Announcement

1102 Words
ALP : NATAMEME AKO SA sinaad nito na siya na ang bagong aalagaan ni Mikay. Lalo na ang nangyaring nasa hospital ito ngayon dahil sa pagkakakulong niya sa loob ng kotse ko! "Fūck!" napasabunot ako sa ulo na pinanggigilang pinagsisipa ang gulong ng kotse ko sa halo-halong emosyong nararamdaman ko! Hindi ko siya pwedeng ipaubaya kay Brix! Lalo na ngayon na kailangang-kailangan ko siya para malinisan ko ang gusot na napasok ko! Malaking eskandalo ito sa akin oras na hindi ko maiharap sa publiko ang hidden girlfriend ko! "Señorito, susi niyo po" ani Beth na iniabot ang susi ng kotseng pabalang kong kinuha at kaagad sumakay. "Tss..Ang bait mo talaga. Pasalamat ka mahal kita" dinig ko pang ismid nito na hindi ko na pinansin dahil sanay naman na ako kay Beth. Alam ko namang may gusto siya sa akin pero wala akong planong patulan siya. Walang-wala nga sa katangian at panlabas na itsura niyaang mga ideal woman ko. Paano naman ako magkakagusto dito. Mabilis kong pinaharurot ang kotse patungo sa hospital namin. Tiyak naman kasi akong doon dinala si Mikay. Panay ang buga ko ng hangin para ibsan ang kabang lumulukob ngayon sa dibdib ko! Buong buhay ko ay ngayon lang ako nakadama ng halo-halong emosyon na hindi ko mapangalanan! Kabado ko at natatakot na hindi ko maintindihan kung para saan, o para kanino! Nalilito ako. Napapamura na lamang akong bakas ang pamumula ng pasa sa gilid ng labi kong pinaputok lang naman ni Brix dahil kay Mikay. Kung hindi ko lang iniisip na nakakabatang kapatid ko pa rin ito ay baka mas malala pa ang inabot nito sa akin. Anong saysay na black belter ako at professional trained sa mix martial arts kung hindi ko madepensahan ang sarili? Malalaki ang hakbang kong tinungo ang elevator nitong ground floor at pinindot ang 20th floor kung saan ang residence floor na nakalaan lang sa aming pamilya at sa mga tauhan namin. Halos takbuhin ko at isa-isang tinitignan bawat silid na nadadaanan ko hanggang s narating ko ang dulong bahagi na kinaroroonan nito. Hinihingal akong napapabuga ng hangin at napapahid ng pawis sa noo. "Patient name: Mikee" basa ko sa pangalan nitong nakalakip sa pintuan. Napahaplos ako dito na nakadama ng guilt. Kasalanan ko kung bakit siya na-hospital. Pero hindi ko naman alam kung paano mag-sorry dito ng maayos. Pagpihit ko ng doorknob ay nasilip ko kaagad sa loob si Brix na nakahawak sa kamay ni Mikay na may dextrose at mariing nakahalik ito doon habang nakapikit. Natuod ako sa kinatatayuan at hindi makakilos. Pero dama kong parang pinipiga ang puso ko sa nakikita ngayon habang nahihimbing pa rin si Mikay at hawak ng ibang lalake ang kamay nitong nakadampi sa labi nito. Maingat kong muling isinara ang pinto at nanghihinang napasandal dito. Para akong sinasaksak sa dibdib sa kaisipang....nahuhulog ang kapatid ko sa personal yaya ko. "What are you doing here son?" napalingon ako kay mommy na bagong dating at may dalang basket ng white roses habang si daddy naman ang may bitbit sa basket na puno ng iba't-ibang prutas. Pilit akong ngumiti na humalik sa pisngi nito at kinuha sa kanila ang kanilang dala. "Visiting her Mom" napakunotnoo itong napatitig sa akin. "Your visiting her but you're just standing here outside her room?" anito na pinihit na ang seradula. Napalapat ako ng labing nag-iwas ng tingin dito. Tinapik lang naman ako ni daddy sa balikat na marahang tumango. Napatayo si Brix na malingunan kaming bagong dating. Nangunotnoo pa ito na mapalingon sa akin at sa mga dala kong akala yata niya ay ako ang bumili kaya ang sama na naman niya kung makatingin. Kung wala lang siguro sina mommy at daddy ay baka sinugod na naman ako nitong babasagan ng mukha! "How is she Brix?" lihim akong nagdidiwang na naitanong iyon ni mommy. Hindi ako lumingon sa gawi nila at nagkunwaring walang naririnig habang nagi-slice ng apple at mango na para kay Mikay. "She's fine now Mom, but she needs to take a rest" anito na ikinahinga ko ng maluwag na malamang maayos na si Mikay. "Yeah, of course" sang-ayon naman ni mommy dito. "Anyway. Alp" "Yes Mom" sagot ko na hindi na nilingon ang mga ito. "Brix talked to me last night about you and Mikay. Is it okay with you son if--" "No Mom" putol ko agad sa iba pang sasabihin nito dahil nakakatiyak naman akong ang pagpapalit ng personal yaya ko ang sasabihin nito kung sumasang-ayon ba akong ipaubaya si Mikay kay Brix. "What!?" napangisi akong nagsubo ng slice ng apple sa narinig na bulalas ni Brix. Napapihit akong may matamis na ngiting dala ang dalawang bowl ng mga in-slice kong prutas. Lihim akong napapangisi na makitang salubong ang kilay ni Brix at namumula ang mga taingang kitang nagtitimpi ng galit at inis sa akin dahil nandidito sina mommy at daddy. Kimi akong ngumiti at kumindat lang dito na nakiupo sa tabi ni mommy. Katabi din naman nito si daddy sa kabilang gilid nitong kama nmat pinagitnaan namin si Mikay na nahihimbing pa rin dala marahil ng gamot. "Pero Mom, pumayag na kayong ako na ang aalagaan ni Mikay" anito sa iritadong tono at napakatalim ng tinging ginagawad sa akin. Napapataas tuloy ako ng kilay dito at may munting ngising naglalaro sa labi kong lalo nitong ikinaiinis at pantig ng panga! "Pumayag na ba ako? Ako ang alaga ni Mikay, kaya desisyon ko pa rin Brix kung ibibigay ko ang yaya ko sayo, o hindi" kalmado at may kadiinang sagot ko ditong mapaklang natawa. "Pero sa ginawa mong ito kay Mikay? Karapat-dapat ka pa bang alagaan niya? Damn Kuya, alam mo ba kung ilang lang itong nang-aalaga sayo huh?" natigilan ako at napipilan sa sinaad nitong napapangisi at iling. Tahimik lang naman ang mga magulang namin sa pagsasagutan namin ni Brix na mukhang tinitimbang ang bawat side. Pero kung tutuusin ay alanganin nga ang lagay ko dahil sa nangyari kay Mikay na naiwanan ko sa kotseng ikina-suffocate tuloy nito! "Ako pa rin ang master ni Mikay sa ating dalawa. Hwag ka ng umapila Brix, una siyang napunta sa akin" "So what? That doesn't mean you owned her" sarkastikong sagot nitong ikinapantig ng panga kong matiim na nakikipagtitigan din dito. "I owned her brother" ngisi kong ikinapalis ng ngisi nito. "Oh really? Since when hmm?" "Since last night" balewalang sagot kong ikinatigil nito. Lalo akong napangisi na dumampot ng sliced apple na isinubong nang-aasar ang tinging ginagawad dito. "Have you forgotten, what I did last night at the party. Sooner or later? I'll announce to public that I'm getting married.....with my secret girlfriend, and that girl is no other than....Mikay"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD