ALP: EXCITED AKONG umuwi na maaga akong natapos sa dinaluhan kong conference meeting sa mga bagong investors ng kumpanya. Ilang linggo na ba akong naging busy at nawalan na ng oras sa baby ko? Namimis ko na ngang kakulitan ito pero bagsak naman na ang katawan ko pagdating sa bahay na tipong gusto ko ng matulog yakap ito. Napangiti ako na mapadaan sa isang icecream store. Napaparada ako at mabilis pumasok ng store para ibilhan ng pasalubong makulit kong asawa. Baka mamaya nagtatampo na siya sa pagiging busy ko at hindi na nasusuyo ito. Dumampot ako ng isang liter ng double dutch chocolate flavor na paborito nito na pinapalaman sa tinapay. Ngayon pa lang ay nakikinita ko na ang pagkinang ng kanyang mga inosenteng mata at pagsilay ng matamis niyang ngiti sa labi. Fūck! Lalo ko tuloy itong