7

3703 Words
*WARNING! Matured Content! Read with your own risk! Pagkatapos naming mag-usap ni Kuya ay nag-decide talaga aking matulog sa kwarto ni Tatay. May sarili kasing kwarto sina Kuya Jobert at si Ate Dania. Inayos ko na muna ang aking mga gamit, dahil tatawagan ko ang aking Beb para sabihin sa kanya na baka hindi ko siya masundo dahil gusto kong pumunta sa sementeryo kung saan nakalibing ang aming Tatay. Hinaplos ko ang tabla na siyang hinihigaan siguro ng Tatay. Napakatigas nito. Naiyak ako habang hinahaplos ang kama na iyon ng Tatay, dahil habang ako ay nakahiga o natutulog sa medyo malambot na kama, siya namang pahirap sa kanyang likuran na maiunat sapagkat napakatigas ng kanyang higaan. “Patawarin mo ako, Tay,” sambit ko, “Hindi ko man lang naibigay sa iyo ang ginhawa ng buhay na dapat ay natamasa mo bago ka man lang kinuha sa amin,” dagdag ko pa. Kinuha ko rin ang kumot at ang isang unan na nasa ulunan ng kama. Niyakap ko ito. “Tay…” iyak ko. Nalulungkot ako sapagkat hindi ko nagawa ang gusto kong gawin noon. Hindi ko nasabi ang mga gusto kong sabihin sa aking ama, na sana ay nagawa at nasabi ko bago man lang siya pumanaw. Hindi ko man lang naibigay ang kaginhawaan na sana ay naibigay ko dahil karapat-dapat naman siya sa ginhawang iyon, ngunit wala. Hindi ko man lang naibigay ang kung ano mang kailangan sana niya bago man lang siya kunin sa amin. Hindi ko man lang siya naipasyal sa mga lugar na hindi pa niya napupuntahan. Hindi ko man lang siya nai-treat sa mga mamahaling restaurants na hindi pa niya nakakainan. Hindi ko man lang siya naibili ng mga damit, sapatos at cellphone para kahit papano ay magaganda ang kanyang mga gamit. Hindi ko nagawa ang mga iyon. Hindi. Nakaiiyak lamang sapagkat huli na ang lahat, hindi ko man lang siya nakita at nasabing mahal na mahal ko siya despite sa mga nagawa niyang mali sa akin, sa amin ng Nanay. “Knock! Knock!” napatingin ako saglit nang marinig ko ang pagkatok mula sa pinto ng kwarto ng Tatay. “Sino iyan?” tanong ko rito. “Ang Kuya mo ito, Tinay,” aniya. “Pasok ka, Kuya,” tugon ko rito. Bumukas naman ang pinto at iniluwa nito ang aking Kuya Jobert. “Oh, bakit gising ka pa? Hindi ba ay maaga ka ring aalis bukas?” tanong niya sa akin. Tumango naman ako rito. “Opo, Kuya, pero…” nagulat naman si Kuya Jobert nang bigla akong mapaluha. Agad naman siyang lumapit sa akin at naupo sa may gilid ng kama. “Bakit, Tinay?” tanong niya. Tumingin naman ako sa kanya. “Kuya…” sambit ko rito. “Ano iyon, Tinay?” tanong nito. “Nalulungkot lang po ako,” ani ko rito. Hinawakan naman ng Kuya ang unan na hawak ko. “Ito ang laging yakap ng Tatay kapag sinisilip ko siya habang natutulog. Mas gusto niya kasing may yakap siyang unan kaysa raw ginagamit ito sa kanyang ulo,” turan nito. Bigla ko tuloy naalala na noong bata pa ako ay ako ang lagi niyang katabi at kayakap, silang dalawa ni Nanay. Mas napaiyak ako sa tinuran na iyon ng Kuya. “Palagi sa aking sinasabi ng Tatay noon na nagsisisi na siya sa lahat ng mga nagawa niya sa atin, sa inyo ni Nanay. Kaya nga kahit mahirap ay hinanap ka talaga namin, kaya kami napunta rito sa lugar na ito, Tinay.” Napayuko ako. “Mahal na mahal ka ng Tatay, Tinay. Alam ko at nakita ko kung paano niya pinagbayaran ang lahat ng mga kasalanan niya sa inyo ni Nanay. Ako ang saksi kung paano siya nahirapan sa kanyang sakit,” naiiyak na rin na sabi ni Kuya. “Patawarin mo ako, Kuya, pero hinanap ko rin kayo ni Tatay, at alam kong nandito kayo. Ako lamang ang walang lakas ng loob na makipag-usap noon sa Tatay dahil hindi pa ako handa. Natakot ako na baka hindi niya ako tanggapin at na baka itakwil niya ako kagaya ng dati,” ani ko. Umiling naman ang Kuya. “Hindi na gagawin ng Tatay iyon, Tinay, dahil alam niyang nagkamali siya. Nang paalisin niya ang Nanay, wala siyang ginawa kundi umiyak nang umiyak. Hinanap niya kayo kaagad, ngunit wala na kayo. Sinundan niya kayo sa labasan noon, ngunit wala na kayo,” pag-amin ng Kuya sa akin, “Ang pakiwari ng Tatay ay nakasakay na kayo kaagad ng bus kaya hindi na niya kayo nahabol pa.” Hindi ako makapaniwala sa sinabi ng Kuya. Sinundan pala kami ng Tatay ngunit wala na kami. “Kuya!” sambit ko sabay yakap na naman kay Kuya. Hindi ko talaga lubos akalain na ginawa iyon ng Tatay, ang pigilan kami ng Nanay na umalis, dahil ang buong akala ko talaga ay hindi na niya kami mahal. Bagkus ay mahal na mahal pala niya kami. Nakalulungkot isipin na hindi man lang nalaman ng Nanay ang tungkol doon. “Kuya, marami akong gustong sabihin kay Tatay,” sabi ko rito. “Alam ko, Tinay.” “Gusto ko siyang puntahan sa kanyang puntod, Kuya,” wika ko rito. Ngumiti naman siya sa akin kasabay ng kanyang pagtango. “Salamat, Kuya.” Muli ko siyang niyakap nang mahigpit. Kinabukasan… “Beb, pasensya ka na kung hindi kita masusundo ngayon ah,” paalam ko kay Fear nang tawagan ko siya kinabukasan. Pupunta kasi kami ni Kuya sa puntod ng Tatay. “Okay lang, Baba, ano ka ba, walang problema, naiintindihan ko naman, gusto mong makita ang Tatay mo kaya okay lang sa akin, pwede naman tayong magkita mamaya pag-uwi mo,” sabi nito. Napangiti naman ako. “Napabait mo talaga, Beb, kaya mahal na mahal kita eh,” wika ko naman dito. “Mahal na mahal din kita, Baba, at iyon lang ang alam kong gusto mong gawin matagal na, hindi lang nga ibinigay sa inyo dahil may plano ang Diyos sa inyo,” aniya, “Oh sige na, uuwi na ako, mag-iingat ka rin mamaya pag-uwi mo ah,” paalala nito sa akin. “Opo, I love you, Beb,” turan ko rito. “I love you too, Baba. Basta magkita na lang tayo mamaya ah?” muli ay paalala na naman niya sa akin. “Oo, magkikita tayo mamaya,” ngiti kong turan dito bago ko ibaba ang tawag ko sa kanya. Pagkatapos kong makausap si Fear ay umalis na rin kami ni Kuya para dalawin ang puntod ng Tatay. “Dito namin siya inilibing, Tinay,” sambit ni Kuya. Nakita ko naman ang mga bulaklak na nasa gilid ng lapida ng Tatay. Kinuha ko ito at inayos, saka ko inilagay ang bulaklak at mga prutas na dala ko. “Tay,” sambit ko. Napaupo ako sabay iyak at haplos sa kanyang lapida, “Patawarin ninyo po ako, Tay!” saad ko, “Wala po ako sa tabi ninyo noong mga panahon na kailangan ninyo ako, sorry po. Patawarin mo ako, Tay!” Alam ko wala nang magagawa ang pag-iyak ko dahil wala na ang Tatay. at nagsisisi ako kung bakit noong natagpuan ko na sila ay hindi pa ako kaagad nakipag-usap sa kanya. Disinsana ay nagkasama pa kami kahit ng ilang mga taon pa. Pinairal ko pa kasi ang pride ko noon. Bakit? Ngayon ay wala na. Kahit na maglupasay pa ako ay wala na ang Tatay. Hindi ko na maibabalik pa ang kanyang buhay. “Tay, mahal na mahal po kita, mahal na mahal,” at niyakap ko ang puntod ng Tatay ko. Yakap na halos ayaw ko nang umalis sa kanyang tabi. Mahal na mahal ko kasi ang Tatay ko, sila ng Nanay, actually. Pero mas malapit ako kay Tatay dahil siya ang mahilig makipaglaro sa akin sa loob ng bahay kapag wala ang Kuya at Nanay. Hindi ko lang kasi matanggap na sa ganitong paraan ko na lamang siya makikita. Na sa lapida na lamang mababasa ang kanyang pangalan. Na hindi ko na makikita ang kanyang ngiti… maririnig ang kanyang boses… mararamdaman ang kanyang yakap… ang paglalambing niya sa akin. Wala na. Ganoon pala talaga kapag wala na ang isa sa importanteng tao sa buhay mo. Saka mo lang masasabi na nasa huli talaga ang pagsisisi. Inasam ko pa man din na mayayakap ko siya at matutuwa siya dahil makikita na niya ang anak niyang babae, pero hindi pala mangyayari iyon. Iba pala ang magiging senaryo ko. Ganito pala. Hindi pala ako iiyak sa tuwa, kundi sa kalungkuta. “Tinay, tahan na,” awat na sa akin ng Kuya ko. Hindi naman ako nagpaawat. Mahal na mahal ko ang Tatay ko, pero iniwan ko siya noon dahil sumama ako sa Nanay ko. “Patawarin ninyo ako, Tatay!” muling iyak ko rito. Ilang minuto rin akong ganoon bago ako tuluyang napatahan ng Kuya ko, at sinabihan na kami ay umuwi na. “Kuya,” tawag ko rito ng nasa bahay na kami. “Bakit?” “Kuya, patawarin ninyo kami ni Nanay,” sabi ko. “Tinay,” sambit niya sa aking pangalan, “Kapatid kita, at ang Nanay at Tatay naman ay mga magulang natin,” ika nito, “Kahit gaano pa kalaki ang maging kasalanan natin sa kanila, or sa bawat isa man sa atin ay mapapatawad at mapapatawad pa rin natin ang isa’t isa kasi pamilya tayo.” Niyakap ko ang Kuya ko, at ganoon din siya sa akin. “Oh, dumalaw ka ulit ah, Tinay,” sambit ni Ate Dania sa akin. Ngumiti naman ako rito. “Opo, Ate,” sagot ko, “Dadalaw po akong muli rito.” “Isama mo ang kasintahan mong si Fear para naman makilala namin,” suhestiyon ni Kuya Jobert sa akin na mas lalong kinangiti ko rito. “Opo, Kuya, matutuwa po iyon kapag nalaman niyang gusto ninyo siyang makilala,” ngiti ko sa mag-asawa. “Mabuti kung ganoon,” wika ni Kuya. “Oh sige na, umuwi ka na at baka ma-traffic ka pa sa daan, alam mo naman na ma-traffic kapag ganitong pahapon na,” saad ni Kuya. “Lagi naman pong traffic kahit saang lugar, Kuya,” natatawa ko na lang sa sagot dito. “Oo nga pala.” Nagtawanan kami sa naging sagot ni Kuya Jobert bago ako tuluyang umalis sa amin. Masaya ako na nagkita kaming magkapatid muli at nakapagpatawaran pa. Ang hiling lang namin sa ngayon ay sana makita namin ang Nanay at makasama pa, dahil hindi na namin kakayanin kung pati siya ay malalaman naming wala na. “Beb,” tawag ko kay Fear nang makauwi na ako. Alam ko kasing nakauwi na siya kanina pa at nagpapahinga na lang. Lumabas naman siya mula sa kwarto at, “Krix!” nakangiti niyang sambit nang makita ako. Niyakap niya tuloy ako kaagad. “Hmm,” yakap ko rin dito, “Na-miss kita, Beb.” “Na-miss din kita,” sagot nito, “Um, kumain ka na ba?” tanong niya sa akin. Umiling naman ako rito. “Hindi pa, Beb,” sagot ko rito, “May iba kasi akong gustong kainin,” nakaloloko kong wika rito na kinalaki naman ng mga mata niya. “Baba!” sita tuloy niya sa akin nang tanggalin ko na ang bag ko at nagsimula nang maghubad ng mga damit ko, “Krix, isa,” bilang niya habang natatawa. Alam na kasi niya ang gusto ko. “Beb, matagal na tayong wala love-love,” ika ko rito habang inaakit siya. Ang love-love sa amin ay s*x. “Baba, sinabi ko naman sa iyo na meron ako, hindi ba?” tugon nito sa sinabi ko. “Ang tagal na no’n, Fear, parang tatlong linggo na ang nakararaan,” sabi ko naman dito na hindi na nagpapapigil pa. “Baba!” sita niyang muli sa akin nang makalapit na ako sa cabinet ko sa loob ng kwarto. Nandoon kasi ang toy na ginagamit ko kapag magla-love-love kaming dalawa ni Fear. Gumagamit talaga ako noon. Alam ko naman kasing hindi siya nasa-satisfy kung hahawakan at kakainin ko lang ang sa kanya. Gusto kong maramdaman niya ang pleasure at satisfaction nang pakikipagtalik kung parang lalaki ako, kaya naman pinag-ipunan kong bilhin ang toy na iyon. Dahil iyon ang alam kong magbibigay sa kanya nang satisfaction. “Baba, alam ko na ang nasa isip mo,” sabi nito sa akin habang papalapit naman siya sa kama namin. Kinuha ko na ang toy ko at naghubad na ng pantalon. Isinuot ko na ito at lumapit na sa kanya. “Baba!” tili na natatawa niyang sambit sa akin nang mapahiga siya sa kama. “Shh! Huwag kang maingay, Beb,” pigil ko naman dito. Baka kasi may makarinig sa amin na mga kapitbahay. Hinalikan ko na ang leeg niya pababa sa balikat. “Babaaa,” ungol niya sa akin habang hinahaplos ang balikat ko. “Sabi ko naman sa iyo, Beb, gusto mo rin eh,” bulong ko rin dito habang iniisa-isang hinuhubad ang mga saplot niya pang-itaas. “Hmmm…” muli ay ungol niya nang mahaplos ko ang dibdib niya. “Alam ko masasayahan ka, Beb,” bulong ko na naman dito habang inaakit siya. Bumaba ang mga halik ko sa kanyang dibdib. Matagal ko nang ginagawa ito kay Fear kaya alam ko na ang gusto niya. “Uhh!” ungol niyang pabigla nang sakupin nang mainit na bibig ko ang natutulog niyang dalawang bundok, “Ang saraaaaap,” impit na naman niyang ungol. Iyon kasi ang gusto niyang ginagawa sa kanya, ang ginigising ang init sa katawan niya. “Kagatin mo, Krix,” ungol na utos niya sa akin, “Ohhh…” mas napaungol siya nang malakas nang sundin ko ang sinabi niya. Kinagat ko ang nakatirik na niyang mga bundok habang ang isang kamay ko naman ay humahaplos sa kabila niyang dibdib. Sinasabunutan niya ang buhok ko. “Ahh, sh*t, babaaa, ang saraaap! Kagatin mo pa…” utos na naman niya na muli ko na namang ginawa, pero sa kabila naman na. Muli ay lumiyad na naman ang likuran niya sa sarap na kanyang nadarama sa aking ginagawa. Habang patuloy ang pagsipsip ko sa kanyang malaki at mabangong bundok, ay dahan-dahan namang bumaba na ang kamay ko sa kanyang hiyas. “Ahh, hmmm…” humahalinghing siya dahil nakikiliti siya sa ginagawa kong paghaplos sa kanyang malambot na perlas. “Masarap ba, Beb?” bulong kong muli rito. “Ummmm, oo, Baba, masarap, sige lang…” utos niya. Iniwan ko na ang paglalaro sa kanyang malulusog na dibdib at bumaba na sa kanyang puson. “Ohh…” ungol niya na naman nang kainin ko ang kanyang p********e habang nakapasok ang dalawa kong daliri rito, “Ahhh! Sigeeeee pa, Krix, ibaon mo!” Hindi na siya magkamayaw sa pagtaas at pagbaba ng kanyang likuran dahil sa sensasyon na kanyang nararamdaman sa aking ginagawa sa kanyang pagkakababae. “Ummmm, ang sarap mo, Fear…” ungol ko na rin dito. “Ipasok mo na, Krix, pleaseeee,” utos niya sa akin. Umayos naman na ako at inayos ko na rin ang toy sa pagkakasuot nito sa aking baywang. Kailangan kasi ay magmukhang nasa ibaba upang maramdaman niya na akin ang toy na iyon. Inayos ko ito sa tamang pwesto at saka, “Heto na ako, Beb,” sabi ko muna rito bago ko ipinasok ang toy sa kanyang basang p********e. “Uhhhh!” ungol niya sabay hatak sa akin at hinalikan ako sa labi, “Dating gawi, Baba,” wika nito na kinatango ko sa kanya. Inangat ko siya habang ako ay nakaupo. Dahan-dahan ko siyang ipinatong sa ibabaw ko. Ang naging recourse namin ay pareho kaming nakaupo. “Ohh, sh*t, sh*t, ang sarap, Baba!” ungol niya. Hindi pa ako gumagalaw niyan. Masyado kasing malaki ang nabili kong toy kaya naman kahit hindi ka pa gumagalaw ay parang baon na baon na sa kanya. “Gagalaw na ako, Beb,” paalam ko rito na kinatango naman niya. Dinahan-dahan ko ang paggalaw dahil nararamdaman ko na hindi pa ganoon kadulas sa loob ni Fear, baka mas lalo lang kasi siyang masaktan kung bibilisan ko kaagad ang paggalaw ko. Sinigurado ko munang may katas na siya upang swabe ang galaw ko. “Ako na, Krix,” nagulat ako sa sinabi niya. “Hah?” “Ako na, kaya ko,” sabi niya. “Sigurado ka, Beb?” tanong ko rito. Tumango naman siya at, “Ahh! Sh*t!” Siya nga ang gumalaw. Nakahawak siya sa magkabilang balikat ko habang siya ang tumataas at bumababa sa aking harapan. Nasasarapan din naman ako dahil nakikita ko siyang nasasarapan. Masaya na ako na nakukuha niya ang satisfaction at pleasure sa ginagawa ko sa kanya. Hindi naman kailangan na dapat ako rin ay masarapan o ma-satisfy. Ayos na sa akin na maramdaman ni Fear na kaya ko siyang bigyan nang pleasure na ginagawa rin ng mga lalaki sa mga babae. Sa makatwid, kayo kong pasayahin siya sa paraan na alam ko kahit wala pa ako ng bagay na alam kong mas magpapasarap pa sa kanya. “Uhhhh! Yeah! Ang sarap!” ungol niyang muli hanggang sa mag-iba kami ng pwesto. Pinatuwad ko siya at saka ko ipinasok sa kanya nga aking toy. Mas nasarapan siya. Ilang minuto rin kaming nasa ganoong posisyon bago namin ginagawa ang common s*x position na missionary. “Bibilisan ko na, Beb,” sabi ko rito. “Ikaw ang bahala, kakayanin ko, Baba,” sagot naman niya sa akin. Isa. Dalawa. Tatlo. “Ohhh… ahhh…” hindi na siya nagkamayaw na naman sa kakaungol dahil ginawa ko ang sinabi ko rito na bibilisan ko ang pagbayo sa kanya. “Ganyan ba, Fear?” hinalikan ko siya sa leeg, pati ang labi niya ay nakakagat ko na para mag-init siyang lalo sa akin, habang siya naman ay nakahawak sa pw*t ko at tinutulungan ako sa pagbayo sa kanya. “Oh yeah, Baba, ganyan ka. Idiin mo pa… ang saraaaap!” Ilang minuto ang lumipas bago niya sinabi sa aking malapit na. “Baba, nararamdaman ko na,” ungol niya sa akin. “Sige, Beb, ilabas mo lang,” utos ko rito sabay halik na naman sa kanya. “Ohhh! ‘Yan na, Baba, lalabas na!” sambit niya dahilan para mas lalo kong ibaon ang toy ko sa kanya. “Ahh!” ungol ko na rin dahil sa mas mabilis na pwersa na ang nailalabas ko. “Ahhh!” ungol niya nang medyo malakas, “Aha, ang sarap, Baba,” sabay sabi nito sa akin. Pabagsak ang higa ko sa tabi niya dahil sa pagod na naramdaman ko. “Thank you, Baba,” she said. “Basta para sa iyo, Fear,” sagot ko naman dito na hinalikan siya sa noo. Pawis na pawis kami at hingal na hingal habang nakahiga sa malambot na kama. “Beb,” tawag ko sa kanya. “Um?” humarap naman siya sa akin. “Hindi ka ba nagsisisi na ako ang pinili at minahal mo kaysa kay Lao na mayaman na ngayon?” tanong ko rito. Si Lao kasi ang classmate namin na kasabay kong nanligaw sa kanya. Nagsumikap sa buhay at ‘yon, may sarili ng Finance Management. Unlike ako na ganito pa lang. Humarap naman siya sa akin at hinawakan ang pisngi ko. “Wala akong pinagsisisihan, Krix,” sagot niya sa akin, “Kahit magdildil pa ako ng asin, basta ikaw ang kasama ko ay okay lang sa akin,” nakangiti niyang tugon na kinangiti ko na rin dito. “Mahal na mahal kita, Beb!” sabi ko. “Mahal na mahal din kita, Krix,” wika rin niya sa akin. Nakatulog kami nang magkayakap ni Fear sa sobrang pagod. Nagising na lamang kami nang biglang tumunog ang alarm niya. “Ummmm…” ungol ko nang marinig ko ang maingay na tunog. Napadilat naman ako at hinanap ang maingay na tunog. Kinuha ko ang cellphone ni Fear at pinatay ito. “Beb…” gising ko sa kanya. “Hmmm...” ungol naman niya. “Gising na, papasok ka pa,” gising ko rito. Gumalaw naman siya at nag-inat. “Good morning, Ba,” sambit niya sabay yakap at halik sa akin. “Morning, bangon ka na, Beb, baka ma-late ka,” utos ko na naman dito. “Hmmm… Five minutes, Ba, five minutes,” sagot naman niya. “Ikaw bahala,” wika ko naman dito na tumayo na at nagbihis na. Pumunta ako ng kusina at nagluto na ng pagkain naming dalawa. May pasok na rin kasi ako. Naghanda ako ng mga paborito naming almusal katulad na lamang ng itlog, tuyo na may kasama pang kamatis na may asin at sinangag na maraming bawang. Ang sarap! “Beb,” muli ay tawag ko rito. “Ummmm…” ungol na naman niya sa akin. “Bangon na,” utos ko na naman dito, “Kain na tayo, lalamig ang ulam.” “Oo na po,” pilit niyang sagot. Nakita ko naman na siyang bumangon at nag-ayos ng kama. “Heto na,” wika niya na pumunta na sa kusina. “Oh, magmumog ka na at kumain na tayo.” Tumango naman siya habang umuungol. Pagkatapos nga niyang magmumog ay kumain na nga kami. “Ummm, ang bango naman ang tuyo, Ba,” sambit niya. “Samahan pa ng kamatis at itlog!” masaya kong ipinakita ito sa kanya. “Yehey! Ang sarap!” Masaya kaming kumain at naligo pagkatapos. “Oh, susunduin kita mamaya ah,” paalala ko rito. “Opo, I love you,” at hinalikan niya ako sa labi ko. Magkaiba kasi kami ng direksyon na pupuntahan. Sa kaliwa siya habang ako naman ay sa kanan. Magkaiba kasi kami ng lokasyon ng trabaho. “Ingat ka, Beb,” paalala ko pa rito. “Ikaw rin,” tugon naman niya sa akin. “Oh, Krix, ang sexy mo na naman ah, lalaki ka ba talaga o babae?” biro na naman ni Danyel. “Sira! Halika na nga at ihatid mo na ako,” sagot ko na lang dito. Siya si Danyel. Ang tricycle driver na palaging naghahatid sa akin papunta sa sakayan ng bus. Although marami naman akong kakilala, pero siya kasi lagi ang maaga sa pila nila kaya siya talaga ang nasasakyan ko na.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD