Hero

1065 Words
IRIS: NAPAPAILING AKONG pigil-pigil ang ngiti habang pauwi kami ni Hiro sa kanilang bahay dito sa bayan. Naglalambing kasi ang ama nito na bukas na kami bumalik ng resort at maghapunan muna sa bahay nilang pinagbigyan namin ni Hiro. Wala naman daw silang ibang kasama sa bahay. Pero may mga kalapit na kapitbahay na mga kamag-anak nila kaya maingay lagi ang tahanan ng mga ito. Pasimple kong iginala ang paningin nang pumasok na ang SUV nito sa isang bakuran at bumungad ang may kalakihang bahay. Dalawang palapag lang siya at gawa sa magandang uri ng kahoy ang dingding mula sa baba hanggang sa taas. Napangiti akong napapatango sa isip-isip. Sa gilid nitong bahay ay may mini garden na iba't-ibang kulay ng american rose ang tanim. Tama nga ang sinaad ng ama nitong hindi dikit-dikit ang kabahayan dito kaya bawat bahay ay may bakuran na espasyo. "Tara?" anito na hindi ko namalayang nakababa na pala ng kotse at pinagbuksan ako ng pinto. "Thank you," napakindat lang naman itong inakay ako papasok ng bahay. "Uhm...sinong--" "Welcome home!!" Napapitlag akong nayakap si Hiro dala ng kagulatan sa bigla na lamang pagbukas ng ilaw kasabay ng pagsabog ng mga confetti sa ere at mga lobo! Naiilang akong pilit ngumiti sa mga tao dito na may matamis na ngiti at nanunudyong tingin na ginagawad sa amin ni Hiro. Para akong napapaso na napabitaw ditong natatawang nakipagyakapan sa mga bisita dito sa kanilang bahay na mukhang mga kamag-anak nila. "Yieehh, si Kuya Hiro. May iniuwi ng girlfriend," nagkatawanan ang mga ito sa tudyo sa amin ng isang binatilyo. Napapakamot naman si Hiro na pilit ang ngiti nitong nilingon ako. "Uhm...umayos nga kayo. Baby, mga pinsan ko sila. Mamaya pa magdadatingan ang mga matatanda," anito na inakbayan ako. Isa-isa namang nakipagkamay sa akin ang mga pinsan nitong nanunudyo at napapairit pa habang pasulyap-sulyap ang mga ito kay Hiro na nangingiti lang sa mga ito. Napatingala ako kay Hiro nang marahan ako nitong pisilin sa braso. Napataas ako ng kilay na nagtatanong ditong napakamot sa kilay. "Ahem! Guys, si Iris nga pala. Girlfriend ko at bisita namin siya ngayon sa resort." Napatango-tango naman ang mga kaharap namin na inulit pa talagang binibigkas ang pangalan ko. Naiilang akong ngumiti sa mga ito na bumati pabalik. "Welcome to the family, Ate Iris. Hwag ka pong mahihiya sa amin," ani ng isang dalaga na ikinangiti at tango ko dito. "Thank you." "Baby, tara muna sa kwarto ko," bulong nitong ikinairit ng mga kasama naming nakarinig sa ibinulong nito. Naging tampulan tuloy kami ng tukso na ikinaiinit ng mukha ko lalo na't hinila na ako nito paakyat ng hagdanan. Napapakagat ako ng ibabang labi. Hindi mapangalanan ang sayang nararamdaman sa mga oras na 'to habang magkayakap kami ni Hiro na paakyat ng silid nito. Napapalinga ako sa kabuoan nitong second floor. Kung tutuusin ay para siyang old house ang disenyo na gawa sa magandang uri ng kahoy ang materyales. Kahit ang sahig nilang napakakintab at medyo madulas ay gawa din sa kahoy. Napalunok ako nang pumasok kami sa isang silid. Dalawa lang ang silid dito na magkaharap kaya tiyak akong sa ama nito ang kabila. Napagala ang tingin ko sa kabuoan ng silid nitong parang wardrobe ko lang sa mansion ang laki kung susumain ko. Lihim akong napapangiti. Maayos at malinis ang silid nito. Walang masyadong gamit kundi tanging computer sa gilid ng study table nito. May sofa, kama, kabinet at sariling banyo ito. Maging ang kama nito ay pang dalawahang tao lang yata ang magkakasya. "H-Hiro." Napakapit ako sa kamay nito nang yumakap ito mula sa likuran ko at sumubsob sa leeg kong ikinatayo ng mga balahibo ko sa katawan! Pigil-pigil ang hininga ko nang marahan nitong pinapatakan ng halik ang batok ko patungong punong-tainga kong impit kong ikinasisinghap! "Uhmm...damn, baby .Ang pilya mo kanina, alam mo ba 'yon?" nagrereklamong ungol nito. Napalunok akong napalapat ng labi sa pagbulong nito na marahan akong kinagat sa dulong tainga ko! Lalong nag-init ang katawan kong natatangay sa pasimpleng pagpisil-pisil na nito sa baywang ko habang hinahalik-halikan ako sa batok at leeg! Para akong nalalasing na natatangay sa kawalan sa pinaparanas nito ngayong tumutunaw sa natitirang katinuan sa isip ko! "Uhmm.... H-Hiro.." Napakapit ako sa batok nitong bahagyang nilingon itong sinalubong ang mga labi ko. Nanghihina akong napasandal dito na yumakap sa kanyang batok at mas pinalalim ang aming halikan na sabay naming ikinaungol! Nagsisimula na ring maglakbay ang dalawang palad nito pataas sa tyan ko hanggang nasasagi na nito ang dibdib kong ikinasisinghap kong napapakagat sa labi nito! Napayakap ito ng mahigpit na sumubsob sa leeg ko at malalalim ang panghinga! Ramdam ko ang bilis ng t***k ng puso nitong nakalapat sa likuran ko na tulad ko na pilit kong kinakalma. "Ahem. Maligo na muna ako, baby. Feel at home," anito na mariing napahalik sa pisngi ko bago malalaki ang hakbang na nagtungo ng banyo. Mahina akong natawang napailing. Ramdam ko kasi ang pagkakabuhay ng alaga nitong nakatutok kanina sa balakang kong pumipintig-pintig pa habang nakayakap ito sa akin! Napapailing na lamang akong naglibot-libot sa kabuoan ng silid nito. Napapatitig sa mga picture frame nito mula pagkabata na naka-display sa mga bookshelves nitong maayos ang pagkakahilera sa sulok. Natigilan akong napatitig sa isang larawan na kuha noong bata pa ito. Larawang nagpabilis ng t***k ng puso ko. Nangangatal ang kamay kong inabot ito at pinakatitigan. Nangilid ang luha ko na parang may bumarang bato sa lalamunang hirap kong ikalunok ng laway. "Hindi. Imposible..." bulalas kong tumulo ang luha. MARIIN AKONG napapikit na inaalala ang nakaraan. Nakaraan mula sa batang nakasama ko noon sa isang silid na puno ng agiw at alikabok. "Bata anong pangalan mo?" "Iris," humihikbing sagot ko na nakayakap sa sarili at takot na takot. Madungis na rin ito tulad ko na nakakulong dito sa silid. "Ako si Hiro, dinakip lang din ako nung ale at ikinulong dito. Ikaw ba, bakit ka nandidito?" baliktanong nitong may munting ngiti sa labi. Umiling ako na nagpahid ng luha. "Kinuha niya ako. Bad siya. Ayoko sa kanya," pagwawala ko na napahagulhol. Tumayo naman itong lumapit at niyakap akong pinapatahan. "Hwag ka ng umiyak. Nandito ako. Hindi kita pababayaan. Pangako," pag-aalo nito. Napatitig ako ditong ngumiting inayos ang mga hibla ng buhok kong nakatabing sa mga mata ko. Napatutop ako ng bibig na makumpirmang si Hiro iyon! Si Hiro ang savior ko noong bata lang ako kung saan na-kidnap ako!?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD