Cuddle

1368 Words
HIRO: TAHIMIK AKONG pinapakiramdaman ito habang sinasamahang uminom ng beer dito sa balcony ng kanyang cottage. Naiilang naman akong magbukas ng topic lalo na't kitang wala na naman ito sa mood. Busangot ang mukha na salubong ang kilay. Napakalalim din ng iniisip habang nakatanaw sa malayo. "Hiro, anong tingin mo kay Liam?" maya-maya'y tanong nito na sa dagat pa rin nakamata. "Anong ibig mong sabihing anong tingin ko sa kanya?" kunotnoong tanong ko ditong mahinang natawa at napalagok ng beer nito. "Tingin mo ba, mabuti siyang tao?" napalunok ako. Hindi ko naman mabakasan ng kaseryosohan o pagbibiro ito. Casual lang din ang dating ng pagtatanong nito tungkol sa dating kasintahan. "Uhm...tingin ko naman mabuti siyang tao," pagak itong natawa sa muntikang pagkakasamid nito. "You're wrong, Hiro. Mukha lang siyang mapagkakatiwalaan at kagalang-galang pero....." nilingon ako nitong napangisi. "Hindi siya mapagkakatiwalaan." Napipilan akong hindi alam ang isasagot dito lalo na't kita ang pagdaan ng pait sa mga mata nitong namumungay na. Pilit akong ngumiti na napaiwas ng tingin sa matiim niyang pagtitig. "Malay mo naman nagbago na 'yong tao," pagak itong natawang napailing. "Once a fvckboy? Always a fvckboy," anitong naiiling. Napalapat ako ng labi at aminadong tinamaan sa sinaad nito. Hindi naman ako playboy. Pero sa namagitan sa amin noon sa America? Para na rin akong matatawag na fvckboy kahit hindi naman talaga ako ganong lalake. "Ano sabi niya?" pasimpleng tanong ko para ilihis ang akward na nasisimulang maghari sa pagitan namin. Muli din naman itong bumaling sa kalmado at madilim na dagat. "Tsk. That jerk," ismid nitong naiiling. "He want me to come back. What a trash." Pagak itong natawa na sunod-sunod nilagok ang beer nitong napailing. "Anong sabi mo?" napangisi itong nilingon akong napataas ng isang kilay. Napalapat ako ng labing sinalubong ang mga mata nito. "What else?" kibitbalikat nitong tanong na nanlalaki ang mga mata. "Hindi naman ako tanga, Hiro. Para makipagbalikan sa kanya. No way." Napangiti akong lihim na nagdidiwang sa loob-loob ko. May kung anong parte sa puso ko ang natutuwang malamang wala na itong balak makipagbalikan sa dating nobyo. Para tuloy akong teenager na kinikilig at napapalapat ng labi. "Is that a smile?" nasamid akong sunod-sunod na napaubong ikinahalakhak nitong hinagod-hagod ako sa likod! Kapwa kami natigilan nang aksidenteng magtama ang aming mga mata na nilukob ng kakaibang kuryente sa aming pagtititigan! Palipat-lipat ang tingin ko sa kanyang mapupungay na mga matang nanlalamlam na. At sa mga labing bahagyang nakaawang na tila nagpapaanyayang pahalik na ikinalulunok ko at unti-unting pagkabuhay ng kakaibang init na lumulukob sa sistema ko! "I-Iris..." nahihirapang sambit ko sa pangalan nito nang ito na ang kusang pumutol sa espasyong namamagitan sa amin. Napakapit ako sa baywang nitong mas hinapit padikit sa akin nang sa wakas ay maramdaman ko ang pagdampi ng malambot niyang mga labi sa labi kong dahan-dahang ikinamigat ng mga mata kong napapikit at tugon sa masuyong halik na ginagawad nito! Para akong mauubusan ng hangin sa baga. Sobrang bilis ng t***k ng puso ko habang sinasabayan ang bawat paghagod ng labi nitong salitang sinisipsip ang mga labi ko at panakanakang hinihigop akong ikinauungol namin ng sabay. "Uhmm...H-Hiro...fvck, baby!" anas nitong ikinatayo ng mga balahibo kong mas pinalalim ang halikan naming sinasabayan naman nito. Para akong nasa masikip na lugar na pabigat nang pabigat ang panghinga habang unti-unting nagiging agresibo na ang pagtugon nitong halos hindi ko na masabayan ang galing nito paglaplap sa mga labi ko! "Iris....s-stop, baby..." awat kong niyakap ito nang mahigpit! Damang-dama ko ang pagsasagutan ng t***k ng aming puso habang nagpapahupa ng init at naghahabol hininga. Napayakap din naman itong ipinatong ang mukha sa balikat ko. Mariin akong napapikit na kinakalma ang sarili lalo na't ramdam kong nabubuhayan na ako ng dugo. Nakainom kami pareho at ayokong bumagsak na naman kami sa kama pero kinabukasan ay bigla na lang itong maglalahong parang bula. Kahit sabik na sabik na rin akong muling madama at maangkin ito ay gusto ko 'yong may malinaw na kaming usapan at pagkakaintindihan. Dahil hindi naman ang katawan niya ang habol ko kundi siya mismo. Hindi ko ugaling magkama ng babae para mailabas ang init sa katawan ko. Kaya hangga't kaya kong magpigil dito ay gagawin ko hanggang wala pa kaming matatawag na label sa aming relasyon. Napalunok ako nang dahan-dahan na itong kumalas sa pagyayakapan namin na kinulong ang mukha ko sa kanyang palad at pinakatitigan sa aking mga matang matapang kong sinalubong. Nakakalunod ng uri ng ginagawad nitong pagtitig na walang kakurap-kurap at nagbabaga ang mga mata. "Iris." Mahinang sambit ko na iniiwas ang mukha sa akmang paghalik nito kaya sa gilid ng labi ko dumapo ang malambot niyang mga labi. "Why? Don't you like how I respond your kiss, hmm?" paanas nitong pinagdikit ang aming noo at pinakatitigan ako sa mga mata. Mariin akong napapikit na humalik sa kanyang noo. Napangiti ako nang mapabusangot itong parang batang nagtatampo. "It's not like that, Iris. Ayoko lang na umabot tayo sa puntong paggising mo kinabukasan ay magsisisi ka. Nakainom tayo at madaling natatangay sa init ng katawan natin," malambing saad kong ngumiti ditong nakatitig ng direkta sa mga mata ko. "Nagtatampo ka ba?" tudyo kong mabilis napa-smack-kiss ditong napalapat ng labi at kitang pinamulaan ng pisngi. Mahina akong natawang ikinaungol nito ng nagrereklamo na sumubsob sa dibdib ko. Napahalakhak akong impit na napadaing nang kagatin ako nito sa bandang n****e kong ikinahagikhik nitong nagsumiksik sa bisig ko. "Hiro naman eh," pagmamaktol nito lalo. "Bakit?" painosenteng tanong kong nangingiti ditong napapalapat ng labi at lalong pinamumulaan ng pisngi. Ang sarap niyang tudyuin na namumula itong hindi makatingin ng diretso sa mga mata ko habang nagpipigil mapangiti. "Kainis ka," ismid nitong muling sumubsob sa leeg ko. Tinatago ang ngiting ikinatawa kong niyakap na lamang ito. "Can you sleep, here?" Napalunok ako sa paglalambing nitong tiningala akong nagpakurap-kurap na parang maamong tuta. Napakagatlabi akong nag-init ng mukha sa sinaad nito. "Please... please...please...." Napahalakhak akong napailing sa parang batang pangungulit nito na patuloy sa pagpapakurap-kurap at nagpapaawa ang itsura. "Hindi mo ba ako gagapangin, hmm?" tudyo kong ikinamilog ng mga mata at butas ng ilong nitong ikinahagikhik ko. "Grabe ka naman!" asik nitong nahampas ako sa braso. "Naniniguro lang, baby," kindat kong ikinalapat nito ng labing maarteng napaipit ng kanyang buhok sa likod ng taingang ikinatawa kong napailing dito. "I want to cuddle with you, all night long." Seryosong saad nitong tumitig ang mga mapupungay na matang ikinalunok kong muling bumilis ang t***k ng puso. "Sige na, hmm?" "Do you trust me?" seryosong tanong kong ikinaningkit ng mga mata nito. "Do you?" untag ko. "Yeah. I trust you." Parang gustong magtatatalon sa sobrang tuwa ang puso ko sa ribcage nito na marinig dito ang katagang may tiwala ito sa aking makatabi sa kama. Tumayo akong inalalayan itong yumakap sa tagiliran ko. Kabado at tensyonado man ay pilit akong umaktong normal dahil ayoko namang ma-turnoff ko ito. Panay ang buga ko ng hangin nang yumakap itong nagsumiksik sa dibdib ko. "Hug me," inaantok nitong ingos na ginawa nang unan ang dibdib ko. Napapamura na lamang ako sa isip-isip at 'di mapigilang tayuan ng alaga na nakayakap ako ditong napakalambot ng katawan at kay sarap sa ilong singhot-singhutin ang gamit nitong pabango na hindi matapang sa ilong samyuhin. "Bakit?" takang tanong ko nang napaangat ito ng mukha at pilit dinidilat ang mga matang inaantok na. Dahan-dahan akong napapikit sa pagyuko nitong inabot ang mga labi kong ikinamigat ng paghinga ko at napayapos sa baywang nito. "Uhmm...H-Hiro..." malanding ungol nito. Sunod-sunod akong napapamura sa isipan ng mapaungol itong nagiging mapusok na ang kanina'y masuyong paghalik nito! "S-stop, baby." Naghahabol hiningang awat kong pinigilan itong niyakap. Tumatama sa leeg ko ang malalalim nitong paghinga na panay din ang lunok tulad ko. Mahina akong natawa nang hindi na nga ito kumikilos at payapa na ang paghingang ikinasilip ko dito at kitang nakaidlip na rin. Napabuga ako ng hanging nakahinga ng maluwag. Napapailing na lamang akong inayos ito ng higa patagilid sa akin at ikinulong ko sa bisig kong pinaunan sa braso ko. Napahaplos ako sa pisngi nito at mariing napahalik sa kanyang noo. "Goodnight, baby. Thank you....for trusting me." Bulong ko at nangingiting napa-smack-kiss ditong hinila na ang comforter na itinabing ko sa aming katawang magkayakap.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD