Rush Wedding

1214 Words
IRIS: PALAKAD-LAKAD AKO habang hinihintay mag-umaga at ng makabalik na kami ni Hiro sa resort. Hindi ako mapalagay habang nandidito kami sa bahay nila. Pakiramdam ko'y nauubusan ako ng oras at walang magawa kung sakali at bigla na lamang nilang hilain si Hiro para ipakasal kay Marga. Napakuyom ako ng kamao na nagngingitngit ang mga ngipin dala ng inis at galit. Ano bang nangyari kay Hiro pagkatapos ng insidente noong mga bata pa kami? Wala na rin kasi akong naging balita sa kanya magmula noong mailigtas kami nila daddy at ang private army ng pamilya namin. Tingin ko naman ay walang problema sa kay Hiro maging sa mental health nito ngayon. Pero kung inaalala ko ang sinaad ng ama nito ay parang nag-iwan ng malaking pilat sa puso at isip ni Hiro ang pangyayaring 'yon. Napahimas ako ng baba na pinagtatagpi-tagpi ang mga bagay-bagay sa aking isipan. Bakit ako natandaan ko siya pagkakita sa larawan niya? Hindi ba niya ako maramdaman? O sadyang nakalimutan niya na ang batang prinotektahan niya noon? "Hey. Good morning, baby. Ang aga mo naman." Napapitlag ako sa biglaang pagyakap nito mula sa likuran ko. Namamaos pa ang boses nitong napaka-sexy ng dating sa pandinig ko. "Good morning too, baby," malambing sagot kong nilingon itong mariing napahalik sa pisngi nitong napalapat ng labing halatang kinikilig. "Anong oras tayo babalik ng resort, hmm?" paglalambing ko pa na napapanguso. Napatitig naman itong nakasandal pa rin sa balikat ko ang mukha. "Gusto mo na bang bumalik tayo?" "Uhm..uhmm," nakangusong tango ko. Napangiti itong ikinaningkit ng mga mata ko dito. "Ngayon na, please?" pagsusumamo ko. Napatuwid ito ng tayo na napatikhim. Napabusangot akong humalukipkip at lihim na napapangising makita sa gilid ng mga mata kong napapatango-tango ito. "Okay. Maligo at kumain lang tayo, baby." "Ayoko. Dun na lang." "Huh?" napakunotnoo ito. Nag-aalangan na kasi akong magtagal pa kami dito lalo na't hindi ko naman narinig ang buong plano ng ama at mga ninong nito kaya kailangan ko na ring kumilos. Bago pa nila maipakasal si Hiro sa Marga na 'yon. "Sige na, hmm? Umalis na tayo," paglalambing kong yumakap ditong nagsusumamo ang mukhang tumingala dito. Napailing itong napakamot sa batok na nagpipigil mapangiti sa ginagawa kong pagpapabebe dito. "Sige na nga. Ikaw talaga," pagsang-ayon nitong ikinangiti kong napayapos sa batok nitong napapairit na mariing humalik sa kanyang mga labi. Natatawa na rin naman itong yumakap sa baywang ko na mas pinalalim ang halikan namin na halos magkahigupan na kami ng mga labi at magkaubusan ng hangin sa baga! LIHIM AKONG nagdidiwang sa loob-loob ko na lumabas nga kami ni Hiro ng bahay na 'di na nagpaalam sa mga kasama namin. Kinakabahan at na-e-excite ako sa kalalabasan ng plano ko lalo na't biglaan ito. Kahit nga si Jefferson ay nagulat sa mga pinaayos ko sa kanyang papeles para sa pagpapakasal namin ni Hiro ng pasikreto. Hindi pa ako sigurado kung mapapapayag ko ito o hindi pero kailangan ko ng isugal ang barahang hawak ko. At 'yon ang pagmamahalan namin ni Hiro. Mariin akong napapikit na napapahilot ng sentido. Nilingon naman ako nito na hinawakan ako sa kamay at marahang pinipisil-pisil iyon. "Okay ka lang ba, baby?" anito na saglit akong sinulyapan. .Ngumiti akong pinag-intertwined ang mga daliri namin at mariing napahalik sa kamay nitong ikinangiti nito habang nakamata sa harapan na nagmamaneho. "Oo naman. Kasama ko ang Hiro ko eh." "Nambola pa," nangingiting saad nitong ikinahagikhik kong muling napahalik sa kamay nito. "Kinakabahan ako sa ikinikilos mo, baby," anito na nagbibiro ang tono. "Hindi kita lalamunin para kabahan ka," natatawang saad kong ikinatawa at iling nito. "Pero pwede mong kainin, baby" makahulugang saad nitong ikinainit ng mukha ko na mahimigan ang ibig nito. "Hiro!" "Hahahah aww! baby naman. Masakit," natatawang daing nito sa pagkagat ko sa braso nito. PAGDATING NAMIN ni Hiro sa resort ay sa cottage na akupado ko muna kami tumuloy nito. Napapailing na lamang ito sa akin kapag napapataas ako ng kilay sa mga babaeng bumabati ditong mga staff nito. "Uhmm....Hiro." Napapaungol kong pagsaway dito sa pagsisimulang paghalik nito sa batok ko pababa sa balikat kong ikinasisinghap kong nabubuhayan ng init sa katawan. Napapihit ako paharap dito at yumapos sa kanyang batok na pinakatitigan sa mapupungay niyang mga mata. Napapangiti akong matamang nakatitig dito at iniisip kung paano ko ba siya mapapapayag na magpakasal na kami mamayang gabi. Kailangan ko ng madaliin ang lahat. Dahil baka maunahan pa ako ng tatlong matatanda. Kahit naman kasi ako ang girlfriend ni Hiro ay wala pa akong ibang panghahawakan dito. Baka mamaya ay magising na lamang akong kasal na ang baby ko na hindi ko namamalayan. Mabuti ng ako ang mauuna sa plano ng tatlong matatanda. "Hiro?" Pagtawag ko dito. "Hmm?" "Let's get married now, baby." Aniko. Natigilan itong napalunok sa sinaad ko. Napapapilig pa ito ng ulo na tila inaalisa sa kanyang isipan kung tama ba siya ng narinig o namali lang. "Huh?" "Sabi ko, magpakasal na tayo." Mas malakas at malinaw kong saad na ikinaputla nito. Napalunok itong bakas ang gulat sa kanyang gwapong mukha. "Baby, baka naman nabibigla ka lang. Hindi biro ang magpakasal," anito na hinaplos ako sa ulo. Napanguso akong ikinangiti nitong mariing humalik sa noo ko. "Ayaw mo ba akong maging asawa?" pagtatampo ko dito na mahinang ikinatawa nitong niyakap ako. "Gusto baby. Gustong-gusto." "Then what are you waiting for? Magpakasal na tayo, Hiro." Dahan-dahan itong kumalas na nagtatanong ang mga mata. "Sigurado ka ba?" paniniguradong tanong nitong ikinatango ko. Tipid itong ngumiti na bakas pa rin ang pag-aalala sa mga mata nito. Pero tumango pa ring ikinalapad ng ngiti ko! "Is that a yes, hmm?" "Yeah. Yes," tumatango-tangong saad nito. Napatili akong napayakap dito na napahalakhak at mas niyakap pa ako ng mahigpit. KINAGABIHAN NGA ay dumating si Jefferson dito sa resort lulan ang chopper ng pamilya namin. Bakas ang pagkabahala sa mga mata nito pero hindi naman tumutol. Isinama pa talaga ang kasintahang mayor na siyang sikretong nangkasal sa amin ni Hiro dito sa loob mismo ng akupado naming cottage. Kahit napakasimple at rush ng kasal namin ay walang makakapantay sa sayang nangingibabaw sa puso kong sa isang iglap lang ay napakasalan ko itong naunahan ang plano ng tatlong matatanda. Napapangisi na lamang ako na napahaplos sa mga affidavit na pinirmahan namin ni Hiro at ang marriage certificate na magpapatunay na kasal na kami ni Hiro at ipinatago kay Jefferson. Ngiting tagumpay ako habang marahang hinahaplos ang infinity white gold ring na suot kong simbolo na may asawa na ako habang nandidito sa balcony na nagpapahangin. Lalo akong napangiti nang yumakap si Hiro mula sa likuran ko na nagsumiksik sa leeg ko. "Are you happy, my wife?" malambing tanong nito. "Yeah. Super my husband," anikong nilingon ito at inabot ang mga labi nitong masuyong humalik sa mga labi ko! Hindi ko mapangalanan ang sayang nararamdaman. Hindi lang dahil naunahan ko ang ama at mga ninong nito pagdating dito kundi sa katotohanang mag-asawa na kami. Asawa ko na siya. Sana lang hindi kami magkaproblema kapag lumantad na kami sa pamilya kong buong akala ay nagbabakasyon lang ako. Napayapos ako sa kanyang batok na ikinahapit naman nito sa baywang ko padiin sa kanyang katawan. Magaan ang loob kong tinutugon ang halik nito at sobrang saya ng puso kong sa wakas ay, asawa ko na ito. Hindi na iyon, magbabago.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD