Xyra's POV "ATE!" Nabitawan ko ang hinuhugasan kong plato dahil sa sigaw ni Jane. Tumakbo ako papunta saan ng galing ang boses n'ya at nadatnan ko ito sa pintuan. "Bakit?" Taka na may halong kaba kong tanong kay Jane. Nilapitan ko s'ya, pero bigla itong may tinuro sa labas. Tinignan ko iyon at may nakalagay na paper bag sa gilid. Kinuha ko iyon at nakalagay sa labas ng paper bag ang isang malaking sulat na GOODLUCK. Tinignan ko ang loob nuon. "Ang ganda ate!" Tinignan ko si Jane ng kuhanin n'ya ito. "Bagay sayo itong blazer ate para kang mayaman!" Kanino galing ito? Hindi kaya kay Rifle, pero bakit naman n'ya ako bibili nito. "9000 ang prize!" Napatingin ako kay Jane at kinuha sa kan'ya ang damit na iyon. Tinignan ko ang tag prize at nanlaki ang mata ko sa mahal nito. "Anong ingay '