MIKEE: SA MGA SUMUNOD na araw ay naging mas maalaga si Alp. Bumalik na rin siya sa dati na dito sa bahay sa opisina nito nagtatrabaho at minsanan lang kung lumabas. Kapag may importannteng meeting lang itong dadaluhan. Hindi na rin siya nagpapang-abot ng gabi dahil pagkatapos ng lakad nito ay diretso na siyang umuuwi ng bahay. Kahit nga si Scarlet ay kusa na niyang iniiwasan ang mga paanyaya nito sa kanya kahit mga tawag nito ay madalang lang niyang sagutin. Ayokong umasa sa mga bagay na hindi ako sigurado pero sa mga nakikita ko dito at mga pinaparamdam nito? Masasabi kong pareho lang kami ng nararamdaman sa isa't-isa. Hindi man niya sabihin ang gusto kong marinig mula sa bibig nito, pinapakita at pinaparamdam naman nito ang kahalagaan ko dito. NANGINGITI kong pinagmamasdan ito habang