6

3616 Words
KRIX’s POV Pabagsak akong nahiga sa kama nang makauwi ako sa bahay. Ramdam na ramdam kasi ng buo kong katawan ang haba ng byahe at ang pagod sa pagkakaupo kaya naman hindi ko na nagawang mag-shower pa. Pero iyon nga ba talaga ang nararamdaman ng aking buong katawan? Wala na bang iba? Talaga bang napagod ako sa byahe? O sa ibang bagay? Ahhh! Hindi ko alam! Masyadong mabilis ang mga pangyayari. Hindi ko pa rin lubos maisip na mangyayari iyon sa amin ni Sir Ugi. Para akong tanga talaga! Bakit ko ba ginawa iyon? Bakit ko ba ipinagkanulo ang aking katawan? Ahhh! Napamulat ako ng aking mga mata. "Kailangan kong linisan nang mabuti ang aking katawan," naisambit ko. Ngunit ayaw namang bumangon ng aking katawan. Ang tanging gusto lang ng nito sa ngayon ay ang mahiga na at matulog ng buong araw. Iyon lang ang gusto ko sa ngayon dahil bukas ay sasabak na naman kami sa buong araw na trabaho. “Agh! Ang sarap mahiga,” sambit ko sabay lapat sa aking likod sa kama kong hindi naman ganoon kalambot. Naramdaman ko na lamang na unti-unti na palang pumikit ang talukap ng aking mga mata hanggang sa tuluyang makatulog. Hindi ko rin nga alam kung ilang oras ang naging tulog ko dahil nagising na lang ako sa mabangong amoy na hindi ko alam kung saan nanggagaling. “Baba,” unti-unti akong napadilat sa narinig kong tumawag sa akin, “Hi, Baba,” nakangiting bungad sa akin ni Fear. Napangiti rin naman ako rito ng siya ang mabungaran kong nakangiti sa akin, sabay buka ng dalawang mga braso ko, nag-aanyaya na yakapin ako, at ginawa naman ito ni Fear, “Good morning, Beb,” sambit ko sabay halik sa pisngi niya. “Ang sweet naman ng Baba ko,” aniya, “Pero hindi na good morning, Baba, kasi hapon na kaya good afternoon na,” wika nito na kinadilat ng mga mata kong lalo at sabay tanggal sa pagkakayakap sa kanya. Nagulat kasi ako sa sinabi niya. “Hapon na, Beb?” gulat kong tanong dito. Tumango naman siya sa akin. “Opo, Baba, kaya nga dinaanan na kita rito sa inyo kasi papasok na ako,” sagot nito sa akin. Lumipat kasi ng trabaho itong si Fear. Nahihirapan daw kasi siya sa work niya kaya naman naghanap siya ng iba. Nasa isang call center company na siya ngayon at panggabi ang shift niya. Hindi ko pala namalayan ang oras. Ang bilis naman. Parang dumaan lang. Bumangon naman na ako, “Papasok ka na ba, Beb?” tanong ko sa kanya, “Teka, magbibihis muna ako para maihatid ka,” tugon ko rito na tuluyan na sanang tatayo nang pigilan niya ako. “Baba, hindi na po, ako na lang, alam ko naman na puyat at pagod ka sa byahe ninyo kanina,” sabi nito, “Kaya ako na lang, at isa pa kaya ko naman eh,” dagdag pa niyang sabi sa akin, “Sunduin mo na lang ako mamaya after shift ko, okay ba iyon sa iyo?” sambit niya. Ngumiti naman ako at niyakap na naman siya, “Okay na okay sa akin iyon, Beb,” ani ko rito, “Kaya mahal na mahal kita eh,” nakangiti kong tugon sa kanya, “I love you, Beb,” bulong ko rito na unti-unting hinalikan ang kanyang leeg, naamoy ko kasi ang mabango niyang pabango. “Babaaaa…” narinig kong sambit niya sa akin habang pinipigilan ako pero hindi ako nagpapigil dito. Gusto ko siyang angkinin sa mga oras na ito. Ewan ko ba, pero pakiwari ko ay nag-iinit ako. “Kahit ngayon lang, Fear,” bulong ko naman dito habang dahan-dahan na siyang inihihiga sa kama kong hindi naman ganoon kalambot. Alam ko namang gusto rin niya dahil matagal na rin nang huli kaming nagganito. “Gusto ko, Baba, alam mo iyan,” ungol na pagsagot nito sa akin, “Pero may pasok pa ako. Baka ma-late ako. Alam mo namang nagpapa-good shot pa ako ngayon sa boss ko dahil bago pa lang ako, kaya huwag na muna ah,” saad niya dahilan para mapatigil naman na ako sa paghalik sa kanya. Baka kasi magalit pa siya sa akin. Tumitig ako rito at, “I’m sorry, Beb, na-miss lang kasi kita,” wika ko sa kanya habang tinutulungan siyang bumangon. Baka kasi hindi ko pa mapigilan ang sarili ko sa kanya. Umiling naman siya sa akin, “Na-miss din naman po kita, Babas, pero wrong timing ka naman kasi,” sabay tawa nito sa akin na kinatawa ko na rin dito. “Sorry naman, Boss, hayaan mo, ta-timing-an ko na next time,” sagot ko rito sabay kindat. “Sira,” aniya sabay hampas sa balikat ko ngunit hindi naman ganoon kalakas. Para lang bang naglalambing lang, ganoon. “Sige na, pasok na ako,” sagot naman nito sabay tayo na at nag-ayos ng damit niya. Tumayo na rin naman ako, ngunit pinigilan niya ako na bumangon, kaya naman humiga na lang muna akong muli. “Huwag ka na munang tumayo, Baba. Kulang pa ang pahinga mo, mamaya ka na lang bumangon,” aniya, “At saka pinagluto na kita ng pagkain mo para hindi ka na magluto pa kasi alam ko naman na hindi ka makakakain kapag hindi ka nagluto. Pagod ka kaya alam kong hindi ka talaga makakapagluto,” turan niya. “Ang sweet naman ng Beb ko,” ngiti ko namang sagot dito. “Mahal na mahal talaga ako. Ayaw akong magutom.” Ngumiti na naman siya sa akin. “Syempre, ako pa ba? Alam ko na ang ugali mo kapag pagod ka. Hindi ka na naman makakakain ano,” sabi niya, “Oh, sige na, ba-bye na,” paalam na niya at saka hinalikan na ako nito sa lips bago tuluyang lumabas ng kwarto ko. “Anong oras ang uwi mo?” tanong ko pa sa kanya. “Um, tawagan kita later, Baba, if what time mo ako susunduin, ah,” pahabol pa niyang sabi sa akin, “Baka kasi mag-overtime ako, alam mo naman.” Tumango na naman ako sa kanya. “Opo, ingat!” tanging naisagot ko na lang dito bago kinuha ang aking unan at muling ipinikit ang aking mga mata. Lumabas na nga si Fear ng bahay at pumasok na. Ganitong oras kasi talaga ang pasok niya. Mula kasi nang lumipat siya ng kumpanya, mas inuumaga na siya nang pag-uwi dahil under probation pa lang siya. Hindi ko alam kung ilang oras pa ang lumipas bago ako muling nagising mula sa pagkakatulog ko kanina nang umalis si Fear. “Ugh, gabi na pala,” naisambit ko sabay bangon sa kama. Wala na kasi akong nakitang sinag ng araw, kaya malamang ay mag-a-alas siyete na ng gabi. Inayos ko ang aking kumot at mga unan at saka nagpunta ng banyo para maghilamos. Kinuha ko ang facial cleanser sa gilid ng cabinet sa banyo at saka ito ipinahid sa mukha ko. Alam ko namang lesby ako, pero gaya nga nang sinabi ko noon pa man, kahit ganito ako ay marunong akong mag-alaga sa katawan ko. Pinalaki ako ng Nanay ko na malinis sa katawan. Hindi porke’t lalaki ang puso ko ay lalaki na rin ang gagawin kong paglilinis sa katawan ko. Hindi. Hindi ako ganoon. Mas gusto ko na malinis ako at mabango. Tuluyan na akong naghilamos ng mukha ko. Kinuha ko rin ang dala-dala kong malinis na tuwalya at saka pinampunas sa basa kong mukha. Pagkatapos ay tumingin sa salamin. “Ang gwapo mo talaga, Krix,” sambit ko sabay kindat sa salamin. Gwapo naman kasi talaga ako. Ha ha! Pagkatapos ng ritwal ko sa banyo ay kaagad naman akong pumunta ng kusina para tingnan kung ano ang nilutong pagkain ni Fear para sa akin, syempre mahal na mahal ako no’n kaya alam kong hindi niya ako hahayaang magutom. At isa pa, alam na alam na niya talaga ang ugali ko kapag ganitong pagod na pagod ako. Hindi talaga ako kumakain. Ewan ko ba. Pagod na kasi kaya wala na sa mood para magluto pa. Kaya minsan nalilipasan na ako ng gutom eh, kasi nga kapag hindi ako nagugutom ay talagang hindi ako magluluto. Nakangiti kong binuksan ang takip na nagsisilbing cover sa pagkain ko. “Hmmm, ang bango…” naisatinig ko nang maamoy ang ulam na niluto ni Fear, “Paksiw na paksiw ang dating,” kinikilaig ko pang wika dahil amoy na amoy ang suka sa niluto nitong galunggong, “Nakakagutom naman,” wika ko, “Makakain na nga lang,” at kumuha na nga ako ng plato, kutsara at tinidor sa lagayan ko. Kumuha na rin ako ng tubig ko sa ref at saka naupo na para kumain. Masayang-masaya ako habang kumakain pero napatigil ako nang maalala kong bigla si Nanay, Tatay at si kuya Jobert. Naalala ko kasi kung paano kami masayang kumain ng paksiw na paboritong lutuin ni Nanay kapag may kita siya sa paglalaba. Ang saya-saya kasi namin noon. At ang tagal na rin kasi mula no’ng huli ko silang nakita. Napaluha tuloy ako nang maalala ko ang mga pangyayari na iyon na kasama ko silang lahat. Miss na miss ko na sila. “Puntahan ko kaya sila Tatay at Kuya sa amin?” napangiti ako sa naisip kong iyon, “Bakit nga ba hindi?” muli kong naisatinig. Binilisan ko ang pagkain ko dahil buo na sa isip ko na pupuntahan ko sa amin sina Tatay at Kuya. Alam kong na-miss ako ni kuya Jobert at ganoon din naman ako, na-miss ko silang dalawa ni Tatay. Matagal ko silang hinanap at sa awa ng Diyos ay nahanap ko naman sila, ngunit hindi pa ako nagpapakita sa kanila hanggang ngayon. Basta ang mahalaga noon sa akin ay nakita ko na sila at alam ko na kung saan sila nakatira. Hindi lang kasi ako handa pa noon na makita sila, pero ngayon ay buo na ang loob ko na makita sila at makausap, lalo na ang Tatay. Napatawad ko na siya noon pa man kahit hindi siya nanghingi sa akin ng tawad. Tatay ko siya kaya naman pinatawad ko na siya. Matagal na. Pagkatapos kong kumain ay naligo ako at mabilis na nagbihis para makahanap pa ng masasakyan na bus papunta sa amin. Baka sakaling makahabol pa ako sa last trip ng bus papuntang Caloocan. Sinabihan ko rin si Fear na pupunta ako sa amin at natuwa siya, dahil siya ang kasama ko noon sa paghahanap ko sa kanila. Pumayag naman siya, tutal bukas pa naman nang maaga ko siya susunduin eh kaya okay lang daw sa kanya. Kumuha ako ng pangbihis kong damit dahil doon na lang ako magpapalipas ng gabi, tutal umaga pa naman talaga ang uwi ni Fear, masusundo ko pa rin naman siya bukas nang maaga. Dala-dala ang isang maliit na backpack ay lumabas na ako ng aming bahay. Ang bahay na iniwan sa akin nina Ate Chona at Nanay. Naalala ko na namang bigla ang ginawang pag-iwan sa akin ng Nanay noong bata pa ako. Siya na lamang kasi ang hindi ko pa nakikita, kaya hindi pa rin kumpleto ang aking buhay. Nawa ay mahanap ko na rin siya nang sa gayon ay magkapatawaran na rin sila ng Tatay. Alam ko naman kasi na minahal niya ang Tatay. Sadyang kahit mahal pa nila ang isa’t-isa ay hindi na nila kayang makisama pa. Pumara na kaagad ako ng tricycle, “Kuya, sa terminal po tayo,” wika ko rito. “Opo, Ma’am,” sagot naman nito sa akin. Ilang minuto lang ay nasa terminal na ako ng bus. “Oh, lalarga na, isa na lang,” narinig kong sigaw ng kundoktor. “Kuya, saglit lang po,” sigaw ko rin dito at nagmadaling tumakbo para ako na ang makasakay. “Sakto ang dating mo, Miss,” sabi nito sa akin. “Salamat po, Kuya,” tugon ko naman dito. Hinanap ko na nga ang bakanteng pwesto, “Dito, Miss,” wika ng isang lalaki sa akin. Nakangiti siya at mukhang mabait kaya naman lumapit na ako sa kanya at tumabi, “Kuya, okay lang po ba na riyan ako sa may bintana?” tanong ko rito. “Ah, oo naman, sige,” at tumayo siya para paupuin ako sa pwesto niya kanina. “Salamat po,” tugon ko naman dito. Naupo na nga ako nang maayos. Habang umaandar ang bus ay nagsuot ako ng headset ko upang makinig ng tugtog, dahil alam ko namang mahaba-habang byahe ang mangyayari sa akin bago ako makarating sa amin. Lumipat na kasi sila Tatay, kaya nahirapan talaga akong hanapin sila. Mabuti na lamang at kilala si Kuya Jobert ng kaibigan ni Fear, kung hindi ay hindi ko pa sana sila nahahanap hanggang ngayon. Halos mahigit dalawang oras ang naging byahe ko dahil sa sobrang traffic, pero ayos lang naman dahil nakarating pa rin ako rito sa amin. Sumakay lang ako ng tricycle na padiretso sa amin. Pagkababa ko sa tricycle na sinakyan ko ay… “Tinay?” napabaling ako sa biglang tumawag sa akin. Nakilala ko naman ito. “Aling Nelia?” naisambit ko rito. “Oo, ako nga, natatandaan mo pa pala ako,” ngiti nitong sagot sa akin. Ngumiti rin ako sa kanya, “Oo naman po,” sagot ko, “Hindi ko po kayo maaaring makalimutan dahil isa po kayo sa nilalapitan namin noon kapag walang-wala kami,” ani ko rito. Mas napangiti naman sa akin si Aling Nelia. “Gusto ko kasi kayong tulungan.” “Maraming salamat po sa lahat nang naitulong ninyo sa pamilya namin, Aling Nelia.” “Nako, wala iyon, Tinay. Sino-sino pa ba ang magtutulungan noon kung hindi tayo-tayo lang naman?” saad niya. Ngumiti naman ako rito. “Eh teka po, bakit po pala kayo nandito?” tanong ko sa kanya. Alam ko kasi hindi sila nakatira rito. “Ah kami ba? Nako, lumipat kami rito kasi malapit lang dito ang pinagtatrabahuan ng anak ko,” tugon niya sa akin. “Ah, kaya po pala…” Siya si Aling Nelia, ang mabait naming kapitbahay. Siya ang nagpapautang kay Nanay kapag walang kita noon sa paglalabandera ito. “Kumusta ka na?” tanong nito, “May asawa ka na siguro at anak, ano?” sunod na namang tanong nito. Napatawa naman ako rito, “Nako, Aling Nelia, wala pa po, pero may kasintahan po ako,” ngiti kong sagot dito. “Ay mabuti naman kung gano’n,” ngiti rin niyang sagot sa akin, “Eh teka lang, hindi mo ata kasama ang Nanay mo?” tanong nito. “Ah, eh, mahaba pong kwento, Aling Nelia,” sagot ko na lang dito. Sinabi rin niya na nagulat siyan nandito sina Kuya ko, pero natuwa naman daw siya dahil kahit hanggang dito ay pamilya ko pa rin daw ang kanyang naging kapitbahay. “Um, sila Tatay at Kuya po nandiyan pa ba?” tanong ko rito. Nakita ko namang lumungkot ang mukha ni Aling Nelia, “Hindi mo ba nabalitaan, Krix?” tanong nito. Kinabahan naman akong bigla sa tanong niya, “Ang alin ho, Aling Nelia?” tanong ko na rito. Hinawakan niya ang kamay ko, “Matagal ng patay ang Tatay mo,” sabi nito na kinagulat ko. “Ho?” gulat na sambit ko rito. Tumango lang ito sa akin, “Pero nandiyan ang Kuya mo kasama ang asawa at mga anak niya, mabuti pa ay pumunta ka na sa inyo at siya na lamang ang magkekwento sa iyo,” wika ni Aling Nelia. Napaluha ako sa sinabing iyon ni Aling Nelia ngunit mabilis ko rin itong pinunasan. Hindi ko man lang nakausap ang Tatay ko bago siya namatay. Hindi ko man lang naibigay sa kanya ang pagpapatawad sa mga naging kasalanan niya sa akin, sa Nanay. “Tuloy na po ako, Aling Nelia,” paalam ko rito. Tango lang ang tanging naisagot sa akin ni Aling Nelia. Naglakad na nga ako patungo sa bahay namin. Umakyat ako sa kahoy na hagdan at saka kumatok ng dalawang beses sa may pintuan. Bumukas naman ito ay may iniluwang babae. Nakatitig ito sa akin, “Um, sino sila?” tanong nito. Nakatitig din ako sa kanya. Ang ganda niya kasi, “Am, ako nga pala si Krixtine, kapatid ni Jobert,” pagpapakilala ko rito. Ngumiti naman siya at bigla akong niyakap, “Tinay!” sambit nito. Hindi ko naman alam kung paano niya akong nakilala, “Um, sino po kayo?” tanong ko rito habang nakayakap pa rin ito sa akin. “Ay, pasensya ka na, ako nga pala si Dania, asawa ng Kuya Jobert mo, halika, pasok ka,” alok niya at pumasok naman ako, “Pasensya ka na, naliligo kasi ang Kuya mo, katatapos lang kasi naming kumain, ikaw, kumain ka na ba?” tanong nito. “Ah, oo, tapos na ako, salamat,” sagot ko naman sa kanya. Oo nga pala, nabanggit kanina ni Aling Nelia na may asawa na ang Kuya. Hindi ko kasi talaga alam. Ang ginawa ko lang naman kasi dati ay inalam ko ang kanilang tirahan pero hindi pa talaga ako nagpakita sa kanila noon. “Tawagin mo na lang akong, Ate, Tinay,” nakangiti nitong sambit sa akin. “Sige po, Ate,” sagot ko naman dito. Ilang minuto pa ang lumipas bago lumabas ang Kuya sa banyo. “Jobert,” narinig kong tawag ni Ate Dania kay Kuya. “Oh?” “Tingnan mo kung sino ang naparito,” nakangiting sabi nito kay Kuya. Tumingin naman si Kuya sa kinaroroonan ko at, “Tinay?!” sambit nito dahilan para mapatayo na ako. “Kuya!” “Tinay!” mabilis na niyakap ako ng Kuya. Sobrang higpit na sa pakiwari ko’y ayaw na niyang bumitaw pa. “Kumusta ka na?” tanong nito, “Alam mo bang kung saan-saan ka namin hinanap ng Tatay?” sambit niya. Nagulat naman ako sa sinabi ni Kuya sa akin, “Hinanap ninyo ako, Kuya?” tanong ko rito. Tumango ito sa akin, “Oo, hinanap ka namin ni Tatay, kayo ni Nanay, pero hindi namin kayo nakita.” Naupo na kaming dalawa ni Kuya. “Saan ka ba nagpunta? Nasaan ang Nanay? Bakit hindi mo siya kasama? Hanggang ngayon ba ay galit pa rin siya kay Tatay?” ang daming tanong ni Kuya na hindi ko masagot. “Kuya…” mahina kong tawag sa kanya. “Oh? “Ang Tatay?” imbes na sagutin ang mga tanong nito ay iba ang naiwika ko. Nagkatinginan silang mag-asawa. Nakita ko rin ang pagtango ni Ate Dania sa aking Kuya. “Tinay,” hinawakan ni Kuya ang aking dalawang kamay, “Matagal ng patay ang Tatay,” tugon nito sa aking katanungan. Napatingin naman ako kay Ate Dania at napaluha, “Kuya…” iyak ko rito. Niyakap naman ako ni Kuya. “Noong nagkasakit siya, hiniling niya sa akin na sana ay mahanap ko kayo para makahingi siya ng tawad sa inyo ng Nanay, pero hindi ko naman kayo nakita ni Nanay,” paliwanag sa akin ni Kuya. “Binawian ang Tatay dahil sa matinding karamdaman, Tinay,” wika ni Ate Dania sa akin. Mas lalo akong umiyak. Hindi ko man lang nahawakan ang Tatay at hindi man lamang ako nakapagpaalam sa kanya. Hindi ko man lang nasabi sa kanya na kahit na napagbuhatan niya ako ng kamay noong bata pa ako, ay mahal na mahal ko pa rin siya, dahil siya ang tatay ko. “Kuya, gusto ko siyang makita,” sabi ko rito. “Sige, bukas na bukas din ay dadalawin natin siya,” tugon sa akin ni Kuya. Tumango na lamang ako sa sinabi ni Kuya sa akin. “Siya nga pala, Tinay, nasaan ang Nanay?” muling tanong ni Kuya dahilan para umayos na ako sa pagkakaupo. “Kuya,” tawag ko rito. “Hindi mo kasi kasama ang Nanay.” Umiling naman ako rito. “Matagal na akong iniwan ng Nanay, Kuya,” sagot ko naman dito. Nagkatinginan naman silang mag-asawa. “Nasaan ang Nanay kung gayon?” tanong nito sa akin. “Sumama siya kay Ate Chona,” tugon ko. “Sinong Ate Chona?” tanong na naman ni Kuya. “Siya ang tumulong sa amin ng Nanay noong wala kaming matirhan, Kuya,” turan ko rito, “Siya ang tumulong para makapag-aral ako, pero sumama sa kanya ang Nanay, iniwan akong mag-isa sa bahay kung saan ako nakatira ngayon kasama ang kasintahan ko,” sabi ko rito. Nagtataka man ay parang nahulaan na rin nila Kuya Jobert at Ate Dania kung bakit sumama ang Nanay kay Ate Chona. “Mayroon ka ng kasintahan, Tinay?” tanong ni Ate Dania sa akin. “Opo, Ate,” nakangiti ko namang saad dito. Nakita ko namang ngumiti silang dalawa. “Kung ganoon ay parang may asawa ka na rin?” tanong ni Kuya. “Parang ganoon, Kuya, pero hindi naman kami araw-araw magkasama ni Fear, natutulog lang siya sa bahay kapag day-off niya,” kwento ko rito. Nagtaka naman silang mag-asawa. “Fear?” tanong ni Kuya sa akin, “Parang pangalan naman ang babae ang ngalan ng iyong kasintahan, Tinay,” medyo natatawang sambit ni Kuya Jobert sa akin. Napayuko naman ako at, “Dahil babae po ang kasintahan ko, Kuya,” pagtatapat ko rito na kinagulat naman niya. “Ano?!” Hindi siya makapaniwala na pumatol ako sa babae, ngunit ipinaliwanag ko naman sa kanya na mabait si Fear at na hindi ako nito ikinakahiya dahil mahal niya ako. Alam kong mahirap, ngunit nakita ko naman na tinanggap nila Kuya at Ate ang pagkatao ko. “Kapatid kita, Tinay, kaya kahit ano ka pa, mahal kita, natutuwa ako at nagkita na tayong muli.” Masayang-masaya rin ako na nagkita na kaming muli ng Kuya ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD