Mahal na Mahal

2000 Words
ALP: NAPAKUNOTNOO AKO dahil kanina ko pa hindi mahagilap si Mikay. Nasaan na naman kaya ang bubwit na 'yon? Tsk. Hindi niya ba alam na ako lang dapat ang tinututukan niya dahil ako ang alaga niya? Napapalinga ako dito sa may garden pero natigilan nang mahagip ng paningin ko ang dalawang pares sa gawi ng pool na nagkakatuwaan habang nagkakasabuyan ng tubig sa pool. Tawang-tawa pa silang parang mga batang naggagantihang sabuyan. Nagpantig ang panga kong napakuyom ng kamao. Malalaki ang hakbang na lumapit ako sa mga ito. Nakatalikod sa akin si Mikay kaya hindi niya ako napapansin. Akmang aatras ito nang mabunggo niya akong ikinagulat at talon pa nito. "Ayt!" napapihit itong pinaningkitan ko kaya kitang natigilan ito at namutla na mabungaran ako. Nagpamewang ako dito. Maging si Brix ay natigilan din sa pakikipagharutan nito sa yaya ko. "S-Señorito...." nauutal nitong saad na bakas ang takot. "What are you doing here huh? Nalinisan mo na ba ang silid ko!?" singhal kong ikinaputla nito lalo na napapalunok. Lumapit naman si Brix na inakbayan pa ito. Napapamura na lamang ako sa isip-isip. "Chill dude, we're just having fun here. What's the matter with you?" nakangising saad nito na nanunudyo ang tingin. Pinaningkitan ko ang mga ito na ikinangisi lalo ng magaling kong kapatid. "Having fun? Bakit hindi 'yong yaya mo ang kalaruin mo huh?" may kadiinang asik ko dito. "And you!" baling ko kay Mikay sa mas malakas na boses kaya napapitlag pa ito. "You're my personal maid. You must know who's your master!" napayuko ito pero nakita ko pa ang pagtulo ng luha nito. "I'm sorry po señorito" mahinang sagot nito. "Hey, it's okay baby. Ganyan lang talaga ang tempered ni kuya. I told you. He's a monster. That's why I'm calling him... Alp-Monster" bulong ni Brix dito na pasimpleng pinipisil-pisil ang kabilaang punong-braso ni Mikay. "Tsk." napaismid ako dito at hinila na si Mikay pabalik ng mansion. Fūck! Bakit ko ba siya pinagdadamot? MIKEE: TAHIMIK AKONG NAKAYUKONG nagpatianod kay señorito Alp. Malay ko bang bawal makipagkwentuhan sa mga kapatid niya. Isa pa malinis naman ang buong silid niya kaya lakasloob akong lumabas matapos kong magwalis at punas ng mga kagamitan doon. Pabalang ako nitong binitawan pagpasok ng silid nito at parang haring naglakad papasok sa isang silid dito. Puro salamin ang dingding dito maging sa banyo kaya kita ang mga nasa loob. Napapahilot ito ng sentido pagkaupo sa kanyang swivel chair na mariing nakapikit habang salubong ang kilay. Parang napakalaki ng problema haist. Ni hindi marunong ngumiti. Napatayo akong nagmasid-masid dito sa silid. Maayos naman ang lahat. Kumikintab din sa linis kaya anong aayusin at lilinisan ko dito? Napatitig ako sa isang portrait na nakasabit sa wall. Isa iyong beach na may dalawang kuha ng sapatos na magkaibang pares at magkatabi sa may pampang. Nakuha din doon ang dalawang tao na babae at lalakeng magkahawak kamay na nakasentro sa papalubog na araw. "Ang ganda" bulalas kong napangiting nakatitig dito. "Don't touch that" napapitlag ako at agad nagbawi ng kamay sa akmang paghaplos ko sa portrait nang biglang magsalita si señorito Alp sa likuran ko. "S-sorry po" napayuko ako. Napa-tsk lang naman itong muling bumalik sa pwesto. Napayuko akong bumalik ng sofa at naupo. Hinihintay ang sunod na ipapagawa nito. Panay ang hikab ko at minamasahe ang sariling namamanhid na sa matagal-tagal kong pagkakaupo. Buti sana kung may pinagkakaabalahan ako dito. Nakakaantoy pa naman ang katahimikan at lamig ng silid! Idagdag pang napakalambot ng inuupuan ko. Napalingon ako kay señorito Alp at mukhang matatagalan pa naman siya sa ginagawa niya. Napahinga ako ng malalim. "Hindi naman siguro masamang umidlip muna" piping usal ko na isinandala ang katawan at pumikit na. "Uhmmm" Napangiti akong nagpatangay sa antok dala ng lambot ng kinahigaan ko. Bahala nga siya. Wala naman pala siyang ipag-uutos sa akin eh, sinama-sama pa ako dito sa silid niya. Nakakaantok tuloy. ALP : NAPAPAILING NA LAMANG ako na nakaidlip na naman siya sa sofa tsk. Pero kung si Brix ang kasama ay napaka-energetic na tila walang kapaguran at abot tainga pa ang ngiti nito sa kapatid ko. May gusto na ba siya kay Brix? Baka mamaya magkagustuhan nga sila at hindi malabong kunin ni Brix ito sa akin at ipalit ang personal yaya nito kay Mikay. Napailing akong nangingisi sa naiisip. Ano naman kung magkagustuhan sila? Ano bang pakialam ko? Yaya ko lang siya. Napahilot ako ng sentido na biglang umasim ang sikmura sa kaisipang magkakagustuhan si Mikay at Brix. Parang.....hindi ako matutuwa kung sakaling mangyari ng bagay na 'yon. LUMIPAS ANG MGA ARAW na mailap pa rin siya sa akin. Tipong hindi manlang makatingin sa mga mata ko. Pero kung si Brix ang kaharap nito ay nagagawa pa niyang makipagtawanan sa kapatid ko. Kaya naman madalas ay kinukulong ko lang siya dito sa silid ko. Napaangat ako ng mukha mula sa pagkakatungo kong pumipirma sa mga bagong dating na business proposal ng mga investors namin sa AJC multi tower na pinapatakbo ko nang tumunog ang cellphone ko. "Delta" napahilot ako ng noo na isinandal ang sarili. "What's up dude! Nasaan ka na ba? Magsisimula na ang party ni Scarlet wala ka pa dito" napadilat ako ng mga mata na napatingin sa wristwatch ko at pasado alasotso na nga ng gabi! "F*ck! I'm sorry, I'm on my way now!" bulalas kong kaagad ibinaba ang tawag at lumabas ng opisina ko. Nangunotnoo ako na mapansing wala si Mikay sa paligid pero dahil nagmamadali na ako ay dumiretso na lamang ako sa wardrobe ko at mabilis na naligo at nagbihis ng formal! Kaagad kong pinasilab ang kotse palabas ng mansion. Kung bakit naman kasi nakalimutan kong kaarawan ngayon ni Scarlet sa dami ng pwede kong makalimutan ay itong araw na 'to pa talaga! Pagdating ko sa grand hotel ng mga De Falco family ay marami na ngang nagkalat na media. Kilala din kasi ang pamilya nila Scarlet sa larangan ng business at isa itong sikat na model kaya lahat ng ganap sa buhay nito ay inaalam ng media. Naka-pokerface lang akong nakapamulsa ng isang kamay sa pants kong naglakad ng entrance. Wala akong pinapansin sa mga reporter na kaliwa't kanan akong kinukunan at tinatanong. Sanay na ako sa kanila. Lalo na't kilala din naman ako sa publiko bilang isa sa mga batang herederong may sarili na ring kumpanyang pinapatakbo. Nangunotnoo ako pagkapasok ko ng event at nakita ang babaeng hindi ko inaasahang makikita dito! Malalaki ang hakbang kong lumapit sa gawi nito kung san kasalukuyang kumukuha ng desert sa mahabang lamesang puno ng iba't-ibang uri ng desert. Nagpantig ang panga ko na matalim na nakatitig dito. "What are you doing here huh?" madiing bulong kong ikinapitlag nito na bakas ng takot at gulat na matingala ako! Napalunok akong napatitig dito. Naka sleeveless baby pink dress kasi ito na nakaayos at nilugay ang kinulot niyang buhok na ikinatingkad ng kanyang angking ganda. Napakainosente ng itsura at napaghahalataan mong sariwang-sariwa pa! Hindi ko tuloy mapigilang mapatingin sa nakalantad niyang cleavage na may kalusugan din! "Ahm...sorry po s-señorito" "Ang sabi ko anong ginagawa mo dito? Paano ka nakarating dito?" mahinang asik ko dahil marami-rami din namang ibang bisita ang kasalukuyang kumukuha din ng mga dessert na gusto nila. "She's with me Kuya. May problema ba?" nagpantig ang panga ko sa pagsulpot ni Brix at inakbayan pa si Mikay na umaliwalas bigla ang itsura sa pagdating ng kapatid kong magaling! "What?" napakunotnoo ako sa mga ito. Kimi lang namang ngumiti si Brix na napakibitbalikat pa. "Ate Scarlet invite me too Kuya. Sinama ko si Mikay dahil oras naman na ng pahinga niya" napakuyom ako ng kamao na napairap sa mga ito at tinalikuran na lamang sila. Nagngingitngit ang loob ko. Kaya naman pala hindi ko na ito nahagilap pa kanina sa silid ko dahil nandidito na siya nagliliwaliw kasama si Brix! At talagang nagpaayos at bihis pa siya huh?! "Hey Alp, I thought you wouldn't come" napangiti akong sinalubong ng yakap ang birthday celebrant na napapanguso na. "I'm sorry sweetheart, na-late lang naman ako" bulong kong humalik sa pisngi nito. Nakabusangot pa rin itong kitang nagtatampo sa akin. "Sorry na, hwag ka ng magtampo hmm?" "Kung 'di lang kita mahal eh" napairap itong ikanahalakhak kong muling niyakap itong pinaghahalikan sa kanyang ulo. "Shall we?" naglahad ako ng kamay pero yumakap naman ito sa isang braso ko na ikinangiti at iling kong sinamahan itong nag-ikot-ikot sa mesa ng mga bisita nito para kumustahin at pasalamatan ang mga ito. Hindi tuloy maiwasang tuksuin kami ng iba sa nakikitang closeness namin. At sanay na kami ni Scarlet na laging napagbubulung-bulungan na may something na namamagitan sa amin kahit na ang totoo ay matalik lang kaming magkaibigan. O baka dahil hanggang kaibigan lang ang tingin niya sa akin. "Tired?" nangingising tudyo kong ikinairap nito na tinungga ang champagne glass nito. Kita ko namang pagod na rin ito sa dami ng bisitang inaasikaso lalo't wala dito ang pamilya niya at kung tungkol naman sa mga kaibigan ay kami lang ni Delta Madrigal ang kaibigan nito. "I want to sleep na Alp. May shoot pa ako ng maaga bukas sa may Taguig" napapangusong reklamo nito. "Come here sweetheart" inalalayan ko itong isinandal ang ulo sa balikat ko at hinayaang makapagpahinga muna. Siya namang lapit ni Delta sa amin na may kasama na namang ibang babae kaya napatayo itong muli na nakataas ang kilay at kitang nasira na ang mood. "Happy birthday baby--" "Can we talked?" putol nito sa pagbati ni Delta na natigilan dahil kitang seryoso si Scarlet na matalim ang tinging ginagawad dito. "Y-yeah, sure" alanganing pagsang-ayon nito na pilit ngumiti. Napahinga ako ng malalim na muling naupo sa pwesto namin at panay ang tungga sa champagne na kaharap ko. Alam ko namang may gusto si Scarlet kay Delta mga bata pa lang kami. Sadyang manhid lang si Delta na hindi napapansin ang lihim na pagmamahal sa kanya ni Scarlet. Katulad ko na lihim ding nagmamahal kay Scarlet mula umpisa hanggang ngayon. "Hi handsome, are you alone?" napangisi akong tinaasan ng kilay ang babaeng kanina lang ay parang sawa na nakalingkis kay Delta pero ngayon ay ako naman ang planong paglingkisan nawala lang saglit ang kaibigan ko. What a bītch! "No, I'm fine" pambabara ko agad sa pagpapantasya nito sa akin. Umasim naman ang mukha nitong kitang hindi nagustuhan ang inasal kong lalo kong ikinangisi at panay ang tungga na lamang ng champagne. Saglit lang ay nakita ko na si Scarlet na galit na galit ang mukha na sinusundan ni Delta na papunta. .....dito sa gawi ko. Napalunok ako dahil sa akin nakatutok ang mga galit niyang matang ikinatayo ko sa kinauupuan. "Scarlet" kabadong saad ko. Tumingala itong galit pa rin ang itsura na kitang nagtitimpi lang. "Is it true huh Alp? Tell me" madiing asik nito. "Scarlet please, maraming reporter dito" mahinang pag-awat ni Delta na hindi nito pinansin at nakamata lang sa'kin ang mga namumula na niyang mata! "Sabihin mo Alp Jhanlo Castañeda" napalunok akong parang nanigas ang dila na hindi makaapuhap ng isasagot dito. Idagdag pang sobrang bilis ng kabog ng dibdib ko sa mga nangyayari ngayon! "Tell.Me. Are. You. Inlove. With. Me?" Nanigas akong parang binuhusan ng nagyeyelong tubig sa madiing saad nito na nagngingitngit ang mga ngipin! Para akong maiiyak na hindi ko alam! Hindi ko naman kasi inaasahang mabibisto ako nito at kukomprontahin ng harapan! "Answer me Alp!" "Scarlet enough. Your drunk" ani Delta dahil napapansin na kami ng ib t ang mga reporters ay kinukunan na kaming tatlo! "Sagutin mo ako Alp. Mahal mo ba ako?" ulit nitong tanong. Siya namang sulpot ni Mikay dito sa gawi namin. "Mahal na mahal kita" madiing sagot kong ikinatigil nito at singhap ng mga nakarinig. "Mikee" kasabay ng pagbigkas ko sa ibang pangalan ay hinapit ko si Mikay sa baywang at walang pag-aalinlangan kong hinalikan ito sa kanyang mga labing ikinayakap nito sa baywang ko na nanigas! Tumulo ang luha kong malalim itong hinalikan at hinayaan na ang mga reporters na pinagpipyestahan na kaming kinukunan habang ang marami ay napapatili at hiyaw na sa amin!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD