Secret Wedding

1227 Words
MIKEE: PABALING-BALING AKO ng ulo na pinapakiramdaman ang paligid. Masyadong tahimik ngunit ramdam ko ang mga matang nakatutok sa akin. Dahan-dahan kong idinilat ang mga namimigat kong mata at unang bumungad ang puting kisame at dextrose na nakasabit sa ulunan ko. Mapait akong napangiting unti-unting iniangat ang kanang kamay kong dama kong kumikirot. 'Di nga ako nagkamali. Nasa hospital na naman akong naka-suero. "How do you feel Mikay?" napalingon ako sa malambing boses na nagsalita sa gilid ko. Saka ko lang napansing nandidito ang tatlong babaeng amo ko. Si señora Irish, señorita Iris at Shayne na matamang nakatitig sa akin ang mapupungay nilang mga matang bakas ang awa at simpatyang nakatutok sa akin. "Okay lang po ako señora" ngiti kong sagot dito. Hinawakan naman nito ang kamay ko na pinisil-pisil iyon. "Nakausap na namin ang tatay at mga kapatid mo Mikay" maalumanay nitong saad na ikinapilig ng ulo kong napatitig dito. "Po?" "Ipapakasal namin kayo ni Alp sa ibang bansa. Para panagutan ang ginawa sayo. Hindi din ako pabor na madehado ka dito dahil babae din ako, at may dalawang dalaga" natulala ako sa sinaad ni ma'am na halos hindi mag-sink in sa utak kong paulit-ulit nagri-replay. "Hindi mo ba natatandaan ang nangyari kagabi ate Mikay?" ani señorita Shayne na ikinalingon ko sa kanya. Mapait itong napangiti na naupo sa paanan ko katabi si señorita Iris. Nag-init ang mukha ko na maalala nga ang nangyari kagabi sa amin ni señorito Alp. Napayuko akong nangilid ang luha. Pinipisil-pisil naman ni ma'am Irish ang kamay kong tila pinapagaan ang loob ko. "I'm sorry Ate Mikay. Hindi manlang kita natulungan kagabi kay kuya. Maging ako ay nabigla na makagisnan kayo ni kuya Alp. Habang pwine-pwersa ka na niya. Natakot ako kaya nanatiling nagtulog-tulugan" napalapat ako ng labing pigil-pigil ang sariling mapahikbi. "Shh.... don't worry Mikay, hindi ka naman matatakbuhan ni Alp. Dahil ako mismo ang aasikaso sa pagiisang dibdib niyo. Nagtungo na rin ang sir Alpha niyo sa probinsya kasama si manang Minchita para pormal na makausap ang pamilya mo tungkol sa pagpapakasal niyo ng pasikreto ni Alp" napatango lang akong nanatiling nakayuko at hinahayaan ang mga luha kong nag-uunahang mag-alpasan! KINABUKASAN AY naabutan ko naman si señorito Alp na salubong ang kilay at kitang wala na naman sa mood. Kabado akong lumapit na ginawan ito ng kanyang kape. "Kape niyo po señorito" hindi ito umimik o sinulyapan manlang ang nilapag kong kape nito. Nakatutok lang siya sa laptop na may tinitipa. "Prepare yourself we're going to America tonight" napakurap-kurap akong napatitig dito. Seryoso pa rin ang facial expressions nito na salubong ang kilay at 'di manlang ako tinapunan ng tingin. "Ano po?" "Are you deaf?" iritadong tanong nito na matalim ang tinging ginagawad sa aking ikinalunok kong napatango na lamang dito. "Tsk" Napapabuga ako ng hanging tumalikod na ditong lumabas ng kanyang silid. "Ang sama talaga ng ugali" ismid kong napapairap na padabog sumakay ng elevator at nagtungo ng silid ko. Natigilan ako nang makasalubong ko sa hallway si manang Minchita na may matamis na ngiting nakamata sa akin. Alanganin akong ngumiti na napayuko dito. "Magandang umaga po" "Magandang umaga Mikay. Naihanda mo na ba ang mga damit na dadalhin mo?" anitong ikinapilig ko ng ulo. "Ano po bang nangyayari?" 'di ko mapigilang tanong na ikinasalubong ng mga kilay nitong napatitig sa akin. "Hindi pa ba sinabi ni señorito Alp sayo?" "Ang alin po?" napakurap-kurap itong luminga sa paligid at sinenyasan akong ilapit ang mukha dito. "Pupunta kayong America para doon magpakasal" namilog ang mga mata kong napatitig ditong natutulala at paulit-ulit nire-replay sa utak ko ang narinig dito. "Po!? Kami magpapakasal?!" "Shhh..." kaagad agap nitong tinakpan ng kanyang palad ang bibig ko. "Hwag kang maingay. Secret wedding naman ang magaganap sainyo. Gusto lang makasiguro nila señora Irish na paninindigan ka ni señorito Alp kaya minadali ang lahat" Nanghihina akong napasandal ng dingding. Magpapakasal kami? Kahit pa sabihing sikreto ang magiging kasal namin ay pareho lang naman ang resulta non. Magiging mag-asawa kami ni señorito. Parang tinatangay sa kawalan ang utak at diwa ko sa kaisipang mapapangasawa ko ang amo ko. Ni sa panaginip ay hindi ko naisip na pakasalan ang isang katulad ni señorito Alp. "Congratulations Mikay. Alam kong hindi magiging madali ang magiging buhay mo sa piling ni señorito pero....masasabi kong kayang-kaya mo siyang palambutin. Pasasaan ba't...mapapaibig mo din siya" nanunudyong saad nitong tinapik-tapik ako sa balikat. "Sana nga po. Kahit para siyang leon at ako naman ay isang dagang alipin niya lang" TULALA AKO HABANG nakasakay sa eroplano. Nasa likurang bahagi ko naman si señorito Alp na hanggang dito ay hindi umiimik. 'Di ko tuloy maiwasang mailang lalo na't lantaran niyang pinapakitang hindi niya gusto ang kasalang magaganap sa amin. Hindi rin nakasama ang pamilya ko pero alam naman nilang ikakasal na ako sa isa sa mga anak ng amo ko. Habang si señorito Alp ay kasama namin ang buong pamilya nito maging si señorito Brix na halatang nagtatampo rin sa akin at hindi ako iniimikan o kahit sulyapan manlang. Kabado akong naninikip ang dibdib pagkalapag ng eroplano. Kahit gusto ako ng pamilya ni señorito Alp para dito ay hindi ko pa rin magawang magsaya at maging kampante. Alam ko naman kasing napilitang itong magpakasal kami dahil sa namagitan sa amin noong nakaraan. Kahit lasing na lasing siya noon ay malinaw sa ala-ala kong hindi ako ang nakikita niya habang inaangkin niya ako. Kundi ibang babae. Ang babaeng dinaluhan namin ni señorito Brix ang kaarawan. Si ma'am Scarlet. Pagdating namin sa tutuluyang hotel ay lalong nangangatog ang mga tuhod ko dahil sa iisang kwarto nila kami pinagsama ni señorito. Nahihiya din naman akong umapila kaya sumusunod lang ako. Pabagsak itong nahiga ng kama kaya sa sofa na lamang ako tumuloy. Nakakailang na tuloy ngayon ang sitwasyon namin. Ayoko rin naman magalit ito sa akin kaya hindi na lamang ako umiimik at pinapakiramdaman ito. Kahit naman kasi maging asawa ko na siya ay alam kong sa papel lang 'yon. Dahil pagkatapos ng kasal namin dito? Babalik din kami sa realidad kung saan yaya niya ako, at amo ko siya. Buong gabi kaming walang imikan o kahit magsulyapan. Sa kama siya natulog habang ako sa sofa. Kahit sobrang lamig dala ng klima at aircon ay tiniis kong mamaluktot kaysa naman maglalakasloob akong makitabi kay señorito sa kama kung saan komportable itong nahihimbing. KINABUKASAN NGA ay kinasal na kami. Dito mismo sa hotel na tinuluyan namin. Parang walang kasal na nangyari dahil hindi naman katulad sa mga alam kong kasal ang nangyari sa amin ni señorito. Naka-simpleng white dress lang ako habang ito'y naka-white polo at black pants. Kami-kami lang din ng buong pamilya nito ang naging witness habang kinakasal kami ng isang judge. Buong ceremony ay wala manlang itong kangiti-ngiti kahit nga nang sabihan kami ng judge na halikan na niya ang kanyang bride ay hindi nito ginawa o kahit ang sulyapan lang ako. Bakas na napipilitan sa lahat dahil nasa likod lang namin ang kanyang pamilya na nakabantay sa mga kinikilos niya. Matapos nitong mapermahan ang aming marriage certificate ay umalis na ito ng hotel. Ni hindi nagpaalam kung saan pupunta. O kung anong oras babalik. Napahinga ako ng malalim. Ngayon pa lang ay para na akong sinasaksak sa dibdib sa nakikita ditong mas lalong nanlamig ang pakitungo. Na tipong parang walang taong nag-e-exist sa kanyang mundo. Paano ko naman kaya siya mapapaamo? Lalo na ang....mapaibig ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD