Sweetdance

1321 Words
MIKEE: HINDI KO MAPIGILAN ang sayang nararamdaman ko habang magkaharap kami ni Alp na kumakain at maganda ang mood nito. Kita ko naman na sincere ito sa pagbawi niya sa akin na iniwanan ako sa hotel room namin at sa muntikan kong pagkaligaw. Kahit paano ay nagkakaroon ako ng konting pag-asa na mapapalambot ko rin ito. Na mahuhuli ko rin ang kiliti nito at maging maayos ang pagsasama namin. Hindi lang bilang mag-amo kundi bilang, mag-asawa. "Ang kalat mo" anito na pinahid ang gilid ng labi ko ng kanyang hinlalaki. Nag-init ang mukha kong napaiwas ng tingin dito nang isinubo nito ang hinlalaki na may bahid pa ng ketsup! "Sorry" ngumiti lang itong nagpatuloy kumain. Napakagaan niya ngayong kausap at nabibiro ko din na madalang ko lang nagagawa. Kapag gantong maganda lang ang mood niya saka ko lang siya nabibiro at nakakakwentuhan ng kung ano-ano. Madalas naman kasi ay seryoso itong tila napaka-big deal sa kanya ang ngumiti at makipag-usap ng maayos sa mga nakapaligid dito. Matapos naming kumain ay akala ko babalik na kami ng hotel pero sumakay kami ng taxi na nagpahatid sa isang mall na malapit. Lihim akong napapangiti habang nakaakbay ito sa akin na para akong mawawala kung bibitawan ako. Napapalapat ako ng labi nang dalhin ako nito sa isang women's boutique at namili ng maisusuot kong dress. Napapanguso na lamang akong matamang nakatitig dito na panay ang hugot sa mga naka-hanger na damit na itinatapat sa akin at hindi makapili-pili ng bibilhin. Nagbubulungan naman ang mga saleslady dito na nakamata lang sa kanyang kitang kinikilig sila sa kasama ko kahit na naka-pokerface lang itong bahagyang salubong ang mga kilay! "Try this one Mikay. I think it suits you" anito na inabot sa akin ang isang napaka-revealing na tubeless dress. Maiksi lang din na kulay baby pink at napakalambot ng tela. Napangiwi akong pinasadaan ng tingin ang binigay nitong ikinataas ng isang kilay. "Para naman akong nakatapis lang ng tuwalya nito Alp" napahagikhik itong pinihit ako patalikod dito na marahang itinulak sa malamit na fitting room nitong shop. "Make it fast baby" kindat nitong hinawi na ang kurtina. Napabuga ako ng hangin na problemadang pinakatitigan ang napili nitong damit. Hindi naman kasi ako sanay sa mga gantong isusuot. Pakiramdam ko'y para akong nasisilipan na hindi komportable. Sumusukong napahinga ako ng malalim at isa-isa nang hinubad ang mga suot ko. "Baby ang tagal--" "Alp!!" napatili akong hindi na magkandamayaw kung anong tatakpan ko sa katawan na bigla na lamang nitong hinawi ang kurtina. Napanganga itong mabilis naglumikot ang mga matang nagtaasbaba ng tingin sa kabuoan ko! Ramdam kong sobrang init na ng mukha ko sa mga sandaling ito habang nakatakip ako sa dibdib kong ikinangisi nito ng nakakaloko. "Why are you covering it baby. Nakita ko naman na lahat ng 'yan" nakangising tudyo nito. Napalapat ako ng labing pinamumulaan at hindi na makatingin sa mga mata nito ng diretso! Ni hindi ako makakilos sa kinatatayuan ko. "L-labas ka muna. Nagbibihis pa ako" mahinang sambit ko pero pumasok lang itong hinawi ang kurtinang ikinamilog ng mga mata kong napaatras! Mahina itong natawa na napailing at himas ng baba. Bawat hakbang ko paatras ay siya namang paglapit nito hanggang sa naramdaman ko na ang paglapat ng likuran ko sa malamig na salamin. Lalo itong napangising itinukod ang dalawang braso sa magkabilaang gilid ko. Napatingala ako dito na nangingising kagat ang ibabang labi. Para akong maiiyak na nakatitig ditong bakas sa mga mata ang tuwa na pinagkakatuwaan na naman niya ako. "Alp naman" "Why?" napapadyak ako ng mga paa sa inis na nagmamaang-maangan pa ito. Kahit alam naman kung anong nais ko. "Labas na kasi. Magbibihis pa ako" napaiwas ako ng tingin pero napapisil lang naman ito sa baba kong itiningala ako pasalubong sa mga mata nitong ikinalunok ko! Para akong malulunod sa uri ng taimtim niyang pagtitig sa mga mata ko. Hindi ko tuloy mapigilang pamigatan ng hininga habang nilalabanang nakikipagtitigan dito. "A-Alp" mariin akong napapikit nang dahan-dahan itong yumuko hanggang gahibla na lamang ang pagitan ng aming mga labi. Napakapit ako sa laylayan ng polo nitong lalong naninikip ang dibdib. Tumatama na sa mukha ko ang mainit at mabango nitong hininga na lalong nagpapainit ng nararamdaman ko! "Can I kiss you my wife?" masuyong bulong nitong unti-unti kong ikinadilat. Napapalunok akong nakipagtitigan sa mga namumungay nitong mata na matiim na nakatutok sa mga mata kong nanlalamlam na rin. "Can I? Would you allow me to kiss those sweet and kissable lips of you baby" paanas nitong ikinangiti at tango ko na parang napapasailalim sa kapangyarihan nitong bahagyang napangiti at tuluyang inabot ang mga labi kong ikinapikit ko. "Uhmm..." kinilabutan ako sa lalim ng pag-ungol nitong napakasarap sa pandinig ko. Napasunod ang mga kamay ko nang dalhin niya ang mga iyon na pumulupot sa kanyang batok. Ramdam ko ang lakas ng kabog ng dibdib ko sa mga sandaling ito habang inaaral na sinasabayan ang masuyo niyang halik na tila ingat na ingat ang bawat paghagod nito! "A-Alp...sandali" awat kong kinakapos na ng hininga. Namumungay ang mga mata nitong bakas ang pangungusap at kabitinan na nakatitig sa mga mata ko. "L-labas na. May pupuntahan pa tayo 'di ba?" "Fūck baby" anas nitong muling sinunggaban ng mas mapusok ang mga labi kong isinandal din ako sa salamin! "Uhmm..." hindi ko mapigilang mapaungol nang marahan nitong kinagat ang ibabang labi kong ikinanganga ko kasabay ng pagpasok ng dila nito sa loob kong ginalugad bawat sulok nito hanggang sa masagi nito ang dila naninigas sa gilid na kaagad nitong pinuluputan at tila inaanyayahang makipag-espadahan dito! "Fūck!" mahinang mura nitong napayakap sa aking ikinasinghap kong napadiin sa katawan nito ang kahubaran ko! Mariin kong nakagat ang ibabang labi nang dahan-dahang humaplos pababa sa pisngi ng mga pangupo ko ang dalawang kamay nito at may madiing pumisil ito doon na tila doon niya nilalabas ang panggigigil! "Get dressed baby. Habang kaya ko pang magpigil" bulong nito na mabilis ang paghinga. Ramdam ko nga ang pamilyar niyang umbok na nakadantay ngayon sa puson ko at damang-dama ang katigasan non na tila handang-handa ng sumabak sa digmaan! LIHIM AKONG NAPAPANGITI habang nakayakap sa tagiliran nito at nakaakbay naman ito sa akin na nagtungo sa isang exclusive bar. Kaya naman pala pinaayusan pa ako nito sa salon at pinagbihis ng magarang damit dahil bar ang pupuntahan namin! Kabado ako na napahigpit ang kapit dito pagpasok namin ng bar at sumalubong ang nakakabinging hiyawan at tugtugan dito sa loob! Hindi pa man ako nakakainom ay nahihilo na ako sa mga taong nasa dancefloor na tila nagpapaligsahan sa pagsayaw. Sabayan pa ng dimlight na lalong nakakahilo sa paningin ko! "Relax my little wife. I'm with you. You have nothing to worry about" bulong nito na maramdamang mas napahigpit ang pagkakayakap ko dito habang naglalakad kami dito sa gitna na nakasunod sa waiter na inihatid kami sa lamesa namin ni Alp. Napapalinga ako habang magkatabi kami ni Alp dito sa sofa na pinakasulok nitong bar. Nakamasid sa paligid habang umiinom. Juice lang naman ang kinuha nito para sakin at tinambakan ng mga slice fruits ang mesa naming ginagawa naming pulutan. Lihim akong napapangiti sa tuwing may nagtatangkang lumapit sa amin mapababae man o lalake na nagpapaanyayang sumayaw sa dancefloor pero napapaakbay itong masama silang tinitignan na ikinaaatras nilang napapayuko na lamang. "Hey. Do you wanna dance" bulong nito ng mapalitan ng malamyos na musika ang kanina'y napakalas na tugtugan. "Hwag na. Hindi ako marunong" kaagad kong tanggi na inilingan lang nito. "I'll guide you baby. Come. Let's dance" anito na inakay na ako sa gitna ng dancefloor. Sobrang bilis ng t***k ng puso ko na nakamata ditong nangingiti. Napalapat ako ng labi nang ipinaapak ako nito sa kanyang mga paa at mahigpit na yumapos sa baywang ko habang dahan-dahan na itong sumasayaw na sinasabayan ang malamyos na musika. Nangilid ang luha kong napayakap dito. Mahina naman itong natawa na panay ang halik sa ulo ko habang isinasayaw akong ikinatulo ng luha ko!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD