Puppet Slave

1620 Words
HIRO: HINDI KO maipaliwanag ang sayang nararamdaman ko sa mga sandaling ito habang nakatitig sa kanya. Kahit hindi niya ako matandaan ay okay lang. Ang mahalaga nagtagpo ulit ang landas naming dalawa. Hindi na ako mangangapa sa dilim na hanapin siya. Ang babaeng unang kita ko pa lang, ay napatibok na niya ang puso ko. "So, magpu-pull-out ka pa ba, Ma'am?" nangingiting tanong ko habang nakaharap kami sa karagatan na nakatukod ang mga kamay sa railing nitong balcony. Napangiti itong napataas ng kilay na napapatango-tangong pinagsasawang pagmasdan ang kapaligiran. "Uhmm... I'll think about it. Anyway," Napalunok ako nang nilingon ako nito na pinasadaan ako ng tingin mula sa sandals ko, pajama at sando na suot kong bakas ang disappointment sa maganda niyang mukha. "Are you the owner of this beach resort?" Napatikhim akong tumango na pilit nginitian ito kahit medyo salubong ang kilay na walang kangiti-ngiti sa kanyang mga labi. "Yeah. Hindi lang halata, Ma'am." "Kita ko nga," mahinang saad nito na muling humarap sa kalmadong dagat. Napakamot ako sa batok na nakamata dito. Wala pa ring pinagbago ang anyo niya. Parang kahapon ko lang tuloy siya nakita. "Stop staring at me like that." "Sorry," kaagad kong paumanhin na iniiwas na ang paningin dito. Napa-tsk lang naman ito na hindi na nagkomento. ILANG SAGLIT din kaming nakatanaw sa dagat bago nagpasya itong magpahinga muna kaya iniwanan ko na ito sa kanyang cottage. Gustong magtatatalon ang puso ko sa labis-labis na tuwa na muling nakita ito kahit hindi na niya ako matandaan. Ang mahalaga ay natagpuan ko siyang muli, at ngayon ay makakasama ko pa ng isang buwan dito sa resort. Pakiramdam ko'y sinagot ng Maykapal ang panalangin kong sana makita ko pa ito. At ngayon ay dinala siya ng tadhana dito mismo sa teritoryo ko. Nangingiti akong bumalik ng hotel. Sinalubong naman ako ni Tristan na kabado pa rin ang itsura. "Kumusta 'yong guest? Napaamo mo ba, pare?" mahina akong natawang inakbayan itong pumasok ng hotel. "Hindi siya kasing-sungit ng iniisip niyo, pare. Pagpasensiyahan niyo na lang na tinarayan niya kayo. 'Di bale, ako ang personal na mang-aasikaso sa kanya habang naka-stay siya sa atin," napakunotnoo itong nilingon ako na ikinataas ng kilay ko dito. "Sigurado ka, Hiro?" paniniguro nitong tanong na ikinangiti at tango ko. "Oo naman. Bakit naman ako hindi sigurado?" baliktanong ko dito na napapapilig ng ulo. "Kasi ikaw ang may-ari ng resort at sa pagkakaalam ko, boss ka dito?" alanganing tanong nito na ikinahalakhak kong tinapik ito sa balikat at hinila sa gawi ng elevator. "Tanda mo 'yong babae?" bulong ko habang paakyat na ang elevator. "Sinong babae?" nagtatakang tanong nito na napasalubong ang mga kilay. Napangiti akong nahimas ang baba ko. "Yong naka-one night stand ko sa America. 'Yong tinatawag niyong tisay na nagawi noon sa resto Bar na tinutugtugan natin," pagbibigay alam kong ikinamilog ng mga mata nitong bakas ang gulat at pagtatanong sa kanyang mga mata. "Ibig mong sabihin--" "Aha. Siya 'yong babaeng si tisay, Tristan. Nagkita ulit kami. Ang saya ko pare!" masiglang saad kong nagpamulsa ng kamay at tuwid na naglakad ng hallway pabalik ng opisina ko. Sinasabayan naman ako nitong nakatitig sa akin na tila hindi pa rin makapaniwala sa nalaman. "Kaso hindi niya ako matandaan eh," aniko sa nanghihinayang na tonong ikinatango-tango nito. "Pero ayos lang. Ang mahalaga ay napapayag ko siyang manatili muna dito sa resort at tapusin ang isang buwan niya ditong pananatili." Dugtong ko. Awtomatikong sumilay ang matamis na ngiti sa mga labi ko na maalala ito. Fvck! Para akong nananaginip ng gising! "Paano kung makilala ka niya pagdating ng araw, Hiro? Hindi ka kaya magkaproblema?" nag-aalalang tanong nitong ikinalingon ko dito. Nagkibit-balikat itong naupo sa sofa kaharap ko. "Bakit naman ako magkakaproblema kung sakali?" napakamot ito sa pisngi na alanganing ngumiti. "Hindi ba, lasing na lasing siyang ini-uwi mo sa apartment. At may namigatan sa inyo. Sabi mo virgin siya, 'di ba?" napaisip akong nakadama ng kaba at takot sa sinaad nito. Magagalit nga kaya siya kung magpakilala ako sa kanya at sabihing ako 'yong naka-one night stand niya isang taon na ang nakakalipas? Paano nga kung magalit siya? Baka isumpa pa niya ako at tuluyang umalis ng resort. Nanghihinang napasandal ako na napapahilot ng batok. Kahit gusto kong ipakilala sa kanya ang sarili ay natatakot din naman ako sa magiging resulta ng pagtatapat ko dito. Hindi ko pa naman siya nakausap ng maayos noon dahil paggising ko ay mag-isa na ako sa kama. Tanging ang pulang marka sa kobre kama ko lang ang naiwan nitong bakas. Bakas na nagpapatunay na malinis ko siyang nakuha. Ramdam ko naman 'yon noon kahit lasing din ako. Naramdaman kong tila may napunit akong barrier sa loob niyang impit pa niyang ikinadaing at mariing nakagat ako sa balikat! Napailing akong napahinga ng malalim. Paano nga ba ako magpapakilala sa kanya? Ayokong sayangin ang pagkakataong ito na mapalapit sa kanya. Pero paano ang nakaraan namin? Ililihim ko ba? O sasabihin? "Ano bang dapat kong gawin?" problemadong tanong ko dito na napapaisip din sa problema ko. "Pakiramdaman mo muna, pare. Mahirap naman 'yong magpakilala ka agad sa kanya. Baka mabigla pa 'yon. Ang taray pa naman niya," kakamot-kamot sa ulong saad nitong ikinatango ko na lamang. Tama naman siya. Ni hindi ko pa lubusang kilala si Iris. Pangalan niya lang ang alam ko sa kanya. At hindi ko pa kabisado ang ugaling meron siya. MAGA-ALAS CINCO na ng hapon nang bumalik ako sa cottage ni Iris. Kabado at excited akong muli itong makita. Kahit na nagsusungit siya ay parang wala lang sa akin dahil mad nangingibabaw sa puso ko ang tuwa na kasa-kasama ko ito ngayon dito sa resort ko. "Iris?" katok ko sa pinto nito sabay tawag dito. Ilang sandali lang ay bumukas ang pintong ikinatuod ko sa kinatatayuan. Bagong ligo lang kasi ito at naka-roba pa habang pinupunasan ng puting towel ang basang buhok nito. "Come in," anito na mas niluwagan ang pinto at saka tumalikod. Sunod-sunod akong napalunok na naninigas ang mga binting pilit kong inihakbang papasok ng cottage nito. Naupo naman ito sa sofa na dinampot ang lotion bottle nitong dalang inihagis sa akin. Napangisi pa ito na nasalo ko ang boteng basta na lang inihagis sa akin. "Moisturize me, Mr," utos nito. Dahan-dahang kinalas ang pagkakabuhol sa tali ng kanyang robang ikinasamid kong sunod-sunod na napaubo at nag-iwas ng tingin ditong napahalakhak at iling sa akin. "Ahem! I-ikaw na lang. Kaya mo naman eh," alanganing saad kong ipinatong ang bottle sa lamesang kaharap nito. Napanguso naman itong pinapakibot-kibot na nakamata sa akin. Nag-iinit tuloy ang mukha ko at 'di mapigilan ang puso kong sumisipa-sipa na sa loob ng ribcage nito! "Hindi ko maabot ang likod ko," pagtataray nitong napairap at tuluyang hinubad ang suot na roba. Kaagad akong napaiwas ng tingin na tumambad sa aking mga mata ang kabuoan nito khit na may suot naman itong two piece red daring bikini na ikinalakas lalo ng kanyang datingan. Napapabuga ako ng hangin na nanginginig ang kamay na nagpahid ng lotion sa likod nitong ngayo'y prenteng nakadapa dito sa mahabang sofa. Para akong kakapusin ng hangin sa baga sa pagpipigil ko ng hininga habang nilalagyan ng lotion ito sa buong likuran! Napakalambot at kinis pa naman ng balat nitong kay sarap haplusin! Hindi ko tuloy maiwasang makaramdam ng uhaw lalo na't parang nananadya ang pagkakataon na naglalaro sa isipan ko ang mainit naming gabi sa America! Kung gaano kami ka-wild nang gabing 'yon at gigil na gigil sa isa't-isa hanggang inabot ng umaga sa ilang beses naming pagtatalik! "Uhmm...diinan mo pa, please?" ungol nito. Napalunok akong natigilan sa pag-ungol nitong ikinagapang ng kakaibang init sa katawan ko! Napapahid ako ng pawis sa noo na 'di ko namalayang tagaktak na pala ng pawis ang mukha ko. Kagat ang ibabang labing marahan kong imina-masahe dito ang lotion na mahinang ikinauungol naman nito. Panay ang mura ko sa isipan na dama kong unti-unti na ring nagigising ang alaga ko sa malambing pag-ungol nito na bakas sa tonong nagugustuhan ang ginagawa kong pangmamasahe sa kanya! "Ahm! Okay na ba?" "More." "Fvck!" mahina akong napamurang ikinahagikhik nitong narinig ako. Napabuga ako ng hangin na muling yumukod para ipagpatuloy ang pangmamasahe sa likuran nitong kay kinis at lambot na malaking parusa sa puson at buddy kong tuluyang nagising sa loob ng cargo pants ko! "Lower," utos nito. Mariin akong napapikit na mas ibinaba sa taas ng bilugan niyang mga pang-upo ang minamasahe kong parte ng likuran. Panay ang hugot ko ng malalalim na paghinga na nasasagi ko ang pang-upo nitong nakakatakam ang katambukan at kay sarap dakmaing pagpipisilin fvck! "Anyway. Do you know me, personally?" tanong na bahagya akong nilingon. "Hindi po," nahihirapang saad ko. Napatango-tango naman itong mukhang naniwala. "That's great. Magmula ngayon ikaw na ang personal na mag-assist sa akin dito. Ikaw ang maghahanda ng lahat ng kakailanganin maging mga kakainin ko, umaga, tanghali, gabi. Ikaw din ang bodyguard at tour guide ko habang nandidito ako sa resort mo," litanya nito. " Hindi ako madaling magtiwala sa iba. Kaya mainam na iisang tao lang ang lagi kong kasa-kasama. In short.....alipin kita habang nandidito ako," napatanga ako sa mga sinaad nito na napaka-bossy ng dating. "T-teka...sobra naman yata 'yong gawin mo akong alipin mo, Iris? Ako ang boss dito," tulalang apila kong ikinataas lang ng kilay nitong inaayos ang pagkakabuhol ng roba. "So?" "So?" kunotnoong ulit kong ikinangisi nito na bahagyang yumukong pinisil ako sa baba na inilapit ang mukha sa mukha ko. "May hindi ka ba naintindihan sa mga sinabi ko, Mr Hiro Salongga?" Napalunok akong napatitig sa mga mata nitong mapupungay. Puno ng misteryo na 'di mo mabasaan ng anumang emosyon. "K-kuha ko," parang nahihipnotismong pagsang-ayon ko ditong ikinangisi nito lalong nahaplos ako sa ulo. "Very good...my cutie, puppet slave."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD