IRIS:
LUMIPAS ANG MGA araw na naging mas open minded kami ni Hiro sa isa't-isa. Naikwento ko na rin sa kanya kung paano kami naging mag-fiancee dati ni Liam. At kung paano kami naghiwalay.
Nagkagulatan pa kami na mapag-alamang naaalala namin ang isa't-isa sa nangyari sa amin noong nakaraang taon sa America. 'Yon nga lang ay hindi ko pa naipapaalala o natatanong ito tungkol sa nakaraan namin noong mga bata kami. At sa dahilan kaya pinadali ko ang kasal naming dalawa.
Isang umaga habang naglalakad-lakad ako sa pampang at dinadama ang sinag ng araw. Natigilan ako ng mapasulyap sa babaeng papalapit dito sa gawi ko na nakamata sa akin. Hindi ako nagpadaig na sinalubong ang mga mata nitong nakatitig sa akin ng diretso.
"Nandito ka pa pala," mapang-uyam saad nitong pasimpleng hinagod ako ng tingin mula sa paa hanggang ulo.
Naka-simpleng puting t-shirt lang kasi ako na damit ni Hiro kaya maluwag sa akin at abot hanggang gitnang hita ko ang manggas. Naka-short ako pero hindi pansin at wala akong suot na sandals dahil gusto ko ang pakiramdam na naiaapak ko ang mga paa ko sa pinong na buhanginan.
"Yeah. Bakit may problema ba tayo kung nandidito pa rin ako?" casual kong tanong.
Napangisi naman itong humalukipkip.
"Wala naman. Hwag mo lang pakialam ang hindi iyo," makahulugang saad nitong ikinangisi ko.
Napataas ito ng kilay na kitang natigilan sa pagngisi ko.
"Like what? Para naman alam ko ang boundary ko," painosenteng tanong ko.
Mahina itong natawang inilang hakbang palapit hanggang sa magkatapat na kami. Hindi ako nagpatinag sa matiim niyang pagtitig.
"Pwede mong landiin ang lahat ng nandito maliban sa isa," anito. Nagtaas kilay lang ako.
"Ang owner ng resort na 'to. Maliwanag ba?" may kadiinang tanong nito.
Pagak akong natawang napailing na ikinatigil nito. Inisang hakbang ko ang pagitan namin na bahagyang yumuko at bumulong sa tainga nito.
"Boyfriend ko si Hiro. Bestfriend ka lang. Ikaw yata ang hindi alam ang limit mo, hmm?" pang-uuyam kong bulong dito.
Kitang natigilan ito pero pinatapang lang ang itsura. Nakangisi na matalim ang ginagawad na tingin.
"Bestfriend? Sigurado ka bang hanggang bestfriend lang kami ni Hiro?" makahulugang saad nito.
Naiiling na lamang ako sa isip-isip. Nahihinulaan ko ng nakausap na siya ng tatlong matatanda para pikutin si Hiro na mapakasalan ito at mailihis sa akin. Ang hindi nila alam? Kasal na kami ni Hiro. Asawa ko na, ang lalakeng pinagpapantasyahan nito. Tama nga ang hinala ko sa una naming pagkikita. May gusto siya kay Hiro. Higit pa sa relasyon nila bilang matalik na magkaibigan.
"Oo, dahil hanggang doon ka lang naman kay Hiro eh. Bestfriend," pang-uuyam kong napapangisi.
Pagak itong natawang napailing. Puno ng kumpyansa sa sarili na mapapasakanya din si Hiro. Dahil nakaalalay sa kanya ang tatlong matatanda.
"We'll see."
"Yeah. We'll see, Marga." Aniko na tinapik ito sa balikat bago iniwan.
Nawalan na tuloy ako ng ganang magpahangin. Maghapon pa namang wala si Hiro dahil may mga guest itong inasikasong inilibot sa kalapit na isla nitong resort.
PALAKAD-LAKAD ako dito sa balcony na nakamata sa dagat. Napapaisip sa mga mangyayari kapag natuklasan na ng ama ni Hiro ang tungkol sa amin. Panigurado kasing magagalit sila at baka sugurin pa ako dito sa resort. Bagay na inaalala ko.
Napabalik ang naglalakbay kong diwa sa pag-vibrate ng cellphone kong nakasilid sa bulsa ko.
Napakunotnoo akong makitang si kuya Alp ang tumatawag. Napatikhim akong umayos ng tayo bago ito sinagot.
"Kuya?" bungad ko.
"Come back home now, sweetie. We have a problem here."
Napalunok ako sa narinig na sinaad nito lalo na't bakas ang kaseryosohan sa boses nito.
"N-ngayon na?"
"Yeah. Prepared your things. Our pilot will fetch you in an hour," nanghihina akong napasandal ng railings sa narinig dito.
"O-okay," tipid kong sagot bago naputol ang linya.
Napapakagat ako ng ibabang labi na napapatingin sa kalapit na islang tanaw dito. Hindi pa naman dala ni Hiro ang cellphone nito kaya hindi ko matawagan. Mamayang hapon pa ang dating kaya hindi ko na siya mahihintay pa!
Napasapo ako sa noo na problemadong pumasok ng silid. Mabigat ang loob na inayos ang sarili. Ayokong umalis basta. Kahit babalik din naman kaagad ako ay parang may kung anong pumipigil sa akin na hwag nang umalis ng resort.
Napagala ang paningin ko sa kabuoan nitong silid. Ang silid na naging witness sa ilang araw at gabi sa maiinit naming tagpo ni Hiro magmula nang maging asawa ko ito. Nahagip ng paningin ko ang notebook at pen na nakapatong sa may bedside table na tinungo ko at nagsulat ng mensahe para sa asawa ko.
Napapakagat ako ng hintututo na palakad-lakad dito sa harapan ng cottage. Nahahati sa dalawa ang kagustuhan ko pero kailangan ko namang mamili agad. Napahinga ako ng malalim na matanawan sa ere ang chopper namin na siyang susundo sa akin. Mukha ngang hindi biro ang kinakaharap nila ngayon sa mansion at pinasundo talaga nila ako dito sa Sorsogon.
Bagsak ang balikat na nagtungo ako ng pampang. Mabibigat ang mga yabag na tila may pumipigil na hwag akong umalis. Napahinga ako ng malalim na sumusukong sumakay ng chopper.
Kahit pakiramdam ko'y nagwawala na ang puso ko sa loob ng ribcage nito. Tumulo ang luha ko sa hindi ko maipaliwanag na dahilan habang paangat na kami sa ere at nakadungaw ako sa bintana tanaw ang isla kung saan inilibot ni Hiro ang mga guest nito.
"Hiro...babalik ako. Pangakong babalik kaagad ako. Sana mahintay mo ako," piping usal ko habang haplos ang infinity ring namin.
Sobrang bigat ng dibdib ko. Na parang may nagpaparamdam sa aking hindi magandang mangyayari sa pagbabalik ko ng syudad.
ILANG SANDALI lang ay nagulantang ako na gumewang-gewang ang chopper kasabay ng pagtunog ng warning alert nito!! Nilukob ako ng kakaibang takot sa dibdib dahil kita kong nawawalan na ng control ang piloto at napakataas pa naman namin kung saan kagubatan ang kababagsakan namin!!
"What's happening!!?" gimbal na bulyaw ko piloto!
"Ma'am get ready yourself!! We're being crash!" dinig kong sigaw ng piloto na tuluyang nawalan ng balanse ang chopper!
Mariin akong napapikit. Parang huminto ang lahat sa paligid ko. Hindi ako makakilos. Hindi ako makahinga. Nagpaikot-ikot kami sa ere hanggang sa tuluyan kaming bumagsak na ikinanigas at manhid ng katawan at isipan ko!
Mahigpit akong nakakapit sa seatbelt kong unti-unti na ring bumibigat ang paghinga ko! Gusto kong magdilat ng mga mata. Gumalaw. Huminga, na hindi mo na magawa. Tumulo ang luha kong may mapait na ngiti sa labing sumilay.
Pakiramdam ko'y umiikot ang paligid ko at unti-unti na ring bumibigay ang katawan at isip ko kahit pilit kong nilalabanan ito. Bago ako tuluyang nagpatangay sa dilim ay sumagi pa sa isip ko ang lalaking minamahal ko. Ang lalaking naging real life hero ko. Ang lalaking pinapakasalan ko.
"H-Hiro."