Recovering

1041 Words
IRIS: DAYS PASSED. Mas naging malakas-lakas na ang katawan ko. Nagagawa ko ma ring ilakad ang mga paa ko kapag may suporta akong nahahawakan. Hindi rin naman nagpabaya ang pamilya kong kahit busy sila ay salitan nila akong inaalagaan, inaasikaso, binabantayan. "How do you feel sis?" napangiti ako sa paglalambing ng bunso naming si Shayne..Napayakap ako dito habang nakahiga kami ng kama. "Better sis. Anyway, can I asked you something but please promise me to keep your mouth shut?" aniko na napaangat ng mukha mula sa pagkakaunan sa dibdib nito. Ngumiti itong hinaplos ako sa ulo. "Sure sis, I promise. What is it hmm?" napangiti ako. Dama kong nag-init ang pisngi ko na mapatitig ditong naghihintay sa itatanong ko. "Um, about.... H-Hiro" naiilang saad ko. Napangisi itong naningkit bahagya ang mga matang matiim na nakatitig sa mga mata kong lalong ikinainit ng mukha ko! "Hmm....Hiro. So what about him sis?" tanong nito na nanunudyo ang tono sabay sulyap kay Hiro na nahihimbing sa sofa malapit sa amin. "Who is he? Why are you allowing him to stay here...with me? Do I know him?" napahinga ito ng malalim na hinaplos ako sa pisngi. "You don't remember him right?" "Yeah" tumatango-tangong saad ko. "How about in your heart sis? Do you feel him?" napaisip akong naipilig ang ulo. I admit it. There's something especial to this guy. Hindi ko matukoy kung ano pero, dama ko sa puso kong....malapit siya sa akin. Pero kahit pigain ko na ang lahat ng braincells ko maalala lang ito ng utak ko ay hindi siya mag-exist sa ala-ala ko kahit paulit-ulit kong sinasambit sa isip, ang pangalang Hiro. "Did I answered your question sis?" makahulugang tanong nito na ikinaingos at busangot ko. "Nope" napahagikhik itong muli akong niyakap kaya napaunan akong muli sa dibdib nito. Napasulyap ako sa gawi ni Hiro. He's really cute and a kinda shy type of man..Napakagalang niyang magsalita at kumilos lalo na sa tuwing kaming dalawa na lamang ang naiiwan dito sa room ko. Hindi naman ako naiilang sa kanya. Hindi ko lang alam kung paano ko siya pakitunguhan, kung paano ko siya kausapin, at matanong sa mga bagay-bagay tungkol sa amin. KINABUKASAN AY kaming dalawa na lamang ni Hiro ang naiwan ng hospital. Napakatahimik niya. Pero madalas ay nahuhuli ko siyang nakatitig sa akin. Na tipong tila ang dami-dami niyang gustong sabihin pero nananatili namang tikom ang bibig. Kaya hindi ko rin alam kung paano siya pakikitunguhan. Nahihiya din naman ako sa kanya kaya madalas kapag kaming dalawa na lamang ay ako na ang umaasikaso sa sarili ko. Hindi ako nagpapaasikaso o alalay dito. Hindi rin ako, nakikipagusap dito kahit gusto ko siyang mas makilala pa sana. Abala ako sa panonood online ng kdrama sa Ipad ko nang mapatayo ito mula sa sofa at inilapat ang cellphone sa kanyang tainga. Pasimple ko itong sinusulyapan habang may kausap sa kabilang linya at sinadyang hinaan ang volume ng pinapanood ko para makinig dito. "Marga, nasa syudad pa ako. Matagal-tagal pa bago ako makabalik ng resort" dinig kong saad nito. Hindi ko alam pero para akong kinurot sa puso na marinig na babae ang kausap nito at parang napakalambing sa pandinig ko kung paano siya makipagusap sa babaeng tinawag niyang Marga. Napaismis ako dito na nairapan. Kahit nasa Ipad ang paningin ko ay na kay Hiro naman nakikinig ang tainga ko. Bagay na ikinangingitngit ng loob ko sa hindi ko maipaliwanag na dahilan! "Why am I affected? Am I jealous?" piping tanong ko sa sariling ikinatayo ng mga balahibo ko sa katawan! "No way!" inis kong asik sa sarili. "Salamat tart. Ikaw din, mag-iingat ka dyan" dinig ko pang pamamaalam nito sa kausap bago ibinaba ang aparato. Pagak akong natawa sa isip-isip ko. Naiinis ako na hindi ko maipaliwanag. Gusto ko siyang awayin na hindi ko malaman kung bakit? Kung saan nanggagaling ang inis sa puso ko na malamang may girlfriend na ito at tart pa ang endearment nila tss. Maya pa'y lumapit ito na ikinatutok ko sa pinapanood at nagkunwaring hindi ito napapansin. Naupo ito sa gilid ng kama na matamang akong tinitigan. Naiilang ako kung paano siya tumitig ngayon. "Nagugutom ka ba?" malambing tanong nito. Lihim akong napangiti pero hindi na lamang ako nagkomento. "Labas muna ako, baka may gusto kang ipabili?" muling saad nito pero hindi ako umimik. Kahit tinapunan ng sulyap ito. Naiinis ako sa kanya. Parang gusto ko siyang awayin kung hindi lang ako nahihiya dito. Napahinga ito ng malalim na tila sumusuko. Maya pa'y tumayo na ito at walang imik na lumabas ng silid. Bagsak ang balikat na akala mo nama'y pinagsakluban ng langit sa bigat ng problema tss. Napanguso akong napaismid na lamang dito na lumabas ng silid na 'di manlang ako nilingon. Napahinga ako ng malalim na umidlip na lamang kaysa mainis lang dito. Nagugutom na rin ako pero nawalan na ako ng ganang kumain. Nanamlay ako bigla at parang may kung anong pumipiga sa puso ko sa mga sandaling ito. Dahil lang sa napag-alamang.....may kasintahan na pala ito! LUMIPAS ANG ilang linggo at nakalabas na ako ng hospital. Nanatili din naman si Hiro sa amin. Lihim akong napapangiti na kahit dito sa mansion ay sumama ito. Napapaisip na lamang ako kung gaano ba kalalim ang naging pagiging magkaibigan namin at hanggang ngayo'y nandidito ito. Hindi ba siya hinahanap ng girlfriend niya? Minsan kasi ay tumatawag pa rin ang girlfriend nito na ikinasisira naman ng araw ko. Napapanguso ako na marahang palakad-lakad dito sa gawi ng pool. Hindi ako makatulog kahit anong gawin ko. Hindi pa naman ako pwedeng mag-take ng sleeping pills o uminom ng alak. Natigilan ako na pagpihit ko ay saktong mabungaran si Hiro na papunta dito sa gawi ng pool. Maging ito ay natigilan na makita ako. Pilit itong ngumiti na lumapit. Napahalukipkip ako na napatitig dito. "Sino ka ba talaga Hiro?" naipilig ko ang ulo. Pilit na namang inaalala kung paano ito nakilala. "Urrgghhh!" napasaing akong nasapo ang ulo na ikinataranta nitong kaagad akong dinaluhan! Natigilan kami pareho nang halos nakayakap na ito sa akin. Napatitig ako sa kanyang mga mata. Mga matang mababakasan ng kakaibang lungkot, at pangungulila. Para akong kinukurot sa puso na nakikipagtitigan dito. May kung anong nag-uudyok sa isipan ko na yakapin itong hindi ko namalayang.....napayakap nga dito!!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD