MIKEE: PAGKATAPOS NAMING mag-agahan ay isinama din ni tatay si Alp sa amin sa grocery store. Bilang kargador. Kahit hindi niya kami pinapalapit ni Jackee dito ay bakas pa rin naman ang saya sa mukha ni Alp na panakaw-nakaw tingin sa aming mag-ina na napapangiti at kindat sa tuwing hindi nakatingin si tatay. Hindi ko tuloy mapigilang mapangiti sa pasimpleng pagsulyap-sulyap nito na kahit ang anak namin ay napapangiti at kinakawayan pa ang ama nito. "Mikay, dadalawin ko lang ang bigasan sa kabila huh? Umayos ka dito" napalingon akong napabusangot kay papa na may dalang log book at ballpen. "Maayos naman po ako ah" ingos kong ikinatuktok nito sa dalang log book sa noo ko. "Alam ko. Maayos ka, dati. Iba na ngayon" makahulugang saad nitong ikinanguso ko. "Hwag na hwag kong malalamang nagla