Closer

1462 Words
IRIS: NAPAPANGISI AKO sa loob-loob ko na walang nagawa ang owner ng resort na 'to sa demand ko.tsk. Mga lalake talaga. Konting lambing at pang-aakit mo lang? Bumibigay na. Napailing akong nagsuot ng manipis na puting loose shirt na lumabas ng cottage. Napasunod naman ito na sinasabayan ang dahan-dahang paglalakad ko habang napapalinga sa paligid. Hapon na at palubog na ang araw. Napakagandang pagmasdan ang paligid lalo na ang dagat habang unti-unting lumulubog ang araw na nagmistulang kulay kahel. "Hi, Ma'am, pwede pong magpa-picture? Kayo si Iris Castañeda, 'di po ba?" biglang sulpot ng isang grupo ng mga kalalakihan na pawang mga naka-topless. "Ahm--" "I'm sorry. No pictures, please?" singit ni Hiro na ikinatameme kong napatingala dito. Kita naman ang panghihinayang sa mukha ng mga binatang lumapit sa amin dito sa pampang. "Ano ba," mahinang asik ko ditong kiming ngumiti lang at inakbayan pa ako. Napaatras tuloy ang grupong magpapa-picture sana sa akin na nagkakatinginan. "Let's go, baby?" Napakurap-kurap ako sa sinaad nitong tulalang nagpatianod nang igiya ako sa mga nakahilerang duyan dito sa pampang. Nakurot ko ito sa tagiliran na napaiktad at hagikhik lang. "Baby mo mukha mo," ismid ko ditong pabalang na naupo sa gilid ng duyan. Nangingiti lang naman itong naupo din sa kabilang gilid na ikinawalan ko ng balanse at napasubsob sa dibdib nito. Napahalakhak lang naman itong nag-inat ng brasong ikinaunan ko dito. Napalapat ako ng labing bumaling sa ibang direction ang paningin para ikubli ang ngiting sumilay sa aking labi. "Ang ganda," bulalas kong sa sunset nakamata. "Sobrang ganda," bulong nitong ikinalunok ko. Kahit hindi ko ito lingunin ay kita ko sa peripheral vision kong sa akin ito nakamatang lihim kong ikinangiti. Napapailing na lamang ako sa isip-isip ko. Paano ko ba naisuko agad ang katawan ko dito noon? Dala lang ba 'yon ng kalasingan? Hanggang ngayon ay palaisipan pa rin sa akin kung paanong napapayag ako nito. Dahil hindi ko naman ugaling makipag-one-night-stand kung kani-kanino lang. Imposible din naman kasing pinwersa ako nito dahil wala naman akong nakitang galos o pasa sa buong katawan ko noon. Ilang minuto din kaming nanatili ni Hiro sa ganong posisyon. Para tuloy kaming magkasintahan na nasa bakasyon kung titignan. Gabi na nang nagyaya itong magkalad-lakad muna kami sa pampang na tipid kong ikinangiting nagpatianod sa pag-akay nito sa aking magpahangin muna. Nangingiti akong dahan-dahang naglalakad at ninanamnam ang bawat kiliti na dala ng pinong buhangin sa tuwing tatapakan ko at bahagyang lulubog pa ang mga paa ko habang sinasabayan naman ni Hiro ang maliliit kong hakbang. Hindi ko tuloy maiwasang makaramdam ng kuryente sa tuwing nagkakasagian ang aming mga palad at parang niya akong kinukuryente. Natigilan ako nang may makita sa malapit sa amin na couple. Magkayakap na naglalakad-lakad din dito sa gilid ng pampang. Napalunok akong hindi makakilos sa kinatatayuan at walang kakurap-kurap na nakamata lang sa kanila. Maya pa'y huminto din silang nagtungo ang lalake sa harapan ng babae at parang kinakausap ng masinsinan. Saglit lang ay dahan-dahan itong lumuhod na ikinatutop ng kasintahan ng palad sa bibig at bakas ang kagulatanan sa reaksyon nito. Hindi ko namalayanan ang sariling isa-isa na palang tumutulo ang luha habang nakamata sa magkasintahan sa 'di kalayuan na kasalukuyang nagpo-propose ang lalake sa babaeng tumatango-tangong inilahad ang kamay at mabilis na nagyakapan matapos maisuot ang singsing dito.. Kaagad akong tumalikod at nagpahid ng luha habang malalaki ang hakbang na bumalik sa cottage ko. Naramdaman ko naman ang pagsunod ni Hiro na tahimik lang pero dama kong nago-obserba ito. "Damn, Iris. Ang tagal-tagal na non. Kalimutan mo na ang lahat," piping kastigo ko sa sarili. Napailing akong panay ang pahid ng luha. Pakiramdam ko'y kahapon lang nangyari ang lahat. Kung paanong nawasak ang puso ko dahil sa kataksilan ng fiancee ko. At dahilan din kaya naisuko ko sa bagong kakilala noon ang sarili. Para pa rin akong nangangapa sa dilim. Nakakulong sa isang sulok na naghihintay ng magbubukas ng pinto. Isang taon na ang nakakalipas. Pero heto at miserable pa rin ako at ang puso ko. Habang si Liam? Hayon at nge-enjoy sa buhay. At ngayon ay may panibagong kasintahan na naman na kani-kanina lang ay nakita ko pang niluhuran nito at inalayan ng kasal. "May resto ba kayo dito?" umiling itong nagtungo ng kusina at may hinalungkat sa mga naka-hanging cabinet doon. Tumuloy ako ng balcony na sumalampak ng upo sa sahig at inilublob ang paa sa tubig. Naupo naman ito sa tabi ko na may dalang grapes wine at dalawang wine glass na kanyang sinalinan. "Baka sa susunod na linggo pa bago kami magbukas sa bagong resto dito sa resort," anito na inabot sa akin ang wine na inisang lagok ko lang. Sa sobrang tabang na nararamdaman ko ay hindi ko manlang nalasaan ang wine nito. Muli din naman nitong sinalinan ang baso ko na makitang wala na 'yong laman. Napahinga ako ng malalim na napatitig sa dagat. Gabi na pero maliwanag pa ang kapaligiran dala ng bilog na buwan at mga nagkukumpulang bituin sa kalangitan. "Okay ka lang ba? May problema ba?" anito sa matagal-tagal naming katahimikan. Napabuga ako ng hangin na tumingala sa mga bituin sa langit. "Nagmahal ka na ba, Hiro? Minahal ka na ba?" magkasunod kong tanong na sa mga bituin nakatingala. Kita sa peripheral vision kong napatitig ito sa akin pero hindi ako lumilingon. "Nagmahal? Uhmm....oo. Minahal? Hindi ako sigurado," anito na ikinalingon ko ditong kiming ngumiti at inisang lagok ang wine. "Anong ibig mong sabihin?" kunotnoong tanong ko na mapaklang ikinatawa at iling nito. Napaayos ako ng upo na humarap dito. Kita ang pagdanaan ng kakaibang lungkot sa kanyang mga mata. Na kahit nakangiti ito ay iba naman ang sinasabi ng mga mata nitong namumungay na. "Do you believe in saying that, love at first sight?" napalunok ako. Para kasing may bumarang bato sa lalamunan ko sa tanong nito. "Ahem! No," napanguso naman ito. "Ako oo," anitong nagtaasbaba ng kilay at bahagyang napangising ikinataas ng isang kilay ko dito. "May babae akong hinihintay. Unang kita ko pa lang sa kanya tumibok na ang puso ko para dito. Dahil sa kanya mas pinagbuti kong i-improved ang sarili. Para kung sakali at dalhin na naman siya ng kapalaran sa akin? May maipagmamalaki na ako sa kanya. May lakas ng loob na akong, magtapat sa kanya ng nararamdaman ko." Pagkukwento nito. Napipilan akong matamang lang na nakatitig dito. Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko dahil para akong kinukurot sa puso na mapag-alamang may mahal na pala itong hinihintay. "What if hindi na siya darating? Naghihintay ka lang pala sa wala," pambabara kong ikinatawa nito. "Kung para siya sa akin, Iris,? Ibabalik siya sa akin ng tadhana. At the right place, at the right time," kindat pa nitong animo'y siguradong-sigurado na mangyayari ang iniisip. "Tsk. You're crazy," ismid kong ikinangiti lang nito. "Maybe. I'm crazy in love...with her," napaismid at irap ako sa hangin na direktang tinungga ang bote ng wine. Mahina itong natawang napailing na lamang. "Ikaw ba? Minahal ka na ba, Iris? Nagmahal ka na ba?" baliktanong nitong muntik kong ikasamid. Tatawatawa naman nitong hinagod-hagod ang likuran kong ikinairap ko dito. "Yeah," simpleng sagot kong ikinatigil nitong napatitig sa akin. 'Yong titig na tila binabasa na naman niya ang nasa isip ko. "Ikakasal na nga dapat ako eh. Kung hindi lang siya nagloko," aniko. Napalunok ito na alanganing ngumiti sa akin nang mapatitig ako dito. "I'm sorry." "Tsk. That was happened a year ago. No need to apologize. Tanggap ko na ang nangyari," napatango-tango itong pilit ngumiti. Muli kaming natahimik na tila nagpapakiramdaman na naman kung sinong babasag sa nakabibinging katahimikang naghahari sa pagitan namin. "Ahem! Are you hungry?" pambabasag nitong tumayo na at naglahad ng kamay na ikinatingala ko dito. Kimi itong ngumiti na napatangong ikinatayo ko na ring humawak sa kamay nitong kapwa namin ikinatigil na napatitig sa aming magkahawak na kamay. Damang-dama ko ang tila bolta-boltahe ng kuryenteng nanggagaling mula sa kamay nitong ikinabitaw ko ditong napatikhim at nagpatiunang pumasok ng cottage. Napasunod naman ito na hindi na umimik pa. Matapos kong magsuot ng manipis na pajama ay lumabas na kami ni Hiro ng cottage at nagtungo sa restaurant nitong resort. Pagak akong natawa sa isip-isip ko na kaagad nahagip ng paningin ko ang pares na masayang nagkukwentuhan sa gilid habang kumakain. Lihim akong napapamura na sa gawi pa nila ako hinila ni Hiro. Hindi naman ako makaangal dahil kitang halos puno na ang espasyo dito sa loob ng restaurant. Pilit akong ngumiting napayakap sa braso nito nang malapit na kami sa lamesa nila Liam at ang kasintahan nito. Natigilan naman si Hiro na napalingon sa akin sa pagyakap ko. "Why?" painosenteng tanong kong ikinapilig ng ulo nitong pilit akong nginitian. Ngunit para naman akong nanigas nang marinig ang pamilyar na baritonong boses na sinambit ang pangalan ko. "Iris? Is that you?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD