one year later HIRO:
"CONGRATULATIONS!!"
NAPAPANGITI AKONG isa-isang nakikipagkamayan sa mga sponsors ko sa pagbubukas ng aming bagong bukas na hotel and resort dito sa probinsya namin sa Sorsogon.
"Congratulations, hijo, a job well done. Successful ang pagbubukas ng resort mo," ani Ninong Henry na governor lang naman ng aming probinsya.
"Salamat po, Ninong, isa kayo sa dahilan kaya naging successful po ang opening," maluha-luhang saad kong ikinatawa nitong tinapik-tapik ako sa balikat.
"No hijo, you did it yourself. And I'm proud of you."
"Salamat po, Ninong."
"Sa akin ba wala?" nagkatawanan kami ni Ninong Henry sa pagsabat ni Ninong Wilson na vice governor namin.
"Salamat din po, Ninong," aniko na nag-mano ditong napangiti na bahagyang ginulo ang buhok ko.
"Congratulations, Hiro. Ang ganda ng resort. Paniguradong dadagsain ito ng mga turista lalo na't isang matikas, batang-bata at napaka-gwapo ang may-ari," nanunudyong saad nitong ikinatawa at iling namin ni Ninong Henry.
"Salamat, Ninong. Marami pa kaming kailangan idagdag dito. Pang-attract sa mga turista." saad ko.
Napatango-tango naman ang mga itong nililibot ang paningin sa paligid nitong resort.
"Hiro, anak. Halika muna," napalingon kami kay Papa na tinatawag ako.
"Sige po mauna na muna ako, Ninong," pamamaalam ko sa mga itong ngumiti at tumango lang sa akin.
Napapanguso akong nilapitan si Papa na kasalukuyang nakikigulong nilalantakan ang pa-bodlled fight namin ng mga seafood sa lahat ng bisita.
"Pa, dahan-dahan naman. Ang pressure niyo," paalala ko ditong kasalukuyang kumakain ng malaking sugpo.
"Minsan lang namang lumabag sa bawal, anak. Pagbigyan mo na ako," napailing na lamang akong namulot na rin ng sugpo na sinabayan itong kumain.
"Maiba ako."
"Hmm?"
"Kailan mo planong mag-asawa, Hiro? Baka mamaya dito mo pa sa resort mo makilala ang mamanugangin ko," ngisi nitong ikinangiwi ko.
"Wala pa sa isip ko ang bagay na 'yan, Pa. Wala akong planong mag-asawa. Alam niyo 'yan," pambabara ko.
Panigurado kasing hindi na naman niya ako tatantanan na kulitin kung kailan ako mag-aasawa kahit paulit-ulit ko rin namang sinasabing wala akong plano.
"Baka mamaya makakita ka lang ng puti dito na guest niyo ay kainin mo bigla ang mga salita mong ayaw mo pang mag-asawa at wala ka pang plano," tudyo nitong ikinangisi ko.
"Kung gusto ko ng puti, 'di sana nag-uwi na ako mula sa America ng mapapangasawa kong puti, Pa. Kayo talaga. Tama na 'yan, mapasobra kayo. Kayo din ang mapapasama. Babalik pa kayo ng munisipyo," awat at paalala ko ditong wala na naman planong tantanan ang mga pinagbabawal sa kanyang pagkain.
Isa kasing butihin na public servant si Papa. Mula pagkabata ko ay isa na siyang councilor ng aming bayan, hanggang ngayon na isa na siyang mayor. Si Mama naman ay maagang nawala sa amin. Dahil sa isang aksidente. Nagkarambola noon ang mga kotse sa plaza at isa si mama sa mga nabundol at dineklarang dead on arrival ng hospital na pinagdalhan namin. Nakakasa lang ng loob na hindi manlang naparusahan ang mga driver na naging sanhi ng aksidente noon at pagkamatay ng ina ko. Kahit naman nabayaran kami ng sobra-sobra ay wala pa ring kapantay ang sakit na mawalan ng ina sa isang iglap lang.
MATAPOS ANG nakakapagod na grand opening ng resort ay bagsak ang katawan kong nahiga ng couch ko dito sa opisina.
Pinaayos ko ang rooftop ng hotel na puro salamin lang ang dingding kaya't tanaw dito sa loob ang kumpulan ng mga tala sa gabi.
Napangiti akong napaunan sa aking mga braso na nakatingala sa kalangitang nagniningning ang mga bituin mula doon. Isang taon. Mahigit isang taon na rin magmula ng may makilala akong dalaga sa America na nagawi sa resto bar na pinaggi-gig-an ng banda namin. Kahit isang beses ko lang siyang nakita at nakasama ay nakaukit na sa isipan ko ang maganda at napakaamo niyang mukha kahit kita ang lungkot sa kanyang mga mata.
Alam ko namang lasing na siya noon. Pero lalake din ako. At nakainom pa. Idagdag pang dalawa lang kami noon sa apartment ko kaya hindi ko na napigilan ang init at pagnanasang naghari sa sistema ko nang mga oras na 'yon.
Alam kong wala na siya sa sariling pag-iisip. Ni hindi na nga siya makatayo at bagsak maging ulo. Pero nagawa ko siyang angkinin. At laging gulat na malinis pa siya!
Napapailing na lamang ako na maalala ang mainit na tagpo namin ni Iris sa America. Tanging 'yon lang ang alam ko sa katauhan niya. Kaya hindi ko alam kung paano siya hahanapin sa social media. Kinabukasan pagkagising ko ay mag-isa na lamang ako ng silid. Ang tanging naiwan niyang bakas ay ang pulang mantya sa kobrekama ko na senyales na birhen ang nakaniig ko.
Her seductive moans, her sweet lips, her soft body, her smells. Mariin akong napapikit habang sinasariwa ang mga 'yon sa isipan ko.
"Iris," mahinang sambit ko sa pangalan nito.
Sumilay ang mapait na ngiti sa mga labi ko sa kaisipang minsan lang 'yon mangyayari sa buhay ko.
Kung alam ko lang na aalis siya ng hindi magpapaalam ay hindi na sana ako natulog. Para mabantayan siya at mas makilala pa. Hindi sana ako ngayon nangangapa sa dilim na naghihintay ng pag-asa na magkrus muli ang landas naming dalawa. Kahit na napaka-imposible ng bagay na 'yon.
Sa mga sumunod na araw ay naging maayos naman ang pagbubukas bg resort. Kahit nakikilala pa lang ang lugar namin ay kakatuwang hindi kami nasi-zero ng guests. Bagay na ipinagpapasalamat namin.
NAPABALIKWAS AKO ng bangon sa sunod-sunod na katok mula sa pinto. Naniningkit ang mga matang napaangat ako ng mukha. Mataas na pala ang sikat ng araw pero nasa kalagitnaan pa rin ako ng paninimbing!!
Napahilamos ako ng palad sa mukha at patakbong nagtungo ng pinto. Napapakamot ako sa buhok kong sabog-sabog pa na mabungaran si Tristan na namumutla!?
"May problema ba, pare?" napalapat ito ng bibig na kitang nababahala nga.
"Ahmm...may ano. May," nangunot ang noo kong napatitig dito na hindi matuloy-tuloy ang sasabihin.
"May?"
Pilit itong ngumiti na pinamumulaan na ng mukha. Hindi ko alam kung nadudumi ba siya, o kinakabahan.
"May guest tayo sa baba, pre."
"Oh? Hindi ba dapat masaya kasi may guest?" taaskilay kong tanong.
Napakamot ito sa batok na alanganing ngumiti.
"Hinahanap ka eh."
"Ako?" paniniguro kong turo sa sarili.
Tumango itong tipid na ngumiti. Napahinga ako ng malalim na lumabas ng silid at nagtungo ng elevator kasama ito.
"Bakit daw?"
"Basta, ikaw ng bahalang makipag-usap sa kanya. Nakakatakot kasi ang kamalditahan niya," namilog ang mga mata kong nilingon itong napahagikhik.
"Maldita?"
"Amazona pa."
"Ano?!" mahina itong natawa na napailing at kamot ng pisngi.
Napalunok akong kinabahan sa bagong guest namin. Sa loob ng isang buwan naming pagbubukas nitong resort ay wala pa naman kaming naka-encounter na masungit na guest. Kaya hindi ko maiwasang kabahan na ngayon ay meron na.
Dama ko ang pangangatog ng mga tuhod ko pagkabukas ng elevator at bumungad sa amin ang lobby.
"Tara?" untag ni Tristan sa pagkakatuod kong ikinatango ko.
Kahit kabado ay pinilit kong pina-normal ang kilos na naglakad palapit sa front desk kung saan may isang dalaga doon na nakatayong nakapamewang at mukhang tinatalakan ang mga staff kong napapayuko dito.
"Excuse me, what's going on here?" pormal kong tanong.
Parang nag-slow-mo ang paligid nang dahan-dahan itong pumihit paharap sa aking ikinalaglag ng panga at milog ng mga mata kong makilala ito! Dinig na dinig ko ang malakas na pagkabog ng dibdib ko habang tila nahihipnotismong nakatitig lang dito!
"Iris."