Alp-Monster

1566 Words
MIKEE: MAPAIT AKONG napangiti na makagisnang mag-isa pa rin ako ng room namin ni Alp. Naipilig ko ang ulo na maalala ang napanaginipan kagabi na nandidito si Alp at inaalagaan ako. Maingat akong bumangon na nagtungo ng banyo. Mas mabuti na ang pakiramdam ko kumpara kahapon na halos hindi ako makatayo. Matapos kong makapaghilamos at sipilyo ay nagtungo ako ng kusina. Napapakamot na lamang ako sa ulo na wala pa palang nalulutong pagkain. Wala din namang laman ang fridge na stock. Mabilis akong bumalik ng silid na nagbihis at lakasloob lumabas ng akupadong room namin ni Alp dala ang keycard at credit card na binigay ni mommy Irish. Kabado ako lalo't hindi naman ako pamilyar dito pero kung magkukulong lang ako sa silid namin ay baka tumirik na ang mga mata ko dala ng gutom, wala pa ring Alp ang darating para saklolohan ako. Nangangatog ang mga tuhod kong lumabas ng lobby nitong hotel. Napapalinga-linga pa ako sa paligid dahil puro nagtataasang building ang bumungad sa akin at hindi alam kung anong building ang mga ito. Hindi ko namalayang napapalayo na pala ako ng nilalakad kakalinga sa mga nadaraanan ko. Napangiti akong nakahinga ng maluwag nang may mahagip ang paningin sa 'di kalayuan na convenient store na agad kong tinungo. Kumakalam na rin ang sikmura kong panay ang tunog na wala ng ginigiling. Matapos kong kumuha ng cup noodles, drinks at ilang biscuits ay pumwesto na ako sa pinakasulok nitong store. Unang nilantakan ang mga biscuits habang naluluto pa ang cup noodles. Napapailing na lamang akong hindi maiwasang maawa sa sarili. Akala ko magiging maayos ang buhay namin ng pamilya ko sa pagpayag na manilbihan sa pamilya Castañeda. Pero heto at isang malaking pagkakamali na pumayag ako lalo na sa kasalang ito. Pakiramdam ko'y lalo naman akong agrabyado ngayong kinasal kami ni Alp. Pero kahit magsisi ako ay wala rin naman akong magagawa. Mag-asawa na kami, sa batas ng tao. At sa batas ng Diyos. Maliban na lang siguro kung ipawalang bisa ni Alp ang kasal namin. 'Yun ay, kung papayag sina mommy. Napahinga ako ng malalim na kumain na lamang kaysa magmukmok sa isang sulok at dibdibin ang mga nangyayari sa pagitan namin ni Alp. Alam ko rin naman kasing kahit mag-asawa na kami ay hindi asawa ang tingin nito sa akin. At tanggap ko 'yon. Matapos kong kumain ay napatampal na lamang ako ng noo na hindi na matandaan kung saang direction ako nanggaling. Para akong maiiyak na nagpapalinga-linga. Bagsak ang balikat na bumalik sa loob ng store at dito na lamang magpapalipas ng oras. Napayuko akong ikinukubli sa mga nandidito ang pagtulo ng luha. Piping nagdarasal na sana dumating si Alp na mang-uuwi sa akin. Natatakot naman na akong lumabas at baka mas lalo lang akong mapalayo. "Alp....tulungan mo ako please" ALP : MAGHAPON MAGDAMAG AKONG nagpakalunod sa alak pagkatapos ng kasal namin ni Mikay. Ayoko naman talagang magpakasal kami. Pero sadyang mahigpit si mommy na sinigurado talaga niyang makakasal kami ni Mikay. Bagay na ikinangingitngit ng loob ko. Sa sobrang sama ng loob ko ay hindi ko na naisip na mag-isang maiiwan si Mikay sa hotel room namin. Kaya naman nang mahimasmasan na ako dala ng kalasingan ay kaagad na akong umuwi. Pero para akong sinabuyan ng malamig na tubig at natakot na maabutan itong nanginginig at inaapoy ng lagnat! Hinang-hina at basang-basa ng pawis! Lalo akong nakunsensya na panay ang tulo ng luha nito kahit nahihimbing habang inaasikso ko at tinatawag ang kanyang ina. Para akong pinipiga sa puso. Awang-awa sa kanya. At nagagalit sa sariling nakalimutan ko ito. Pero sa tuwing mapapasulyap ako sa suot naming wedding ring ay muling naghahari ang inis at galit sa puso ko sa katotohanang asawa ko na ito. Mabuti na lang at napababa ko rin ang lagnat nitong ikinahinga ko nang maluwag. Matapos kong maligo ay muli akong lumabas ng silid namin. Wala naman kasi kaming stocks ng grocery dito sa silid kaya napagpasyahan ko na lamang bumili at ipagluto ito kaysa lumabas pa kami para kumain. Alam ko namang nanghihina pa ito at baka hindi pa kayang lumabas. Napapailing na lamang akong nasunod ang kagustuhan ni mommy. Alam ko namang kasalanan ko rin kaya kami nakulong ni Mikay sa kasalang walang pagmamahalan. Pero hindi ko pa rin magawang tanggapin ng bukal sa loob at puso kong maging asawa ito. Fūck! Napakabata at inosente niya para sa akin! Napakunotnoo noo ako na pagbalik ng silid namin ay wala si Mikay sa kama kung saan ko siya iniwan. Naibagsak ko sa sahig ang mga dala kong groceries at tulalang naglakad palapit sa kama. "Mikay?" kabado akong nagtungo ng banyo pero masyadong tahimik at walang bakas na may tao sa loob pero sinilip ko pa rin at wala nga si Mikay dito! "Mikay!?" taranta akong lumabas ng balcony pero para lang akong pinagbagsakan ng langit na makitang.....wala dito si Mikay! Napasabunot ako sa ulo na panay ang mura! "Fūck! Nasaan ka ba!?" nanggigigil kong sambit na lumabas ng silid namin at nagtungo sa control room nitong hotel. Panay ang hawi ko sa namamasa kong buhok habang hinihintay ang mga staff na hinahalungkat ang mga kuha ngayong araw. Napatampal ako sa noo na nanghihina ang mga tuhod na makita sa monitor ng mga cctv na lumabas nga si Mikay ng building! Kaagad akong lumabas ng control room at palinga-linga sa paligid! Fūck! Saan ko naman siya hahanapin dito!? "Damn it! Kung bakit naman kasi lumabas ka pa!" nagpapantig ang panga kong lakad takbo ang ginagawang palinga-linga sa mga taong nadaraanan ko. Oo nga't galit ako at hindi siya gusto pero hindi naman maaatim ng kunsensya kong mapahamak ito lalo na't nasa poder ko siya kung saan ako lang ang inaasahan niya! Magdidilim na at nakakalayu-layo na ako ng nararating nang matigilan at may maalala. Paano naman siya nakalabas kung walang pera? Hindi ko naman matandaan na may iniabot ako sa kanya personally na magagamit niya. Kaagad kong hinugot sa bulsa ng coat ko ang cellphone ko at nakahinga nang maluwag na may message sa akin mula sa kumpanya ng isa sa mga credit card ko na kagagamit lang dito mismo sa America. Napapakagat ako ng ibabang labi na malalaki ang hakbang tinungo ang convenient store na pinaggamitan ni Mikay sa credit card ko. "Mikay" tumulo ang luha kong nakahinga ng maluwag nang mahagip ng paningin ko ang pamilyar na pigura nito sa pinakasulok nitong store at mag-isang nakayuko sa mesa. Malalaki ang hakbang na nilapitan ito. "Mikay" pagtawag ko dito sabay katok sa lamesang ikinaangat nito ng mukha. "Alp!" nanigas ako nang bigla itong tumayo na niyakap ako at napahagulhol sa dibdib ko. Napangiti akong niyakap din itong kinakalma dahil para na siyang bata kung makaatungal. Pinagtitinginan na tuloy kami ng mga tao sa paligid na nagbubulungan. "Tahan na. Nakakahiya. Baka iniisip na nilang pinapaiyak kita" bulong kong mariing napahalik sa pisngi nitong ikinatigil nito sa pagngawa. Natatawa akong pinahid ang luha nito at saka lang napansin na namumugto na ang mga matang namumula. Mukhang kanina pa siya umiiyak at marahil takot na takot na hindi na alam kung paano bumalik ng hotel. "Bakit ka ba kasi lumabas?" panenermon ko pero sa loob-loob ay nangingiti at masaya akong nahanap ko ito. Napalabi itong nagsumiksik sa dibdib ko. "Bakit ka ba kasi nang-iiwan?" baliktanong din nitong ikinalapat ko ng labing pigil-pigil ang sariling mapabungisngis. Bakas sa tono nito ang pagtatampo na mahina akong kinurot sa tagiliran. Mukhang mas komportable na siya ngayon sa akin at nagagawa na ring tawagin ako sa pangalan ko. "Nagugutom ka na ba?" pag-iiba ko na ikinakalas nitong tiningala akong nagniningning na ang mga mata. "Pakakainin mo ba ako?" nagdududang tanong nito na nakatingala sa aking ikinatawa kong inakbayan itong iginiya palabas ng store. "Oo naman. Saan mo gusto?" nangingiting tanong kong napalinga-linga sa mga kalapit naming restaurant. "Ohh?? Alp meron din pa lang Jollibee dito!?" bulalas nitong may itinuturong ikinasunod ng tingin ko dito. Napakunotnoo akong naipilig ang ulo. Hindi naman kasi ako pamilyar sa tinuturo nitong fast-food na may malaking matabang bubuyog na logo sa entrance. "Gusto mo ba dyan? Parang pangbata naman eh" paniniguro kong tanong na ikinatingala nitong tumango-tango at napakalapad ng ngiting ikinangiti ko na ring nagulo ang buhok nito. "Fine. Kung saan ka masaya. Pasalamat ka. May atraso ako ngayon" aniko na akbay pa rin itong tumawid ng pedestrian lane. "Atraso? Teka hindi ka naman nambabae 'di ba?" napakurap-kurap ako sa naitanong nito lalo na't nakatingala itong hinihintay ang sagot ko. "What the fūck Mikay. Kumain na nga lang tayo. Gutom lang 'yan. Mamaya ikaw pa ang kainin ko eh" mahinang sagot kong ikinamilog ng mga bilugang mata nito. "Nangangain ka ng tao!?" bulalas nitong mahinang ikinatawa at iling kong tumunghay ditong napapisil sa maliit niyang ilong pero may katangusan din naman. "Oo. At gusto kong kumain ngayon ng bata. Isang nakakatakam na batang makulit at may pagkapasaway" makahulugang saad kong ikinangiwi nitong pinaningkitan ako. Napapailing na lamang ako sa sarili. "Tss. Totoo pala ang sinabi ni Brix patungkol sayo" nangunotnoo akong napatitig dito. "Nangangain ka raw ng bata. Kaya Alp-Monster ang tawag niya sayo" bulong nitong napatingkayad pang ikinabungisngis at iling ko. "Alp-Monster huh?" tatawa-tawang iling kong inakay na itong pumasok sa napili nitong fast-food. Hindi naman totally mahirap pakisamahan si Mikay. Madali lang ditong makipagsabayan sa mga nakapaligid. Bagay na nagustuhan ko sa isa sa mga katangian nito. Hindi siya masungit. Lalong-lalo nang....hindi siya maarte.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD