Paggising

1263 Words
HIRO: NAPAILING-ILING akong mahigpit itong yakap. Lumapit na rin sina Kuya Alp na pilit akong inaakay pero hindi ako nagpapanaig sa kinatatayuan habang mahigpit na yakap ang katawan ng asawa ko. Hindi ko kaya. Hindi ko siya kayang bitawan. Pakiramdam ko kapag binitawan ko na siya ay para ko na ring tinatanggap ang katotohanang wala na siya. Iniwan niya ako. Iniwan na niya ako. "Iriiisssss!!" napasigaw akong niyakap siya ng napakahigpit at 'di na mapigilang mapahagulhol! Pero nanigas ako nang biglang napahugot ito ng malalim na hininga na ikinagimbal naming lahat!! Napabitaw ako dito na bumagsak ang katawan sa kama kasabay ng sunod-sunod na pagtunog ng monitor na nagpakita ang.....pulso niya!! "Doc! Buhay ang pasyente!" bulalas ng mga nurse na kaagad sinuri ng doctor ito! Napahagulhol kaming nagkayakapan ng pamilya nito habang nakamata sa gawi ni Iris na inaasikaso at muling inaayos ang mga nakakabit ditong aparatus! "Oh my God....what did I do to deserve this pleasant from you" bulalas ni tita Irish na nakayakap sa asawa at nakamata sa anak. "Iris" tanging sambit ko. Samo't-saring emosyon ang naglalaro sa dibdib kong hindi ko na mapangalanan pa pero nananaig doon ang tuwa at pasasalamat sa kanya at sa Maykapal na hindi pa niya ito kinukuha sa amin. MULI DING NAGING stable si Iris at sinabihan kami ng doctor nito na expected naming magigising na ito in a few hours. Pero kung hindi? Tanggapin na namin na tanging ang mga nakasaksak na machine at gamot na lang dito ang nagpapahaba ng kanyang buhay. At nasa sa aming pamilya nito kung patatagalin pa namin o iyuuwi na lamang at sa bahay hintayin ang pagkalagot ng hininga nito. "Thank you" napalingon ako sa nagsalita mula sa likuran ko habang nandidito ako sa chapel ng hospital. Nakaluhod na piping nagdarasal sa Maykapal. Umayos ako ng upo na tinabihan itong nakamata din sa Poong nasa harapan. "Para saan Kuya?" mahinang tanong ko. Ngumiti ito na sa harapan pa rin nakatuon ang paningin. "Honestly, I don't believe in miracles. Cause I believe in hard works. Siguro dahil lumaki akong nasa akin na lahat, na kaya kong abutin kahit ang mga imposibleng bagay na natatapatan ng pera dito sa mundo" pagkukwento nito. Mapait itong napangiti na napailing. Matamang lang naman akong nakatitig dito na nakikinig sa kanyang pagbubukas ng saloobin sa akin. Mailap kasi ang tatlong kuya ni Iris na magkwento. Kahit na nakikipag-usap naman sila ay ibang usapan naman 'yong makipagkwentuhan sila sayo at magbukas ng mga bagay-bagay na personal sa kanilang buhay. Napalingon itong pilit ngumiti. Saka ko lang napansin na tumulo na pala ang luha niyang kaagad pinahid. "Pero sa nangyaring ito kay Iris? Nagbago bigla ang paniniwala ko. Tama ka, prayers and faiths work. Miracles are more powerful than money. Walang saysay ang pera kung buhay na ang pinag-uusapan" napangiti akong tinapik ito sa balikat. Napahinga ako ng malalim na muling bumaling sa harap ang paningin. Ganon din naman ito. "Tama ka Kuya, hindi natin mabibili ang buhay. Dahil siya lang ang may control sa atin. Siya lang ang nakakaalam kung hanggang saan at kailan lang tayo dito sa mundo" pagsang-ayon ko na ikinatango-tango nito. Matagal-tagal kaming natahimik na kanya-kanyang piping nagdarasal at nagpapasalamat sa pakikinig nito sa dasal namin para kay Iris. Na kahit napaka-imposible ay nagawa niyang posible. Dahil sa tauspuso naming pagdarasal, at paniniwala sa kanya. Pinakinggan niya kami. HALOS HINDI kami natutulog ng pamilya ni Iris na nakabantay dito na hinihintay itong magising. Kabado at natatakot din kami na baka hindi na nga ito magising. Pero mas nananaig ang tibay ng paniniwala naming magagawa niya. Na magigising na siya. Ang kailangan lang naming gawin sa ngayon ay magtiwala. Sa kanya. At sa Maykapal. "Mom, Dad magpahinga na muna kayo. Gigisingin naman namin kayo kapag nagising na si Iris" ani kuya Alp sa mga magulang nilang hindi makaalis-alis sa tabi ni Iris na magkabilaang hawak ang kamay nito at pinagmamasdan ang anak na nahihimbing. "Please, kayo naman po ang magkakasakit niyan" paglalambing din ni Shayne. Ang bunso sa kanilang magkakapatid na niyakap pa ang mga magulang. Napahinga ang mga ito ng malalim na pilit ngumiti at tumango sa amin. Kita rin naman ang pagod at antok sa mga ito pero heto at ayaw nilang magsayang ng minuto para mabantayang maigi ang anak. "Okay. Gisingin niyo kami huh?" pagpapaalala pa ni tita Irish na ikinatango at ngiti namin sa mga ito. Isa-isa kaming niyakap at tapik sa balikat bago magkayakap na nagtungo sa kabilang silid kung saan ang pahingaan namin dito sa hospital. Napahinga ako ng malalim. Tinapik naman ako ni kuya Alp sa balikat na ikinalingon ko dito at nagtatanong ang mga mata. Tipid itong ngumiti na inginuso si Iris. "Puntahan mo na siya. Mas nakikinig siya sayo" makahulugang saad nito na ikinangiti ng mga kapatid nitong nanunudyo ang tingin sa akin. Kakamot-kamot akong alanganing ngumiti sa mga itong nagtungo sa tabi ni Iris. Parang lulukso palabas ng dibdib ko ang puso ko na mahawakan ang kamay nito. Nangilid ang luha kong nakamata lang dito. "Baby, bangon na. Hindi mo ba ako namimis? Ako kasi mis na mis na kita" mahinang bulong ko dito habang hawak ang kamay nito. "Gumising ka na baby, pangako. Hinding-hindi ako aalis sa tabi mo, nandidito ako lagi para samahan ka, alagaan, protektahan, patawanin at pakamamahalin ka" tumulo ang luha ko. Napalapat ako ng labing pinipigilan mapahagulhol nang may tumulong butil ng luha sa gilid ng kanyang matang marahan kong pinahid. Mariin akong napahalik sa kamay nitong hawak ko na panay na ang pagtulo ng luha ko. "Thank you baby, hindi ka nang-iwan. Pangako hinding-hindi ko rin 'yon gagawin ano man ang kalabasan ng paggising mo. Lagi mo akong maaasahan sa lahat ng oras na kailangan mo" napayuko akong hindi na mapigilang mapahagulhol. Tahimik lang ding nakikinig ang mga kapatid nito. At hindi nila ako tinatanong ay ramdam kong may alam na sila sa totoong relasyon ko kay Iris. Marahil ay hinihintay lang nilang ako mismo ang magtapat sa kanila. Na ako mismo ang magpapakilala sa sarili ko. "Uhmmm...." "Iris??!" nataranta kaming napatayo at nagsilapitan na rin ang mga kapatid nito na marinig ako. "Kuya hurry call mom and dad?" bulalas ni Shayne na kaagad ginagap ang isang kamay ni Iris! Pigil-pigil ang hininga naming walang kakurap-kurap na nakamata dito. Nakakabingi ang lakas ng kabog ng aming puso na hindi na mapangalanan ang nararamdaman habang nakatitig dito. "Uhmm..." muling mahinang ungol nitong bahagyang naigalaw ang ulo. "Oh my God! Ate! Comm'on you can do it, wake-up sis!" napapahagulhol na pagkausap ni Shayne dito. Napagilid kaming lahat nang pumasok na ang mga nurse at doctor nito na muli siyang sinuri at kita ang pag-aliwalas ng kanilan mukha habang sinusuri ito. "What's going on? Gising na ba siya?" bungad ni tita na napapakusot pa ng mga mata kasunod si tito. "Mom, Dad! Gising na si ate! Nagising siya ni kuya Hiro!" napanganga ako sa sinaad ni Shayne na sinalubong ng yakap ang mga magulang. Hindi ko alam kung ngingiti ba ako o maiilang ng mapatingin sa akin sina tita Irish at tito Alp na nagpapasalamat ang mga mata habang lumuluha na niyakap ang dalaga nila. "Thank you bro, sabi na eh" makahulugang saad ni kuya Kenzo na bahagya akong tinapik sa braso. "Wala naman akong ginawa eh" nahihiyang sagot ko nang bigla akong yakapin ng mga itong ikinatawa at tulo ng luha ko. Napalingon kami sa doctor nang tumikhim itong ikinaayos namin ng tayo na humarap ditong nangingiti na palipat-lipat ng tingin sa aming lahat. "The patient is awake, congratulations ma'am, sir. Ligtas na po sa panganib, si mis Iris"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD