MIKEE: MAPAIT AKONG napangiti na hinahaplos ang umbok ng tyan ko habang nakaupo sa kama at nakasandal sa headboard. Kahit pinipigilan ko ang pangingilid ng luha ay hindi ko pa rin mapigilan ang pagragasa ng mga ito. Sobrang bigat ng loob ko sa nalaman. Pero wala naman akong ibang magagawa kundi ang umiyak at maghintay sa kanya. Ngayon pa bang buntis na ako saka ko siya hihiwalayan? Para ko na ring tinanggalan ng karapatan ang anak ko na magkaroon ng buong pamilyang makakagisnan nito. Hindi ko kaya. 'Di bale ng ako ang masaktan, magtiis makita ko lang na masaya ang anak ko na may buo itong pamilya ay sulit na ang pagtitiis ko sa piling ni Alp. Lumipas ang ilang buwan at dumating ang araw na kinakakaba ko. Ang pagsilang ko kay baby at umaasang darating si Alp sa araw na 'to pero....heto at