Flat line

1108 Words
HIRO: ILANG ARAW ANG LUMIPAS at pinapayagan na kami ng mga doctor na pumasok ng silid ni Iris. Comatose pa rin ito pero naging stable na ang lagay. Mabuti na lang at mabait ang pamilya niya na hindi ako kinu-question na hindi umaalis sa tabi ni Iris. Napaka-down to earth nila na kahit bagong kakilala nila ako ay hindi naiilang na kausapin, at kasama ako. Mapait akong napangiti na umupo sa gilid ni Iris. Maingat na ginagap ang kamay nitong may nakasaksak na suero. Nanubig kaagad ang mga mata kong napatitig dito. "Baby, naririnig mo ba ako? Kailan ka ba gigising? Bumangon ka na please, m-mis na mis na kita" pumiyok ang boses kong hindi na napigilang mapahagulhol. Mariin akong napahalik sa kamay nitong hawak ko na hinayaang ilabas ang bigat sa dibdib ko. Minsanan ko lang kasi masolo si Iris, dahil laging nandidito ang pamilya niya na kita kung gaano nila kamahal ito na halos hindi maiwan-iwanan! "I'm sorry. Dapat pinapalakas ko ang loob mo na kaya mong lagpasan ito pero, heto at hindi ko mapigilang maging mahina at malambot sa harapan mo" pagkausap ko dito. Maingat kong hinaplos ang pisngi nitong may mga sugat pa rin na nakuha niya sa mga bubog ng bintana. Halos buong katawan niya ay puno ng sugat. Lalong-lalo na sa kanyang ulo kung saan ang may pinakamalalang injury nito. Napaayos ako nang upo na maramdaman ang pagbukas-sara ng pinto kasunod ang papalapit na mga yabag. Napapahid ako ng luha na napatikhim. "Magpahinga ka na muna Hiro, ako na munang bahala dito" ani kuya Kenzo na tinapik ako sa balikat. Siya ang panganay nila Iris na sa unang tingin ay aakalain mong arogante ito. Naka-pokerface kasi lagi at ang tipid niya kung magsalita. "Sige Kuya" aniko na tumayo. Hinawakan naman ako nito sa balikat na ikinatigil at lunok ko lalo na't matiim ako nitong tinitigan sa mga mata ko! Para akong nauubusan ng hangin sa baga. Naninikip ang dibdib ko habang nakikipagtitigan sa kanya. Para kasing may ibang ibig sabihin ang uri ng pagtitig nito na tumatagos hanggang buto kong ikinabibilis ng t***k ng puso ko! "Thank you Hiro" napatango akong lihim na nakahinga ng maluwag. Tipid itong ngumiti na tinapik-tapik ako sa balikat. "Palaban si Iris. Hwag ka ng masyadong mag-alala. Makakaya niya 'to. Lalo't nandidito tayong lahat sa tabi nito, lalo na't......nandidito ka sa tabi niya" Pilit akong ngumiti na tinapik siya pabalik sa balikat. Para kasing may ibang ibig sabihin ang sinaad nito lalo na at napakatiim niya kung makatitig. Lahat naman silang magkakapatid. Na tipong kakabahan ka na lang talagang makipagtitigan sa kanila. Pero nakakatuwa lang na hindi sila mayabang o mapagmataas. Kahit sa mga tauhan nilang bodyguard na nasa labas na nagbabantay ay inaaalala din nila ang kapakanan ng mga ito. Nagtungo ako ng sofa na humiga na rin. Inaantok na rin kasi ako na pilit ko lang nilalabanan. Napadantay ako ng braso sa noo na mariing pumikit kasabay ng pagtulo ng luha ko. Kahit stable na kasi si Iris ay maari pa ring magkakomplikado at bumigay ito. Bagay na ikinatatakot naming mangyari ng pamilya nito. LUMIPAS ANG MGA ARAW na wala pa ring nagiging pagbabago sa kalagayan nito. Namumutla na nga siya at bahagyang bumagsak na ang katawan niya. Pero kahit ganon ay hindi kami sumusuko at tumitigil sa araw-araw na pagdarasal para sa kanya. Na magising na siya mula sa pagkakaratay niya. Isang gabi habang ako ang nakatutok na nagbabantay sa kanya. Napaangat ako ng mukha mula sa pagkakasubsob ko sa gilid ng kama nito nang maramdaman kong tila gumalaw ang kamay nitong hawak ko! Bumilis ang t***k ng puso ko! Parang nagising ang inaantok kong diwa na walang kakurap-kurap na nakamata sa kamay naming magkahawak! Pigil-pigil ang hininga kong inaabangan ang muling paggalaw nito na ikinahiyaw kong gumalaw nga muli ang hinliliit nito! "Kuya Alp! Kuya!" nataranta akong tinungo si kuya Alp na siyang kasama ko dito sa silid at kasalukuyang nahihimbing! "B-bakit!?" pupungas-pungas na napabangon itong napatitig sa aking natutulala! "Hiro?? Anong nangyayari sayo" untag nito na tinapik ako sa balikat. Napapitlag akong ikinasalubong ng kilay nito. "S-si I-Iris....si Iris gumalaw--" naputol ang sasabihin ko nang napalingon ito kay Iris na biglang nagsitunugan ang mga aparatus na nakakabit dito!! "Fūck!! Hurry call the doctor!!" sigaw nito na dinaluhan ang kapatid na tumitirik na ang mga mata at parang nakukuryenteng nangingisay!! TULALA KAMI na nasa gilid at panay ang tulo ng luha habang nakamata sa gawi ni Iris na ngayo'y nire-revive ng mga doctor! Nanginginig ang buong katawan ko sa kinatatayuan. Hindi makakilos. Hindi makapagsalita. "Common'on Iris lumaban ka sweetie. Lumaban ka" nanginginig na paulit-ulit na sambit ng katabi kong panay ang pahid ng luha tulad ko! "Where's Iris?? What's happening!?" gimbal na bulalas ni tita Irish na bagong dating kasama ang si tito Alp na asawa nito. "No!! Iris! Damn doc do your job!!" sigaw nito na napahagulhol na makitang pababa na nang pababa ang heartbeat rate ni Iris sa monitor! "Mommy calm down, ginagawa nila ang trabaho nila" pag-aalo ni tito na pilit hinihila si tita na nagpupumilit lumapit sa kinaroroonan ng mga doctor na umaasikaso kay Iris! Napailing-iling akong nangangatog ang mga tuhod. "H-hindi....hwag kang mang-iwan b-baby...hwag mo akong iwan, hwag sa gantong paraan nakikiusap ko...lumaban ka please" paulit-ulit kong sambit na 'di na rin mapigilang mapahagulhol sa mga sandaling ito lalo na't tuluyang nag-flat line na ang heartbeat nito! "NO!! Buhayin niyo ang anak ko! Hwag ang Iris ko! Alp do something!!" pagwawala tita. Napahagulhol itong dahan-dahang napaluhod na mahigpit na niyakap ni tito Alp. "I-Iris....Iriiisssss!!!" napatakbo ako sa gawi nito nang umiling sa amin ang doctor na nagre-revove sa kanya dahil hindi na bumabalik ang pulso niya kahit panay ang bomba nila dito sa dibdib!! "Hiro!" "Bitawan mo ako!! Bitawan sabi!" sigaw ko na hindi ko na ma-control ang sarili at pilit kumakawala kay kuya Alp na mahigpit akong niyakap mula sa likuran ko! "Iriiisssss!!!" napahagulhol akong hindi ko na mapigilan maging emosyonal lalo na't humahagulhol na rin ang pamilya nito. Nang makawala ako kay kuya Alp ay natabig ko pa ang mga nurse at doctor na nandidito sa tabi ni Iris! Nanginginig ang mga kamay kong sinapo ito sa magkabilaang pisngi! "H-hindi...Hindi...gumising ka! Gumising ka! Hwag mo naman akong iwan Iris!!" napahagulhol akong mahigpit itong naibangon na niyakap!! "Iris....bumalik ka baby...hindi mo ako pwedeng iwan...hwag ka namang mang-iwan, hindi ko kayang mawala ka na naman sa'kin. Nagmamakaawa ako baby....nagmamakaawa ako" napakalas ako dito na pinaghahalikan siya sa buong mukha. Nakayuko lang naman ang mga nurse at doctor na hinahayaan na nila akong tila sinusulit na lamang ang ilang sandaling mahawakan at madama.....ang init ng katawan ng asawa ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD