May Gusto

1113 Words
IRIS: NAPATITIG AKO SA MGA MATA NITO. Mga mata na bakas ang pangungulila at kalungkutan na hindi ko matukoy kung para kanino. Matiim din siyang nakatitig habang nakayapos sa baywang ko. Nang matauhan na ako ay napatikhim akong bumitaw dito na tumuwid ng tayo. "Ahem! Why are you still awake?" pasimpleng tanong ko na humalukipkip at matamang napatitig ditong napakamot sa ulo at napapangiwi ang ngiti. "Um, hindi pa ako dalawin ng antok eh. Magpapahangin lang sana muna dito. Sige, mauna na ako" magalang saad nito. Napakunotnoo akong lalong ikinailap ng mga mata nito. "Me too. Come here" aniko na napahawak sa kamay nitong hinila sa gawi ng mga lounge chair na nakahilera dito sa gilid ng pool. Lihim akong napapangisi na hindi naman ito umangal sa paghawak ko sa kamay nito. "Anyway. Who are you Hiro?" basag ko sa katahimikan namin habang magkatabing nakahiga sa iisang lounge chair. Hindi naman ito umangal nang umunan ako sa kanyang braso. Hindi ko alam pero, komportable akong katabing nakahinga ito. Na parang....dati ko na itong ginagawa. Ang umunan sa braso niya, ang magpakulong sa bisig niya. "Anong ibig mong sabihin? Ako si Hiro. Kaibigan mo. Yon na yon" simpleng sagot nito. Napabusangot akong napapaikot ng buhok ko sa daliri na nilalaro-laro. "How about, your girlfriend. May I know more about her?" napakagat ako ng ibabang labi na pigil-pigil ang hininga sa isasagot nito.. Natigilan itong napalunok na ikinaangat ko ng mukha at napatitig ditong kitang kabado. Napakunotnoo akong napatitig dito na naiilang na naman ang mga matang hindi makatitig sa mga mata ko ng diretso. "My girlfriend...." napahinga ito ng malalim na napangiti. Pero kita naman ang kakaibang lungkot sa kanyang mga mata. "Honestly? She's my wife now" seryosong saad nitong ikinatigil at awang ng mga labi kong nakatitig dito. "W-wife?" nauutal kong tanong. Ngumiti itong tumango. Napahinga ng malalim na nag-iwas ng tingin sa mga mata ko. "Ang lapit niya sakin, pero napakalayo niya" "Huh?" naguguluhan akong napapilig ng ulo sa sinaad nito. "Ibig kong sabihin, abot-kamay ko ang asawa ko. Nakikita, nakakausap, nahahawakan. Pero, napakalayo niya sa akin" nangilid ang luha nito na kaagad napahilamos ng palad sa mukha. Natulala ako sa sinaad nito. Na parang may ibang ibig sabihing hindi ko makuha. Maya pa'y napahikab itong ikinaayos ko ng upo. Nagtataka naman itong napatitig sa akin. "It's getting late. Matulog na tayo" anikong ikinangiti at tango nitong napabangon na rin. TULALA AKO habang dahan-dahang naglalakad papasok ng mansion. Paulit-ulit inaalisa sa utak ko ang sinaad nito tungkol sa kanyang asawa. Para akong kinukurot sa puso na mapag-alamang asawa na pala niya ang tinatawag niyang tart at hindi girlfriend lang. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko pero, nasasaktan ako na malamang pag-aari na pala siya ng iba. Natigilan ako nang nagkasagian ang likod ng mga palad namin habang paakyat ng silid. Napalunok ako. Pakiramdam ko'y para akong nakuryente sa simpleng pagkakasagian ng balat namin. Kita ko rin sa gilid ng mga mata kong natigilan ito. Na tila naramdaman din ang naramdaman ko. At pinapakiramdaman ako, katulad ko. "Um, sige. Good night Iris" napapakamot sa batok nitong pamamaalam na una naming nadaanan ang guests room na kasalukuyang tinutuluyan nito dito sa mansion. "Night" simpleng sagot ko na nagtungo sa dulong bahagi nitong hallway kung saan ang silid ko. Pagkatalikod ko dito ay kusang sumilay ang ngiti sa mga labi ko sa simpleng pag-good night nito. Napatapik-tapik ako sa magkabilaang pisngi kong ginigising ako sa pagdi-day-dreaming ko dito. "Hwag ka ngang ngumiti Iris! Para ka kinikilig. Hindi ka dapat makadama ng anumang kilig sa kanya. May asawa na siya. Umayos ka self" kastigo ko sa sarili pero hindi ko pa rin mapigilan ang sarili kong napapangiti ma paulit-ulit nire-replay sa isip ang pag-good night nito! Naiiling akong bagsak ang sariling sumampa ng kama. Napanguso akong napapaisip dito. Akala ko pa naman may especial sa aming dalawa dahil magmula nagising ako ay hindi ito umaalis sa tabi ko. Napapaisip lang ako tungkol sa asawa nito. Kaya naman pala halos araw-araw ay tumatawag sa kanya ang Marga na 'yon. Asawa pala niya. Napakagat ako ng ibabang labi na iniisip ang pagkakatitigan namin kanina sa pool. Ibang-iba ang mga mata nito kapag sa akin siya nakatitig. Na parang nangungusap ang mga 'yon sa akin. Pero imposible namang nagkakagusto siya sa akin gayong may asawa na pala siya. SA MGA SUMUNOD na araw ay nanatili pa rin si Hiro sa mansion. Lumalapit pa rin naman ito sa akin paminsan-minsan. Kitang mas nagiging komportable na rin ito sa akin. Nagagawa na nga niya akong buruin. At asarin na para lang kaming close friends kung magturingan. "Ahem!" napalis ang ngiti ko sa pagtikhim ng nakababatang kapatid ko habang nakamata kay Hiro na nakikipagsabuyan kina kuya sa pool. "What?" nagtatakang tanong ko na nanlalaki ang mga mata ditong napapangisi at nanunudyo ang tinging ginagawad sa akin. "I saw you sis. You're smiling while staring at him" tudyo nitong ikinainit ng mukha ko! Napahagikhik itong naiiling na napatitig na rin sa gawi nila Hiro. Napatitig ako dito. Kitang magaan din ang loob sa kanya ng mga kapatid ko. Na tila matagal na nila itong kakilala. Napanguso akong pinagmamasdan kung paano siya nakikipagkwentuhan at tawanan sa mga kuya namin na kusang ikinasilay muli ng ngiti sa aking mga labi. "You like him. Right?" namilog ang mga mata ko sa panunudyo ni Shayne na ikinalingon ko ditong napahagikhik! "What the heck? Kilabutan ka nga. May asawa na 'yong tao" matabang kong ismid dito. Pero hindi ko manlang mabakasan ng gulat ito na malamang may asawa na si Hiro. Mukhang sa aming lahat ay ako na lang yata ang wala pang masyadong kaalam-alam pagdating dito. "And so? Do you know who's his wife hmm?" makahulugang tanong nito. "Yeah" simpleng sagot ko. Napasulyap ako sa gawi nila Hiro at aksidenteng nagtama ang aming mga mata na ikinalunok ko. Dama ko ang pagbilis ng t***k ng puso ko na tila naka-magnet dito ang paningin. "Matunaw 'yan sis. Nilalapitan 'yan, hindi tinititigan lang" nakangising tudyo nito. Kaagad akong nagbawi ng tingin na pinaningkitan ang magaling kong kapatid. Napahagikhik lang naman itong ikinailing kong napaikot ng eyeballs dito at pumasok na lamang ng mansion. I know her very well. Hindi na naman niya ako tatantanan hangga't hindi ako mapaamin. Napapabuga ako ng hangin na tumuloy ng kusina at napainom ng malamig na tubig. Napapailing na lamang ako na nanaiisip si Hiro at kusang sumilay ang matamis kong ngiti. "Damn Iris. What's happening to you girl? Nagkakagusto ka na ba sa may asawa ngayon huh?" piping singhal ko sa sariling napapailing. Pero kahit anong tanggi ng isip ko ay alam ko sa sarili at puso ko. ...,may gusto ako, kay Hiro.

Read on the App

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD