Unrecognised

1047 Words
HIRO: ISA-ISA KAMING lumapit sa gawi ni Iris pagkalabas ng mga nurse at doctor nitong umasikaso dito. Naluluha kaming nakamata ditong nakahiga pa rin na tanging mga mata pa lang ang kayang igalaw. "Sweetie" malambing pagtawag ni tita Irish na naupo sa gilid ng kama at hinaplos ito sa pisngi. Bahagyang gumalaw lang ang labi na tila pinilit ngumiti. Ang sabi ng doctor ay unti-unti din naman itong makakagalaw. Kaya walang dapat ipag-alala. Nagre-recover pa ang katawan nito lalo na't galing sa coma. Isa-isa nitong inilibot ang paningin na tila may hinahanap. Kumabog ang dibdib ko. Parang lulukso ang puso ko sa loob ng ribcage nito nang magtama ang aming paningin. Bahagyang umawang ang labi nito pero wala namang salitang lumabas. Napasulyap naman sa akin ang pamilya nitong ikinainit ng mukha ko. "Iris" naluluha akong akmang hahawakan ito sa kamay na ikinatigil kong napakunotnoo ito na nakamata sa akin. Katanungan. Puno ng katanungan ang mga mata nitong matiim na nakatitig sa aking ikinalunok kong bumundol ang kakaibang takot at kaba sa aking dibdib! Nagkatinginan ang pamilya nito sa isa't-isa na nagtatanungan din sa mga mata. Nangilid ang luha ko. Unti-unting sumisikip ang paghinga na walang kakurap-kurap na nakamata ditong tila......inaalala ako. "Sweetie. Is there a problem?" malambing tanong ni tita Irish ditong ikinasulyap nito sa ina. Bahagyang ipinilig nito ang ulo sa gawi ko. Napalunok akong nagkatinginan kaming lahat. "W-what is the meaning of this?" garalgal ang boses na tanong ni tita Irish. "A-Alp comm'on. Call her doctor! Hurry!" Napalapat ako ng labing nag-iwas ng tingin kay Iris. Para akong pinipiga sa puso na ikinaagos ng luha ko. Napayuko akong pasimpleng nagpahid ng luha. Pero siya namang sunod-sunod na pagtulo ng mga ito lalo na't.....iba na ang nagpaparamdam sa isip at puso kong mukhang katulad sa pamilya nito. Tahimik kaming lahat habang nakikinig sa mga katanungan ng doctor ni Iris dito. "Do you hear me clearly ma'am?" tanong ng doctor. Mahina lang itong tumango. "Do you recognize everyone's here?" muling tanong nito. marahan itong tumangong muli. Pero napasulyap ito sa akin na mahinang umiling. Napahagulhol si tita Irish na niyakap ang asawa. Napalapat ako ng labi. Pinipigilan maluha pero hindi ko kaya. Sunod-sunod ang pagpatak ng mga luha kong nakatitig ditong walang kaemo-emosyon ang mga mata na nakatitig din sa akin. Napahinga ng malalim ang doctor na marahang umiling. Napayuko akong hinayaang tumulo ang luha. Naramdaman ko naman ang paglapit sa akin ng mga kuya nito na tinatapik ako sa balikat. Para akong pinipiga sa puso. Gising na siya. Ligtas na siya. Pero bakit naman sa dami ng mabura sa memorya niya ay ang mga ala-ala naming dalawa. Paano ko pa ipapakilala ngayon ang sarili ko kung siya mismong asawa ko ay hindi ako makilala. Na hindi na ako.....naaalala. LUMIPAS ANG mga araw na naging mas maayos-ayos na ang kalagayan ni Iris. Nakakapagsalita na ito at nakakakain. Hindi pa siya makalakad ng maayos pero ayon sa doctor nito ay makukuha pa naman sa gamot at therapy ang lahat. Hindi ko tuloy alam kung paano kumilos sa harapan nito lalo na sa tuwing sinasadya kaming iwanan ng pamilya nito para makapag-solo. Naiilang kasi ito sa akin. Na tipong hindi manlang ako sulyapan kapag kaming dalawa lang. Ang tipid niya ring sumagot sa tuwing kinakausap ko ito. Kaya kahit gustong-gusto ko siyang kausap at ipakilala ang sarili ay tila may kung anong pumipigil sa aking gawin ang bagay na 'yon. Lalo na ngayon sa kondisyon niya na dalawang taon ang nabura sa ala-ala niya. Kabilang na, ang unang tagpo naming dalawa sa america. "Kaya mo pa ba?" napalingon ako sa nagsalita mula sa likuran ko. Pilit akong ngumiti na napasingkot at nagpahid ng luha. "Oo naman Jeff, ako pa ba? Ngayon pa ba?" nakangiting tanong ko dito. Napahinga ito ng malalim na dumungaw sa baba nitong rooftop ng hospital kung saan ako nagpapahangin. "Pwede ko siyang kausapin. May mga ebidensya naman tayong magpapatunay na asawa ka niya Hiro" umiling akong mapait na napangiti. "Ang sabi ng doctor walang gamot sa kondisyon niya. Pero anytime ay maaaring bumalik ang mga ala-ala niyang nabura. Kaya ko naman eh, na magsimulang muli ang relasyon naming dalawa" aniko na pinasigla ang tono. Panay ang lunok ko dahil parang may batong nakabukil sa lalamunan ko. Kahit parang sinasaksak ako sa tuwing naiisip ang kalagayan namin ay mas nananaig pa rin ang kagustuhan kong mapaamo ito bago ipakilala ang sarili ko. Ayokong mabigla ko siya kung sino ako. At natatakot din ako, sa magiging reaction nito. Isang gabi habang ako ang nakabantay dito. Tahimik lang ako sa gilid. Pinapakiramdaman ito pero katulad dati ay napakalamig niya at dama kong naiilang ito sa prehensya ko. Kahit nga ang magpa-alalay sa akin ay hindi nito masikmura. Halos hindi rin ako imikin na kulang na lang ay paalisin na niya ako. Napasulyap ako dito nang kita sa peripheral vision kong nakaidlip na at 'di nga ako nagkamali. Napahinga ako ng malalim na lumapit dito at maingat na inayos ang pagkakahiga. Napalunok akong napatitig sa maamo niyang mukhang ngayo'y mas nagkakakulay na at bumabalik na ang dating laman ng pisngi. Nangilid ang luha kong naupo sa gilid nito at marahang nahaplos siya sa pisngi. "Okay lang. Okay lang na hindi mo na ako matandaan baby. Ang mahalaga sa akin ay heto ka, buhay na buhay. Kailangan mo na lang ay magpalakas" napalapat ako ng labing pinipigilan mapahikbi. Para akong sinasaksak sa mga sandaling ito. Abot kamay ko siya pero para pa rin siyang bituin sa kalawakan na hanggang tingin na lang ako. Na sa isang iglap ay nawala ito sa kamay ko katulad ng kung gaano siya kabilis na dumating sa buhay ko. "Hwag mo lang sana akong ipagtabuyan, dahil hindi ko alam kung kakayanin kong mawalay sayo. 'Di bale ng hindi mo ako naaalala. Basta malaya pa rin akong naaalagaan ka. Pangakong hindi kita iiwan, hindi aalis sa tabi mo. Maghihintay ako Iris, hihintayin ko ang araw na maalala mo na kung sino si Hiro sa buhay mo. Kung bakit naman kasi, sa dami ng mabubura sa memorya mo ay....ako pa....ako pa na asawa mo" napayuko akong tahimik na umiyak. Masaya ako. Masaya akong nagising na siya. Pero may parte din sa puso ko ang nalulungkot na nagising na ito at.... mapag-alamang burado na ako sa ala-ala nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD