IRIS:
NAPATIKHIM akong pasimpleng nagpahid ng luha na marinig ang pagbukas-sara ng pinto. Napapahinga ako ng malalim at pilit pina-normal ang itsura at kilos.
"Hey," malambing untag nitong yumapos sa tyan ko at sumiksik sa leeg ko.
Napasandal ako ditong dama ang lamig ng katawan nitong walang suot pang-itaas. Napapikit akong pinagsalinop ang mga daliri namin. Napasinghap akong nakagat ang ibabang labi nang patakan nito ng magagaang halik ang batok at balikat kong ikinagapang muli ng kakaibang init sa katawan ko!
"Hiro," tanging sambit ko sa pangalan nito.
Para akong manikang de baterya na napasunod dito nang pihitan ako paharap at mariing napahalik sa noo ko. Napangiti akong napahawak sa baywang nito na ikinamilog ng mga mata kong,
nakatapis lang ito at nakabukol ang tila higanteng ahas sa loob ng towel nito!!
"Hahahah! Bakit?"
Tatawa-tawang tudyo nitong makita akong natigilan at hindi maalis-alis ang paningin sa kanyang umbok na parang kumakaway sa mga mata ko!
"Ahem!"
Napatikhim akong napahagod sa lalamunan kong natutuyo na ikinahalakhak nitong niyakap pa ako!
Napasinghap akong yumakap din dito na pigil-pigil mapaungol lalo na't nakadikit na sa puson ko ang umbok nitong tila may buhay na humihinga! Damang-dama ko ang pagpintig-pintig nito na impit kong ikinauungol sa isip-isip ko.
Pero nang maalala ko ang tungkol sa larawan nito ay napabitaw akong ikinataas ng kilay nitong nagtatanong ang mga mata. Pilit akong ngumiti na pinakatitigan ito sa kanyang mga mata habang sinasariwa sa isip ang nakaraan.
ILANG ARAW din kaming nakakulong ni Hiro sa silid na napakarumi at sikip. Dinadalhan naman kami nung ale ng makakain at maiinom. Pinapagamit din niya kami ng banyo sa tuwing kailangan namin. Hindi nagtagal ay nasanay na rin ako sa kalagayan namin ni Hiro at naghihintay na lamang sa araw na mahahanap kami ng mga magulang namin.
Isang araw habang nasa basement kami ng bahay na pinagkulungan sa amin ni Hiro na naglalaro ay dumating ang ale na may dalang alak. Direktang tinutungga at halos hindi makatayo ng maayos na kitang lasing.
Napakubli ako sa likuran ni Hiro na hinawakan ako sa kamay. Pinapatatag ang loob ko na nagsisimula na namang pagharian ng takot.
Nakakatakot kasi ang itsura ng ale. Mahaba ang buhok na nakalugay. Laging nakakulay itim na bestidang sumasayad sa sahig ang haba. Lagi ring nangingitim ang gilid ng mga mata na parang sa panda ang itsura. May katabaan siyang babae na sabog-sabog lagi ang buhok. Maging mga mata nito ay nanlilisik kung makatingin na ikinatatakot at nginig ng katawan ko sa tuwing nagtatama ang mga mata namin.
"Hiro," bulong kong niyugyog ito dahil napatitig sa akin ang ale na parang mananakmal sa sama ng tingin nito.
"Shh....nandito ako, Iris. Hindi kita pababayaan," bulong din nito na mas hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay ko.
"Kayong dalawa. Hindi niyo naman ako iiwan, hindi ba?" lasing nitong saad na naduro pa kami ni Hiro.
Kaagad kaming umiling na ikinahalakhak nito. Yong uri ng halakhak na hindi natutuwa kundi nakakakilabot ang dating.
"Hiro," impit akong napatili nang lumapit itong hinawakan ako sa pisngi!
"Bitawan mo siya," anito na tinabig ang kamay ng aleng nakapisil na sa pisngi ko.
Napangisi itong muling napatungga sa alak nito. Muntik pa itong mabuwal na hindi makatayo ng diretso.
"Mga anak. Nagugutom na ba kayo? Magluluto na ang Nanay, huh?" biglang lambing nito.
Nagkatinginan kami ni Hiro bago nilingon ito na tinanguhan lang namin.
Para siyang may sakit sa utak. Minsan bigla-bigla na lamang nagagalit. Minsan naman nagiging malambing siya na tinatawag kami ni Hiro na anak nito. Hindi na lamang kami umaalma kasi nagagalit ito kapag kinokontra namin.
Nagtungo ito ng kusina. Gigewang-gewang pa ito habang naghanda ng mailuluto para sa amin. Hindi naman niya kami ginugutom. Hindi rin sinasaktan. Pero ayaw niya kaming palabasin ng bahay na para niya kaming bilanggo dito.
Laging nakasarado ang mga bintana at nakakandado din ang mga pinto. Kaya naman hindi kami makalabas-labas ni Hiro dahil hawak nito ang mga susi.
Matapos naming kumain ni Hiro ay ito rin ang nagligpit ng mga pinagkainan namin. Hindi niya kami pinagtatrabaho. Anak ang turing niya sa amin. Pero nakakatakot siya kapag biglang nagagalit dahil nagwawala ito.
"Iris, hwag ka munang matutulog," bulong nito habang nasa silid na naman kami dahil pinaidlip na kami ng ale.
"Bakit?" inaantok kong tanong.
Napasilip ito sa siwang sa pinto bago muling humarap sa akin.
"Tatakas tayo," nagising ang inaantok kong diwa sa ibinulong nito.
Kaagad nitong tinakpan ng palad ang bibig ko ng nanlalaki ang mga mata kong akmang sasagot dito.
"Hwag kang maingay," agap nito na ikinatango ko.
Saka lang nito ibinaba ang palad na pinangtakip sa bibig ko.
"Paano?"
Napangisi itong may hinugot sa bulsang ikinanlaki muli ng mga mata kong makitang nakuha nito ang isang kumpol ng susi sa ale!
Ilang oras din ang hinintay namin ni Hiro bago tuluyang nakaidlip ang ale. Maingat kaming lumabas ng silid nito na magkahawak-kamay. Kabado kami pareho at ingat na ingat ang bawat hakbang namin palapit sa gawi ng pinto. Madadaanan pa kasi namin ito na nakahilata sa isang mahabang sofa na luma-luma na rin. Humihilik na nakanganga ito at kitang nasa kasarapan ng tulog.
"Bilis naman, Hiro. Magigising na siya," naluluhang saad ko kay Hiro na hindi mabuksan-buksan ang padlock sa dami ng susi.
Panay ang linga ko sa ale habang sinusubukan ni Hiro buksan ang padlock. Para akong kakapusin ng hangin sa baga dala ng takot at kaba sa pagtakas namin.
"Tara?" pag-aya nito.
Nakahinga ako ng maluwag nang sa wakas ay nabuksan nito ang pinto. Magkahawak-kamay kaming maingat na lumabas. Pero natigilan na mapasuot kami sa isang silid! Nangangatog ang mga tuhod na nagtungo kami sa kabilang pinto. Pero nakaamoy kami ng masansang na amoy na parang nabubulok!!
"Hiro, bumalik na tayo," impit kong bulong na napayakap dito!
Nagtatayuan ang mga balahibo ko sa katawan at iba na ang takot na lumulukob sa akin sa mga sandaling ito. Ramdam kong maging si Hiro ay natatakot na rin pero pilit lang itong nagpapakatatag para sa amin.
"Konting tiis na lang, Iris. Makakalabas tayo dito," bulong nito.
"Aahh!! Hiro!!"
Napahagulhol akong napasigaw nang malingunan ko ang dalawang katawan ng batang babae at lalake sa isang sulok na.....dilat ang mga mata at naliligo ng dugo!
Kitang wala na silang buhay na siyang pinagmumulan ng masangsang na amoy! Maging ito ay natigilang napayakap sa akin at damang nanginginig na rin ang katawan!
"Saan kayo pupunta?!"
"Hiro!!"
Napahiyaw akong mas napayakap kay Hiro nang biglang sumulpot ang ale na galit na galit ang itsura!
Napaatras kaming magkayakap ni Hiro na napahagulhol sa nakikitang galit sa ale.
"Maawa na po kayo. Hwag niyo kaming patayin," pagsusumamo namin dito.
Napahagulhol ako ng hablutin nito sa dingding ang isang malaking itak na may bahid pa ng natuyong dugo mula doon!
Napapilig ito ng ulo na nangingisi sa amin ni Hiro na nakasuksok na sa sulok at magkayakap!
"Iiwan niyo ako?" tanong nito na masulyapan ang susi sa sahig na nabitawan ni Hiro.
Umiling-iling kami dito na nagsususmamong tinitigan sa kanyang mga mata.
"Bakit niyo ba ako iniiwan, mga anak? Ayaw niyo na ba kay Nanay?" tanong nitong parang wala sa sarili.
Nilingon nito ang dalawang katawan sa sulok na nakaratay sa ibabaw ng mesa.
"Ganyan din ang aabutin niyo kapag iniwan niyo si Nanay, mga anak," paanas nito.
Napahagulhol kaming mas napayakap ni Hiro sa isa't-isa.
"Hindi niyo po kami mga anak. Nagmamakaawa kami, pakawalan niyo na po kami," pakiusap ni Hiro na ikinailing lang nito.
Kitang nataranta ito nang may mga nagsitigil na ugong ng mga sasakyan sa labas nitong bahay! Nagkatinginan kami ni Hiro na nagkaroon ng pag-asang maililigtas na kami. Hindi nga nagtagal ay may mga taong kinakalampag ang mga bintana at pinto na pinupwersa nilang buksan!
"Sumama kayo sa akin!"
"No! Ayoko!" napatili ako nang hawakan niya kami ni Hiro sa kamay at sapilitang kinalakad palabas sa isa pang pinto!
Panay ang pagpupumiglas namin pero masyado siyang malakas na halos bitbitin na kami ni Hiro!
Paglabas namin sa likurang bahagi ng bahay ay bumungad ang sementeryo na ikinatayo ng mga balahibo ko sa katawan. Napahigpit ang kapit ko kay Hiro na takot na takot sa nagkalat na nitchu sa paligid na aming dinaraanan sa kalagitnaan ng gabi at tanging mga ilaw lang sa poste ang nagbibigay liwanag sa paligid!
"Iris, takbo!" sigaw nito sabay kagat sa kamay ng ale na napabitaw sa akin.
Nataranta akong tumakbo kung saan! Hindi na alintana ang mga nagkalat na puntod sa tabi-tabi! Pero natigilan ako nang mapadaing si Hiro na ikinalingon ko sa kanila at kitang nakasukbit na ito patiwarik sa balikat ng ale!
Wala sa sariling dumampot ako ng kahoy na nadaanan ko at napasunod sa kanila. Patuloy naman sa pagwawala si Hiro na nagsusumigaw! Buong lakas kong pinalo sa likod ang ale na natigilan at naibaba si Hiro na inagaw sa akin ang kahoy at pinalo ito sa hita ng magkakasunod-sunod! Impit itong napadaing na napaluhod na muling napalo ni Hiro sa batok ng ilang beses bago kami magkahawak-kamay na tumakbo palayo dito!
Napapakubli kami sa mga nitsu na makitang nakasunod na ito at tinatawag kaming dalawa ni Hiro. Panay ang kubli namin na naririnig na ito sa malapit! Hindi ko mapigilang mapahikbi sa mga sandaling ito! Takot na takot sa ale at sa lugar na kinaroroonan namin. Pero dahil kay Hiro ay naiibsan ang takot ko.
"Bulaga!!"
Napatili akong napayakap kay Hiro nang bigla itong tumalon mula sa taas na nakangising aso sa amin at nandidilat ang mga mata nitong maiitim na ang paligid, parang may blackeye!
"Freeze!!"
Natigilan kami nang may baritonong boses na sumigaw sa 'di kalayuan kasabay ng paglapit sa amin ng mga armadong sundalo at may mga hawak na baril na nakatutok sa ale!
Napaatras kami ni Hiro palayo sa ale na natuod sa kinatatayuan habang mabilis na nagsilapitan ang mga sundalo sa amin.
"Daddy!! Mommy!!" pagtawag ko.
Napahagulhol akong makita Sina Mommy at Daddy na makitang lumabas mula sa paparating na kumpulan ng mga sundalo. Mahigpit kong hinawakan ang kamay ni Hiro na patakbong sumalubong sa mga sundalong kaagad kaming kinarga at dinakip yong ale.
"Iris?! Ohhh God, ang anak ko!" humahagulhol na pagtawag sa akin ni Mommy at sinalubong ako ng mahigpit na yakap!
NAPAKURAP-KURAP AKO nang maramdaman ang pagpahid nito sa pisngi kong ikinabalik ng ulirat ko. Hindi ko namalayang lumuluha na pala ako habang nakatitig ditong bakas ang pagkabahala sa kanyang mga mata.
"Hiro. You're really my hero."
"Huh?" takang tanong nitong ikinatawa kong napayakap ng mahigpit dito.
"Anong meron, hmm?" anito na natatawang napabitaw sa akin.
Napalabi akong ikinulong ang mukha nito sa palad ko.
"Bakit, hindi ko ba pwedeng yakapin ang hero ko, hmm?" taaskilay kong tanong na ikinatawa nitong napayukong inabot ang mga labi ko!