Sick

1132 Words
MIKEE: PALAKAD-LAKAD AKO habang hinihintay si Alp na dumating. Kaninang umaga pa siya umalis. Pero hatinggabi na ay hindi pa rin ito nakakabalik. Kinakabahan na ako lalo na't bumalik na ng bansa ang pamilya nito kaya naman wala akong choice kundi hintayin si Alp dito sa silid namin. Wala din naman akong kakilala at kaalam-alam sa lugar na 'to kaya natatakot akong lumabas para maglibang. May iniabot din naman sa akin si mommy Irish na black card na nakapangalan kay Alp. Ayon dito ay ngayong kasal na kami ng anak nito ay ibilang ko na rin ang sarili na kabilang sa pamilya Castañeda. Kaya naman hindi na rin ako nito pinapayagan na tawagin ko siyang señora dahil hindi na raw ako tauhan nila ngayon kundi bagong miyembro ng kanyang pamilya. Napaupo ako ng sofa. Inaantok na rin ako pero nag-aalangang matulog. Baka kasi bigla siyang dumating at maabutan ako sa kalagitnaan ng paninimbing. Napahalukipkip akong lumabas ng balcony. Mapait na napangiting napatitig sa dalawang diamond ring na suot-suot ko. "Hindi ko naman kailangan ng mga ito. Mas gusto ko pa rin ang attention at oras ng taong nagbigay nito" nangilid ang luha kong maisip si Alp. Napapahid ako ng luhang tuluyang tumulo at pilit ngumiti para sa sarili. "Ahem! Para kang sira Mikay. Hwag ka ng umasang makukuha mo din ang puso niya. Alagaan mo na lang siya, hindi lang bilang asawa kundi....bilang yaya niya. Dahil 'yon ang papel mo sa buhay niya. Katulong ka lang" pagkausap ko sa sarili. Nanghihina akong napaupo sa bench na nasa gilid nitong balcony yakap ang sarili. Parang basang sisiw na naghahanap ng masisilungan. Kakalinga, aaruga, po-protekta, magmamahal. Pero kahit yata mamalimos ako kay Alp nun ay wala ito ni isa sa mga 'yon na maibibigay sa akin. At naiintindihan ko 'yon. Dahil sino ba naman ako para mahalin o mapansin ng isang Alp Jhanlo Castañeda? Isa lang akong simpleng dalaga. Isang hamak na katulong na nakalapit sa kanya. Suntok sa buwan ang kaisipang mapapaibig ko din siya balang araw. At hindi ko 'yon kayang gawin. Habang siya? Isang kilalang negosyate. Batang bilyonarno na kinagigiliwan ng kahit sinong babae. Gwapo, matangkad, makisig, matalino, mayaman. Sinong hindi maghahabol sa kanya? Nasa kanya na lahat-lahat. Na kahit sinong babae ay maghahangad mapangasawa ito. Walang-wala ako kumpara sa mga naghahabol ditong kapwa niya anak mayaman at kilala sa publiko. Beauty queen's, actress, models, heirs, mga kilalang babaeng parang mga dyosa ang wangis ng mukha at pangangatawan. Sila ang nababagay sa kanya. Hindi ang katulad kong....parang basahan lang na maitabi dito. Hindi nababagay, tawaging asawa nito. Napayakap ako sa sariling maramdaman ang ginaw dala ng malamig na panahon. Nanginginig akong bumalik sa loob ng silid at nagtungo sa sofa. Ayoko namang humiga sa kama dahil baka biglang dumating si Alp na hindi ko mamamalayan at maabutan pa akong nahihimbing sa kama nito. Napabaluktot akong niyakap ang mga throw pillows dito at nagpatangay na sa antok. Hindi ko na kayang labanan ang pagsara ng mga mata ko. Nangilid ang luha kong mapait na napangiti. Unang gabi namin pero heto at mag-isa akong luhaang matulog kakahintay sa asawang darating. MAGTATANGHALI NA nang magising akong kumakalam ang sikmura at halos manigas na sa lamig! Napagala ako ng paningin na kinukusot-kusot ang mga matang nanlalabo pa ang paningin. Mapait akong napangiti. Wala pa rin si Alp at walang bakas na bumalik ito ng hotel room namin. Nanghihina akong nagtungo ng kusina at humalungkat ng makakain. Napanguso ako. Halos hindi manlang nagalaw ang mga pagkaing inpa-room service ni mommy kahapon para sa akin. Hindi rin naman kasi ako nakakain kagabi kakahintay kay Alp. "Hindi pa naman siguro panis ang mga ito" aniko na kumuha ng plato at kutsarang naupo na sa silya. Napapanguso akong isa-isang binuksan ang mga pagkaing nababalot ng plastic cover. Pigil-pigil ang sariling pinangingilidan ng luha habang mag-isang kumakain. Halos hindi ko na nga maamoy at malasaan ang kinakain ko dala ng sama ng loob at pakiramdam ko. "Ang sama mo. Iiwanan mo talaga ako dito na mag-isa" nanggigigil kong asik na naiisip si Alp. Hindi ko mapigilang makadama ng kirot sa puso ko. Alam naman niyang wala akong kasama at kakilala sa lugar na 'to. Paano niya naaatim na hindi ako uwian? Hindi manlang niya inisip ang nararamdaman ko. Oo nga't napilitan lang siyang pakasalan ako. Pero hindi ko rin naman ginustong makasal kami. Ako na nga itong agrabyado sa aming dalawa? Ako pa ang mamamalimos ng attention niya? Kahit bata pa ako ay may pakiramdam din naman ako. Lalong-lalo ng....hindi naman ako tānga para gawing laruan. Gagamitin kung kailan gusto, iiwanan pag napagsawaan, at babalikan kung kailan muling kailangan. Matapos kong kumain at mailigpit ang mga pinagkainan ay muli akong bumalik ng sofa at umidlip. Umiikot pa rin ang paningin kong dama ang panghihina at panginginig ng katawan ko. PABALING-BALING AKO ng ulo na sobrang bigat at kirot sa loob nito! Maging panginginig ng katawan ko ay mas lumala pa! "Uhm...n-nay..." mahinang sambit ko na tinatawag si nanay. Nakangiti itong nakatitig na unti-unting naglalaho sa paningin kong parang bula! "Nay..." muling pagtawag ko kasabay ng pagtulo ng luha na hindi ko na ito makita kahit saang sulok! "Hey...Mikay... wake-up baby" dinig kong saad ng baritonong boses na bahagyang tinapik-tapik ako sa pisngi. Nangilid ang luha kong makilala ang nagmamay-ari ng boses. "A-Alp" mahinang sambit kong ikinatulo ng luha ko. Naramdaman ko naman ang paggalaw ng gilid kong pinahid ang luhang tumulo sa pisngi ko. "I'm sorry baby. Why didn't you call me huh?" bakas sa tono nito ang pagka-guilty na ikinangiti kong nananatiling nakapikit. "D-dito ka lang please. Wag ka namang nang-iiwan" napahikbi akong ikinayakap nitong panay ang halik sa ulo ko. Mapait akong napangiti. Ramdam ko ang init ng yakap nito at bawat dampi ng kanyang mga labi kahit na nananaginip lang ako. Imposible naman kasing nandidito si Alp at ngayo'y inaalagaan akong bakas sa tono ang pag-aalala sa akin. "I'm sorry. It won't happen again. Get some rest baby, I won't leave you again" malambing saad nito na pinahid ang luha ko at mariing humalik sa noo ko "Promise?" "Nope. I can't promise you that. Cause promises can be broken" anitong muling napahalik sa noo ko. Napangiti akong napasuksok sa bisig nitong napakainit na mahinang ikinatawa nitong niyakap pa rin naman akong hinahaplos sa ulong muling ikinatangay ko sa antok. Para akong nananaginip ng gising sa mga sandaling ito na nakakulong sa kanyang bisig. Isang napakagandang panaginip na gugustuhin ko na lamang manatiling nakakulong dito. Kaysa gumising at bumalik sa realidad na napakalamig at layo ng loob nito sa akin. Ibang-iba ngayon na dama ko ang pag-aalaga at kalinga nito. Na parang pino-protektahan ako ng maskulado niyang mga braso at dama ang comfort sa bisig nito. "Back to sleep my little wife. I'll take care of you tonight"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD