Alaga

1564 Words
MIKEE: NAGISING AKO na kumakalam ang sikmura. Napatingin ako sasuot kong relo at kitang pasado alauna na pala ng hapon. Napabuntonghininga akong bumangon at muling isinuot ang reading glasses ko. Problemado pa ako kung saan ako pupunta para makakain. Hindi naman kasi nabanggit ni manang Minchita kung saan ako pwedeng kumain. Higit sa lahat ay hindi ko alam ang pasikot-sikot dito sa mansion na tiyak kong mawawala lang ako kapag lumabas ako ng silid. Palakad-lakad ako dito sa loob ng silid dahil nag-aalangan akong lumabas. Panay naman ang kalam ng sikmura ko dahil kaninang madaling araw pa ang huling kain ko. "Mikay?" napalingon ako sa may pinto nang may kumatok doon at tinawag ako. Dali-dali akong nagtungo at pinagbuksan ang kumakatok. Napakunotnoo ako na mabungaran ang isang babaeng kaedaran ko na may malapad na ngiti sa mga labi. Alanganin akong ngumiti dito na mas niluwagan ang pagkakabukas ng pinto. "Mabuti naman gising ka na. Tara sa baba, tiyak gutom ka na" anito na napaka-friendly ng dating. Ngumiti akong lumabas na rin ng silid ko. "Salamat, pasensiya na naistorbo pa kita" saad ko habang naglalakad kami ng hallway. Umiling lang naman ito. "Wala 'to. Katulong din ako dito pero nag-aaral ako kaya sa tuwing weekend at bakasyon lang ako nandidito sa mansion. Ikaw. Ilang taon ka na?" nakangiting tanong nito. "Seventeen pa lang. Ako nga pala si Mikee" pagpapakilala ko na naglahad ng kamay. Tinanggap naman nito ang kamay ko na may matamis na ngiti. "Akala ko Mikay? Ako naman si Betina. Beth for short" may halong kwelang saad nitong ikinatango at lapad ng ngiti ko. Magaan ang loob ko sa kanya. Kita sa aliwalas ng kanyang bilugang mukha ang positive vibes at hindi kaplastikan ang pinapakita. "Salamat Beth" nakasunod lang ako dito na bumaba ng hagdanan. Mabuti na lang at may bago na akong magiging kaibigan dito na kaedaran ko. "Hanggang kailan ka dito Mikay?" muling tanong nito sa biglaang pananahimik namin. Saka ko lang napansing marami-rami din naman pala ang katulong dito na iisa ang suot na uniporme. Magkaternong black skirt na lagpas hanggang tuhod at black blouse na 3/4rt ang haba ng manggas. Nakasuot din ng black flat doll shoes na may puting medyas na abot hanggang ibaba ng tuhod. Pansin kong medyo bata-bata pa ang mga katulong na nadaanan naming kasalukuyang naglilinis dito sa gawi ng sala na napakalawak. "Hindi ko alam. Siguro hanggang makapagtapos ang mga kapatid ko" natigilan naman itong nilingon ako. Ngumiti ako para itago ang panghihinayang sa puso ko na matitigil muna ako sa pag-aaral. "Ahh" tumango-tango lang naman itong pinihit na ang dalawang dahon ng pinto at bumungad sa amin ang malawak na dining! Para akong malulula sa nakikita kung gaano ito kagara at ganda! "Tara sa kusina. Nandon ang iba" napasunod na lamang ako dito at 'di na naman magkadamay sa paglinga-linga sa mga nadadaanan namin. May pinasukan pa kaming isang pinto kung saan naabutan namin ang nasa limang medyo may katandaan ng mga kababaihan. Naka-black slack pants ang mga ito at t-shirt lang. Ngumiti ang mga ito sa amin dahil kasalukuyang may kanya-kanya silang ginagawa. "Siya na ba ang bago nating makakasama?" nakangiting tanong ng babaeng may hawak na sandok na sa akin nakamata at kasalukuyang nagluluto. "Opo Ate Joice. The one and only Mikay!" masiglang sagot ni Beth na ikinalapad lalo ng ngiti ng mga ito. "Nako napakagandang bata! Welcome to the club Mikay. Hwag kang mailang dito dahil dito sa mansion ng mga Castañeda? Iisa tayong pamilya!" nakangiting saad naman ng babaeng may kasalukuyang nagpupunas ng mga plato at baso. Ngumiti akong tumango-tango sa mga ito. "Magandang hapon po" "Kumain ka na muna Mikay, sasabayan kita" ani Beth na hinila na akong maupo ng silya. Natawa namang napailing ang mga nandito. "Akala ko ba magda-diet ka na Beth?" ani ng isa pang babae. Si Beth kasi ay maliit na babae pero may kabilugan ang pangangatawan na bumagay naman sa kanya. Bilugan din ang mga mata na may pagka-morena ang kulay. "Paano ka mapapansin ni señorito Alp niyan kung hindi mo magawa-gawang bawasan ang timbang mo" natatawang tudyo pa nila ditong ikinasimangot ng katabi ko habang pinaglalagyan na ako ng kanin at ulam. "Hmfpt! May girlfriend na naman siya kaya dito ko na lang ibubuhos ang inis ko" pagdadabog nitong ikinatawa ng mga nandito na naiiling. "Nako, hindi ka pa ba sanay? Bakit kasi kay señorito ka nagkakagusto eh nandyan naman si Totoy na patay na patay sa beauty mo" lalong umasim ang mukha nitong napapaismid na rin. "Wag na lang po manang Susie" nagtawanan lang ang mga ito. "Pero itong si Mikay, nako tiyak matitipuhan 'yan ni señorito. Lalo na't siya ang magiging yaya non" napalunok ako sa sinaad ni manang Sussie na nanunudyo ang tono at tingin. "Nako Mikay, hwag na hwag kang bibigay kay baby Alp huh? Akin 'yon. Kay señorito Brix o Kenzo ka na lang. Basta hwag si Alp huh? Baby ko 'yon" hindi ko alam kung anong isasagot dito kaya pilit akong ngumiti na tumango na lamang. Ayoko namang magkaroon ako ng kaaway sa mga katrabaho ko dito. Trabaho ang pinunta ko dito hindi para makipagharutan sa mga anak ng amo namin. Masyadong malayo ang agwat namin at parang suntok sa buwan ang bagay na 'yon. Isa pa ay may Lander na akong pinangakuan ko. MATAPOS NAMING kumain ni Beth ay nagpaalam akong sa labas na muna ng mansion maglibot-libot at hinayaan lang naman nila ako lalo na't may mga trabaho na rin sila. Napapangiti na lamang akong pinagsasawang pagmasdan ang labas nitong mansion hanggang sa nadako ako sa likod kung saan may malawak na swimming pool! Excited akong lumapit sa gilid at naupo na inilublob ang paa dito. Napapikit akong ikinakawag-kawag ang mga paa dito na inaalala ang mga kapatid ko. Gustong-gusto kasi talaga nilang makaligo ng swimming pool sa mga naggagandahang bagong resort sa probinsya namin pero dahil may mga bayad naman kapag pumasok ka ay hindi kami nakakapunta sa mga resort doon. Hanggang ilog at batis lang kami na dahil libre naman ang mga 'yon na pag-picnic-an kahit kailan mo gusto sa amin. "Who are you?" napamulat ako sa baritonong boses na nagsalita sa likuran ko. Napapalunok ako na maramdaman may iba akong kasama dito! Dahan-dahan akong tumayo at pumihit paharap dito. Napatakip ako ng dalawang palad sa bibig at namimilog ang mga mata na unang bumungad ang malapad na dibdib ng kung sino at bahagyang may mga buhok pa iyon! "S-Sorry po" hinging paumanhin ko na hindi na tiningala pa ito at muling napayuko! "I said, who are you?" mas may kadiinang tanong nito na bakas ang pagkairita at pagsusuplado sa tono. Lalo naman akong kinabahan na at bumilis ang pagtibok ng puso ko! "Ahm...M-Mikee po" nauutal at mahinang sagot ko. "Hey Alp did you see--" mariin akong napapikit habang nakayuko pa rin nang may bagong sulpot na baritonong boses na natigilan. Ramdam ko ang mga mata nilang nakatutok ngayon sa akkn kaya lalo akong hindi makaangat ng paningin mula sa pagkakayuko. "Hmm...looks what we have here" ani ng bagong sulpot na lalake na mas masigla at maamo ang boses kaysa dito sa nauna. Namilog ang mga mata ko! Ito na ba ang mga anak ng amo namin? Alp? Tinawag niyang Alp ang unang dating! Kung ganon ang masungit na 'to ang aalagaan ko? Paktay! Akala ko pa naman mga bata o teenager lang ang mga anak ng mga amo namin lalo na't mukha pa naman silang bata. Pero bakit binata ang mga kaharap ko ngayon? "Tsk" dinig kong ismid ng tinawag nitong Alp. "Hey young lady, why are you hiding your face hmm?" ani ng mas malambing ang boses. Napapitlag ako nang humawak ito sa baba ko na itiningala dito. Hindi ako makatingin sa kanyang mukha lalo't matiim na itong nakatitig sa akin. "Wow. So beautiful. Yet so young for my taste" namamanghang saad nito na ikinatingin ko na dito dahil naintindihan ko naman ang sinaad nito. Sunod-sunod akong napalunok nang mapatitig sa mukha nitong parang younger version lang ng amo naming si señor Alp! "Tsk" muling ismid ng katabi nito kaya napatingin na rin ako dito na ikinalakas lalo ng t***k ng puso ko nang magtama ang paningin namin! Nakakahipnotismong makipagtitigan sa mga mata nitong halatang may lahi sa ganda ng mga iyon! Singkit ito na kulay dark lime na bumagay dito. "What?" taaskilay nitong tanong sa pagkakatulala ko dito. Saka ko lang napansin na nakahawak pa rin pala ang isa pang binatang mas bata ang itsura dito kaya nahihiya man ay ibinaba ko ang kamay nitong mahina nitong ikinatawa. "S-Sorry po" mahinang sagot ko na napayukong muli. "Stop looking at her like that Alp-Monster. She's just a kid" ani ng katabi nito. "Hey pretty, chin up. I'm Brix by the way. And you are?" napaangat ako ng mukha at pilit ngumiti ditong alanganing tinanggap ang kamay nitong nakalahad. "M-Mikee po" "Ohh..why so polite baby" napalunok akong napaiwas ng tingin dito lalo na't matiim pa ring nakatitig ang katabi nitong si señorito Alp na siyang alaga kong 'di hamak na mas matanda naman sa akin! "Anyway let's go, I'll tour you around baby" nakangiting saad nitong basta na lamang umakbay na ikinapitlag ko. Naningkit naman lalo ang mga mata ng kaharap namin na nginitian lang nitong si señorito Brix. Napayuko ako dito nang akayin na ako ni señorito Brix dahil napakatalim na ng mga mata nitong animo'y may masama akong nagawa!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD