Critical

1999 Words
HIRO: EXCITED AKONG bumalik ng resort pagkatapos ng maghapong paglilibot ko sa mga bagong dating na guests namin dito sa resort sa kalapit na isla. Nagpaiwan kasi si Iris at gustong gawin ko ang trabaho ko dito sa resort bilang amo. Kahit parang may pumipigil sa akin ay sinunod ko na lamang ito lalo na't nangako naman siyang hindi lalabas ng resort. Malalaki ang hakbang na nagtungo ako sa cottage nito. Hindi ko maipaliwanag pero para akong kinakabahan na sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko sa mga sandaling ito! Namimis ko siya, gusto ko na siyang makita, mayakap, mahalika. Kakaibang emosyon ang lumulukob sa akin na parang may ibang nagpapahiwatig sa akin! "Baby!? Iris!?" Magkakasunod na pagtawag ko dito sabay katok sa pinto pero wala namang sumasagot. Napakunotnoo akong pinihit ang doorknob pero naka-lock ang pinto na ikinalunok kong nilukob lalo ng kaba! Patakbo akong nagtungo ng hotel para kunin ang duplicate key ng cottage nito nang salubungin ako ni Tristan na bestfriend ko. "Pare, buti naman dumating ka na," anito na ikinatigil kong bahagyang kinakapos ng hangin. "Si Iris ba nakita mo?" napakamot ito sa batok na alanganing ngumiti. "Yon na nga pare, sinundo kasi kanina si Iris eh." "Huh? Nino?" takang tanong ko na nangunot ang noong nakamata dito. "May chopper na dumating kanina. Sinundo siya. Eh, hindi naman ako nakalapit. Alam mo namang nahihiya kami kay Iris," anito. Nanghihina akong napasandal ng hallway. Para akong pinagsakluban ng langit sa sandaling ito. Kaya naman pala kakaiba ang nagpaparamdam sa akin simula kaninang umaga. Na parang ayoko siyang mawala sa paningin ko. Dahil may ganitong mangyayari sa pag-alis ko. Bagsak ang balikat na bumalik ako ng cottage namin pagkakuha ko sa duplicate key. Napagala ang paningin ko sa kabuoan ng silid. Nandidito pa naman ang mga gamit niyang ikinahinga ko ng maluwag. Marahil may kailangan lang siyang tapusin. Ngunit nahagip ng paningin ko ang isang papel na nakatupi sa ibabaw ng bedside table na ikinatungo ko doon. Kinabahan akong muli na hindi ko maipaliwanag. Nangangatal ang kamay na dinampot ko ang sulat na iniwan nito. Mariin akong napapikit. Panay ang buga ng hangin na kinakalma ang puso kong sobrang bilis ng t***k! Dahan-dahan akong nagmulat kasabay ng pagbukas ko sa sulat. My Hiro: I'm sorry, baby. Kung hindi na kita mahintay. May emergency sa pamilya ko sa Manila kaya uuwi muna ako. Tatawag ako sayo pagdating namin doon. Hwag magtampo ang asawa ko, huh? Pagkatapos ko dito ipapasundo kita dyan para official na maipakilala sa pamilya ko ang gwapong hero at asawa ko. I love you, baby! Muuwaah! Your lovely wife: Iris Castañeda NAPALABI AKONG nangilid ang luha na mabasa ang mensahe nito. Kaagad kong hinagilap sa drawer ang cellphone ko at binuksan pero napabusangot lang ako at nakadama ng lungkot na wala naman itong missed calls o kahit isang naligaw na message mula dito. Nanghihina akong nahiga sa kama hawak ang cellphone at note nito. "Iris Castañeda," ulit ko sa pangalan nito. Napangiti akong binuksan ang social media account ko para silipin ang account nito. Mag-asawa na kami pero hindi ko pa siya napa-follow sa social media. Tss.. Wala naman itong bagong update. Akmang ibababa ko na ang cellphone nang may magpakitang breaking news na naka-tag ang pangalan nitong ikinabangon ko paupo at nangangatal ang kamay na ni-play ang video!! "Flash report! Ang isa sa mga heredera ng pamilya Castañeda na si Ms Iris Castañeda ay nag-aagaw buhay matapos mag-crashed ang sinakyan nitong private chopper na nagmula sa probinsya ng Sorsogon! Wala pang pahayag ang pamilya Castañeda pero sa naunang pahayag ng mga otoridad ay agaw-buhay ang dalaga sa natamo nito!" Napaawang ang labi kong rumagasa ang luha na parang pinipiga ang puso ko sa mga sandaling ito. Paulit-ulit na nagri-replay sa utak ko ang balita na siyang ikinadudurog ng puso ko! Ni hindi ko alam na heredera pala ang napangasawa ko at galing sa angkan na kilala sa bansa. Pero ang nakakapagtulala sa akin ay ang breaking news tungkol dito. Ayokong maniwala sa balita pero sa sinaad doon na lulan siya ng kanilang chopper na nagmula dito sa Sorsogon ay hindi ko masasabing fake news lang iyon lalo na't sumasang-ayon ang isip, puso at instinct ko na may masamang nangyari sa asawa ko! TULALA AKO SA byahe habang paluwas ng Manila. Hindi ko pa alam kung paano ako makakalapit kay Iris pero bahala na. Kailangan ako ng asawa ko. Kahit kabado at natatakot din ako ay mas nananaig sa puso ko ang puntahan ito. Kung kinakailangan kong humarap at magpakilala sa pamilya nito bilang asawa niya ay gagawin ko. Handa kong patunayan na mag-asawa nga kami mapayagan lang akong makasama ito lalo na ngayong nag-aagaw buhay siya! Hindi ako mapakali. Nababagalan ako sa usad ng bus at nabibilisan naman sa paglipas ng oras! Pakiramdam ko'y naghahabol ako ng minuto na maabutan ko pa itong humihinga! Mugtong-mugto na ang mga mata ko pero panay pa rin ang tulo aking mga luhang hindi maubos-ubos. Pagdating sa Manila ay kaagad na akong sumakay ng taxi at nagpahatid sa hospital ng pamilya Castañeda kung saan naka-admit ang asawa ko. Habang palapit ako nang palapit sa kinaroroonan nito ay pasikip naman nang pasikip ang dibdib kong tila pinipiga ang puso ko! Hindi ako makahinga ng maayos na halo-halong emosyon ang lumulukob sa dibdib kong hindi ko na mapangalanan pa! "Sir, nandito na po tayo," untag sa akin ng driver sa pagkakatulala ko. Pilit akong ngumiti na nagbayad dito bago bumaba ng taxi. Napasapo ako sa noo. Nagkakagulo ang mga tao dito sa labas ng hospital na hinaharang ng mga lalaking naka-suit ng all black na mukhang mga bodyguard. Nagkalat ang reporters at mga camera man sa paligid na nagpupumilit pumasok ng hospital. Nakagat ko ang ibabang labi! Paano ako papasok ng hospital kung bantay sarado na sila para walang makapasok na media o paparazzi sa loob? Umikot ako sa gawing likuran pero may mga media pa rin dito na nagpupumilit sa mga bodyguards na papasukin nila. "Damn...Iris!" frustrated kong singhal na napapasabunot sa ulo. Napahagulhol akong nanghihinang napasandal ng dingding. Kung kailan ang lapit-lapit ko na ay siya namang hirap pumasok sa mundo niya. "Hiro?" napaangat ako ng mukha sa pagtawag sa akin ng kung sino. Napapahid ako ng luha dahil nanlalabo na ang paningin ko. Unti-unting luminaw ang paningin ko at parang nabunutan ng tinik na nakatarak sa dibdib ko na mamukhaan ang lalakeng naka-formal at may dalang prutas na naka-basket. "Attorney Jefferson!" para akong nakahanap ng pag-asa na makita ito. Napangiti itong sinalubong ako na bahagyang niyakap at tinapik sa balikat. "Attorney, nakikiusap ako. Tulungan mo naman akong makapasok. Kailangan ako ni Iris. Kailangan ako ng asawa ko. Nakikiusap ako, Attorney," napahagulhol akong napaluhod na ikinataranta nitong itinayo ako. Umiling-iling akong hindi na mapigilang mapahagulhol. Siya na lang ang nakikita kong makakatulong sa akin sa pamilya Castañeda. Dahil kami-kami pa lang naman ang nakakaalam na mag-asawa na kami ni Iris! "Oo naman. Hindi mo kailangan magmakaawa at lumuhod, Hiro. Tara, sasamahan kita at ipapakilala sa mga amo ko," anito na ikinangiti kong nayakap ito. "Salamat, Attorney! Salamat talaga!" "Sus, buti na lang dito ako dumaan. Ang dami kasing harang sa harap eh," anito na inakay na ako. Mukha ngang kilala siya ng mga bodyguard na tinanguhan lang kami at hinayaang makapasok! Parang lumulukso ang puso ko sa loob ng ribcage nito habang naglalakad kami ng hallway patungo sa elevator! Hindi ko mapigilan ang sayang nararamdaman na makikita ko na ang asawa ko. At may makakasama akong ipakilala ang sarili sa pamilya nito. "K-kumusta na ba siya?" kabadong tanong ko habang lulan kami ng elevator paakyat sa floor ni Iris. Napahinga ito ng malalim na napailing. "Tatapatin kita, Hiro." Anito na bagsak ang tono. Humarap ito sa akin na pinakatitigan ako sa mga mata ko. Takot, lungkot at pag-aalala. 'Yon ang nababasa ko sa kanyang mga matang napakakulimlim. "Critical pa rin si Iris. Hindi maganda ang lagay niya. Mabuti nga na-revive pa siya. 'Yong piloto niya? Nagkalasog-lasog ang katawan at isa na siyang malamig na bangkay nong matagpuan sila. Kaya isang malaking himala na buhay pa itong nahanap ng mga rescuers. Pero.....hindi pa siya ligtas. Anytime, Hiro." Umiling itong nangilid ang luhang ikinatulo ng luha ko. "Pwede siyang mawala sa atin. Kaya ihanda mo lagi ang sarili mo sa mga posibleng mangyari. Ayon din sa mga doctor, hindi na siya makakabalik sa dati sa lala ng pinsala niya sa ulo at katawan. Maari siyang mabaldado....o mawalan ng ala-ala." Nanghihina akong napasandal na kaagad inalalayan nito. Nanginginig ang buong katawan kong parang sasabog ang mga braincells ko sa mga sinaad nito. "Magdasal. 'Yon ang pinakamabisa nating sandigan ngayon, Hiro. Ang magdasal at magtiwala sa Maykapal na hindi niya pababayaan si Iris. Na makakaligtas siya at kahit imposible ay aasa tayo himala, himala na makakabalik pa siya sa dati," anito na nagpahid ng luha at hinahagod-hagod ako sa likuran. Pagkabukas ng pinto ay nakaalalay pa rin itong inakay ako. Maging dito sa floor na binabaan namin ay nagkalat ang mga bodyguard na tinanguhan kaming nakikilala si attorney. Kaya naman hindi na nila ako sinisita kahit bagong salta ako dito. Tumuloy kami sa tapat ng isang silid na may mga taong nakasilip din sa salaming bintana na puro mugto ang kanilang mga mata. Sabay-sabay silang napalingon sa amin ni attorney na ikinalunok ko. Dinig na dinig ko ang malakas na kabog ng dibdib ko dahil tiyak akong sila ang pamilya ni Iris kaya't panay ang lunok ko. "Ahm, good evening. Ma'am Irish, Sir Alp," bati nito sa dalawang magkayakap na mukhang mga magulang ni Iris. Nasa likuran ng mga ito ang tatlong binata at isang dalaga na hawig na hawig ni Iris pero sigurado naman akong hindi siya ito. "Good evening, Jeff. May kasama ka," ani ng tinawag nitong Sir Alp na sinulyapan ako ng marahang tinanguhan. "Ahm, yes po, Sir. Si Hiro po pala....ahm..." nilingon ako nito na alanganin ang itsura. Pilit akong ngumiti dahil palipat-lipat na ng tingin ang mag-asawa sa amin ni attorney. "Ka-kaibigan po ako ni Iris, Sir." Kaagad kong agap na marahang ikinasiko sa akin ni attorney. Hindi ko rin alam kung bakit 'yon ang lumabas sa bibig ko pero kita ko namang tumango-tango ang mga ito at mukhang walang issue sa kanila na magkaibigan kami ni Iris. Napahinga ako ng malalim na pilit ngumiti. "Nice to meet you, Hiro. Ako ang ama ni Iris. You can call me Tito, kaibigan ka ng anak ko kaya hindi mo kailangang maging pormal," anito na tinapik ako sa balikat. "Thank you po, Tito." Itinango naman nito ang gawi ng bintana kung saan tanaw ang mga nasa loob. Nanginginig ang mga tuhod ko. Dahan-dahang humakbang palapit sa bintana na nakamata sa taong nasa loob. Muling rumagasa ang mga luha kong walang kakurap-kurap na nakamata sa babaeng nakaratay sa kama. May mga benda sa katawan, ulo, puno ng aparatus sa dibdib, kaliwa't kanan din ang suero sa kamay, naka-oxygen at may tubo na nakasaksak sa kanyang bibig. "I-Iris..." nanginginig ang boses at mga labing sambit ko. Napahagulhol akong naidantay ang noo sa salamin. Inalalayan naman ako ng kung sino at muling napahagulhol ang mga kasama ko. "Lumaban ka, please....nandito na ako. Iris nandidito na ako, baby. Lumaban ka naman oh, hindi ko kayang nakikita kang ganyan ang sitwasyon.... nagmamakaawa ako, hwag mo akong iiwan. Hindi ko kaya, baby..Hindi ko kaya." Nanginginig katawan ko na bumigay ang mga tuhod kong napaluhod. Hindi ko na kaya ang emosyong nadarama ko. Kaagad naman akong inalalayan ni Tito Alp na siyang nasa likuran ko. Tulala akong inakay nitong maupo sa nakahilerang bench dito sa labas ng silid na kinaroroonan ni Iris. Napayuko ako na tahimik na umiyak. Hindi ko siya kayang makita sa ganong sitwasyon. Na tanging ang mga nakakabit na lamang sa kanyang aparatus ang siyang nagdudugtong ng buhay niya. Pakiramdam ko ay nakakulong ako sa isang bangungot sa mga oras na ito. Gusto ko na lamang magising pero dama ko namang totoo ang mga nangyayari. Na nag-aagaw buhay nga ang asawa ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD