Xyra's POV "AISH!" Inis n'yang sabi sa akin at sinamaan ako ng tingin. S'ya pa talaga may ganang magalit ngayon. Hindi ko s'ya pinansin at kinuha ko ag envelope ko sa kan'ya. "Kung hindi pala sayo galing ang damit na ito, mabuti naman!" Inirapan ko s'ya. Ang ganda ganda ng umaga pero sinisira n'ya lang. "Saka ang pangit ng damit na 'yan saka asa ka na bibigyan kita ng damit!" Tinaas ko ang kamay ko pero agad itong umiwas kaya napangisi ako. "Umalis ka na nga!" Singhal ko sa kan'ya pero napalitan ng ngisi ang labi n'ya. "Hindi ba ako lucky charm mo kaya sasama ako sa loob!" Bigla itong pumalupot sa braso ko kaya tinulak ko ito palayo. "Ayoko magdala ng malas sa loob!" Bwelta ko sa kan'ya. Tumawa ito na para bang mayroong nakakatawa sa sinabi ko. "Sa gwapo kong ito malas? Iharap mo ng