New Master

1465 Words
ALP : MAHIGPIT KONG HAWAK ang kamay ni Mikay na hinila na ito palabas ng event dahil dinagsa na kami ng mga reporters. "Sir Castañeda may we know who is your girlfriend name?" "Sir kailan pa kayo in a relationship?" "Sir sino po siya? Bakit ngayon niyo lang pinaalam sa publiko?" "Sir any comment po about your secret girl?" Wala akong pinapansin sa mga reporters na kaliwa't kanan ang pagtatanong at pagkuha sa amin ng photos at video ni Mikay habang inaalalayan kami ng mga bodyguards namin palabas ng hotel. Malalaki ang hakbang ko na kaagad inalalayang makapasok ng kotse ko si Mikay dahil hanggang dito sa parking lot ay sinusundan at kinukulit kami ng mga reporters! "Fūck! Fūck! Fūck! Goddamn it!" sunod-sunod akong napapamura ng malutong sabay pinaghahampas ang manibelang naglilikha ng pagbusina ko! "Urrgghhh!! Shīt!" napasabunot ako sa ulo na naipit pa kami ng traffic dahil rush hour ngayon! Nasulyapan ko naman si Mikay na nakayuko at bakas ang takot sa nakikita sa akin ngayon. Napatampal ako ng noo. Ang laking iskandalo ang kahaharapin ko bukas. At paniguradong ikakasira ko kung hindi ko maipapakilala ng maayos sa lahat ang babaeng hinalikan at sinabihan ko ng mahal na mahal ko sa birthday party ni Scarlet. Hindi ako pwedeng masira sa publiko. Dahil tiyak na ikakalugi ng kumpanya ko ang kapalit non. Bagay na hindi ko mapapayagang mangyari. Mariin akong napapikit na napapahilot ng noo. Paano ko ba ihaharap si Mikay sa publiko? Paniguradong aalamin nila ang background check nito. Maging ang pamilya nito ay damay din. Ngayon pa lang ay parang masisiraan na ako ng bait sa mga lalabas na katanungan tungkol sa kanya. Tahimik lang itong nakayuko hanggang makarating kami ng mansion. Nauna akong bumaba at hindi na ito pinagbuksan pa. Padabog akong pumasok ng mansion. Sobrang inis na inis akong ganto ang kinalabasan ng pagpunta ko sa birthday ni Scarlet. Bagay na kailanman ay hindi ko inaasahang mangyari. Kuyom ang kamao ko na nagpapantig ang panga. "Kuya?" natigilan ako sa pagtawag sa akin ng nakababatang kapatid namin. Si Iris. "Yes?" napanguso naman itong lumapit na pinasadaan ako ng tingin mula ulo hanggang paa. "What's the matter with you?" "Why?" kunotnoong tanong ko. Napaismid itong yumakap sa tagiliran ko at iginiya sa elevator. "Nothing. It's just that...you look pissed. Is there a problem Kuya?" nag-aalalang tanong nito na tiningala pa ako. "Nothing sweetie" aniko na humalik sa kanyang noo. Napangiti itong yumakap pa lalong ikinatawa ko. Alam na alam niya talaga kung paano maglambing sa akin lalo na kapag gantong sira ang mood ko. Lagi naman eh. Kaya sa aming lahat dito sa mansion ay sa akin kinakabahan ang mga tao dito lalo na ang mga guards at katulong. Dahil sa lahat ng anak nila mommy Irish at Alp? Ako ang pinakamasungit. Kaya hindi ko masisisi ang mga tauhan namin dito na natatakot at kinakabahan kapag kaharap ako. Dahil minsan ay nabubulyawan ko rin kasi ang mga ito lalo na kung palpak sila sa trabaho. "Aren't your going to your room hmm?" untag ko na sa floor ko ito bumaba ng elevator. Napanguso itong umiling na nakayakap pa rin sa akin. "No. I want to sleep in your room tonight Kuya. And there's nothing you can do to stop me" napailing na lamang akong napahinga ng malalim sa pagiging bossy na naman nitong akala mo'y siya ang nakakatanda sa aming dalawa. Si Iris at Shayne kasi ang pinakamalapit sa akin. Dalawa lang silang babae na kapatid ko at masaya akong malapit silang dalawa sa akin na kuya nila. Oo nga't masungit at maarte ako pero pagdating naman sa pamilya ko lalo na sa mga babae sa mansion na 'to ay malambing din naman ako sa kanila at nai-spoiled din sila sa akin. Si mommy Irish, si Iris at Shayne. Napapailing na lamang akong pagpasok namin ng silid ko ay hinubad na naman nito ang kasuotan at tanging underwear lang ang tinira. Alam ko naman kasing hindi makatulog at hindi komportable si Iris at Shayne na matulog na may damit. Sanay na rin naman ako sa mga ito dahil madalas din nila akong ginugulong katabihin matulog. Kahit din naman kay kuya Kenzo at Brix ay ganto sila, mas madalas nga lang sa akin. Tumuloy ako ng banyo at nag-shower para palamigin ang ulo. Mariin akong napapikit at tingala na ninanamnam ang pagbagsak ng tubig sa mukha at katawan ko mula sa showerhead. Mapait akong napangiti na maalala na naman ang ganap kanina sa birthday party ni Scarlet. Kung sana hindi niya ako kinompronta sa ganong sitwasyon? Hindi sana ako napasubong umamin na may mahal na at hinalikan ko pa sa harapan nila. Ngayon ay hindi ko na tuloy alam kung paano ko aayusin ang gusot na napasok ko. Isang maling galaw ko lang ay maaaring ikabagsak ng sales ng kumpanya ko. Bagay na hindi ko mapapayagang mangyari. Matapos kong naligo ay naka-robe lang akong lumabas ng banyo habang nagpupunas ng towel sa basang-basa kong buhok. Napailing na lamang akong maabutang nandidito na rin si Shayne na katabi ni Iris at parehong naka-underwear lang na komportableng nakadapa sa kama kong nahihimbing na. Palibhasa manang-mana sila kay mommy ng kakulitan at kapilyahang taglay. Kaya naman hindi ako nagdadala ng mga babaeng nakaka-fling ko dito sa mansion eh. Bigla-bigla na lamang kasi sumusulpot ang dalawang nakababatang kapatid kong babae dito sa silid ko. Napahinga ako ng malalim na umayos ng higang pinagitnaan namin ni Shayne si Iris at kinumutan ang mga ito. Dalagang-dalaga na ang mga ito pero para pa ring mga bata kung umasta at mag-isip. Napangiti akong niyakap si Iris nang tumagilid ito na nagsumiksik sa dibdib ko. Ang sarap lang sa pakiramdam na hindi sila naiilang sa akin at ganon din naman ako sa kanila. Mariin akong napapikit at nagpatangay na rin sa pagod at antok. Pakiramdam ko tuloy ay napakahaba ng nangyari sa araw na 'to. Araw na pinakapinagsisisihan ko. KINABUKASAN AY mag-isa na akong nagising sa silid. Mataas na pala ang sikat ng araw sa labas. Nangunotnoo akong makitang wala pa rin si Mikay na dapat ay naglilinis na ng silid ko! "Ang aga mong problema. Nasaan ka na naman ba?" iritadong saad ko na napabangon na ng kama. Natigilan ako nang maisip ito. "H-hindi kaya.....nasa loob pa rin siya ng kotse?!" Napatakbo akong lumabas ng silid at bumaba ng mansion! Fūck! Baka nga pala hindi siya marunong magbukas ng pinto at nakulong na siya sa loob ng kotse ko buong magdamag!! Napasabunot ako sa ulo na patakbong lumabas ng mansion. Napasapo ako sa noo na pagkalabas ko ay hindi ko pa nadala ang susi ko! Beth!?" pagtawag ko sa isang maid naming kaagad lumapit. "Good morning señorito Alp, ano po 'yon?" malambing tanong nito na napakurap-kurap pa ng mga matang ikinaningkit ko ditong napangiwi ang matamis na ngiti. "Kunin mo ang susi ng kotse sa silid ko" supladong saad ko. Napanguso naman itong ikinataas ng kilay ko. "Hurry up!" untag kong napalakas ang boses. "Eto na. Ang sungit mo talaga" inis nitong saad na nagdadabog nagtungo sa elevator. Napapailing na lamang ako dito. Sa lahat ng katulong namin ay ito lang ang hindi natatakot o naiilang sa akin kahit isa siya sa mga sinusungitan ko lagi. Kinatok ko ang bintana na kinaroroonan ng Mikay. Tinted pa naman ang kotse ko kaya hindi maaninag ang tao sa loob. "Mikay!?" muling katok ko dito. "Mikay!? Naririnig mo ba ako?" muling katok ko dito. "Sira-ulo ka!" napagewang ako sa biglaang pagsulpot ni Brix na sinapak ako sa panga! "Ginamit mo na nga si Mikay pinahamak mo pa!" bulyaw nitong naupo sa dibdib ko at muli akong sinapak ng magkakasunod! "Ano bang problema mo!?" bulyaw ko dito na pinagpalit ang posisyon namin. Napakuyom ako ng kamao na nagtatagis ang panga dahil kahit paano ay hindi ko naman siya kayang sapakin! "Anong problema ko?" sarkastikong tanong nito na nanlilisik ang mga mata sa akin. "Ikaw ang problema ko Kuya!" Napatānga akong tumayo na nagpahid ng bibig kong dumugo sa suntok nito. Bumangon din itong nagpampag ng sarili. "Hindi ka na naawa kay Mikay. Dahil sayo nasa hospital siya ngayon" natigilan akong napatitig dito na nangilid ang luha. "W-what do you mean?" kabadong tanong ko. Mapakla itong natawa na napailing sa akin. "Ikaw kaya ang ikulong ko sa kotse mo buong magdamag na walang hangin o aircon, kung hindi ka ma-suffocate" napalunok akong napipilan sa narinig dito. "Nasaan siya. I want to see her" napangisi itong nakwelyohan ako. "Kukunin ko na siya sayo, hindi ka nararapat....paglingkuran ng isang katulad niya, makasarili ka Kuya. Nakausap ko na sina mommy at daddy at pumayag na silang ako ang aalagaan niya, ako na.....ang magiging master ni Mikay. Hindi na ikaw. Maghanap ka na, ng bagong yaya mo" madiing saad nito na napakatalim ng ginagawad na tingin sa mga mata ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD