MIKEE: NAPAPALAPAT AKO ng labing pinipigilan ang sariling mapangiti habang naglilista ng mga stocks na paubos na. Matapos ang mainit naming halikan ni Alp sa loob ng stock room ay napilit ko din itong palabasin bago pa may makakitang magkasama kaming dalawa. Palabas na ako ng stock room nang dumating si papa galing sa bigasan namin sa kabilang kanto na ikinahinga ko ng maluwag dahil kasalukuyang busy si Alp sa labas na naghahakot ng mga bagong dating na supply ng groceries. "Mabuti naman at hindi ka naglalalapit sa Castañeda na 'yon" ani papa na kinuha sa akin ang listahan. "Sumusunod lang po" tanging sagot kong nag-iwas ng tingin sa paninitig nitong tila binabasa ang reaksyon ko. Napahinga ito ng malalim na inakay ako palabas ng grocery at nagtungo sa kalapit na karinderya. Napasul