Xyra's POV "So?" Napahigpit ang kapit ko sa damit ni Rifle ng palapit na sa amin si President Snipe. Ang bata n'ya pa pero President na ito ng isa sa mga malalaking kumpanya. Agad akong nagbow ng huminto ito sa tapat namin. Napatingin ako kay Rifle na nakipagtitigan pa kay President Snipe. Lokong lalaking ito hindi ba n'ya kilala kung sino kaharap n'ya. "You're blocking my way!" Seryosong sabi ni President Snipe at nakatingin ito ng seryoso kay Rifle. "Maluwag ang gilid k... ahh!" Hinila ko si Rifle paalis sa dadaanan ni President Snipe. Pinandilatan ko s'ya dahil mukhang aatake na naman ang kaabnormalan n'ya. Tingin ko pa naman hindi nito kilala ang kaharap n'ya. "Tatanggalin mo ba braso ko?" Binawi n'ya ang kamay n'ya sa akin. Nagbow ulit ako kay President Snipe bago ito tuluyan pum