Alken.
"Paulit-ulit mong sinubok ang pasensya ko at ngayon naglakas loob ka pa na sabihin sa akin ang mga kasinungalingan mo!" patuloy niyang wika.
Naluluha na ang mga mata ni Priya at naisip niya na walang patutunguhan ang usapan na ito.
Sapagkat nakapikit ang mga mata ni Alken sa katotohanan. Nagbubulag-bulagan ito sa totoong nangyari.
Hindi alam ni Priya kung bakit ngayon lang ito nagpakita at nagparamdam sa kaniya.
At kung bakit ngayon lang ito nag-abalang bigyan siya ng panahon para paghigantihan.
Kapag may nangyari sa kaniyang masama ngayon ay mananatiling lihim at tahimik ang kaniyang kamatayan.
Walang sino man ang maghahanap sa kaniya kahit na ang pamilya niya.
Pero mas gugustuhin na lang nitong mamatay kaysa magdusa.
"Patayin mo na lang ako para matapos na ang lahat ng 'to!" nahihirapan niyang wika dahil sa mahigpit nitong kapit sa leeg ng dalaga.
Ngumisi ito na parang baliw. Isang napakagwapong baliw.
"Tsk, sa tingin mo papatayin kita ngayon ng ganito lang kadali? Ipaparanas ko sa 'yo ang buhay na mas higit pa sa kamatayan!" pagbabanta ng binata kay Priya.
Walang kaalam-alam ang binata na pareho lang naman silang nagdusa.
Pero ang iniisip niya lang ay ang nararamdaman niya.
Para sa kaniya ay kulang pa ang lahat ng dinanas ng dalaga sa kulungan.
Binitawan niya ang dalaga mula sa pagkakasakal at pinagmasdan lang ito na parang asong may ubo.
Hawak ni Priya ang kaniyang lalamunan at pakiramdam niya ang puputok na ang kaniyang vocal cord.
Tumulo ang mga luha sa kaniyang mga mata pero hindi siya humagulgol nang iyak.
Iniwan na lang siya basta-basta ng binata sa silid na iyon at ang pinto ay padabog na sinara.
Pakiramdam ko ay halos masira na ang pintuan sa lakas nang pagkakasara niya.
Sobrang tindi ng galit sa kaniya ni Alken at wala man lang siyang magawa para baguhin ang isip nito.
Buong buhay niya ay hindi niya kailanman naranasan na nagsusumamo siya sa isang tao.
Ngayon lang at parang ang babaw niyang babae at walang halaga dahil walang naniniwala sa kaniya.
Ipinikit niya ang kaniyang mga mata at nagsisimula na siyang isipin ang magiging takbo ng kaniyang buhay.
"How I became like this! How my world turned like this," madamdamin na tanong niya sa kaniyang sarili.
Naging mabait naman siyang anak at wala siyang ginawang masama sa kaniyang kapwa.
Nagpakahirap siya sa lahat ng naabot niya sa buhay at dinoble ang kaniyang pagsisikap para makamit ang lahat na dapat meron sana siya ngayon.
Pero nauwi lamang iyon sa isang malagim na trahedya.
Nawala na ang lahat sa kaniya, ang kaniyang pamilya, ang kaniyang katinuan, ang kaniyang tiwala at pananampalataya sa mga tao na nasa kaniyang paligid, ang kakayahan niyang magmahal ng mga tao, maging ang kaniyang kamusmusan, ang kaniyang masayang pamumuhay at ang kaniyang sarili.
Maging ang sarili niya ay hindi na niya kilala dahil wala na ang dati nitong katapangan, lakas ng loob, tiwala at pananalig sa sarili.
Tinanggal na ng panahon at pangyayaring iyon ang tiwala, pag-asa, at kumpiyansa na meron siya noon.
Sanay si Priya na pinupuri siya mula sa kaniyang ganda hanggang sa kaniyang katalinuhan.
She is almost perfect. Iyan ang madalas niyang naririnig noon sa mga taong nakapaligid sa kaniya.
Pero sa isang kisap mata ay nawala ang lahat ng mga iniingatan niya.
Ang buhay niya na puno ng iba't ibang kulay noon ay bigla na pang naging madilim.
Kahit nakalabas na si Priya ng kulungan ay nakikita niya pa rin ang kadiliman sa kaniyang mga nararanasan.
Maraming beses na siyang binabangungot at parang hinahabol siya ng mga tao sa buong para lang pahirapan.
Ang mundong nagwasak sa kaniya at kaniyang kinabukasan.
Siya ay nag-iisa sa edad na bente otso anyos na dapat sana ay mayroon ng kabiyak sa buhay.
Lahat ng plano na meron siya ay naudlot dahil sa mga pangyayari.
She is innocent and damaged who lost everything.
Kinuha ng malupit na mundo ang lahat sa kaniya at iniwan siyang walang natira kahit pamilya.
There is no one who gives her a shoulder to cry on and ask her if she is okay.
Sobrang lupit ng lahat ng nakapaligid sa kaniya kaya wala na siyang dapat na ikabahala kung ano man ang mawala sa kaniya.
Ang hindi niya lang matiis ay ang sakit na para siyang namamatay araw-araw dahil sa bintang sa kaniya.
Ilang beses ng sumagi sa isip ni Priya na sumuko dahil wala ng magandang nangyari sa buhay niya.
Pero naisip niya na dapat niyang tapangan ang loob niya dahil ngayon pa ba siya susuko sa lahat? Kung kailan ay nakalaya na siya.
Hindi lamang si Alken ang gusto siyang saktan kundi pati ang lahat ng tao sa Fortiche City.
People will try to break her and destroy her but she will try to stand always and be strong than before.