MIKEE: "NAHIHIBANG KA NA BA??!" mariin akong napapikit sa pagbulyaw ni tatay na napahampas ng mesa na ikinaiktad ko. Mahigpit akong napakapit sa laylayan ng damit ko sa pagtaas ng boses nito. Marahas itong napapahawi ng buhok na namumula ang mga mata dala ng galit. "Tay asawa ko po si Alp. Dito kami nakatira" "Asawa mo? Eh nasaan ba ang magaling mong asawa huh Mikay?? Hindi kita pinalaki para kawawain lang ng kung sino dito!" bulyaw nitong nagpapantig ang panga. Napayuko akong pasimpleng nagpahid ng luha. Dama ko ang panginginig ng katawan ko dala ng takot at kaba. Kilala ko ang ama namin. Hindi siya basta-basta nagagalit pero pag nasagad ay walang makakapigil. "Kunin mo na ang mga gamit niyong mag-ina. Uuwi tayo. Sa ayaw. O sa gusto mo" madiing saad nito na nagpapantig ng panga. H