IRIS:
NAPAPANGUSO AKONG pinagmamasdan ang loob nitong hotel na pinag-book-an sa akin ni Steffi. Ang bestfriend kong anak ng ninang Diane ko. Hindi naman siya luma o pangit pero para sa aking sanay sa mga luxury hotels na pinagi-stay-an? Masasabi kong ang simple ng ambiance ng lugar.
"Are you sure this is the one and only, Hero's Hotel and resort in this town?" kunotnoong tanong ko sa front desk na panay ang ngiti kahit kitang hindi ako natutuwa!
"Yes ma'am. Wala po kaming kapangalang resort dito kaya nakakatiyak kaming ito nga ang hinahanap niyo. Ano pong pangalan niyo na naka-book dito, Ma'am?" magalang tanong nito. Napahilot ako ng sentido.
"Iris Castañeda," simpleng sagot kong ikinangiti at tango nitong bumaling sa kaharap na computer.
"Ah yes po, Ma'am, may pangalan po kayo dito. Naka-book kayo sa vip cottage namin for one month, right?" magiliw nitong imporma.
Napatampal ako sa noo na makumpirmang dito sa cheap na resort ako in-book ni Steffi!
Ang sabi ng babaeng 'yon napakaganda dito na mala-paraiso! Paanong naging paraiso ang gantong lugar gayong alam naman niyang mataas ang expectations ko pagdating sa mga beach na pinupuntahan ko!
"Cancel my reservation," walang emosyong utos ko.
"Po!?" gimbal na bulalas nitong ikinataas ng kilay ko ditong namutla maging ng ibang kasamahan nito at nagsisikuhan na.
"Are you deaf? I hate repeating my words!" inis kong singhal dito.
"M-ma'am, hindi kasi ganon kadali ang gusto niyong pag-pull-out," alanganing saad nito.
Napapatingin pa sa mga kasamang animo'y nagpapasaklolo sa mga itong ikinangisi ko lalo.
"Where's your manager, oh..the owner. Where is your boss, huh? I want to talk to your boss right now!" lalong namutla ang mga itong nagkakatinginan.
"What!?" untag kong napahampas ng front desk at pinandidilatan ng mata ang mga itong bakas ang takot!
"Y-yes Ma'am, just a minute," tarantang saad ng isang lalake na patakbong nagtungo ng elevator!
Napapahilot ako ng sentido na palakad-lakad habang hinihintay ang boss ng mga ito at ako mismo ang mag-cancel ng reservation ni Steffi sa akin dito. Malilintikan talaga sa akin ang babaeng 'yon. Pinaasa niya lang akong mare-relax at magugustuhan ko ang isang buwan kong pag-stay dito pero heto lang pala ang mabubungaran ko!
Napapihit ako ng may nagsalita mula sa likuran ko.
"Excuse me, what's going on here?"
Napakunotnoo ako na mabungaran ang isang binatang mukhang kakagising pa lang. Naka-sando at pajama pa ito na sabog-sabog ang buhok! Pagak akong natawa sa isip-isip.
Kaya naman pala cheap na cheap ang resort na 'to. Ang cheap din naman pala ang may-ari.
"Enjoying the view, Mr? Are you done, checking on me?" sarkastikong tanong ko na napangisi ditong napakurap-kurap at pinamulaang napatikhim.
"Ahem! How can I help you, Ma'am?" pormal nitong tanong na ikinahalukipkip kong napataas ng kilay.
"I'll cancel my reservation here," walang paliguy-ligoy kong sagot na ikinatameme nitong bakas ang kagulatan.
"Ahm, may we know your reason for cancelling your reservation, Ma'am?" magalang tanong nito.
Napahinga ako ng malalim na muling iginala ang paningin sa kabuoan nitong lobby ng hotel.
Napanguso akong nagmamasid. Nakamata lang naman itong bakas ang kamanghaan, tsk. Ngayon lang ba siya nakakita ng maganda sa tanang buhay niya at napapatulala sa akin?
"This resort is cheap."
"Grabe ka naman. Ang sama mo," napalingon ako dito na napataas ng kilay.
Kung magsalita kasi ay parang kakilala niya ako.
"I'm just being honest, Mr. Sorry but not sorry," napakamot ito sa sabog-sabog niyang buhok na napapailing.
Napatitig ako dito. Parang nakita ko na siya. Hindi ako sigurado kung paano, saan at kailan pero parang....parang nakaharap ko na siya dati pa.
"Subukan mo munang mag-stay kahit isang araw lang, Ma'am. Hindi mo pa naman nalilibot ang kabuoan ng resort para i-judge mo agad," anito na ikinatikhim ko.
Napatagal na pala ang pagtitig ko dito.
"Siguraduhin mo lang na may maibubuga kayo. And you, fetch," duro ko ditong napapitlag pa.
Napangisi akong ibinato dito ang handbag kong agad niyang sinalo.
"Nice," ngisi kong ikinabusangot nito.
"Ginawa pa akong aso," mahinang sambit nitong narinig ko pa rin naman.
Napapailing akong naglakad na palabas ng hotel. Taranta naman itong napasunod at hinila ang maleta at iba pang mga language ko.
Natigilan akong pagkalabas namin ng hotel at bumungad ang kulay asul na dagat. Puting buhangin na parang crystal na nangingislap sa puti at pagkapino nila. Napakaganda din ng mga niyog na nakahilera sa pampang na may mga nakasabit pang duyan. Ang iba ay solo, at meron ding pangdalawahan.
Natutulala akong naglakad na bakas ang kamanghaan na may nakatago pa lang magandang beach sa likod ng cheap hotel nito. Maaliwalas ang paligid na malamig ang simoy ng hangin na kay sarap damhin at samyuhin! Nakatitig pa lang ako sa maaliwalas na kapaligiran ay nare-relax na ang isip at puso ko. Tama nga si Steffi. Paraiso ang lugar na 'to.
"Tara?" napadilat ako ng mga mata sa pag-untag nito sa akin.
Napairap na lamang ako ditong nangingiti lang na nagpatiunang naglakad sa mga nakahilerang cottages dito malapit sa pampang. Nasasabik na tuloy akong igugol dito ang isang buwan kong bakasyon.
Hindi ko pa ring mapigilang mapalinga-linga sa paligid na namamangha ang mga mata. Marami na akong napuntahang beach resort maging abroad. Pero dito sa bansa ay iilan pa lang. Kaya napakasarap sa pakiramdam na may mga gantong paraiso pala tayong kagagandang beach na undiscovered pa.
Napasunod ako dito nang pumasok siya sa pinakadulong bahagi ng cottage. Medyo malayo ito sa mga katabi at kitang ito ang pinakamagara at pinakamalaki sa lahat ng cottage.
Napapatango-tango ako na nililibot ang paningin sa kabuoan nito. Para lang siyang studio type. Kumpleto na ang kusina, sala, kama at may sariling banyo. Tumuloy naman ito sa may sala at doon maingat na inilapag ang mga gamit ko.
Nagtungo ako ng balcony at lumabas. Sumalubong pa sa akin ang sariwang ihip ng hanging ikinangiti at pikit ko. Napakapayapang pagmasdan ang tila walang hanggang kulay asul na dagat at ang luntiang mga burol sa dulong bahagi. Napayakap ako sa sariling nangingiting ninanamnam ang lamig ng hangin. Naramdaman ko namang sumunod itong tumayo sa tabi ko at nakatitig na naman sa akin.
"Stop staring at me, Mr. It's annoying," napatikhim ito na sunod-sunod napaubo.
Napapangisi at iling na lamang akong nanatiling nakapikit na tama nga ang hula kong nakatitig siya sa akin habang nakapikit ako, tsk.
"Sorry. Pamilyar ka kasi," anito.
Napadilat ako ng mga matang nilingon ito at matiim na tinitigan sa kanyang mga mata. Matapang din naman nitong sinalubong ang mga mata ko.
"He really looks familiar to me," piping usal ko na matiim na nakikipagtitigan dito.
"Ako ba, hindi pamilyar sayo?" muling tanong nitong ikinapilig ko ng ulo at agad umiling.
Pilit itong ngumiti na tumango-tango at ibinaling ang paningin sa kaharap naming dagat.
Napatitig ako dito na hinagod ng tingin mula ulo hanggang paa. Hindi naman siya masasabing Manong. Dahil kahit ang simple ng suot nito ay hindi maipagkakaila ang angkin niyang kakisigan at kagwapuhan. Malinis din siya sa mukha at walang bigote. Kahit nga sabog-sabog pa ang buhok nitong hinahangin ay hindi 'yon nakabawas ng kanyang datingan.
"Nakilala ko na ba siya, before? When? Where? How?" sunod-sunod kong tanong sa sarili.
Napailing akong kaagad nag-iwas ng tingin dito nang lingunin ako. Hayan na naman ang mga mata niyang kung makatitig akala mo naman magkakilala na kami dati pa.
"Imposible," piping usal ko.