Suplado

1370 Words
MIKEE: NAPAPANGITI AKONG sinasabayan si señorito Brix na naglalakad-lakad habang masayang nagkukwento ng mga kung ano-ano. Napakadaldal niya at hindi naman preskong kausap. Mas masaya sana kung siya na lang ang aalagaan ko dahil nakakasiguro akong magiging madali ang trabaho ko lalo na't ramdam kong mabait ito at katulad ng mga magulang ay napaka-down to earth kahit kung paano makipag-usap sa aming mga katulong nila, hindi katulad ng kapatid nitong si señorito Alp na siyang alaga ko. "So, can you tell me too about yourself baby?" magkaharap kaming naupo dito sa may garden kung saan may swing. Nasa bente singko na pala si señorito Alp habang ito namang si señorito Brix na kasunod niya ay nasa bentetres anyos. "Ahm, ano pa nga ba señorito? Bukod sa katatapos ko lang sa highschool. Ahm. May dalawang nakababata akong kapatid na lalake. Kambal po sila at nasa pangangalaga ng tatay namin dahil kamamatay lang ng nanay namin" bahagya itong natigilan pero tumango-tango pa rin naman. "How about boyfriend?" ako naman ang natigilan na napatitig ditong may munting ngiti sa mga labi at kumikinang ang mga matang nakatitig sa akin. "B-Boyfriend?" utal kong ulit. "Naku! Wala po señorito, pero may boy bestfriend po ako" pagtatapat ko. Kita ang bahagyang pagsalubong ng mga kilay nitong ikinaiwas ko na ng tingin dito. Kita ko naman sa gilid ng mga mata kong nakatitig pa rin ito na kalauna'y napatango-tango. "A'right, just a bestfriend?" may halong pagdududang tanong nitong agad kong ikinatango. "Opo, matalik na magkaibigan señorito" napanguso itong pinapakibot-kibot pa habang nakahalukipkip. Maya pa'y napangiti na rin ito na napatango-tango. "Okay, that's good to hear baby" pilit akong ngumiti dito pabalik. Ayaw ko namang sabihing hinihintay ako ni Lander at sinabing mahal niya ako. Siguro naman hindi na 'yon kalabisan sa mga amo ko kung hindi ko na ikwento ang pribadong buhay ko. Hindi naman na siguro required na ipaalam ko pa ang tungkol sa relationship ko dahil privacy ko na 'yon kahit na ba katulong lang ako dito. HINDI KO NAMALAYANG ilang oras na pala kaming nag-iikot-ikot ni señorito Brix sa kabuoan ng mansion dito sa labas. Marami-rami na rin itong nai-kwento mula sa kanyang pagkabata hanggang nagbinata. Napakagaan niyang kausap at napakadaling patawanin sa mga biro ko kaya kahit unang beses pa lang naming magkausap ay nakagaanan ko na agad ito ng loob. Natigil ang tawanan namin habang naglalakad sa akmang pagpasok namin ng mansion dahil nakaabang si señorito Alp sa may pinto. Prenteng nakasandal doon at nakapamulsa na halatang bagot na bagot. Naka-pokerfacer pa rin ito kaya muli na namang bumilis ang t***k ng puso ko. "What's up Alp-Monster, are you waiting for someone hmm?" nakangising saad ng kapatid nitong ikinairap lang nito kaya napabungisngis pa ang kapatid na naiiling. "Follow me" walang emosyong saad nito na napakatalim ng tingin sa akin bago pumasok na sa loob. "Ikaw o ako?" wala sa sariling tanong ko sa katabi ko na naituro ang sarili. Natawa lang naman itong umakbay at hinila na ako papasok. "Who do you think hmm?" bulong nito. Napalunok ako. Ako kaya? Bakit? Hindi pa naman simula nang trabaho ko. "Where are you going baby? Sa fourth floor ang silid ni kuya Alp" natigilan ako sa akmang pagpapaiwan ko dito nang papasok na ito sa elevator at naghihintay naman sa loob si señorito Alp na masama pa rin ang tingin. Hindi ko alam kung para sa kapatid o para sa akin. "B-Bakit?" mahina itong natawa na hinila akong muli papasok ng elevator. Napapalunok ako dahil nasa likuran namin si señorito Alp at ramdam ko ang mga mata nitong nakatutok sa akin lalo na't nakaakbay pa rin si señorito Brix sa akin. Panay ang lunok ko nang bumukas ang pinto at binitawan na ako nito dahil lumabas na ang kapatid nito. Ngumiti ito sa akin na marahang pinisil ako sa ilong. "Beware baby, that monster is too dangerous especially for those innocent beautiful maiden like you" makahulugang bulong nitong lalo kong ikinakaba. "Bakit? Ano bang gagawin niya señorito?" bulong kong tanong. Napangisi naman itong pumisil sa baba kong itiningala sa kanya at yumuko hanggang sa tapat ng tainga ko. "Nangangain lang naman siya baby, ng mga batang magaganda" makahulugang saad nito na ikinakunotnoo ko at hindi nakuha ang ibig nitong nangangain ng magagandang bata si señorito Alp. Tumuwid na ito sa pagkakatayo pero nandon pa rin ang ngiti nitong tila may ibang ibig ipahiwatig. Wala na akong nagawa nang marahan na ako nitong itinulak palabas at nakangiting kumaway at kumindat sa akin bago sumarang muli ang elevator. Tumalima akong napasunod kay señorito Alp nang pagpihit ko paharap sa kanya ay malapit na ito sa dulo nitong floor. Tama nga si manang Minchita. Mukhang buong fourth floor ay kay señorito Alp lang nakalaan dahil iisa lang ang pinto dito kahit na napakalaki ng espasyo na para ka lang gumagala sa mall! Napaismid na lamang ako na hindi manlang ako nito hinintay kaya lakasloob kong pinihit ang seradula ng pinto at pumasok. Napanganga pa ako sa nabungaran dito sa loob ng silid nito. Para lang itong studio na napakalawak! Nandito na ang kusina, sala, kama at maging banyo! Salamin lang ang harang sa gawing kusina kaya kitang-kita pa rin ito mula dito sa sala. Habang ang kama nitong napakalaki na pangbenteng katao ang kakasya ay nasa gitna nitong silid na pinagigitnaan ng kusina at sala. Kung sa labas ay gold ang tema. Dito sa silid nito ay plain white and gray ang tema na bumagay naman sa kanyang silid. Marami rin siyang toy cars collection na naka-display sa gilid kasama ang mga naglalakihang robot na sina batman, spiderman, ironman, at superman. Tss. Parang bata lang. Napalinga-linga ako na lumapit ditong prenteng nakaupo sa puting sofa nito. Nakadekwatro pa ito na may tinitipa sa kanyang laptop. Hindi ko tuloy maiwasang mailang lalo na't kaming dalawa lang ang nandidito. Seryoso lang naman ito na hindi manlang ako tinapunan ng tingin. Salubong din ang mga kilay na walang kangiti-ngiting lalo kong ikinakakaba. "Ahm, señorito--" "Sit" malamig nitong putol sa itatanong ko. Nag-aalangan man ay naupo na ako malayo dito. Pasimple ko na lamang nililibot ang paningin sa kabuoan ng silid nito at 'di maiwasang mamangha. Lahat ng kagamitan niya dito ay kitang hindi basta-basta ang mga presyo. Napakalinis at kintab ng buong silid. May mga portrait din ito na nakasabit sa wall. Kahit naka-pokerfacer ito sa lahat ng kuha ay hindi 'yon nakabawas sa ganda niyang lalake kundi mas lalong ikinalakas ng datingan nito. Napapahikab ako sa katahimikan naming dalawa. Idagdag pang napakalamig ng silid nito at napakalambot ng sofa na kinauupuan ko. Hindi ko tuloy mapigilan ang sariling antukin. Napasandal ako at ipinikit ang mga mata. Pakikiramdaman ko na lamang ito total naman ay wala itong ipinapagawa sa akin kundi maupo dito sa tabi niya tss. THIRD PERSON POV: NAPANGISI ANG BINATA na masulyapang tuluyan na ngang nakaidlip ang bagong yaya nito. Inaasahan naman na nitong may bagong dating siyang yaya na kapalit ng dating yaya nitong para na niyang ina. Ayaw sana nitong payagan ang matanda pero may sakit na ang asawa nito sa probinsya nila kaya wala na siyang nagawa kundi pakawalan ang yaya nitong pangalawa na niyang ina. Kanina habang papunta siya sa likod ng mansion kung saan ang kanilang swimming pool para sana maligo ay hindi niya inaasahan na nandoon ang isang bagong saltang dalaga. Maingat bawat yabag nito habang papalapit sa dalagang nakatalikod sa kanyang gawi. May kung anong parte sa kanyang puso ang nagdidiwang na masilayan kung gaano kaamo ang mukha ng bago niyang yaya. Nakakatiyak naman siyang ito ang bagong dating na yaya nito dahil kabisado at kilala niya lahat ng kanilang mga katulong. Pero hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit nakakaramdam siya ng inis sa pagsulpot ng nakababatang kapatid na lalake at mukhang natipuhan pa nito ang kanyang yaya. Sa sobrang inis niya ay sa paglalangoy na lamang niya iyon ibinuhos hanggang mapagod. Ngunit ilang oras na ay hindi pa rin pumapasok ang dalawa kaya nag-abang na ito sa pintuan para kunin ang bagong yaya sa kapatid at masolo ito. Hindi niya maipaliwanag ang sarili pero ngayon pa lang.....gusto na niyang ipagdamot ang dalaga at solohin ito. Dahil pakiramdam niya....sa kanya ang dalaga. Kanya lang. At wala ng iba.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD