MIKEE: ILANG ARAW, LINGGO AT BUWAN ang lumipas. Pero hanggang ngayon ay walang Alp na nagparamdam. O kahit tumawag manlang. Halata na rin ang umbok ng tyan kong limang buwan na ngayon. Kaya naman laging over size t-shirt ni Alp ang laging suot ko para hindi mahalata. Hinahanap ko rin kasi ang ang amoy ni Alp kaya nakasanayan kong mga damit nito ang suot-suot ko. Napahinga ako ng malalim na hinahaplos ang umbok ng tyan ko. Gumagalaw na si baby at sa awa ng Diyos ay maayos naman na ang lagay nito. Mas malakas at makapit na siya ngayon dala ng healthy foods na pinapaloob ko, pag-iwas sa stressed, puyat, nagti-take din ako ng calcium at vitamins naming mag-ina at nag-eehersisyo. Gusto kong maging healty at malakas ang anak kong isisilang ko kaya kahit nahihirapan akong mag-isa dito sa bahay