Second Chance FINALE

2764 Words

MIKEE: PILIT AKONG ngumiti na inalalayan itong makatayo. Napatitig ako ditong luhaan at bagsak ang balikat. Nagmamakaawa ang itsura na panay ang tulo ng luha. Napasapo ako sa magkabilaang pisngi nito na matiim pinakatitigan sa kanyang mga mata kahit panay din ang tulo ng luha ko. "M-Mikay" basag ang boses na pagtawag nito sa pangalan ko. "Alp mahal kita. Mahal na mahal pa rin kita. Pero kasi, kasi" napayuko akong napahagulhol na sumubsob sa kanyang dibdib. Napahagulhol din itong mahigpit akong niyakap. Napakahigpit na tila nahihinulaan na niya ang kasunod ng sasabihin ko. "Mikay isang pagkakataon pa. Pangakong hinding-hindi mo pagsisisihan na magtiwala ulit sa akin. One last chance baby, I promise you this time, I'll be better than before" napaayos ako ng tayo na nagpahid ng luha.

Read on the App

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD