MIKEE: KABADO AKO habang hinihintay si Alp na dumating. Kahit wala naman akong kasalanan ay sa pananingin ng lahat itinulak ko si Scarlet dahil meron kaming pinagtalunan. At base sa nakita kong galit kay Alp kanina ay mukhang mas naniniwala siyang itinulak ko nga si Scarlet. Natatakot ako sa magiging kalalabasan ng gusot na napasok ko. Paano ko ba ipagtatanggol ang sarili ko kung wala namang makikinig at maniniwala sa panig ko. Sa paliwanag ko. Lalo na't napasama ang bagsak ni Scarlet sa sahig na siya din mismo ang may kagagawan. NAPATAYO ako na makitang dumating na ang sasakyan ni Alp. Parang lulukso sa loob ng dibdib ko ang puso ko habang nakamata ditong papasok ng bahay at napakadilim ng anyo! Nangangatog ang mga tuhod ko. Pilit kong nilalabanan ang takot at kaba na matamang nakatiti