MIKEE: NATUOD KAMI NI Alp sa pagsulpot ni papa na may dalang....itak!??? "Pa, paalis na po siya. 'Di ba Alp? Paalis ka na" pagpapagitna kong nilingon si Alp na pinandidilatan ng mga mata pero natutulala lang ito sa kinatatayuan na tila hindi malaman ang sasabihin at gagawin! "Alp?" "Huh? H-hindi ah. Ayokong umalis. Hindi ako aalis" namilog ang mga mata ko sa matatag nitong saad na napatuwid ng tayo at hindi manlang mabakasan ng takot kahit nasulyapan naman na niyang may dalang itak si papa! "Ayaw mong umalis?" ani papa na ikinalunok ko. Napahawak sa braso nito at napailing. Nagsusumamo ang mga matang tumitig dito at sinenyasan itong karga ko si Jackee. Nagpantig ang panga nito na napahingang malalim. "Ipasok mo na sa loob si Jackee Mikay" may kadiinang utos nito. Napalingon ako kay