MIKEE: TAHIMIK AKONG nakabaling ng paningin sa bintana habang pauwi kami ni Alp. Ramdam kong galit siya kaya hindi na lamang ako umiimik. Nangilid ang luha ko na maalala na naman ang driver ng taxi na muntikang humalay sa akin. Napahigpit ang kapit ko sa laylayan ng damit ko. Muli akong nilukob ng takot sa mga sandaling ito habang inaalala ang mga nangyari kaninang umaga. ****** "Saan ka miss?" ani ng driver pagkasakay ko sa taxi nito. Hindi ko alam kung saan pupunta. Wala naman kasi akong kaalam-alam sa lugar na 'to. Napalabi ako na maalala ang pamilya ko. Bigla ko silang na-mis. Nangilid ang luha kong napapalapat ng labi at nagpipigil mapahikbi. Hindi ko napapansin na patuloy nga pala ang andar ng taxi kahit wala pa akong nasasabing pupuntahan! Bigla akong nagising na napalinga-lin