Official

1348 Words
HIRO: NAPAPAKAMOT AKO ng ilong na maramdamang tila may sumasagi ditong ikinakakati nito. Dinig ko pa ang mahihinang paghagikhik ng kung sino sa tabi ko at maya-maya'y sinusundot na naman ang butas ng ilong kong tuluyang ikinabahin ko! "Baby!" ingos ko. Napahagalpak ito ng tawa na kay aga-aga sinusumpong ng kapilyahang taglay at ang ilong ko naman ang napagdiskitahang sinusundot-sundot gamit ang dulo ng kanyang buhok! Napangisi akong sinunggaban itong niyakap at umibabaw ditong ikinamilog ng mga mata nito. "H-Hiro, ah!" "Bakit, hmm?" painosenteng tanong ko na napapangising pinagsalinop ang aming mga kamay. Sunod-sunod itong napapalunok na matamang nakatitig sa mga mata kong dahan-dahang itinaas sa kanyang ulunan ang aming magkasalinop na kamay. "Hiro," mahinang sambit nitong napaawang ng labing ikinatitig ko doong napalunok. Nangungusap ang mga matang napatitig ako dito na napapatitig din sa mga labi kong napapalunok. Napapikit akong naiawang ang mga labi nang mapahaplos ito ng kanyang hinlalaki sa aking labing unti-unting ikinabigat ng paghinga ko. "I-Iris..." nahihirapang anas kong iniyuko ang mukhang sinalubong nitong humalik sa mga labi ko. "Uhmm...." Napakapit ako sa baywang nitong mas pinalalim ang halikan naming ikinaungol din nitong napayakap sa batok ko! Kahit kinakastiguhan ko ang sariling hwag patangay sa init na nararamdaman ay mas nananaig pa rin ang kasabikan ko ditong pilit kong nilalabanan. "Uhmm...b-bakit?" reklamong ungol nito nang bumitaw akong sumubsob sa kanyang leeg. Panay ng hugot ko ng malalalim na hininga para makalma ang puso kong sobrang bilis ng t***k! "Ayaw mo ba?" may halong pagtatampong tanong nito na ikinaangat ko ng mukha at napatitig ditong nangingiti. Napalapat ito ng labing pinamulaan na mahina kong ikinatawang napahalik sa noo nito. "Nagugutom ka na ba?" pag-iiba ko. "Gutom na gutom na nga, Hiro." Makahulugang paanas nitong napakagat ng ibabang labi! Napalapat ako ng labing pinamumulaan na ikinahagikhik nitong napa-smack-kiss na lalong ikinainit ng mukha ko! Nagniningning ang mga matang nakatutok sa aking mga matang hindi makatingin sa kanya ng diretso. "Ang pilya mo pala,A kumento ko na lamang na bumangon na ng kama. Napapangisi lang naman itong sumunod na bumangong tumalon bigla sa likod kong muntik naming ikasubsob ng sahig! "I-Iris..." Saway kong napapailing na lamang sa kakulitan nitong parang tuko na nangunyapit na sa leeg ko ang mga braso. Napapahagikhik lang naman itong maging mga binti ay yumapos sa tyan ko kaya wala na akong nagawa kundi sapuin ito sa hita para maalalayan. "Baba na, baby." Lambing ko pagkatapat namin ng pinto nitong cottage na inilingan lang nitong mas kumapit at isinubsob ang baba sa balikat ko. "Ayoko." "Makikita tayo sa labas," aniko na nilingon itong nagkakandahaba ang nguso. "Ano ngayon?" Mahina akong natawang pinihit ang doorknob at lumabas ng cottage habang naka-piggy back itong parang bata sa likuran ko. Pinanindigan talaga at hindi na nga bumaba kahit napapatingin na sa amin ang mga guest na nadadaanan namin. Lihim akong napapangiti na unti-unting nakikilala ito. Akala ko talaga suplada siyang babae na may pagka-spoiled brat. Pero nagkamali ako. Makulit na clingy at may kapilyahang taglay itong hindi nakikita ng lahat. At masaya ako na hindi na ito naiilang magpakatotoo sa akin ng asal nito. "Hiro?" atigilan akong dahan-dahang naibaba si Iris nang may tumawag na pamilyar na boses sa likuran ko. "Marga?" nangunotnoo akong napatitig ditong natatawang niyakap ako! "Hiro! Kanina pa kita hinahanap, saan ka ba nagsususuot, huh?" "Aww! Masakit. Tart naman," nguso ko na napahaplos sa tainga kong piningot nito. "Uhm....ano ba kasing ginagawa mo dito?" pagsusungit kong ikinataas ng kilay nitong nagpamewang. "Bakit, bawal ka na bang bisitahin ngayon, hmm?" taaskilay nitong tanong. "Ahem!" Sabay kaming napalingon kay Iris nang mapatikhim itong nakahalukipkip at seryoso ang facial expressions na ikinalunok ko. Mukhang nasira pa tuloy ang magandang araw nito. "Sino siya, tart?" ani Marga na naguguluhan ang mga matang palipat-lipat ng tingin sa amin ni Iris. "Baby, sino daw ako?" napanganga akong napalingon kay Iris na yumakap sa braso ko. Natigilan naman si Marga na napasunod ng tingin sa kamay ni Iris na ngayo'y nakayakap sa braso ko. Napatikhim akong tumuwid ng tayo. Parang uminit tuloy bigla kahit malamig ang simoy ng hangin at hindi pa gaanong mataas ang sikat ng araw. "Ahm....Marga, si Iris...uhmm...." nilingon ko si Iris na tinaasan lang ako ng kilay na napapangisi. Napangiwi akong napakamot sa batok. Wala pa naman kasi kaming klarong usapan ng tungkol sa aming dalawa kaya naiilang naman akong ipakilala siyang girlfriend ko sa kababata ko. "Ahm...ano--" "I'm Iris, Hiro's girlfriend. And you are?" Napakurap-kurap ako sa pagsabat ni Iris na naglahad ng kamay kay Marga na natigilan at parang napako sa kinatatayuan. Pilit itong ngumiti na inabot ang kamay ni Iris na matamis na nakangiti dito. Ngiti nga ba? Bakit parang nakangising aso naman siya? "H-hi...Marga, Hiro's bestfriend," pormal nitong pagpapakilala na ikinatango-tango ni Iris. "Uhmm... Bestfriend. I see," ulit nito. "Napadaan ka, tart?" pag-iiba ko sa usapan at akward na naghahari sa pagitan naming tatlo. Napalunok ako na maramdaman ang paghigpit ng kapit ni Iris sa braso kong ikinaakbay ko ditong pinipisil-pisil siya sa kanyang punong-braso para pakalmahin ito. "Ahm, mangungusta lang. Saka ipapaalala ko lang ang fiesta sa sunod na linggo. Masyado ka na yatang abala dito at hindi manlang magawang dumalaw sa bayan," anito na ikinatango-tango kong napangiti dito. "Ah, baka hindi ako makadalo eh," nakangiwing sagot ko. Ayoko namang basta na lang iwan si Iris dito sa resort gayong ako ang personal na nangangalaga sa kanya dito. "Bakit?" kunotnoong tanong nitong napasulyap saglit kay Iris. "It's okay, baby. Pwede naman tayong bumisita at makilahok sa fiesta. I guess, that would be fun!" napatunghay ako kay Iris na nanlalaki ang mga mata. Natawa naman itong napapisil sa ilong ko. "Totoo, baby? Okay lang ba sayo?" paninigurong tanong kong ikinatango nito. "Yeah. Of course, baby. Anything for my handsome boyfie," kindat nitong ikinalapat ko ng labi at ramdam ang paggapang ng init sa mukha. Napahagikhik itong napayakap sa aking ikinatuod kong napakapit sa baywang nito. "Ah...sige mauna na ako sa inyo, Hiro," napabaling kami kay Marga na tinanguhan ko lang dahil nakayakap pa rin si Iris na parang tuko kung makadikit. "Ihatid ka na namin sa labasan." "Hindi na, tart. Nakakahiya naman. Sa girlfriend mo," kaagad tanggi nito na ngumiting kumaway na naglalakad paatras. "Sige." Napasunod na lamang kami ng tingin ditong tuluyang lumabas ng resort. "Ahem! Ano nga ulit 'yong sinabi mo kanina, baby?" baling ko ditong dahan-dahang napakalas na napapangiwi at pinamumulaan ng pisngi. Pinaniningkitan ko itong napalapat ng labing umilap ang mga mata na hindi makatitig sa mga mata ko ng diretso. Napapisil ako sa baba nitong iniharap sa akin ang mukha at pilit hinuli ang mga mata. "Hehe," ngiwing tawa nitong ikinatawa ko. "Girlfriend kita. Tama ba? Girlfriend na kita?" nangingiting tanong kong ikinatikhim nito. "Hindi ah," alma nitong tinabig ang kamay ko na humalukipkip at napapanguso. "Anong hindi? Ikaw mismo ang nagsabi kay tart kanina. Girlfriend kita," pagmamaktol kong ikinataas ng kilay nito. "Bakit mo siya tinatawag na tart? Magkaibigan lang naman kayo, 'di ba?" madiin at makahulugang tanong nito na nagmamaldita ang tono. Napakamot ako sa batok na pilit ngumiti ditong seryoso na naman ang mukha at nakataas ng isang kilay. "Ahem! Nagseselos ba ang baby ko, hmm?" tudyo kong ikinapula nitong nasamid at sunod-sunod napaubong ikinahalakhak kong niyakap itong hinahagod-hagod sa likuran. "Tss. Selos ka dyan," nangingiti lang naman ako sa pag-ismid nito. "So tayo na?" "Hindi." "Bakit? Sinabi mo nga kanina eh," ingos kong napangusong ikinahagikhik nito. Napayapos ito sa batok ko at matiim na tumitig sa mga mata ko ang mga nagniningning nitong mga mata. "I'm possessive." "Me too," sagot kong napayapos sa baywang nito at mas inilapit ang mukha. "I'm wild." "So I am," napalapat ito ng labing pinipigilan mapangiti. "I'm territorial. What's mine is only mine, alone." "And I'm all yours, baby..From my head, down to my another head down there," paanas kong bulong dito. "Hiro!" Napahalakhak ako sa paghamas nito sa braso ko na namimilog ang mga matang ikinatawa din nitong nakasubsob sa dibdib ko! Parang malulusaw ang puso ko sa labis-labis n sayang nadarama ngayon habang yakap-yakap ito at sa wakas ay matatawag ko na siyang..... girlfriend ko!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD