9

3304 Words
Nagulat talaga ako sa sinabi ni Sir Ugi na kakain siya muna bago kami bumalik ng Opisina niya. Hindi ba siya kumain sa kania? Nagugutom pa pala siya, bakit hindi na siya kumain ng marami? Eh kung tutuusin ay ang dami-dami ng mga pagkain na nakahain kanina sa mesa namin. Ang sasarap ng mga pagkain kanina, actually, pero bakit kaya hindi siya kumain? Dahil ba hindi siya gutom kanina? Dahil ba hindi siya nasarapan? Ano ba meron sa bituka niya? May mga alaga ba siyang ahas na maaarte rin? Na ayaw kumain ng mga ganoong pagkain na nakahain kanina dahil ilang beses na niya iyong nakain? Ganoon ba? Eh kung ganoon nga, edi wow! Siya na ang maraming nakain na masarap! Mayaman siya eh. Kakaloka! “Pero, Sir Luigi, ang dami pong pagkain kanina sa VIP room, bakit hindi po kayo kumain?” tanong ko rito habang nakamaang ang reaksyon ko sa kanya. Hindi ko naman din kasi talaga maintindihan ang sikmura niya. Ang dami-dami naman kasi talagang pagkain kanina sa vip room, hindi man lang siya lumafang. Hay nako. “Krix, I won’t lie to you, but you know me already,” he said habang nagmamaneho, “I don’t want steak or what so ever it is that looks delicious to you,” turan niya sa akin habang ang mukha niya ay halatang nandidiri na ewan. Ang arte talaga! Naisambit ko naman sa aking isipan. Kunsabagay, may iaarte naman talaga siya dahil mayaman sila at kaya niyang kainin ano man ang gustuhin niyang kainin. Kahit nga ata hindi usual na pagkain ay kaya niyang ipaluto dahil mapera naman ang pamilya niya, or should I say, mapera naman siya. “I want something good, not the usual,” he said, “Did you get me?” sabay baling nito sa akin. “Ah---Am, yeah, Sir, sabi ko nga po,” sagot ko na lamang sa kanya. Hindi ko kasi inaasahan na babaling siya sa akin. Naka-focus kasi siya sa kanyang pagmamaneho kaya naman nagulat talaga ako. “Good, then let’s try Taco,” sambit niya dahilan para mapamaang naman ako ngunit hindi naman niya narinig iyon. “Hah?” mahina kong sambit. Taco? Ano iyon? Sabay tanong sa aking isipan. “Taco, Sir?” naitanong ko na tuloy sa kanya. “Yes, a Taco,” ulit niya, “Don’t tell me you haven’t eat a Taco before?” bumaling siya sa akin dahil biglang nag-red ang traffic light sa kalsadang aming binabagtas. Tumango naman ako habang naka-make face na napapaisip kung ano ang itsura ng Taco na sinasabi niya. Tumawa naman siyang bigla dahil sa naging reaksyon ko. “What? Are you serious?” tanong niya sa akin. Tumango na naman akong muli sa kanya. Eh hindi ko naman kasi alam kung ano ang sinasabi niya. Mabuti sana kung nakakain na ako no’n, edi okay lang. Eh hindi ko alam iyon kaya talagang nagtataka at nagugulat ako. “I can’t believe it, meron pa palang tao na hindi nakakatikim ng Taco?” wika niya sa akin. Gusto ko siyang taasan ng kilay sa kanyang tinuran, pero pinigilan ko. “Grabe ka, Sir, I mean, hindi pa po talaga ako nakakakita at nakakakain nang sinasabi ninyong Taco na iyan,” sagot ko na lang dito na walang pinapakitang reaksyon sa kanya, ngunit pinipilit ko lang na huwag magpakita ng kahit anong reaksyon at baka hindi niya magustuhan. Tumawa na naman siya sa sinabi ko. “Fine, Krix, don’t worry, makakakain ka na ng Taco today,” ngiti niyang tingin sa akin. Hindi na ako sumagot dito. Tumitig na lang ako sa kanya. Ang dami naman kasing ganap. Ano ba ang nakatatawa sa isang tao na hindi pa nakakakain ng Taco? At ano ba kasi ang Taco na iyon? Nakagagwapo ba iyon? Sabihin niya nga sa akin para kumain na ako no’n araw-araw. Baka sakaling maging tunay na akong lalaki. Kapag nangyari iyon, baka mas gwapo pa ako sa kanya. “And we are here,” sambit ni Sir Ugi sabay nag-park ng sasakyan. Napalingon naman ako sa labas ng kotse. Taccitos? basa ko sa nakasulat na pangalan. “We are here in Taccitos, home of delicious Taco,” masayang wika ni Sir Ugi habang bumababa sa sasakyan niya. Bubuksan ko na sana ang kotse nang buksan niya ito. “Let’s go,” sabay aya niya sa akin. Taccitos? Ang weird ng pangalan, naisatinig ko sa utak ko habang nakatingin pa rin sa sign board na nasa taas ng isang kainan. Pumasok na nga kami rito. “Good morning, Sir, good morning, Ma’am,” wika ng isang lalaki, “Welcome to Taccitos,” bungad nito. Yumuko naman ako habang bumabati rin dito. “Good morning din po,” bati ko. “Table for two,” sabi ni Sir Ugi rito. “Yes, Sir, this way please,” at iginaya kami sa isang magandang pwesto. Tinulungan niya muna akong makaupo bago ito bumaling kay Sir Ugi at tulungan din itong umupo. “Thank you,” narinig kong sabi ni Sir, “Um, can I have two regular Tacos and two dragon fruit juice,” order nito. “Okay, Sir, coming right up,” sagot naman ng lalaki bago ito umalis. “Dragon fruit?” tanong ko rito. “Yes, Dragon fruit juice,” ulit naman ni Sir Ugi sa akin, “Don’t tell me hindi ka pa nakatitikim ng Dragon fruit juice?” tanong nito sa akin na kinatango ko rito. Nag-aalangan pa nga ako kung tatango ba ako o hindi, baka kasi asarin na naman niya ako. “Yes, Sir, hindi pa, ano po ba ang lasa no’n?” tanong ko rito dahilan para matawa na naman siya sa akin. “Ha ha!” tawa niya na hindi naman ganoon kalakas pero maiinis ka talaga. Mabuti na lamang at pinipigilan ko ang sarili ko kung hindi ay kanina ko pa ito nabara. “Krix, you are really funny,” he said while laughing, “Saan ka ba nakatira at parang lahat na lang nang sinasabi ko ay hindi mo alam?” tanong niya sa akin. “Pasensya na kayo, Sir,” medyo madiin ko nang sabi rito, “Mahirap lang po kasi kami at hindi po kami mahilig sa mga sinasabi ninyong pagkain,” wika ko rito. “Oops, I’m sorry, my fault, Krix,” mabilis naman niyang hingi sa akin ng paumanhin, “But don’t get me wrong, my dear, ngayon lang kasi ako naka-encounter ng kagaya mo, I mean, you are so different,” sambit naman niya sa akin, “Well, anyway, matitikman mo naman na mamaya ang Taco at ang Dragon fruit juice,” sabi niya, “At hindi ka magsisisi sa sarap, I swear!” he said as he wants me to take note of that. “Sana nga,” sabay bulong ko rito na kinatigil niya sa pagsasalita. “What?” he asked. “Sir?” “Are you saying something?” tanong na naman niya sa akin. Umiling naman ako kaagad dito. “Wala po, Sir,” ani ko, “Ang sabi ko po ay hindi na ako makapaghintay na matikman iyong sinasabi ninyong Taco at Dragon fruit juice,” pagsisinungaling kong sagot dito sabay ngiti ng pilit nang sa ganoon ay hindi niya mahalata na naaasar na ako kanina pa. “Sure ka na iyan ang sinabi mo?” tanong niya, halatang hindi kumbinsido sa sinabi ko. “Opo naman, Sir,” tugon ko naman dito. “Para kasing hindi naman, maiksi lang kasi ‘yong binanggit mo eh,” wika niya. “Nako, Sir, mahaba po iyon, hindi ninyo lang po siguro naintindihan,” ngiti ko ulit dito sabay tawa nang mahina. “Ah, okay, you say so,” aniya kahit na hindi pa rin siya kumbinsido. At buti naman ay nauto ko siya. “Here’s your order, Ma’am, Sir,” biglang dumating ang waiter, at saka ibinaba ang order namin sa table. “Anything you would like to add, Sir, Ma’am?” tanong nito. Umiling naman si Sir dito. “Nope, we will just call you if we want to add something,” sagot naman ni Sir Ugi rito. “Okay, Sir, enjoy your meal,” sambit ng waiter bago ito umalis sa harapan namin. Napatingin naman ako sa pagkain na nasa harapan namin. “This is the Taco,” banggit ni Sir sabay turo sa parang chips, “And this is the Dragon fruit juice,” turo naman niya sa kulay pink na inumin namin, “Let’s eat.” Kinuha na niya ang pagkain niya at kumagat na nga. “Oh, that crackling sound!” kitang-kita sa reaksyon niya na parang nasa-satisfy siya sa kinakain niya. Baliw lang? naisatinig ko na namang muli sa aking isipan. Para kasi siyang baliw sa kanyang reaksyon. Ganito ba kasi talaga kasarap ang pagkaing ito? “Ito na ang Taco?” naitanong ko tuloy. “Ah, yeah,” tango naman ni Sir, “It is actually a Mexican food that consists of a folded and usually fried piece of thin bread called tortilla,” paliwanag ni Sir Ugi sa akin habang tinuturo ang parts ng Taco, “Inside of it are seasoned meat, cheese and lettuce, it’s actually made the Taco so delicious, you must try it, Krix,” utos niya sa akin. “Sige na, try it. Baka magulat na lang ako na magpa-order ka pa ng isa,” natatawa na naman niyang wika. Tumango na naman ako rito sabay kuha ng pagkain na Taco na sinasabi niya. Tiningnan ko muna itong maigi. “Mukha naman po siyang masarap,” wika ko. “It is, actually. Don’t just look at it, Krix. Try it,” muli nitong utos sa akin. Kung ano ka man, makain sana kita, ani ko. Lumunok muna ako bago ko ito kagatin. “Umm, so crispy!” narinig kong sambit ni Sir nang kumagat ako nang bahagya sa Taco na sinasabi nito. Nilasahan ko na ito at dahan-dahang nginuya. “What? How does it taste?” tanong niya sa akin. Nginuya-nguya ko muna ito at saka nilasahan. Pagkatapos ay unti-unti nang nag-iba ang aking reaksyon. “Umm, masarap po siya, Sir,” sagot ko na rito. “See? I told you it’s delicious,” ulit niya bago pinagpatuloy ang pagkain. Masarap talaga siya. Para ka lang kumakain ng burger pero mas kakaiba dahil sa malutong na bagay na naging pinakatinapay nito. “Um, try the Dragon fruit juice, Krix. It will definitely refresh you,” utos na naman niya sa akin. “Okay, Sir.” Kinuha ko naman ang juice at humigop sa straw. At saka nilasan ang sinasabi niyang Dragon fruit juice. Actually, hindi siya matamis, sakto lang ang panlasa ko. “Oh, how was it taste?” tanong na naman niyang muli sa akin. Ngumiti naman na ako at sumagot sa kanya. “Masarap, Sir, sakto lang ang tamis niya,” sagot ko rito. “I told you! Masarap talaga ang Taco at ang Dragon fruit juice,” nakangiti niyang sambit sa akin, “Good to hear that, sige na, kumain ka na nang kumain. And if you want another one, just tell me.” Tumango na lang ako sa huling sinabi ni Sir Ugi. Sinunod ko nga ang sinabi niya na kumain na lang nang kumain. Nasarapan nga ako sa Taco at naisip ko na dalhin si Fear sa lugar na ito sa sweldo ko para naman matikman din niya kung gaano ito kasarap. “Um, do you want to have take out, Krix?” tanong ni Sir sa akin. “Ay, hindi po, Sir, busog na po ako, okay na po sa akin ang kinain ko,” wika ko rito. “Sigurado ka?” tanong niya. Tinanguan ko naman siya at saka sumagot rito, “Opo, Sir.” “Okay, you say so,” he said. Tinapos na nga namin ang aming pagkain at saka kami bumalik sa opisina. “Ah, Krix,” tawag sa akin ni Sir bago siya pumasok sa opisina niya pagkabalik namin sa kumpanya. Bumaling naman ako rito. “Yes, Sir?” tanong ko. “Please ready the contract for Royals’ Laze,” utos nito sa akin. Tumango naman ako rito. “Yes, Sir, noted.” “And kindly inform the messenger regarding the time that I have said to Ms. Olivia earlier,” dagdag pa nito, “Remember, 7 am sharp,” dugtong pa niya. Muli na naman akong tumango rito. “Yes, Sir,” ulit ko. Tumango na rin siya sa akin bago siya pumasok sa loob ng opisina niya. Naupo na ako at nagbukas na ng computer ko. Inayos ko na rin muna ang sarili ko habang hinihintay na magbukas ang computer na nasa mesa ko. Ilang minuto lang ay okay na ito, kaya naman nag-open na ako ng sample contract at in-edit na ito. “Uy, Baks!” tawag at sabay lapit na naman ni Maya sa akin. “Oh, Maya, nandito ka na naman,” ika ko rito habang nakaharap sa computer at ginagawa na ang contract para sa Royals’ Laze. “G*g* ka, saan kayo nanggaling ni Sir Ugi?” tanong nito na kinalingon ko saglit sa kanya sabay taas ng kilay ko rito, “Don’t get me wrong ah, ang tagal ninyo kasi bago kayo makabalik eh,” dagdag pa niya. Bumaling naman akong muli sa ginagawa ko. “Uy, Baks, sumagot ka naman,” ungot nito sa akin. Napapailing ako rito bago sumagot. “Maya, hindi kasi nagustuhan ni Sir ang pagkain kanina sa restaurant kung saan kami nagkaroon ng appointment meeting, kaya ‘yon nag-aya siya na kumain sa ibang lugar,” sagot ko na rito para matigil na ang katatanong niya. Nanlaki naman ang mga mata niya sa gulat. “Ano?! Nag-date na naman kayo ni Sir Ugi sa labas?!” sambit nito, “Baks, iba na iyan ah,” wika nito na kinatingin ko na naman sa kanya. “Alam mo ikaw, Maya, kahit kailan talaga ang dumu-dumi ng utak mo,” sambit ko rito, “Parang hindi mo naman kilala ang ugali ni Sir Ugi,” saad ko, “Hindi ba kapag talagang hindi niya nagugustuhan ang mga hinahain na pagkain sa kanya, ‘di ba talaga namang nag-aaya siya sa ibang kainan?” nakatingin kong litanya rito. “Alam ko iyon, Baks, pero kasi syempre laging kayo ang magkasama. Laging kayo ang-----,” hindi ko na pinatapos pa ang sasabihin ni Maya. “Eh ‘di sabihin mo sa kanya na magpalit na siya ng Secretary niya, para naman hindi ka ‘laging’ nag-iisip ng mali, Maya,” sagot ko naman dito na talagang diniinan pa ang salitang laging para maintindihan niya. “Baks, naman eh.” Bumaling na nga akong muli sa ginagawa ko. “Kung wala ka nang sasabihin pa sa akin, Maya, mabuti pa ay bumalik ka na sa table mo at baka bigla pang lumabas si Sir Ugi, makita ka pa na nandito at nakikipagdaldalan sa akin, bahala ka, hindi kita sasaluhin diyan ah,” utos at pananakot ko naman dito para bumalik na siya sa pwesto niya. Nanggugulo lang kasi ito. Mahirap na kapag nakita na naman kami ni Sir Ugi na nagdadaldalan dito. Sabihin na naman niya na hindi naman oras nang daldalan at kwentuhan pero kaming dalawa ni Maya ay laging oras namin ang magdaldalan. “Hmp, oo na, basta hindi pa rin ako convince sa paliwanag mo,” turan nito bago tuluyang umalis sa harapan ko at bumalik sa pwesto niya. “Ewan ko sa iyo. Bahala ka riyan mabaliw kakaisip,” naibulong ko na lang dito na hindi naman niya narinig. Tinuloy ko na nga at paggawa ng kontrata para sa Royals’ Laze hanggang sa matapos ko na ito. Kumatok muna ako sa pinto ng opisina ni Sir Ugi bago ako nagsalita. “Sir,” sambit ko. “Yes, Krix?” tanong naman niya nang buksan ko ang pinto at makita niya ako, “You needed something?” tanong niya. Pumasok naman ako at isinara ang pinto nito bago lumapit sa kanya. “Tapos na po ang kontrata na pinapagawa ninyo para po sa Royals’ Laze,” wika ko rito at saka iniabot ang folder na hawak ko sa kanya. Kinuha naman niya ito at inumpisahang basahin. “Good, I like the way you did this contract,” sabi niya sabay balik nito sa akin, “Call Carlo and tell him to deliver that contract to Royals’ Laze company by tomorrow at 7 in the morning sharp,” utos niya. “Yes, Sir,” tugon ko naman dito na tatalikod na sana nang magsalita pa siya. “And by the way, Krix,” napahinto tuloy ako. “Yes, Sir?” baling ko na naman dito. “Sabihan mo ako kung may hindi naintindihan si Carlo sa mga utos ko, understand?” dagdag nito. “Ba-Bakit po, Sir?” pagtataka kong tanong dito. “The last time kasi na naghatid siya ng kontrata sa Luva UnTies, nagalit si Mrs. Ong dahil ang tagal hinintay ng Sekretarya niya ang kontrata, kaya binungangaan ako, and I never confronted him for that. Kaya please, make it clear when you are instructing Carlo, understand?” Tumango naman ako rito. “Yes, Sir, noted po,” sagot ko naman, “Um, may idadagdag pa po ba kayo, Sir?” tanong ko, baka kasi meron pa siyang sabihin. Umiling naman na siya. “Wala na, you may go back to your table. I’ll just call you if I will be needing something,” utos niya sa akin. Tumango na naman ako. “Thank you, Sir, excuse me po,” at nagpaalam na nga ako rito. Lumabas na ako ng opisina niya at pinuntahan kaagad ang opisina ni Carlo. “Carlo,” tawag ko rito. “Oh, Krix, napasyal ka sa akin?” wika nito na kinainis na naman nang mood ko. “Oh,” inabot ko sa kanya ang dokumentong nakalagay sa folder. Kinuha naman niya. “Ano ito?” tanong niya. “Kontrata iyan para sa Royals’ Laze,” sagot ko, “Kailangan iyan bukas by 7,” saad ko, “Sabi ni Sir Ugi, dapat nasa table na iyan ni Ms. Olivia by 7 sharp kundi lagot ka,” sabi ko na kinatawa naman niya pero hindi malakas, “Ano naman ang nakatatawa sa sinabi ko?” inis ko namang tanong dito. “Wala,” sagot naman niya, “Lagi na lang kasing kontrata ang dini-deliver ko,” sabi niya. “Eh ano ka ba rito? Hindi ba messenger ka?” “Oo.” “Oh, eh ano ba ang ginagawa ng mga messenger? Hindi ba taga deliver?” Napatango na naman siya. “Oo.” “Sus, alam mo naman pala eh, bakit ka pa nagrereklamo? Hay nako...” Napakamot na lang siya ng ulo niya. “Ah basta ikaw na bahala riyan ah, bilin iyan ni Sir Ugi,” wika ko na aalis na sana nang bigla niyang hawakan ang braso ko. “Krix…” Napatigil naman ako at napaharap dito. “Dito ka muna,” sabi niya dahilan para taasan ko siya ng isang kilay ko. “Carlo, kapag hindi mo binitawan ang kamay ko, makakatikim ka sa akin ng uppercut sa mukha, sige ka,” pananakot ko rito, “Gusto mo ba no’n?” Mabilis naman niyang binitawan ang braso ko. “Ikaw naman masyado kang pakipot,” turan nito. Humarap naman ako sa kanya. “Tigil-tigilan mo ako, Carlo, dahil hindi naman tayo talo, kaya pwede ba, huwag ka nang mangarap pa,” sambit ko rito, “Oh sige na, ikaw na bahala riyan. At siguraduhin mo na nasa mesa na iyan ni Ms. Olivia by 7 ah, kung hindi lagot ka talaga,” iyon lang at umalis na ako. Mukha lang akong matinong babae pero ang totoo ay baliw akong lalaki, kaya huwag ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD