8

3638 Words
Dumating ako sa opisina fifteen minutes bago makarating si Sir Luigi. Kailangan ko kasi siyang maunahan. Mabuti na lamang at wala pang traffic, kung hindi ay ako na naman ang may kasalanan, lalo pa at alam kong may hindi magandang nangyari sa aming dalawa sa resort. Hanggang ngayon kasi ay nasa isip ko pa rin ang nangyaring iyon kahit na napag-usapan na namin ni Sir Luigi na hindi na namin iyon iisipin pa. Kung ako ang tatanungin, oo, big deal iyon para sa akin, dahil una sa lahat, hindi naman kami magkasintahan para gawin ang isang bagay na lalo pa at ganoong bagay. Ikalawa, hindi ko siya ka-close, dahil boss ko siya. Ikatlo, lasing kami, pero bakit nag-take advantage siya sa akin? Oo, babae pa rin ang katawan ko, pero nakapagtataka lang kung bakit nangyari iyon at kami pa talaga. Napatigil tuloy akong bigla sa aking naisip. Talaga bang si Sir Ugi lang ang may kasalanan sa nangyari sa aming dalawa dahil nag-take advantage siya? Talaga bang dapat ay siya lamang? Hindi ba pwedeng mayroon din akong kasalanan? Bakit? Dahil nagpaubaya rin ako kahit na alam kong mali. Nasarapan? Hindi ko masabi. Hindi lang naman kasi isang beses may nangyari sa amin, kundi dalawa! Kaya naman hindi ko masasabi na nag-take advantage siya dahil aaminin ko na ginusto ko rin naman ang nangyari. Teka? Ginusto?! Ahhh! Well, wala naman na akong magagawa dahil nangyari na. Bahala na. Ang gusto at pinagdarasal ko na lang sa ngayon ay maging maayos pa rin kami kahit na ganoon ang nangyari. Nawa ay huwag niya akong pag-iinitan. “Nandiyan na ba si Sir Luigi, Maya?” tanong ko rito nang makita ko siya sa kanyang pwesto. Patayo kasi siya at akmang may pupuntahan. “Ano sa tingin mo, Baks?” balik tanong naman nito sa akin. “Maya naman,” sambit ko rito, “Kailangan kong malaman kung nandito na ba si Sir Luigi o wala pa,” wika ko rito. Natawa naman siya. “Wala pa siya, Baks, huwag kang mag-alala, keri lang, okay?” sagot naman nito sa akin. Nakahinga naman ako nang maluwag nang sabihin niyang wala pa si Sir Luigi. “Mabuti naman,” turan ko naman dito habang nakatapat ang aking kanang kamay sa aking dibdib. Kinabahan kasi ako ng hindi pa sa akin sinabi ni Maya na wala pa rito si Sir Luigi. “Bakit ba? Hindi ka pa naman late eh,” aniya. Nagsabay kami sa elevator. Papunta na kasi ako sa opisina ni Sir Luigi upang ihanda ang mga titingnan niyang mga cover ng magazine. Gusto niya kasi na nakahanda na ang lahat pagkadating niya, dahil ayaw niya na siya pa ang mag-uutos o magpapaalala sa akin na kailangan kong ilagay ang mga kailangan niya in a particular day. “Oo nga, hindi nga, pero sabi niya kasi sa akin no’ng Friday, maaga raw siya ngayon dahil may meeting siya nang maaga ngayon,” saad ko rito. “Eh hindi ba ikaw ang secretary niya? Dapat ikaw ang nakakaalam sa mga lakad niya, Bakla ka talaga!” “Alam ko, Maya, pero hindi ko pa kasi nakikita ang schedule niya for this week, alam mo naman na katatapos pa lang ng team building natin, ‘di ba? Nagpahinga ako sa bahay pagkadating ko kaagad tapos dinalaw ko ang Tatay ko at ang Kuya Jobert ko kaya talagang hindi ako nagkaroon ng oras para tingnan ang schedule niya,” paliwanag ko rito. “Ganoon ba? Pero wala pa nga talaga siya kaya huwag kang mag-alala, Baks,” sabi niya, “Eh paano iyan? Dapat bilisan mo na para malaman mo na kaagad ang schedule niya this week. Panigurado itatanong niya kaagad sa iyo iyon,” ani pa niya. “Kaya nga ako nagmamadali, Maya,” turan ko naman dito. “Kailangan kong maasikaso ngayong umaga ang buong linggong schedule ni Sir Luigi bago siya dumating, dahil kung hindi malalagot ako sa kanya, alam mo iyan.” “Ha ha! I know,” aniya sabay napabaling sa akin. Pinatalikod pa nga niya ako. “Bakit?” nagtataka ko tuloy na tanong sa kanya. “Teka nga,” sabi niya at saka hinarap naman niya ako at pinatalikod. “Bakit?” ulit kong tanong dito. “Alam mo, Baks, kung hindi ka lang talaga matigas, iisipin kong malandi ka eh,” wika nito habang nakatingin sa akin. “Hah?” sambit ko naman sa kanya. “Eh kasi naman tingnan mo oh, tinalo mo pa ako sa kaseksihan eh, oh,” sabi nito habang iniikot pa niya ako upang mapagmasdang maigi. “Tumahimik ka nga riyan, Maya,” sita ko naman dito. “Kilabutan ka nga sa sinasabi mo.” “Ang sexy mo naman kasi, Day! Nakakainis na nakakainggit ang kaseksihan mo,” muli na naman nitong wika. “Isa, Maya. Tigilan mo nga ako,” ulit kong sita sa kanya. Nakalabas na kami niyan sa elevator at naglalakad na patungo sa desk ko na malapit sa opisina ni Sir Luigi. “Alam mo, Baks, kung babae ka lang, malamang niligawan ka na ni Sir Ugi,” biglang sambit nito na kinabaling ko sa kanya. “Hindi kami talo ni Sir Ugi, Maya ah, tigil-tigilan mo nga iyang mga sinasabi mo, kilabutan ka nga!” saad ko pa rito habang pinandidilatan siya ng dalawa kong mata. Tumawa naman siya nang malakas. “Hay nako, buti na nga lang at lalaki ka sa panloob, at least safe ka.” “Anong pinagsasasabi mo? Anong safe? Hay ewan ko sa iyo, sige na nga, baka bigla pang dumating si Sir, makita pa tayong nagdadaldalan dito. Alam mo namang may gagawin pa ako.” Muli na naman siyang tumawa nang malakas sa sinabi ko. “Oo na! Sige na, Baks, bye!” paalam nito sa akin. “Oo, bye. Kita na lang tayo mamaya,” ani ko. “Yes, Madama!” tugon naman niya sa akin. Napailing na lang ako sa kanya tinuran. Nag-ayos na nga muna ako ng mesa ko. Kinuha ko ang planner ko kay Sir Ugi at tiningnan ang schedule niya for this week. Gaya nga kasi nang sinabi ko kanina, hindi pwedeng hindi niya alam ang schedule niya ngayong linggo, most especially ngayong araw. “Hmm, meron pala talaga siyang breakfast meeting with the Royal Laze’s CEO,” sambit ko habang ini-scan ang planner ko. “Psst!” biglang sitsit sa akin ni Maya na kinatingin ko rito. Medyo nagulat pa nga ako. “Maya! Oh bakit?” “Nasa baba na raw si Sir Ugi sabi ni Audrey,” sabi nito. Si Audrey ang isa sa mga Receptionist. “Hah, ano?!” gulat kong sambit dito. Tumango naman siya sa akin, “Oo, kaya bilisan mo na riyan sa ginagawa mo,” aniya. “Sige, sige,” ika ko sabay ayos ng damit ko. Umalis naman na sa harap ko si Maya, habang ako naman ay kinuha na ang mga pagpipilian na cover ni Sir Luigi sa issue ng susunod na buwan ng Bad Boy Magazine, at saka ito mabilis na inayos sa mesa nito. Pagkatapos ay inilagay ko na rin sa ibabaw ng kanyang mesa ang schedule niya ngayong araw. Naka-sticky note na ito upang titingnan na lamang niya. Pagkatapos kong ayusin ang kanyang mesa ay mabilis naman akong bumalik sa aking pwesto. Ilang segundo lang ay bumukas na ang elevator at inilabas na nga nito si Sir Ugi. Naglakad na siya habang ang lahat ay bumabati sa kanya ng good morning. Nang matapat ito sa akin ay tinanggal pa niya ang shades niya at, “Be ready in 10,” aniya, “I have a breakfast meeting with Ms. Margaux Olivia, Royal Laze’s CEO,” wika niya sa akin. “Yes, Sir,” sagot ko na lang dito, “Um, you want your coffee, Sir?” tanong ko pa rito bago siya pumasok ng opisina niya. Alam ko naman na may meeting ka, kaya nga executive assistant mo ko, ‘di ba? Hay nako naman, naisambit ko na lamang sa utak ko. Napahinto naman siya sa paglakad at muling bumaling sa akin. “Did you hear what I just say, Ms. Fontallo?” tanong nito sa akin. Napalunok naman akong bigla,”Y-Yes, Sir,” tugon ko. “Good,” he just said bago tuluyang pumasok sa kanyang opisina. “Uy, may early meeting si Sir?” tanong ni Maya sa akin nang lumapit siyang bigla. “Oo meron,” sagot ko naman dito. “Sino naman?” tanong na naman niya. “Royals’ Laze,” sagot ko. “Oh? Talaga? Bakit kaya?” tanong na naman niya. “Para bentahan siguro si Sir ng mga underwear,” pabalang kong sagot dito. “Hah? Eh hindi ba ay model naman si Sir ng isang men’s underwear?” tanong na naman nito. Napasapo na lamang ako ng aking noo sabay iling dito. “Ewan ko sa iyo, iwan na nga kita riyan,” sabay sabi ko at saka umalis patungo sa opisina ni Sir Ugi na. “Hah, ang labo mo talaga,” narinig ko na lang sa sabi ni Maya nang iwanan ko na siya. Magulo kasi kausap iyon eh. Kumatok na nga ako sa pinto ni Sir. “Come in,” utos niya. “Good morning, Sir,” bati ko rito nang makapasok na ako. “Um, are you ready? Let’s go,” at saka tumayo na ito. Lumabas na kami ng opisina niya at dumiretso sa elevator. Nakasunod lang ako sa kanya habang patungo kami sa parking lot. Napansin ko lang. Hindi si Sir Luigi ang typical na CEO na may mga bodyguards na nakaalalay or personal driver para ipag-drive siya sa mga meetings and appointments niya. Siya lang ata ang CEO na mag-isa eh, except kapag kasama niya ako sa mga pupuntahan niyang meetings. “Um, you first,” turan nito na pinagbuksan pa ako ng pinto ng sasakyan niya. “Thank you, Sir,” tugon ko naman dito. Pagkatapos ay umikot siya para siya naman ang sumakay sa driver’s seat. “It is still early,” wika niya habang nagbubukas ng aircon ng sasakyan niya. “Um, 8:30 po ang meeting ninyo with Ms. Margaux, Sir,” paalala ko rito. Tiningnan naman niya ang relo niya bago sumagot sa akin nang, “They need me more than I need them, Krix,” wika nito sa akin. Kunsabagay, tama siya. Ang Bad Boy Magazine lang naman talaga kasi ang pwede nilang lapitan para mag-endorse ng mga product nila. “Oh, you forgot,” sabay baling nito sa akin. Hindi ko naman inaasahan ang gagawin niyang paglapit sa akin at paglalagay ng seatbelt ko. Nagulat kasi ako talaga nang lumapit siya sa akin. “Double check everything before you sit down comfortably,” wika niya na kinatango ko naman dito. “Yes, Sir,” sabay ayos nang nagusot kong damit. Pinaandar na nga niya ang sasakyan niya at umalis na kami. Habang nasa daan kami ay, “Um, Krix,” tawag niya sa akin. “Yes, Sir?” tanong nito. “Do you have any free time tonight?” tanong nito. Nag-isip naman ako. Um, susunduin ko si Fear, sagot ko sa isip ko. “Um, may pupuntahan lang po sana ako, Sir,” tugon ko rito. “Well, I want you to cancel all your schedules for this day,” utos niya na kinatingin ko rito. “Po?” gulat na sambit ko tuloy rito. Tumingin naman siya sa akin. “Do I need to repeat myself, Krix?” tanong niya dahilan para umurong ang dila ko sa sasabihin ko sana. Umayos siya nang pagkakaupo sa pwesto niya bago siya muling magsalita. “Gaya nga nang sinabi ko, cancel your appointments for tonight because you will be my date for Dulce’s fashion show this evening,” ika niya na kinagulat ko naman. “Pero, Si-----,” hindi na ako nakapagsalita pa. “I want you to wear a red dress for that is the theme for tonight’s event and please, don’t be late, I need you to be there,” he said. Hindi naman na ako sumagot kasi nakasimangot na ako, dahil hindi man lang niya ako pinatapos sa aking sasabihin. Nakakainis tuloy dahil umaga pa langm ay ang naiinis na ako. Naiinis na talaga ako. Pinakinggan muna sana kasi niya ako. Hindi iyong nag-decide na siya na okay na. Paano ko susunduin nito si Fear mamaya? Eh may usapan pa man din kami na susunduin ko siya ngayon dahil hindi ko siya nasundo kahapon. “Do I make myself clear, Krix?” tanong na naman nito sa akin. “Hindi, Sir,” mahinang pagsagot ko rito nang pabalang. Actually, gusto ko sanang marinig niya pero hindi ko na lang ibinulalas. “What? What did you say?” tanong naman niya sa akin. “Um, yes, Sir,” pag-iiba ng sagot ko naman dito. “Good,” aniya. Tahimik na ang byahe after niyang sabihin sa akin na may pupuntahan kaming event mamaya. Nang makarating na kami sa restaurant ay pinagbuksan na naman niya ako ng pinto ng kotse niya. “After you,” narinig kong sambit niya. “Thank you, Sir,” sagot ko naman sa kanya. Inayos na niya muna ang suot niyang suit bago kami pumasok sa loob. “Good morning, Sir, Ma’am,” bati naman sa amin bigla ng lalaki. “Good morning,” balik kong bati rito habang si Sir Ugi naman ay tumango lang. Hindi man lang siya nag-good morning? Tss... naisatinig ko na lamang sa utak ko. “Reservation for four, Sir?” tanong ng isang babae na nasa front desk ng restaurant. “Yes, for Ms. Margaux Olivia,” sagot ni Sir Ugi rito. “This way to the VIP, Sir,” saad naman ng babae. Sosyal talaga, VIP treatment, muli ko na namang naisatinig. At sinamahan na nga kami papunta sa VIP na sinasabi nito. Nang makarating kami at pinagbuksan kami ng pinto at saka inasikaso talaga hanggang sa kami ay makaupo. “Do you have anything or something to eat or drink, Sir, Ma’am?” tanong ng babae na nag-assist sa amin. Umiling naman si Sir Ugi. “Okay, Sir. Just give signal if you want anything,” anito. Nakita ko namang tumango na lang si Sir sa sinabi ng babae bago ito lumabas sa VIP room, pero nandon lamang ito sa labas. “Mr. Luigi,” tawag ng babae nang nakaupo at nakaayos na kami sa loob ng VIP room. “Ms. Olivia,” sambit din ni Sir Ugi rito nang makita ito. Tumayo pa si Sir Ugi kasabay ko upang magbigay galang kay Ms. Olivia. Nagbeso-beso naman silang dalawa. “Please, have a seat,” sabi ni Ms. Olivia. “Thank you,” sagot naman ni Sir. Uupo na sana ako nang hatakin niya ang upuan at, “Sit here, Krix,” turan nito na kinatalima ko naman sa kanya. Hindi ko alam kung guni-guni ko lang ba o ano, pero kanina ko pa kasi napapansin ang kakaibang kinikilos ni Sir Ugi, sa totoo lang. Hindi naman kasi siya ganoon sa akin. Malay natin kung biglang nagbago, hindi ba? Wala naman sigurong masama. “Um, Mr. Mendez, I’d like to offer you 500,000 cash for a two-page endorsement on your Magazine,” sabi ni Ms. Olivia rito. Wala nang paligoy-ligoy na sambit talaga nito. “You’re so fast for that, Ms. Olivia. Maybe we shall eat first and then discuss that matter,” sabi ni Sir Ugi rito. Napangiti naman si Ms. Olivia, “Of course, Mr. Mendez. I’m sorry of I am that so fast, I just can’t wait and I am just excited,” anito. Ngumiti rin naman si Sir ugi rito. Tinawag naman ni Ms. Olivia ang babae na nasa labas at sinenyasan ito, pagkatapos ay tumango na lamang ito sa kanya at saka umalis. Para bang alam na nito ang aming kakainin. Ilang minuto lang ang aming hinintay ay dumating na ang mga pagkain. Inayos ito sa aming harapan. ”Let’s have a sumptuous breakfast first, Mr. Mendez,” alok nito. Tumango lang na namang muli si Sir Ugi at saka tumingin sa akin. “You eat, Krix,” utos nito sa akin. Napatango na lamang ako sa kanya dahil hindi ko naman alam na ako ang sasabihan niya ng ganoon. Ang ibig kong sabihin ay bigla niya akong sasabihan nang ganoon. “Um, Ms. Olivia…” biglang nagsalita si Sir dahilan para mapatingin si Ms. Olivia sa kanya, “Bad Boy Magazine is a famous magazine not just local but international,” wika ni Sir dito, “And giving you a two-page for the publicity of your underwear are somehow unnegotiable,” dagdag pa na sabi nito. Nanlaki na naman ang aking mga mata sa sinabi na iyon ni Sir Ugi. Malaki na nga ‘yong 500,000 eh, ano pa bang ayaw niya ro’n? naisambit ko tuloy. “Make it double, Ms. Olivia,” anito, “1,000,000…” turan niya, “Take it or leave the deal,” he said habang nakatingin ng diretso kay Ms. Olivia. Napatda naman si Ms. Olivia sa hinihingi ni Sir Luigi. “But it’s just a two-page promotional ads, Mr. Mendez,” tugon naman nito. Nagkibit-balikat lang si Sir. “Yeah, maybe, but it will change your company a lot, Ms. Olivia,” Sir Ugi said, “Just think of it this way,” saad nito, “You will have a year contract with our Magazine,” simula nito, “Imagine for every month that we will release a new one, and in every magazine that we’re going to published, you will have that two-page promotional ads on it, hindi na lugi ang kompanya mo, Ms. Olivia, baka nga ma-triple pa ang balik sa iyo ng 1,000,000 mo.” Magaling talagang mag-manipulate itong si Sir Luigi, iyan lang ang masasabi ko. Basta kasi pera ang pag-uusapan ay hindi siya mauutakan. Mababakas naman sa mukha ni Ms. Olivia na pinag-iisipan niyang maigi ang alok ni Sir. “I will just give you this time to think, Ms. Olivia, take the deal, or leave it,” ulit niyang sambit dito. Hindi muna nagsalita si Ms. Olivia, bagkus ay nakikipagbulungan ito sa kasama niya habang si Sir Ugi naman ay patuloy lang sa pagkain. “You eat, Krix,” muli na namang utos nito sa akin nang mapansin niyang hindi ako kumakain. “Y—Yes, Sir,” aniko rito. Kung tutuusin kasi ay busog pa ako kaya hindi ako masyadong kumakain. “Um, Mr. Mendez,” narinig kong tawag ni Ms. Olivia kay Sir Ugi. Tapos na kasi silang mag-usap ng Secretary niya. Tumayo ito sa harapan namin, actually, silang dalawa ng Secretary niya. “Are you going to ask for the contract already, Ms. Olivia?” tanong ni Sir dito sabay tigil sa ginagawa niyang paghihiwa sa steak niya, ngunit hindi nakatingin kay Ms. Olivia rito. Nakita ko namang tumikhim muna si Ms. Olivia bago sumagot muli kay Sir Ugi. “We have a deal,” wika nito sabay lahad ng kamay niya kay Sir. Napataas naman na ang tingin ni Sir Ugi rito at tumayo. “Good decision, Ms. Olivia,” nakangiting turan ni Sir Ugi rito habang nakikipagkamay. Tatayo rin sana ako para makipagkamay nang balingan ako ni Sir Ugi nang tingin. “Don’t mind, Krix,” narinig kong mahina niyang sambit na kinatalima ko naman. Napatango na lang ako at napasagot dito. “Yes, Sir,” tugon ko. “I assume the contract by tomorrow, Mr. Mendez,” paalala ni Ms. Olivia rito. Ngumiti naman ulit si Sir Ugi sa kanya. “It will be on your desk tomorrow morning by 7, Ms. Olivia, I’ll assure you that,” saad dito ni Sir Ugi. “Okay, then let’s continue eating,” sabi na ni Ms. Olivia sa amin. “I love too, Ms. Olivia, but we have another client appointment today,” tugon dito ni Sir dahilan para tumayo na ako. Alam ko na kasi ang ibig sabihin no’n. Ganoon kasi siya kapag nakuha na niya ang deal nang kausap niya. Wala nang eme-eme pa, magde-defense mechanism na kaagad siya na may next appointment or urgent meeting siya, mga ganoon, para lang hindi na makapag-create pa nang mapag-uusapan. Ganoon kasi ang diskarte niya. “By the way, thank you for the food, I really appreciate the steak,” nakangiti niyang saad bago ito umalis sa pwesto kung saan siya nakatayo, “Good day, Ms. Olivia,” iyon lamang ang huli niyang sinabi. “Thank you, Ms. Olivia,” yumuko naman ako rito habang nagpapaalam. Iniwan na namin sina Ms. Olivia at ang kanyang Secretary sa loob ng VIP room. Lumabas na kami ng restaurant at nagtungo na sa parking area. “You first,” muli ay turan ni Sir Ugi sa akin. “Thank you, Sir,” pumasok na nga ako at umikot naman na siya para makapasok sa sasakyan niya. “Um, do you want to eat somewhere before we go back to the office?” tanong niya nang pinaandar na niya ang sasakyan niya. “Um, nope, Sir, busog na po ako,” sagot ko naman dito. Nagmaneobra na nga siya at umalis na kami. “Uh, okay, you say so, but I am still hungry,” he said na kinatingin ko sa kanya. “Po?” “You heard me right, I am still hungry, Krix,” wika nito na kinagulat ko naman. Gutom pa pala siya? Eh bakit umalis na kami kaagad kanina? Kung tutuusin maraming mga pagkain na nakahain kanina sa VIP room, ayaw lang niya tikman. Ang arte naman nitong lalaki na ‘to. “You are still hungry, Sir?” naitanong ko tuloy rito. Tumango naman siya sa akin. “You heard me, right?” Nanlaki na lamang ang aking mga mata sa kanyang tinuran.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD