HIRO:
NAPAPANGUSO AKONG pasimpleng nakikinig sa kumustahan ni Iris at Liam. Hindi ko rin maintindihan pero kita sa mga mata ni Iris ang discomfort na kausap namin si Liam at ang pinakilala nitong girlfriend na si Nicole.
"Ahm, babe. Why don't we share our table with your friends?" malambing tanong ni Nicole kay Liam na napangiting tumangong humalik sa noo ng kasintahan.
"Yeah. You're right, babe," anito bago bumaling sa amin ni Iris.
"If it's okay with you, two?"
"Of course, why not?" masiglang saad nito na bahagya akong niyugyog sa brasong yakap nito.
"Okay lang ba, baby? maki-share tayo ng mesa sa kanila, hmm?" paglalambing nito.
Napangiti akong sumakay ditong tumango na hinaplos ang ilang hibla ng buhok nitong tumatabing sa kanyang mata at wala sa sariling napahalik sa kanyang noo!
"Yeah. Sure, baby."
NAIILANG AKONG nakikiramdam sa paligid habang magkakaharap kaming apat na kumakain. Katabi ko si Iris at kaharap ang dalawang nagsusubuan pa. Si Liam at Nicole. Napalingon ako kay Iris sa mahinang pagtadyak nito sa paa ko. Nagtatanong ang mga matang napatitig ako dito na nagtaas ng kilay at tila may ibig ipahiwatig.
Napangiti akong sinubuan ito ng carbonara na ikinangiti nitong mahinhing isinubo ang sinubo ko dito. Kita naman sa peripheral vision kong napalingon sa amin ang dalawang kaharap na natigilan.
"Ang kalat mo."
Natatawang saad kong pinunasan ang gilid ng labi nito at dahan-dahang isinubo ang hinlalaki kong ikinapula nito. Mahina akong natawang muli itong sinubuan na tinanggap din naman.
"Let me, baby. Try this one," anito na dumampot ng buttered shrimp na isinubo din sa akin.
Napahawak ako sa kamay nitong nangingiting isinubo maging daliri nitong ikinahagikhik nitong agad binawi ang kamay.
"Baby," saway pa nitong pinamumulaan ng pisngi.
"Bakit?" painosenteng tanong kong ikinailing nitong muli akong sinubuan.
"Ang landi nito," mahinang saad nitong ikinahagikhik kong pinagbunggo-bunggo ang dulo ng aming mga ilong.
"Ahem!"
Natigil ang simpleng paghaharutan namin ni Iris at napabaling sa dalawang kaharap nang mapatikhim si Liam. Hindi tuloy namin napansing kami na lang pala ang kumakain at pinapanood na lamang nila kami ni Nicole.
"Yes?" nagtatakang tanong ni Iris dito.
"Can we talked after our dinner?" pormal nitong tanong na kay Iris nakamata.
Kiming ngumiti lang naman ito na nagpunas na ng table napkin sa bibig at kamay.
"I'm sorry, Liam pero....may gagawin pa kasi kami ni Hiro mamaya," makahulugang saad nito na may pilyang ngiting naglalaro sa labi.
Namula naman ang kaharap namin na kitang hindi nagustuhan ang isinagot ni Iris na nangingisi lang. Napalapat ako ng labing napainom ng isang basong tubig. Para tuloy nanuyo ang lalamunan ko sa simpleng patama nitong may ibang ibig sabihin ang dating.
"It won't take too long. Just a minute, Iris." bakas sa tono ang pakiusap nito.
Umiling si Iris ditong yumakap sa braso kong ikinanigas ko na napalunok. Para akong nakadama ng libo-libong boltahe ng kuryente sa pagyakap nito ng pabigla-bigla!
"Sabihin mo na ngayon, Liam. As I said, may gagawin pa kami," umiling itong may pilit na ngiti sa labing bahagyang sinulyapan akong nginitian at tanguhan ko.
"Next time na lang siguro," anito na tila pinagsakluban ng langit ang tono.
"Okay so, mauna na kami sa inyo, hmm?" napatayo na akong inalalayan itong napangiting napayapos sa tagiliran ko.
Tumayo na rin naman si Liam at Nicole na nakipagkamayan pa sa aming dalawa ni Iris.
"See you around, love birds. Enjoy your stay," aniko na ikinangiti at tango ng mga itong iniwanan na namin ni Iris.
Kahit wala akong kasiguraduhan ay parang nahihinulaan ko na kung sino si Liam sa buhay ni Iris. Napaakbay ako ditong lumabas ng restaurant. Ramdam ko pa rin naman ang mga pares ng matang nakatutok sa aming dalawa ni Iris hanggang makalabas kami ng restaurant.
Napabitaw na ako dito nang kumalas na itong nagsariling maglakad. Napapanguso akong nakamata ditong sinasabayan ang bawat hakbang.
"Ahm, Iris?" tumigil itong nilingon ako na nakataas ng kilay.
Napakamot tuloy ako ng batok na napunta sa ngiwi ang ngiti ko nang mapataas ito ng kilay.
"Ano?" untag nitong napahalukipkip.
"Sino siya?" natigilan itong nag-iwas ng tingin sa mga mata ko.
"Dating kaibigan o dating ka-ibigan," dugtong ko.
Napalapat ito ng labi na pinangilidan ng luha. Mapait itong napangiting napatingala sa kalangitan. Pinipigilan ang pagtulo ng luha.
"He's my.... he's my fiancee. Before," anito sa matabang na tonong ikinalunok ko.
Kahit inaasahan ko ng ex boyfriend niya ang lalakeng 'yon ay nakadama ako ng kurot sa puso ko na fiancee niya na pala ang lalakeng 'yon dati. Naalala ko naman ang una naming pagkikita kung saan durog na durog itong kitang may mabigat na pinagdadaanan. Napatango-tango akong pilit ngumiti nang lingunin ako nito.
"Don't look at me like that?" anito na pinaningkitan ako.
"Ang alin?"
"Hwag kang maawa sa akin, Hiro. Nakalimot na ako. Ang mga katulad ni Liam? Hindi sila kawalan. Lalong-lalo nang.....hindi sila worth it pag-aksayahan ng panahon para iyakan," anito na nakamata sa mga mata ko.
"Then prove it, Iris."
Napakunotnoo itong napatitig sa aking nagtatanong ang mga mata. Ngumiti akong hinaplos ito sa ulo na kitang natigilan.
"A-anong ginagawa mo?" kabadong tanong nito.
"Shh...relax, baby. Nakatingin siya sa atin," bulong kong bahagyang sinulyapan si Liam sa 'di kalayuan na nakatitig dito sa gawi namin.
"W-who?" utal nitong tanong na ikinalingon ko dito at matamis na nginitiang yumapos sa kanyang baywang.
"Your ex," bulong kong ikinalunok nitong napayapos din sa batok ko.
"Is he still watching?"
"Aha," pabulong tango ko.
Namilog ang mga mata ko nang tumingkayad itong sumiil sa mga labi kong ikinapisil ko sa kanyang baywang.
Napasulyap ako sa gawi ni Liam na nakatayo pa rin doon at nakatitig sa amin ni Iris. Napangisi akong dahan-dahang tinugon ang mga labi nitong sabay naming ikinaungol at mas napahigpit ang yakap sa isa't-isa!
Para akong kakapusin ng hangin sa baga sa sobrang bilis ng t***k ng puso ko at 'di mapigilang napipisil ito sa baywang. Damang-dama ko ang kalambutan ng katawan nito sa aming pagyayakapan na halos maghigupan na ng buong-buo!
"H-Hiro..." naghahabol hiningang putol nito sa marubdob naming halikan.
Napadikit ako ng noo ditong hinihingal ding halos nagkakapalitan na lamang ng hanging nalalanghap sa sobrang lapit ng mukha namin sa isa't-isa.
Napasulyap ako sa gawi ni Liam at kitang tila nagtatalo sila ni Nicole.
"Let's go, baby?"
"Hmm?" nagtatanong ang mga matang napatingala ito sa akin.
Nginuso ko ang gawi nila Liam na ikinalingon nito doon at kitang natigilang makitang tila nag-aaway ang dalawang kanina lang ay naglalabingan. Napangisi itong nakamata sa dalawa na bakas ang tuwa sa nakikita.
"Naughty." ingos ko.
Marahan kong napisil ito sa ilong na ikinatawa nitong gumanti ding pinisil ang ilong ko.
Nagpatianod naman ito nang akayin ko ng bumalik sa kanyang cottage. Nangingiti akong marahang pinipisil-pisil ang kamay nitong hawak kong parang bulak sa lambot.
"Iris."
Natigilan kami sa paglalakad nang biglang sumulpot si Liam na humahangos. Napakunotnoo kaming napatitig dito na matamang nakamata sa kamay naming magkahawak.
"Yes?" untag ni Iris.
Saka lang ito napaangat ng mukha na nagpalipat-lipat ng tingin sa aming dalawa ni Iris.
"May kailangan ka ba, pare?" pormal kong tanong na marahang pinipisil-pisil ang kamay ni Iris na humigpit ang pagkakahawak sa kamay ko.
"Ahem! Can I borrow her for a minute? I just wanna talk to her, dude." Pormal ding sagot nitong napatikhim at tumuwid ng tayo.
Napalingon ako kay Iris na nagtatanong ang mga mata. Napabuga naman ito ng hangin.
"Fine. Ten minutes is enough," anito na bumitaw sa kamay ko at bahagyang lumayong ikinasunod kaagad ni Liam dito.
Napahinga ako ng malalim na 'di maiwasang mapatitig sa kanilang dalawa na ngayo'y matamang nag-uusap.
Mapait akong napangiti nang makitang niyakap ito ni Liam na tila humahagulhol sa balikat nito. Kaagad akong pumihit patalikod sa gawi nila nang mapalingon si Iris sa akin. Mapakla akong natawa sa isip-isip na nagpahid ng luhang nag-aalpasan kahit anong pigil ko.
Alam kong mas matimbang si Liam kumpara sa akin. Na wala lang ako kay Iris dahil hindi naman niya ako minahal katulad ng kay Liam. Lalo na ang wala akong karapatang masaktan na makita siyang may kasamang iba dahil una sa lahat ay walang kami. At ni minsan ay hindi ko siya naging pag-aari.
Pero kahit anong kastigo ko s sarili ay hindi ko pa rin mapigilang masaktan na may ibang nakayakap dito ngayon at ex boyfriend pa niya. Para akong pinipiga sa puso. Hindi ko kaya. Hindi ko kayang nakikitang may ibang lalakeng malayang nakakalapit at yakap sa kanya dahil kahit alam ko sa isip at puso kong wala akong karapatan....
Nagseselos ako.