Saging

2120 Words
IRIS: LUMIPAS ANG MGA araw na mas nagkakalapit kami ni Hiro. Hindi naman ito mahirap pakisamahan. Halata ding hindi niya pa ako nakikilala kung sino ba ako. Kaya naman napakagaan ang pakitungo nitong sinasabayan lahat ng gusto ko kahit mga kapilyahan ko ay sinasakyan nito. Hindi rin ito masungit sa kanyang mga staff kundi napaka-friendly niya sa lahat. Kaya naman maging mga employee nito ay halatang nagpapa-cute sa kanya na hindi na niya namamalayan sa pagiging friendly nito. Bagay na ikinaiinis ko minsan sa ugali nito. Wala siyang pinipili. Kahit nga mga guests dito ay magiliw itong makipag-usap. Mapa-lalake man o babae. "Okay ka lang, baby?" napanguso ako. Kinakabahan din na makikilala ko ang ama nitong isa pa lang mayor dito sa kanilang bayan. "Yeah. I guess." Hinawakan nito ang kamay ko habang nagmamaneho ang isa. Marahan nito iyong pinipisil-pisil na nakabawas kahit paano ng kaba ko. "Feel better?" nakangiting tanong nito na saglit akong sinulyapan. Napangiti akong pinag-intertwined ang mga daliri namin. NAPAPALAPAT AKO ng labi habang palapit na kami sa plaza. Kasarsagan na nga ng fiesta dito at marami-rami na ring tao ang nakikihalubilo. Maraming mga bandaritas na nakasabit sa taas. At nagkalat na rin sa bawat gilid ang mga stall na mabibilhan ng mga souvenir at food court. Nakahiwalay din ang mga rides at peryahan sa mas malawak na espasyo dito sa harapan ng kanilang munisipyo. Lalong bumilis ang kabog ng dibdib ko pagkaparada nito dito sa parking lot ng munisipyo at kitang pinagtitinginan na kami ng mga tao. Ayon kay Hiro ay kilala siya ng taong bayan dahil mag-isang anak lang naman siya at matagal-tagal nang naninilbihan bilang public servant ang ama nitong kasalukuyang mayor ng bayang ito! "Tara?" untag nito sa pagkakatulala kong pilit kong ikinangiti at tango. Nauna itong bumaba na nakipagkamayan pa sa mga sumalubong sa kanya. Napapanguso na lamang akong nakamata dito. Ang friendly talaga. Hindi ko tuloy mapigilang makadama ng selos lalo na sa mga kababaihang lantarang nagpapa-cute dito na sinasabayan naman nito at nginingitian pa ang mga itong ang sarap pag-iirapan! "Sorry, baby. Nakipagkumustahan pa kasi ako eh," naiilang saad nitong napapangiwi sa akin. Nakataas na kasi ang kilay ko dito nang pagbuksan na ako ng pinto. "Akala ko nga nakalimutan mo na ako eh!" ismid kong ikinalapat nito ng labing napakamot sa batok at inalalayan akong makababa. Napasinghap naman ang mga taong kanina ay kausap nito na nagbubulungan na sa tabi-tabi habang nakamata sa amin ni Hiro. Napapangisi ako sa loob-loob kong yumakap sa tagiliran nitong umakbay din naman at mahinang pinisil ang ilong ko. "Nagiging possessive ka na naman. Hindi nila ako makukuha sayo, baby." Nanunudyong bulong nitong ikinairap ko ditong napahagikhik at iling na mas kinabig ako padikit sa kanya habang naglalakad kami papasok ng munisipyo. Panay ang bati at tango nito sa mga nakakasalubong namin habang paakyat kami ng second floor kung saan ang opisina ng kanyang ama. "Hiro?" napatunghay itong nagtatanong ang mga mata. "May problema ba, baby?" "Magugustuhan kaya ako ng Papa mo?" alanganing tanong ko. Mahinang natawa ito kaya naman nakurot ko sa tagiliran na ikinaiktad nito. "Let's see, baby." "Hiro, naman." Napanguso akong ikinahagikhik nitong yumapos sa baywang ko at napahalik sa noo ko. "Just be yourself, baby. Magugustuhan ka niya. I know," kindat nito na ikinahinga ko ng maluwag at napabuga ng hangin. Nangingiti naman itong nakatitig na bakas sa mukha ko ang kabang naghahari sa dibdib kong makaharap ang ama nito at magpakilalang kasintahan ito. Napapabuga ako ng hangin na kinakalma ang dibdib kong sobrang lakas ng kabog! Parang may mga kabayong nagkakarerahan sa loob nito na ikinasisikip ng paghihinga ko. Hindi ko alam na nakaka-tension palang magpakilala sa magulang ng kasintahan mo. Kami naman kasi noon ni Liam ay business partner ang mga magulang namin at ipinagkasundo lang nila kami pareho ni Liam kaya hindi namin naranasan ang magligawan, at mag-date ng kusa naming kagustuhan lalo na ang gantong ipapakilala sa magulang bilang kasintahan. Napalunok ako pagpasok namin ng opisina ng ama nito at napasulyap sa isang lalakeng nasa 40's na ang edad na abalang nagpipirma ng mga papeles sa kanyang lamesa. Napaangat ito ng mukha na agad napatayo at napangiting lumabas ng kanyang mesa. Napahigpit ang pagkakahawak ko sa kamay ni Hiro na pinipisil-pisil ang kamay ko. Pigil-pigil ang hininga ko nang lumapit ito sa amin at palipat-lipat ng tingin sa amin ni Hiro at sa kamay naming magkahawak! "Ahem! Pa. Mano po," ani Hiro na nagmano dito. Nahihiya naman akong sumunod na nagmano ditong nangingiting nanunukso ng pagsulyap-sulyap kay Hiro na napapalapat ng labi. "Pa, hwag niyong tignan ng ganyan. Naiilang na nga eh," anito na ikinatawa ng ama. Kahit paano ay nakahinga ako ng maluwag na makitang hindi naman pala ito mahirap pakitunguhan katulad ni Hiro. "Ahm, sino siya anak? Bagong flavor ng linggo?" Napanganga akong nilingon si Hiro na nanlalaki ang mga matang nakatutok sa amang nagpipigil matawa! "Pa naman! Baby, hwag kang maniwala sa kanya," kaagad dipensa nito. Napangiwi itong malingunan akong pinaniningkitan ito at nagngingitngit ang mga ngipin! "Hahahah! I'm just kidding," napabaling ako sa ama nitong natatawa sa naging reaksyon ko. "Ahm. Pa, si Iris po, girlfriend ko. Baby, siya ang Papa Hilario ko. Ang mayor dito sa bayan namin. Hwag ka ng magtakang hindi kami magkamukha dahil mas hawig ako kay Mama na......ipinagpapasalamat ko," anito na ikinamilog ng mga mata at butas ng ilong ng ama nitong ikinabungisngis namin ni Hiro. May kaliitan kasing lalake ang ama nito at medyo malaki ang tyan. Hanggang balikat nga lang siya ni Hiro at kita ko ngang hindi sila magkahawig. Para itong si Betong Sumaya na sikat na komedyante ng bansa habang si Hiro ay mala Alden Richards ang itsura at pangangatawan. "Anak ba talaga kita? Nakakapagduda ka eh," pasaring ng ama nitong nangingiti rin naman. "Nagdududa rin po ako, Pa." Pananakay naman nito sabay halakhak silang mag-ama na pabirong nagkasuntukan ng braso. Nangingiti na lamang akong nakamasid sa bonding nilang kita ang closeness nila sa isa't-isa na para lang silang magbarkada. "Kumusta, hija? kailan ang pagpapakasal niyo nitong binata ko? Abay bilisan niyong gumawa ng apo ko habang kaya ko pang mag-alaga," baling nitong ikinagapang ng kakaibang init sa mukha ko. "Pa naman, anong kasal at apo? Bago pa lang kami ni Iris. Mamaya matakot 'to sa mga demand niyo eh," ani Hiro. Napabusangot itong naglahad ng kamay na pinapaanyayahan kaming maupo sa magkaharap na solo couch kaharap ito. Nagtungo din naman ito sa kanyang swivel chair nito. Naiilang tuloy ako sa matiim niyang pagtitig. Para kasing binabasa o kinikilala niya ako sa paraan ng pagtitig nito. "Pamilyar ka, hija. Artista ka ba?" napalunok akong nanigas sa kinauupuan. Maging si Hiro ay napatitig tuloy ito sa akin na ikinarambola ng t***k ng puso ko! Parang sumisikip ang espasyo nitong silid na ikinamimigat ng paghinga kong hindi na makatingin sa mga mata ng kasama kong matamang na nakatitig sa akin! Napipilan akong napailing na lamang. Napatango-tango naman ito pero nandoon pa rin ang ginagawad nitong pagtitig na tila inaalala kung saan niya ako nakita. Hindi ko tuloy maiwasang mapalunok dala ng kaba ko! Wala pa kasing masyadong alam si Hiro tungkol sa personal kong buhay. Lalong-lalo na ang tungkol sa pamilyang pinanggalingan ko. Nakahinga ako ng maluwag nang may pumasok na dalawang dalagang may dala ng kape at kakanin na ikinatigil ko. Napahawak naman si Hiro sa kamay kong hindi ko namalayang napakuyom na pala na malingunan ang mga bagong dating at nakilala ang isa, si Marga. Ang bestfriend ni Hiro. "Hi, tart. Nandito na pala kayo," masayang bati nitong maingat na inilapag sa mesa ang dala nila. "Kakarating lang, tart." Nakangiting sagot nito na napataasbaba pa ng kilay sa dalawang dalaga na napahagikhik. Kahit wala pa akong masyadong alam sa mga pinagsamahan nilang dalawa ay madali lang naman sa aking mahinulaan na hindi lang basta matalik na kaibigan ang tingin ni Marga kay Hiro. Kita ko 'yon sa kanyang mga mata at kilos. Maging kung paano siyang makipag-usap dito at tumitig. Higit sa lahat ay nararamdaman ko 'yon bilang babae. Alam na alam ko ang galawan nito at tinginan na ikinangingitngit ng loob ko dahil hindi manlang ito napapansin ni Hiro at naglalalapit pa rin sa kanyang kaibigang babae! "Hi," tipid akong ngumiti nang lingunin ako nito na binati. Kahit ngiti nito sa akin ay ramdam kong peke. Napapailing na lamang ako sa isip-isip ko. Kita ko kasing nasasaktan ito na malamang kasintahan ko si Hiro. Pero heto at nakikipag-plastikan siya para sa kaibigan. MATAPOS NAMING magkape nila Hiro at Tito Hilario ay muli kaming lumabas nito para makinood sa mga palaro sa labas. Naiwan naman ang ama nito dahil marami pang tinatapos na mga pipirmahang papeles. Magkahawak-kamay kami ni Hiro na nakipagsiksikan sa mga tao dito sa plaza. Na-e-excite naman ako dahil ito ang unang beses kong makipaghalu-bilo sa publiko na hindi nila ako nakikilala. Nadako kami sa gawi ng mga nagkakasiyahang sumali sa palarong bayan kung saan pares-pares ang kalahok. "Boss, Hiro! Kumusta?!" Napatingin ang lahat sa amin nang bumati ang MC na nasulyapan kami ni Hiro dito sa harapan. Napangiti at kumaway lang naman itong ikina-thumbs-up pa ng MC sa amin. Napapairit tuloy ang mga kababaihan na nakatingin kay Hiro at hindi yata napapansing magkahawak-kamay kami nito. Hindi ko tuloy maiwasang napapaismid sa mga ito. "Sali tayo, baby." "Huh? Sandali hindi ako marunong!" impit kong tili. Pero huli na dahil nahila na ako nito sa harapan kung saan nakahilera ang mga pares-pares na kalahok! Nag-init ang mukha ko na nagkakatilian na ang mga nandidito dahil sa pagsali namin ni Hiro sa larong hindi ko naman alam kung anong tawag at paano laruin! "Okay, kumpleto na ba ang mga lovers natin?" ani ng MC na ikinahiyaw at palakpak ng lahat. Dinig na dinig ang pangalan ni Hiro na hinihiyaw ng mga manonood kaya lalo akong kinakabahan! Maya pa'y pinalinya na nila ang mga lalake sa harapan at pinaluhod kaming mga babae sa harap nila habang may itinaling saging na mahaba sa kanilang mga baywang na pinahawak sa mga lalake! Namilog ang mga mata ko na mahinulaan ang tema ng larong ikinainit lalo ng mukha ko! Napatingala ako kay Hiro ng napahagikhik ito na nakatunghay sa akin at may pilyong ngiting naglalaro sa mga labi sabay kindat! Pinaniningkitan ko itong nanggigigil ako na lalo lang nitong ikinatuwa! "Galingan mo, baby. Kainin mo ang saging ko," makahulugang saad nitong ikinalapat ko ng labi! Lalong naghiyawan ang mga manonood nang pahubarin ng mc ang mga lalake ng damit nila pang-itaas para daw ganahan ang mga babaeng kakain ng saging nila! Lihim akong napapairit nang maghubad ng polo si Hiro kaya lalong nag-ingay ang paligid na sinisigaw ang pangalan nito dahil nakabulabdra lang naman sa lahat ang kakisigan at mapipintog niyang walong pandesal sa tyan! Lalo tuloy akong na-e-excite sa palarong ito na ngayon lang sa buhay ko naranasan! Panay ang tilian at tawanan ng mga manonood nang magsimula naming balatan ang mga saging na nakatali sa baywang ng mga kapareha namin! Napatingala ako kay Hiro na dahan-dahang isinubo ang saging at pinalamlam ang mga matang ikinakagat nito sa ibabang labi at kita ang pagdaan ng pagnanasa sa mga mata nitong ikinangingisi ko sa loob-loob ko! Namumula itong namumungay ang mga mata habang matiim ding nakatitig sa aking nakaluhod sa harapan nito at dahan-dahang kinakain ang saging nito! "Times up!" malakas na anunsyo ng MC. Saka lang kami nagkabitawan ng malagkit na tinginan ni Hiro sa pag-anunsyo ng mc na naubos na ang isang minuto naming kumain. Natatawa akong isinubo kay Hiro ang kalahati ng saging na kinain ko. Naiiling naman itong isinubo iyon kaya't panay ang tilian at kantyaw sa amin dahil ako lang ang hindi nakaubos ng saging! Nahiya tuloy akong natalo kami ni Hiro. "Ay, anong nangyari sa bebe mo, Hiro? Masyado bang malaki ang saging mo at kalahati lang ang nakayang kainin?" natatawang tudyo ng MC. Umani ng halakhakan sa lahat ang panunukso nito kaya nagsimula na rin kaming tuksuin ng mga manonood maging ng mga kasamahan naming nakilahok sa patimpalak! "Sorry guys, akala kasi ng baby ko, pagalingan ang laro hindi pabilisan kumain," pananakay ni Hiro na ikinatili ng lahat! "Hiro!" asik kong napasubsob sa dibdib nitong ikinubli ang mukha kong dama kong sobrang init na! Lalo tuloy nila kaming tinutukso dahil nakahubad pa rin ito at nakasubsob ako sa malapad niyang dibdib na ikinamilog ng mga mata ko! Parang gusto ko na lamang bumuka ang lupang kinatatayuan ko at magtago sa kahihiyan ko! Susmi! Nakakahiya! Kung pwede lang lumubog na lamang sa ilalim ng lupa ay gagawin ko. Nakakainis! "Chin up, baby. Nahihiya ka bang kinain mo ang saging ko?" nanunudyong bulong nito na napapahagikhik! "Namo ka!" mahinang asik kong malutong na ikinahalakhak nitong ikinulong ako sa kanyang bisig!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD