IRIS:
NAPAPANGISI AKO dito na feeling close friend kaagad at napakagaan kung makipagusap sa akin.
"So, may I know your beautiful name?"
Napataaskilay akong tinapunan saglit ng sulyap ang kamay nitong nakalahad at humalukipkip na ikinatawa nitong napakamot sa batok.
"Iris," simpleng sagot ko.
Natigilan ito pero kalauna'y napangiti at tango din na nagsalin ng shot namin.
"Nice to meet you, Iris. Cheers!" napangiti akong dinampot ang shot ko at nakipag-toss dito ng baso.
"Cheers."
Mariin akong napapikit na muling humagod sa lalamunan ko ang init at swabeng pait ng alak.
Pero dahil sa pinagdadaanan ko ngayon ay parang ang hirap namang tumalab sa akin ang tama nito.
"So, what are you doing here, Iris?" casual nitong tanong na sumisipsip ng sliced lemon.
Napailing akong mapait na ngumiti.
"Visiting someone," tumango-tango ito.
"Pero bakit mukhang pang-byarnes santo ang mukha mo, hmm?"
Mapakla akong natawa na nagsalin muli ng alak sa baso naming dalawa.
"Nothing. But for now? I just wanna be alone. Explore the world, forget everything."
"Wow. Ang bigat non," bulalas nitong ikinatawa ko ng mapakla.
"Buti ka pa, mukhang wala kang kaproble-problema," matamis itong ngumiti na pinakatitigan ako sa mga mata.
"Kasi hindi mo kailangan problemahin lahat ng bagay, Iris. Ang sabi kasi ng Lola ko sa akin, lahat ng problema may solusyon. Pero kung tingin mo walang solusyon? Eh...hwag mo na lang problemahin. I let go mo," napalabi akong nag-iwas ng tingin dito.
Pinipigilan ang pangingilid ng luha lalo na't nakamata ito sa akin na tila binabasa ang tumatakbo sa isipan ko.
"Sana nga ganon lang kadali 'yon. Na mag-let go sa bagay na nakasanayan mo," mahinang sambit ko na nakatingin sa kawalan.
Malalim itong napabuntong-hininga na nagsalin sa baso namin.
"Iiyak mo," napalingon ako ditong napangiti.
"Iiyak mo lang, sa ganong paraan gumaan ang bigat na dala-dala mo."
Napatikom ako ng bibig na nakamata ditong pinipigilan ang pagtulo ng luha. Lumipat ito ng pwesto na nakitabi sa akin at pinasandal sa kanyang balikat. Hinubad din nito ang suot na maong jacket at isinaklob sa ulo ko.
Napangiti akong tuluyang pinakawalan ang mga luha kong sunod-sunod na naga-alpasan. Hinahagod-hagod naman ako nito sa punong-braso ko. Hindi ko tuloy mapigilang mapahagulhol na mahina nitong ikinatawa.
Ilang sandali din akong umiyak sa balikat nito bago kusang tumahan na sinisinok na dala ng pagod. Ramdam ko ang pamumugto ng mga mata ko sa tagal ng pag-iyak ko.
"Iinom na lang natin, nakakapagod palang umiyak," natawa itong napailing na nagsalin sa baso namin.
"Nakakapangit din, Iris," ngisi nitong ikinairap ko.
"Ang sama mo," napahagikhik itong dumampot ng tissue at pinahid sa mukha ko.
Natigilan akong napatitig dito habang pinupunasan ako sa mukha dahil mukhang nagkalat na ang make-up at eyeliner ko. Mukha siyang simpleng binata kung pagbabasehan ang pananamit.
Isang black jeans pants na tastas mula tuhod hanggang gitnang hita. Plain black t-shirt at puting converse shoes. Pero kahit ang simple ng porma niya ay hindi maipagkakaila ang angkin niyang kagwapuhan, moreno siya pero makinis sa balat at malinis sa mukha. Maayos din ang high cut nitong bumagay dito lalo na ang hikaw niya sa kanang tainga na nagpalakas lalo ng karisma niya.
ILANG ORAS DIN kaming nag-inuman ni Hiro. Nagkwentuhan ng mga ganap sa buhay. Nakakatuwa lang ang personality niya na napakagaan niyang kausap at marunong makipagsabayan kahit bagong kakilala ka lang.
"Uhmm...." napasapo ako sa ulo kong sobrang bigat na parang pinipiga na ang bawat braincells ko!
Naniningkit ang mga matang napaangat ako ng mukha sa kinasusubsuban kong matigas at mainit na bagay!
Namilog ang mga mata kong inaantok pa na mabungaran ang isang matipunong dibdib ng kung sino na siyang kinasusubsuban ko!
Para akong nabuhusan ng nagyeyelong tubig na ikinagising ng himaymay kong tulog pa! Napatutop ako ng palad sa bibig na unti-unting nag-angat ng paningin.
"Damn, Iris!" piping kastigo ko sa sarili.
Napasabunot sa ulong mamukhaang si Hiro na katabi ko sa kamang hubot-hubad tulad ko!
Tumulo ang luha kong dahan-dahang bumangon ng kama. Hindi ko na maalala ang mga naganap pa kagabi pero ramdam ko ang sarili ko, lalo na sa kepyas ko. Naisuko ko na. Nawala ko na. Ang iniingatan kong puri ko. At ang masaklap? Sa stranger pa na tanging pangalan niya lang ang alam ko.
Mapait akong napangiti na isa-isang isinuot ang mga damit kong nagkalat sa sahig. Kita ko pa ang natuyong dugo sa aking hita, tanda na hindi na ako malinis na dalaga. Dahil sa kagagahan ko ay nawalan pa ako ng virginity!
Kahit gusto kong sumbatan at sugurin si Hiro na nahihimbing pa rin ay wala ng saysay. Dahil hindi na maibabalik. Ang nawala sa akin.
Iika-ika akong lumabas ng silid nito. Saka ko lang napansin na nakatira pala siya sa isang may kalumaang apartment. Napapailing na lamang akong panay ang kastigo sa sarili. Mabuti na lang at nasa labas din ang kotse ko.
Malalaki ang hakbang kong tinungo ito at agad pumasok lalo na't napapatingin na sa akin ang mga tao dito sa labas na halatang ako ang pinagbubulungan na kagagaling lang sa apartment ng kapitbahay nilang lalake.
Napahilamos ako ng palad sa mukha. Pawis na pawis akong nangangatal din ang katawan na nahimasmasan.
"You're such a fool, Iris. Paano mo naisuko sa kanya ang katawan mo?" kastigo ko sa sarili habang mabilis na nagmamaneho palayo sa lugar ni Hiro.
Panay ang tulo ng luha kong agad kong pinapahid.
Awang-awa ako sa sarili sa pagpunta ko dito. Kung alam ko lang na ganto ang mga mangyayari? Hindi na dapat ako nagpunta dito. Nawalan na nga ako ng fiancee, nawalan pa ako ng virginity at sa hindi ko pa lubusang kakilala naisuko!
Nagtungo ako ng airport at muling bumalik ng bansa. Hindi ko na kayang magtagal pa sa lugar na 'to.
Sa Pilipinas ko na lang aayusin at paghihilumin ang puso kong wasak na wasak ngayon sa mga nangyari sa akin dito. Kailangan ko na ring makausap sina mommy at daddy tungkol sa amin ni Liam. Na wala ng magaganap na kasalan sa pagitan naming dalawa. Dahil hindi ko kayang magpakasal sa isang katulad niya. Manloloko siya.
Hindi ang katulad niya, ang gugustuhin kong makasama sa tanang buhay ko. Akala ko iba siya, matino siya, pero akala ko lang pala! Napakuyom ako ng kamao na nagngingitngit ang mga ngiping sumagi sa isip ko ang eksenang naabutan ko sa penthouse nitong kasalukuyang nagpapaligaya ng ibang babae. Napailing akong mahinang mapaklang natawa kahit para na namang pinipira-piraso ang puso ko.
"How could you do this to me, Liam?" sambit ko na panay na ang tulo ng luha.
Ibinaling ko ang paningin sa gawi ng bintana nitong eroplanong sinakyan ko na may mapait na ngiti at luhaang mga mata habang nakamasid sa paligid.
"You can do it, Iris. You're a strong and independent woman, I know, you're strong and brave enough to handle this kind of situation. Cheer-up self. You can do it," piping usal ko na nagpahid ng luha at pilit ngumiti para sa sarili.