MIKEE: NANIGAS AKO NA mapagsino ang kasama ng anak ko. Biglang bumilis ang t***k ng puso ko na makita ang taong kailanman ay hindi ko inaasahang makikita ko dito! Hindi ako makakilos..Hindi makaapuhap ng sasabihin. Kitang maging ito ay bakas ang kagulatan na makita ako dito. "Mama!" napabalik ang ulirat ko sa pagyakap ng anak ko sa aking ikinabitaw ko ng tingin ditong kinarga si Jackee at malalaki ang hakbang na tinalikuran ito! "Mikay! Wait!" lalo akong nataranta na marinig itong tinatawag ako at ramdam ang paghabol na ikinabilis lalo ng kabog ng dibdib ko!! "Mama habol ka nung tao oh" ani Jackee na nakayakap sa leeg ko na nakaharap kay Alp sa likuran ko! "No anak. Hindi siya tao. Alien siya kaya hindi ka dapat nakikipagusap sa kanya okay?" natigilan itong napayakap sa akin at ikinub